NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 136 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
January 2, 2021...
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
daily black prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is 💀 feeling , day 182...
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html
update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 136 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
- yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
- yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac
- yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities, pero sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC
- yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross
- yung ayaw na ng kapayapaan kasama ng mga rebelde, pero willing na magbigay ng COVID-19 vaccine para sa mga rebelde
- yung kagustuhan na i-exempt ang mga lokal na mamamayan na nasa UK mula sa travel ban na laban sana sa pagkalat ng UK COVID-19 variant
- yung ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK, pero late nang kikilos
- yung ginagawang hostage ang Visiting Forces Agreement (VFA) kapalit ng pagkakaroon ng vaccine mula sa USA
- yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines
- yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled, at maging sa mismong smuggler na rin
- yung kagustuhan na madaliin ang approval ng Imperial vaccine, sa kabila ng mababang efficacy rate nito at ng pagiging mas mahal kumpara sa iba pang vaccines
- sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Davao City, yung empleyado ng Davao City Treasurer's Office na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng gusali ng Sangguniang Panlungsod
- sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
- sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
- sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
- yung empleyado ng DOJ, na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil ng tinatawag daw na pasalubong mula sa isang customs broker
- sa Camp Castañeda sa Silang, Cavite, yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon, na nag-ugat daw sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises
- sa Pampanga, yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper
- sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder
- sa Paniqui, Tarlac, yung pulis na innocent-killer na pumatay ng walang kalaban-laban na mag-ina nang dahil lang sa away sa boga at righ of way
- sa Zamboanga City, yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo, kasi nagkaroon daw ng pagtatalo dahil lasing yung isa
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
- sa Baguio City, yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo, kung saan 2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera
- sa Tarlac, yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice, na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri
- yung Mayor ng Los Baños, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
- yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
- yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
- sa Iloilo City, yung sinasabing Tumandok Massacre raw na laban na naman sa mga indigenous people
- sa Negros Oriental, yung nire-red tag na babaeng doktor at ang kanyang asawa na biktima ng tumbahan
- yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas
- yung sinasabing Search Warrant Queen
- yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
- yung pagbibigay ng executive branch ng mga kondisyon para ma-certify na urget yung anti-money laundering law amendments bill
- sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
- sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
- yung bad example na senador na nagsasabi na magmalasakit daw at mahalin ang mga pulis, kahit na may mga kriminal sa hanay ng mga ito
- yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
- yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
- yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
- yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan, tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19
- yung problema sa usapin sa face shield, dahil biglaan na naman ang pagpapatupad nang hindi naman pinag-aaralan lahat ng klase ng sitwasyon
- yung pagpabor sa Imperial vaccine kahit na mahal pala iyon at wala pang Phase III trial
- yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy nung Imperial vaccine kahit na mas mahal iyon
- yung pagpapakawala RAW sa Pfizer vaccine deal
- yung opisyales na nagsasabi na kesyo kailangan daw muna na magkaroon ng community transmission ng UK COVID-19 variant mula sa kung saang bansa bago mag-issue ng travel ban para sa bansang iyon
- yung hindi convincing na mataas na rating sa DOH para sa pagtugon laban sa COVID-19
- yung mga health workers na nasaktan ang damdamin dahil hindi sila ang totoong priority para sa COVID-19 vaccination
- yung mga PSG na nabakunahan na RAW ng Imperial vaccine
- yung umamin na smuggled pala yung mga Imperial vaccines na ginamit para sa Presidential Security Group (PSG)
- yung ayaw sabihin kung sino yung nag-donate at nag-smuggle nung mga Imperial vaccine papasok sa bayan
- yung may nauna na rin DAW sa cabinet sa COVID-19 vaccination
- sa Olongapo City, yung pulis na nag-organize raw ng pagtitipon kung saan nalabag ang mga health protocols
- yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
- sa Davao City Hall, yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party, nag-iinuman pa raw habang naka-duty
- sa Laoag, Ilocos Norte, yung holiday party ng local government unit na lumabag daw sa mga health protocols
- yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)
- yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
- yung may nakapasok sa bayan na COVID-19 carrier na mula sa UK sa panahon ng UK variant
- yung gusto rin ng sobrang tinong PhilHealth na ituloy yung pagtataas sa rate of contribution for 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
- yung wala palang silbi yung salita lamang upang mapahinto kaagad ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth, dahilan kung bakit patuloy ang paniningil nila ng mas mataas na kontribusyon
- yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members sa 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
- yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS, kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income, bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution sa 2021
- sa website ng SSS, yung mali ang lumalabas na final total para sa babayarang contribution kahit na tama naman yung initial na computation
- yung plano ng Bangko Sentral na gumamit ng bago at pangit na logo na malamang magdulot na naman ng pagpapalit ng disenyo ng mga kasalukuyang pera
- yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
- yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
- yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
- sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
- sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
- yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
- yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
- yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin, dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon
- sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
- yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
- yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
- yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
- yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
- yung suliranin sa supply ng karne ng baboy, dahil yung ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun
- yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
- yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
- yung kapag nasisita eh hindi member, pero kapag tungkol sa utang o limos ang usapan eh automatic na member
- yung opisyales na kumanta sa isang restaurant sa panahon ng COVID-19, pero palalagpasin na lang siya ng DILG
- yung hindi patas na pagpapatupad ng DILG ng mga patakaran laban sa mga lumalabag sa mga health protocol
- yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
- yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
- yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
- yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
- yung opisyales nag-uutos na bawal daw ang mga party, pero sila mismo eh masamang ehemplo
- yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy, kasi inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19
- sa Davao City, yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result
- yung kailangan pa RAW ng anger management ng mga pulis
- yung surprise inspection para sa Malate Police, na naging dahilan kung bakit sila inalisan ng Christmas at New Year break, at sinibak din ang kanilang hepe, kasi sobrang kulang yung bilang ng mga dinatnan na naka-duty kumpara sa dapat na bilang
- yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon, na nag-ugat daw sa selos
- yung sinibak na hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes, na pabor sa pagpatay sa mga inosenteng tao kapag naubusan na ng pasensya ang mga pulis
- yung may dati na palang mga kaso yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, 6 na nasa record na may kasamang Homicide
- yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment
- yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
- yung mga mamamayan na masyadong pinahahalagahan ang mga handa at materyal na bagay para sa holiday season
- yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos, na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield
- yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year, na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility
- yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
- yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
- yung mga deboto ng isang religious na rebulto, na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19, kaya naman nalabag na ang mga health protocol
- sa Parañaque City, yung religious group na nagdaos ng event sa panahon ng COVID-19 kung saan marami ang dumalo at nalabag na raw ang mga health protocols
- sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
- sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
- yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
- sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
- sa Manila North Cemetery, yung pasaway na party kung saan may inuman at videoke, at balewala na ang health protocol
- sa Quezon City, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang compound dahil sa pagdadaos ng birthday party, kung saan isang government employee daw na may symptoms ng COVID-19 yung dumalo doon sa party
- yung mga OFW na nagrereklamo dahil sa panibagong paghihigpit sa pagta-travel dulot ng UK COVID-19 variant, kahit na wala pa naman talagang nagagawang totoong lunas simula pa noong December 2019
- sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
- sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
- yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
- yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
- yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
- sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
- yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya
- yung mga online users na nagsasabi na tama lang yung ginawang pagpatay nung pulis na innocent-killer sa Tarlac kahit na wala namang armas yung mga naging biktima
- yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
- yung mga pro- sa shutdown nung TV network na naglaro sa bahay ng mga celebrities
- yung latest na survey tungkol sa 2022, kung saan mataas ang popularity ng mga magnanakaw
- sa Pampanga, yung mga kaawa-awang migratory birds na pinagbabaril ng mga tao
- sa Parañaque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
- sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
- sa Imus, Cavite, yung 2 Imperial citizen na nahuli dahil sa pag-kidnap at pagto-torture sa 1 Taiwanese kapalit ng ransom
- yung kagustuhan ng National Grid Corporation of the Philippines na ma-exempt ang mga ka-deal nila sa travel ban na dulot ng UK COVID-19 variant
- yung pagpapabaya ng WHO laban sa bagong strain ng COVID-19 virus na mula sa UK
- yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
- sa Ilocos Norte, yung Imperial citizen at ang driver niya na nag-present ng pekeng antigen test result
- yung may ilegal na RAW na pagbabakuna sa loob ng bayan gamit ang Imperial vaccine
- yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine
- yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
-----o0o-----
so totoo nga..
may pro- sa shutdown nung TV network na naglalaro ngayon sa bahay ng mga celebrities... 🙁
magkaiba yung panawagan sa shutdown..
kumpara sa hindi lamang pagbibigay ng franchise...
is feeling , ang kapal ng mukha.. gamitan lang talaga ang laro niya...
>
hindi ko na nakuha yung lugar..
basta yung babaeng pulis na nagpaputok ng baril nito raw bagong taon..
nag-ugat daw sa selos...
is feeling , kung kaya ng mga lalaki, kaya rin ng mga babae.. tukso ng gatilyo...
>
sa Camp Castañeda sa Silang, Cavite..
yung kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na binugbog ng mga kapwa niya kadete nitong bagong taon..
nag-ugat naman daw ito sa pagsita ng biktima sa 3 suspek dahil sa pag-iinuman sa school premises...
kadete pa lang pero mga tiwali na... 🙁
is feeling , nakakatakot.. parang training ng mga halimaw.. irespeto natin sila kung ayaw nating masaktan...
---o0o---
January 3, 2021...
sa Pampanga..
yung construction worker na napatay ng pulis matapos na mapagkamalang holdaper...
is feeling , sablay...
---o0o---
January 4, 2021...
yung napasok na rin ng COVID-19 ang Philippine Military Academy (PMA)...
is feeling , sablay... paano kaya..? sa mga nagpapasok kaya ng pagkain...??
>
yung pagbibigay papuri sa paggamit ng smuggled na vaccines... 🙁
hindi sobrang mahalaga ng isang buhay..
lalo na kung ito ay pahamak lang para sa nakararami...
is feeling , legal na ang smuggling...
>
yung may mga Imperial employees ng mga offshore companies ang naturukan na RAW ng COVID-19 vaccine...
nandito sila sa loob ng bayan..
so smuggled din ang mga ginamit nila... 🙁
is feeling , mabuhay ang smuggling.. ang pag-asa para sa pagbabakuna...
---o0o---
January 5, 2021...
yung may nag-positive RAW sa COVID-19 sa hanay ng mga Imperial citizens sa bayan na naturukan na ng kung anong vaccine..
na malamang na Imperial vaccine rin...
is ⚠ feeling , palpak na vaccine...
>
yung pagpoprotekta sa mga gumagamit ng smuggled..
at maging sa mismong smuggler na rin...
alam nilang mali yung proseso nung pagpapasok nung produkto sa bayan..
alam nilang wala pa rin ngang permit yung produkto..
kaya bakit protektadong-protektado nila ang smuggler...??
is feeling , kaya huwag na tayong magtaka kung bakit hindi talaga natatapos ang problema ng mundo sa ilegal na droga...
---o0o---
January 5 to 9, 2021...
yung hotel kung saan may namatay o napatay na flight attendant matapos na mag-party doon noong New Year..
na napag-alamang lumabag pala sa COVID-19 protocol para sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility... :(
parang nag-merge pa raw ng party ang 2 room eh...
is feeling , general rule.. men can be dangerous.. humans can be dangerous...
>
yung nasira kaagad yung bangkay nung namatay na babaeng flight attendant bago pa man na-autopsy..
inembalsamo kaagad kesyo protocol daw dahil sa COVID-19...
is feeling , wasak ang ebidensya...
>
yung lokal na mamamayan na naka-travel palabas ng bayan..
tapos saka napag-alaman sa Hong Kong na carrier na pala siya ng UK variant ng COVID-19... :(
is ⚠ feeling , ibig bang sabihin na pumalpak ang screening sa kanya sa bayan...??
>
sa Zamboanga City..
yung sundalo na nakapatay ng kapwa niya sundalo..
nagkaroon daw kasi ng pagtatalo kasi lasing yung isa...
is feeling , sila-sila na naman...
>
yung mga turista na pilit pumapasok sa isla ng Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results...
may perang panggala..
pero ayaw pang gumastos para sa totoong swab test... :(
is feeling , kagagaling...
>
yung mga deboto ng isang religious na rebulto..
na hindi nagpaawat dahil sa okasyon kahit na may banta pa ng COVID-19..
kaya naman nalabag na ang mga health protocol...
is feeling , baka pinarurusahan ang sangkatauhan dahil bawal ngang sumamba sa mga materyal na bagay...
>
yung suliranin sa supply ng karne ng baboy..
dahil yung hinayupak na ASF (African Swine Fever) eh nakapasok na rin nang husto sa loob ng bayan dahil sa palpak na pagbabantay laban dun... :(
is ⚠ feeling , damay din tuloy ang supply at presyuhan ng iba pang mga naiuulam...
>
yung basurang pulis na innocent-killer sa Tarlac..
na ang kapal ng mukha na maghain ng not guilty plea kahit na huling-huli sa video yung kasamaan niya...
is feeling , kasing-demonyo ka ng lahat ng mga tiwali sa loob ng sistema...
No comments:
Post a Comment