Loveless Story
February 7, 2021...
so mukhang si Ate Hipag pala ang naputukan noong nagdaang holiday..
well, hindi ko talaga naiintindihan ang pag-iisip ng mga babae... 🙁
sa opinyon ko, bawal na bawal ang magpadarang..
ang dapat sa mga babae bago madarang:
1) isipin muna nang husto kung may sapat na financial na kakayahan yung lalaki
2) at yung totoong mas mahalaga, alamin muna kung responsable nga ba yung lalaki o walang proteksyon na torjack-an lang talaga ang habol
it is very stupid na aware ka sa madilim na nature ng mga kalalakihan..
it is very stupid na alam mo na eventually ikaw lang yung magdadala nung bata sa sinapupunan..
pero napakadali lang para sa'yo na isuko yung bagay na 'yon, kasi ano..?
kasi hinamon ka ng lalaki na patunayan yung pagmamahal mo...??
tama na ang gaguhan sa mundo..
eh yun ngang asawa na eh idinidispatsa pa ng mga masasamang lalaki..
yun pa kayang hindi pa naman asawa..
matuto naman kayo... 🙁
is feeling , nope.. mas nakumbinsi tuloy ako na hindi ko dapat saluhin yung responsibilidad ng ibang mga tao...
>
anyway..
confirmed na yung location..
same number nga...
nakakatuwa ang god's Eye..
pero aanhin ko naman yung ganitong klase ng kakayahan, kung sobrang sakitin naman nitong vessel na pinaglagyan sa akin... 🙁
is feeling , gusto ko pang umabot sa araw na magagawa ko nang makumpleto yung Dream Date ko...
---o0o---
February 8, 2021...
simula na..
seryosohan na...
nagpadala na ng mga inquiries sa mga kakailanganin kong establishments...
is 💌 feeling , let's do this.. sa ngalan ng kunwa-kunwariang pagmamahal...
>
so may mga sagot na..
ang sort of good news..?
medyo bumaba yung mga kailangan na budget...
para sa bioweapon screening..
nasa Php 4,000 na lang yung regular test, pero plus Php 100 para sa PPE miscellaneous..
Php 5,000 naman kung single day rush yung result...
bale Php 400 ang ibinaba nun compared sa huli kong data...
okay din na Monday to Saturday bukas yung clinic..
at na 8:00 AM to 5:00 PM yung oras ng operation...
accredited naman nga ng DOH yung laboratory nila...
is feeling , ang mahal magmahal...
>
sa flower shop naman..
isa pa lang yung may sagot..
pero mukhang siya yung mas pabor sa lumiit kong budget...
Php 1,200 para sa dozen basic roses..
Php 400 each naman kung Ecuadorian..
posible ang delivery doon sa resort, for Php 150..
8:00 AM to 7:00 PM ang delivery, so kayang dumikit sa dinner time..
pwede ang online payment..
at may anti-bioweapon protocol silang sinusunod sa business nila...
is feeling , GCash.. nasaan ka ngayong totoong kailangan kita..?? ginawa ninyo akong isang hamak na basic account holder...
---o0o---
February 9, 2021...
nagsusulat na nung offer simula kahapon..
mukha namang tapos na..
pero paulit-ulit ko pang chini-check for error and completeness...
may nakalimutan pala akong kausapin..
yung terminal... 🙁
sa ngayon, nakatuon lang ang atensyon ko sa dating project na 'to...
is 💌 feeling , race against destruction...
>
masakit na araw... 🙁
kausap ko pa man din siya kanina... 🙁
bumisita pala si Arjo sa location nila..
pero kasama naman nila si Ate Hipag noong simula...
pang-Valentine's na kaya..?
o baka bukod pa rin yung pang-Valentine's...??
ang masama nun..
iniwan sila ni Ate Hipag..
buwisit..
baka nagpaputok yung 2 iyon..
baka matulad siya sa ate niya...?? 🙁
is 💔 feeling , hayop ka, Arjo.. huwag ka ngang dalaw nang dalaw.. baka mamaya madalhan mo pa ng bioweapon yung babae.. ikaw na lang ang mag-uwi ng bioweapon sa probinsya ninyo, para mapeste na kayo doon...
---o0o---
February 10, 2021...
[Medical Condition]
13th try..
meron pa ring foreign mass..
hindi ko masabi kung mas madami ba siya kumpara dun sa huli o ano...
nasa day 66 na ako..
meron na lang akong 3 weeks para maka-recover pa...
is feeling , hayop kang katawan ka.. mag-clear ka na, please...
>
update naman mula sa PITX...
nasa 1 to 2 hours daw ang interval ng mga biyahe..
nahihirapan tuloy akong tantsahin kung anong oras siya dapat mag-travel in case na walang maghahatid sa kanya... 🙁
is feeling , 5 hours na waiting time..? terrible memories...
>
bakit naroon pa rin si Arjo..?
2nd day na ah..
pinatulog ba nila siya sa condo unit nila..??
at hinayaan pa nila silang mag-inuman doon...??
is 💔 feeling , pinapainit ninyo ang ulo ko sa mismong planning stage ko...
---o0o---
February 11, 2021...
ang good news ulit..?
naging considerate sila at bumaba sa estimate ko yung actual na kailangan kong ilabas...
she asked me to call her..
so ayun..
narinig ko na naman tuloy yung boses niya..
iniiwasan ko ngang ma-miss siya eh..
kaso tinukso na naman ako..
pasaway na bata... 🙁
is 💘 feeling , gusto kong siya ang kumumpleto sa akin...
>
paano ba..?
bale, natanggap na yung alok ko..
yung buong plano ko..
at least yung concept nun...
pero bago matuloy 'yon..
kailangan munang maging pulido ang pag-iwas ko sa lintik na bioweapon na yan..
especially yung mga variant na pinakakawalan ng mga pabaya lately...
is ⚠ feeling , kailangang manatiling ligtas ng province na 'to...
---o0o---
February 12, 2021...
sobrang bilis ng takbo ng panahon ko..
parang kamakailan lang, naisip ko na ang bilis lang na natapos ng January..
tapos ngayon, nasa may kalagitnaan na kaagad ang February...
may 6 days na lang pala ako para maglalabas ng bahay...
is feeling , kailangang maging pulido ang bawat galaw...
---o0o---
February 13, 2021...
marami-raming suwerte yung kailangan ko...
- suwerte sa kalusugan, laban sa bioweapon at sa pagkabulok ng katawan ko
- suwerte para hindi maulit ang mga lockdown
- suwerte sa weather
- at suwerte na rin sa pagpasok sa akin ng pera
is feeling , sinong diyos ba ang dapat ko pang tawagin...??
-----o0o-----
February 6, 2021...
last day of work..
general cleaning bukas..
after that, para sa kanya na lahat ng mga susunod na araw hanggang sa makumpleto yung date...
is feeling , 27 days...
---o0o---
February 13, 2021...
hindi ko mapindot lately yung social media like button..
kasi naman naka-Imperial mode...
is feeling , kamuhian lahat ng mga kalaban...
>
[Piracy]
ang sakit..
ang sakit-sakit... 🙁
after 2 projects na medyo maganda-ganda ang performance..
biglang banat na naman ng ganid at paspasan na piracy... 🙁
binigyan lang ako ng 47 days para sa marketing..
tapos sa kanila na ulit yung product..
54% lang yung naabot ko sa actual quota ko..
at 72% lang sa adjusted quota...
hindi ko na naman tuloy alam kung hanggang ilang buwan ulit yung hihintayin ko bago maabot yung buong quota..
at kung kailan ko pwedeng mai-release yung project #14...
is 💀 feeling , put*ng ina mo, COVID-19.. gawin mo naman yung role mo.. gusto mong pumatay ng mga tao.. puwes pumatay ka naman ng mga kriminal!!!
No comments:
Post a Comment