Friday, February 19, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of February 2021 (Hearts' Greetings)

Loveless Story


February 14, 2021...

wala akong masyadong pakialam sa araw na 'to..
i believe related din yung okasyon sa religion..
kaya naman hindi kita babatiin, anonymously..
tutal may Arjo ka naman eh...

anyway..
6 months na simula noong mahanap kita..
3 months naman na ang nakalipas matapos tayong magkita sa personal..
wala lang..
masaya ako na nakilala kita..
kahit pa may mga nagbago sa'yo kumpara noong January 2020...

sana nga..
sana magkita ulit tayo..
kumpletuhin mo yung mga memories na wala pa sa buhay ko...

is 💌 feeling , 4 days left for me...


>
masyado na nga akong organized kung tutuusin sa tuwing may mga lakad ako..
mas lumala pa ngayon...

madaming kailangang pag-aralan..
madaming kailangang kausapin..
madami kasi ang first time lang..
tapos may mga adjustments pa dahil sa bioweapon..
ang pinakamatindi dun, hindi na ako pwedeng kumilos pagpasok ko sa isolation..
hindi pwedeng mag-decide kaagad tungkol sa ilang bagay hangga't wala pa ang resulta nung iba...

is feeling , pero kakayanin ko.. para sa'yo...

---o0o---


February 15, 2021...

medyo nakakatawa..
binati niya ako kahapon..
pero pahirapan pa para kay Arjo na kumbinsihin siya na mambati naman...

so hindi pala siya yung tipo ng babae na naniniwala sa santo na iyon...

dumiskarte ng long range si Arjo..
kinasabwat si Ate Hipag para sa kalokohan niya..
pero ang mahalaga, eh magkahiwalay sila kahapon...

is 💌 feeling , alam ko kung bakit mo ako binati.. at wala akong pakialam sa dahilan na iyon.. tatanggapin ko ang lason, kahit na ano pa ang maging kapalit...

---o0o---


February 16, 2021...

[Natural Calamities]

put*ng ina mo, Taal..
nagse-setup ka ba ng isang malaking trap para sa plano ko...??

is feeling , lagot na.. mahaba-haba pa ang 3 to 4 weeks...


>
[Medical Condition]

14th try..
meron pa ring foreign mass... 🙁

nasa day 72 na ako..
at may nasa 2 weeks na lang para i-check pa ang status ng nabubulok kong katawan...

sobrang unfair mo, FATE..
sobrang unfair ninyong mga nasa itaas...

is 💀 feeling , mukhang hindi talaga ako hahayaan ng kapalaran na gawin ang bagay na kukumpleto sa akin...


>
unang major na labas sa buwan ng February..
nanloob na ng bangko kanina...

from November to February..
nasa Php 170,000 na kaagad yung nailalabas kong pondo...

is feeling , nakilala ko siya sa pinaka-maling posibleng timing.. ayun nga at nagtatarantado na naman yung Taal Volcano eh...


>
kinuha ko na lahat ng mga contact number ng mga establishments na kakailanganin ko kung saka-sakali...

ch-in-eck ko rin kanina yung lugar nung screening center..
it's okay na open ground siya, hindi sa air-conditioned na lugar kung saan posibleng kumalat yung bioweapon in case na may carrier na huminga doon sa lugar..
pero hindi ko in-expect na mga naka-tent lang sila doon..
akala ko eh may open ground, pero may actual office din naman...

anyway..
ang sagot sa akin sa social media eh legitimate daw yung satellite clinic nila..
so kailangan ko silang pagkatiwalaan...

is ⚠ feeling , basta iwas lang sa ulan.. o sa ashfall...

---o0o---


February 17, 2021...

lagot na..
naubusan na pala ako ng pwedeng i-render..
meron pa naman kahit papaano..
pero dalawang pang-fix lang ang mga iyon at hindi full scene...

is feeling , sobrang busy ng utak ko dahil sa ibang mga bagay...

---o0o---


February 18, 2021...

una..
nabalda yung isa kong binti..
nahirapan kasi akong makahanap kanina ng supplement sa palengke..
sobrang rare pala nun..
pero kahit papaano eh nakahanap pa rin naman ako...

is feeling , ano ba talagang nangyayari sa katawan ko...??


>
sobrang paranoid ko nang dahil sa kanya...

- nariyan yung patuloy na pagdurugo ng nabubulok kong katawan
- yung takot sa basic na bioweapon
- yung takot sa UK and other more contagious na variant
- yung takot sa mga palpak at mga pahamak na patuloy na gumagawa ng paraan para mas kumalat yung bioweapon sa loob ng bayan
- at meron na rin ngang banta ng bulkan

is feeling , ang sakit-sakit na ng ulo ko.. pero nasimulan ko na 'to eh...


>
tapos nakikigulo na naman si FATE..
doon sa resort..
wala naman dating swab test at medical certificate requirement..
pero biglang ngayon eh meron na... 🙁

anak ng..
hindi ko talaga kaya ang laro ng mga mayayaman... 🙁

is feeling , tama na please.. huwag nyo nang dagdagan ang mga problema ko...


>
umuwi pala siya sa probinsya..
kaya pala inactive..
nakasama na naman tuloy niya yung si Arjo... 🙁

is 💔 feeling , put*ng ina.. hindi ba pwedeng maging pulido naman para sa akin ang bagay na 'to...??

---o0o---


February 19, 2021...

put*ng ina, Facebook..
ilang local government unit yung kailangan kong tanungin tungkol sa mga put*ng inang medical certificate..
tapos saka ka eksaktong naka-down... 🙁

is feeling , put*ng ina mo, FATE.. lubayan mo naman ako...


>
oo, takot ako...

mahirap lang ako, kaya naman suntok sa buwan para sa akin yung mga ganitong klase ng plano..
hindi ko gusto yung mga nangyayari..
kasi habang tumatagal..
habang dumadami na yung mga nagagawa ko para dun sa plano..
eh parang unti-unting dinadagdagan ng FATE at ng bioweapon yung mga gastusin ko...

takot akong mapahiya..
takot akong ma-short sa budget..
at takot akong masira yung buong plano nang dahil lang sa mga adjustments na dulot nung bioweapon...

is feeling , tama na ang mga pahirap, please...


>
ewan ko ba sa mga tao..
mas preferred ko talaga yung written conversations..
kasi mas madaling mag-note kapag ganun..
at may proof pa of conversation...

yung tanong ka nang tanong kung paano at ano ba ang mga payment details nila..
pero paulit-ulit na mali yung sini-send nilang sagot...

is feeling , maghihintay pa ulit tuloy hanggang bukas...


>
eh yung nalaman mo na Japanese-style pala ang magiging paraan ng pagkain ninyo..
seriously..?
Php 3,500, pero uupo lang sa lapag...??

anyway..
wala nang atrasan 'to..
naikasa na eh..
wala akong option kundi ang manatiling negative..
or else, mawawalan nang saysay lahat ng effort ko para sa pangarap na 'to...

is feeling , negative lang parati...

---o0o---


February 20, 2021...

secured..
may parang resibo na ako...

pagiging purong negative na lang talaga ulit ang kulang...

is feeling , universe, ibigay nyo na sa akin ang isang 'to...

-----o0o-----


February 13, 2021...

[Gadget-Related]

so ngayon ko lang nalaman..
kapag pala sa smartphone, eh nangde-drain ng battery yung no network coverage..
yun nga pala yung dahilan kung bakit minsan eh sobrang bilis ng pagbaba nung battery level ng Nokia 2.3 ko..
depende pala yun sa naka-set na carrier...

sa ngayon hindi ko pa masabi kung yun bang system update yung nagti-trigger nung bigla na lang no network coverage..
at kung yun bang synchronization nung mga SIM after restart ang dahilan naman kung bakit automatic na nagkakaltas ng load yung network kahit patay naman ang mobile data...

is feeling , seriously, dapat lagyan ng locking mechanism yung mobile data...

---o0o---


February 14, 2021...

[Medical Condition]

1 taon na rin nga pala akong nagsasalamin sa mata sa harapan ng computer..
nakakaasar lang na nagmamarka siya sa may ilong ko...

is 💀 feeling , 1 taon pa lang.. pero kung anu-ano na yung nasa lens...


No comments:

Post a Comment