Friday, January 1, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of December 2020 (Day of Smile)

Loveless Story


December 27, 2020...

[Strange Dream]

simple lang..
na continuous...

napanaginipan ko na nag-release na din daw ng mga bagong photos ni Miss Hn..
hindi naman din daw kita yung mismong itsura niya, katulad din nung sa iba..
pero batid ko na siya iyon...

siguro ganun yung naging panaginip ko dahil sa naging discrepancy sa number ng images..
at siguro eh dahil na rin dun sa pinaka-last na i-p-in-ost na photo ni Miss Hn...

is feeling , ayoko ng ganung panaginip.. mag-date na lang tayo next time...


>
naka-schedule kahapon na wasakin ang existence ng isa sa mga drone ko..
so supposedly, umaandar na yung proseso simula noon...

nagawa na niya yung trabaho niya..
nakuha niya yung data na kinailangan ko noon..
at talagang ipinahamak lang ako nung depektibong smartphone na katulong niya...

is feeling , wasakin ang mga naiwang bakas.. at magsimula nang malinis...


>
hindi nakakatuwa 'tong development tungkol sa Imperial virus...

winasak ng pamunuan ang bayan ng dahil sa pakikipagsabwatan nila sa objective ng Imperyo..
hindi lang internal economy ang isinakripisyo nila kapalit ng mga put*ng inang international travel na yan..
literal na mga buhay ang sinisira nila hanggang sa ngayon...

hindi ako makakalimot..
sila ang nagpahirap sa akin ng mahigit 9 months..
kagagawan nila kung bakit nagkaroon si Miss Hn ng pagkakataon na wasakin ang balat niya..
kasalanan ng sistema nila kung bakit nag-overspend ako ng nasa Php 7,000..
at hindi ko rin nga nahalikan yung mga labi ni Miss Hn dahil sa pinapasok nilang Imperial virus...

kung mas lalala ang sitwasyon kumpara sa ngayon..
kung walang magagawa laban sa mutation ang mga existing na na vaccines..
mas magiging mahirap para sa akin na matupad ang dream date..
kukulangin ang Php 50,000 para dun sa plano..
kakainin ng medical procedures, transportation, at nung mismong deal yung pondo..
at wala akong magagawa kundi umasa sa swab test at kapalan yung mukha ko na hilingin sa kanya yung halik niya nang swab test lang ang kanyang guarantee for safety...

is feeling , kailangan ko ng plano kung saan magiging ligtas din siya...

---o0o---


December 29, 2020...

nga pala..
nagkatotoo na kahapon yung panaginip ko noong isang araw lang..
nakisali na rin nga sina Miss Hn sa pagri-release ng photo materials...

i guess ganun talaga kasama yung sitwasyon ngayon para sa kanila..
at napaka-delikado pa naman ng mga tao sa mundo na 'to... ๐Ÿ™

hindi ko gusto yung ganitong pakiramdam..
wala man lamang akong magawa for her..
hindi ko naman pwedeng ikasa na yung plano ko, dahil hindi ako mayaman to take the huge risk.. ๐Ÿ™
kung kaya ko lang sanang mangitlog ng ginto para sa kanya...

is feeling , pwede ba akong humiling na para sa espesyal na araw niya..? alam kong hindi mahalaga ang mga luho sa buhay.. pero gusto ko sanang magkaroon siya ng sapat na support para manatiling matatag sa gitna ng pagsubok na dulot ng Imperyalismo...


>
[Medical Condition]

5th try..
pero meron pa rin talagang foreign mass..
at nasa 24th day na ako..
still with no physical symptom naman...

mukhang hindi talaga makaka-recover ng kanya ang vessel na 'to...

ano nga bang maaasahan ko sa buhay..?
malas ako, yun na yung summary ng buong buhay ko..
pwede akong lumaban..
pwede akong mandaya, para lang maranasan kung paano mabuhay..
pero dapat i-expect ko na bibigat at bibigat ang negative karma na papasanin ko habang tumatagal...

ayokong sirain ng sakit na 'to yung Endorphins na ibinahagi sa akin ni Miss Hn..
gusto ko sanang mag-focus lang sa mga magagandang alaala..
pero sarili kong katawan ang nagpapaalala sa akin na nabubulok na ako...

kailangan ko na yatang maglaan ng oras para sa Lottery...

is ๐Ÿ’€ feeling , stop bleeding...

---o0o---


December 31, 2020...

konting oras na lang ang hinihintay ko..
para masabi ko na yung mga bagay na 'yon sa kanya...

i know i'll never be perfect for you..
or stable..
ni hindi ko nga kayang maging normal na tao eh..
sariling vessel ko eh sinusukuan na ang buhay ko..
for now, what i know is..
gusto kita..
at na masaya ako na nakakilala ako ng isang katulad mo sa mga nalalabing panahon ng buhay ko...

is feeling , konti pa...


>
so may nakuha akong magandang year end gift ngayong umaga..
a video of her (bale may mga kasama siya), na nagsasayaw nga sa tune ng isang naughty song...

mas gusto ko 'tong recent video na 'to..
mas natural yung itsura niya..
just like kung paano ko siya nakita sa personal..
bukod dun..
naka-high heels siya..
at totoo ngang mas bumagay sa kanya noong nagkalaman yung long legs niya..
halo-halo na..
ipinapakita yung kakulitan niya..
at siyempre yung sobrang ganda niyang ngiti...

is ๐Ÿ’˜ feeling , ano nga kaya..? susundin kaya niya yung payo ko na tumigil-tigil na muna sa pagpapa-ink...??

---o0o---


January 1, 2021...

lagot..
magkasama sila kagabi ni Arjo.. ๐Ÿ™
anak ng..
nagpaputok kaya ang mga yun..??
huwag naman sana...

respeto naman, Arjo..
walang buntisan hangga't hindi pa kasal..
hindi niya pwedeng danasin ang mga naranasan na ng ilang mga kakilala niya...

is ๐Ÿ’” feeling , bawal siyang magka-baby for 2021.. or hangga't walang vaccine...


>
[Strange Dream]

dahil dun sa latest video, nagawa na nga ni Miss Hn na tuluyang makapasok sa panaginip ko... ๐Ÿ™‚

ang base ng setting ay parang sa school ko noong elementary..
para sa intermediate level..
pero bago yung building, na parang naka-mix sa upgraded version ng campus ko noong high school...

hindi ko na matandaan yung exact na pagkakasunud-sunod..
basta parang nag-start siya na classroom pa yung setup nung room na kinaroroonan ko..
then lumabas daw ako saglit..
ang vibe ay nasa college pa ako, may klase ako supposedly sa iba pang room, pero nandun ako sa 2nd floor para manuyo...

habang nasa corridor ako..
biglang umakyat yung 1 sa mga madalas kong classmate, na from college rin..
inilabas niya yung phone niya at sinabi sa akin na may message daw para sa akin..
nasurpresa ako kasi parang in-law ko yata yung nag-text..
tapos nag-check ako ng Nokia keypad phone ko, at nakita ko nga na may message pala para sa akin..
hindi naman importanteng message, parang mga number notes ko lang..
nahiya tuloy ako sa classmate ko kung bakit kinailangan pa niyang maabala nang dahil lang dun..
after that ay bumaba na ulit ang aking classmate...

bumalik ako sa loob nung room, and for some time eh classroom pa rin yung setup..
as in yung typical dito sa bayan na may mga armchair..
pero noong may nagsalita na eh biglang nagbago yung setup..
kaharap ko na daw sina Miss Hn at Miss As sa isang teacher's desk..
parang suot nila yung mga damit nila mula doon sa video...

nag-uusap yung magkapatid, ewan ko kung kadamay din ba ako sa usapan..
may sinasabi si Miss Hn na hindi daw nagpalit ng mga gamit doon sa room, towel yata yung tinutukoy niya..
at parang naging matamis daw tuloy yung damit niya..
hindi ko alam kung bakit, pero sa puntong iyon ay pakiramdam ko na narinig ko na noon yung sinabi na iyon ni Miss Hn..
pero sa totoo lang ay wala pang ganung nangyayari kahit na kailan..
nagbago na rin yung vibe sa puntong iyon..
feeling ko na nasa room na kami sa isang resort, kaya may staff ng tinutukoy si Miss Hn..
pakiramdam ko rin na may deal daw kami that time..
naghihintay lang daw ako..
kaso napunta na sa pagkain yung usapan nung magkapatid..
naglabas na sila ng malaking plastic ng mga junk food, madami dun ay Rin-bee..
so pakiramdam ko na kakain na sila..
as usual, nandun yung pagiging palangiti ni Miss Hn..
pero 2 beses daw na napabahing noon si Miss Hn, so medyo nagbiro ako na kesyo baka may COVID-19 na siya..
tapos naisip ko nga yung deal..
pakiramdam ko raw na parang may 1 oras na kaagad yung tumakbo, at 3 oras lang ang meron ako..
kaya parang naiinip na raw ako sa kung ano ang mangyayari...

is ๐Ÿ’˜ feeling , thank you kasi sinamahan mo ako sa New Year.. pang-Dream Date na yung setting nun ah...

---o0o---


January 2, 2021...

kinailangan kong hindi ituloy yung flower plan para sa special day niya..
bilang respeto sa totoong mundo nila ni Arjo... ๐Ÿ™

hanggang sa maskara lang niya ako..
doon lang..
magkaiba yung babaeng nakilala ko sa personal, kumpara sa totoong siya..
ang maskara niya ang boundary ko..
at hanggang doon na lang dapat ako... ๐Ÿ™

is ๐Ÿ’” feeling , basta bawal din silang magpaputok for today.. o hangga't hindi pa naman sila kasal...


>
message delivered...

sila pa rin nga ni Arjo ang magkasama sa pagpasok ng araw na 'to..
sa bagay, may okasyon din kasi sila... ๐Ÿ™

gunggong na lalaki..
bakit niya dinadala yung babae sa mataong bar na nag-o-operate nang pa-underground sa panahon ng COVID-19..?
huwag lang siyang mako-COVID-19 nang dahil kay Arjo, kundi paglalayuin ko na sila...

is ๐Ÿ’Œ feeling , ilang ulit ko bang sasabihin na bawal kayong magpaputok hangga't hindi pa kayo kasal...?

-----o0o-----


December 27, 2020...

18 years ago..
natuto akong uminom ng alkohol nang dahil sa mga kakasalin na kliyente sa resort ng angkan ng isang kaibigan...

binigyan nila kami ng hard na inumin..
pinaikot yung tagay..
namulutan ng ulam namin that night..
nag-chaser nang marami para malabanan ang pangit na lasa ng alak..
hanggang sa nasuka na ako sa isa sa mga throw pillow doon sa resort...

hindi naman ako nalasing..
sobrang liyung-liyo lang..
hanggang sa natapos yung inuman eh may malay pa rin naman ako...

is  feeling , memories...

---o0o---


December 28, 2020...

[Business]

ipinaubos ko na lahat ng items na natira sa retail sideline ko..
ang isa sa mga sideline na kinuha sa akin ng COVID-19..
pero hindi pa ako nag-o-audit...

sa bagay..
may points pa ako na ike-claim mula sa supermart..
so dadagdag pa yun sa final na kita nung sideline ko...

is feeling , nakakapanghinayang lang na hindi ko siya napaabot sa Php 20,000...

---o0o---


December 29, 2020...

[Online Marketing]

lagot..
delayed yung approval nung project #13 ko sa 1st store..
naghahabol sana ako ng sales sa dulo nitong December..
pero hindi ko alam kung may active ba na staff dahil sa holiday..
hindi pwedeng abutin ng 2021 yung release nun, kundi ay hindi ko mahahati yung sales...

is feeling , ikaw na lang ang source of income na meron ako ngayon.. tsaka ilang mamahaling pangarap bago ako tuluyang mawala...

---o0o---


December 30, 2020...

3 taon pa lang akong naghuhulog..
pero ang dami na kaagad increase na naka-schedule..
hanggang sa near future...

for 2021..
nasa Php 60 na yung itinataas ng SSS ko..
tapos Php 150 naman na para sa matinong PhilHealth...

barya lang para sa ibang tao..
lalo na para sa mga may employer na kahati..
pero p*ta, kinuha sa akin ng COVID-19 lahat ng mga sideline ko... ๐Ÿ™

is feeling , nagkamali talaga ako.. hindi dapat ako umasa sa pamilya.. dapat 2008 pa lang eh lumapit na ako sa mga hindi ko kadugo para simulan yung career ko...

---o0o---


December 31, 2020...

[Business]

so nagawa ko na rin yung pag-o-audit nung retail raket na pinatay ng COVID-19..
zero stock..
hindi sakto, pero okay lang naman yung balanse..
baka may pera na naman yung yelo na napadpad sa kita nun... XD

pero hindi pa rin nga formally tapos yung raket na 'yon..
meron pa akong 100 plus points sa supermart..
maya't maya na akong talunan sa buhay at tadhana..
kaya ilalaban ko yung na-stuck kong points ngayong January...

is feeling , Php 18,000 goal...


>
tapos na rin sa paggawa ng mga backup...

pero hindi pa kaagad makaka-diretso sa trabaho..
may SSS pa..
PhilHealth, na malamang magpa-fill out na naman ng form dahil sa increase ng contribution, kahit na limpak-limpak ang nagastos sa kanilang IT system kuno.. ๐Ÿ™
supermart..
at hindi ako makapagdesisyon kung puputulin ko ba ang buhok ko o hindi...

is feeling , yung ospital eh huwag nang makisawsaw.. may Imperial virus pa hanggang ngayon...


>
[Music 18+]

ewan ko ba sa mga kanta ngayon...

"..Can you stay up all night?
F*ck me 'til the daylight
34, 35 (yeah, yeah, yeah, yะตah)..."

matagal na yung mga kantang may double o tagong meaning..
pero yung torjack-an hanggang umaga eh masyado naman yung literal para sa mga kabataan..
oo na, siguro nga nagmamahalan yung nasa istorya, kaya inaabot ng umaga yung kainan nila..
pero p*ta naman..
easily accessible yung music video sa YouTube, malamang na sa lahat ng audio platform din..
at napo-popularize pa siya dahil sa mga talent app..
bakit pwede yung kanya..?
dahil sikat siya...??

hindi sa pagmamalinis..
oo, yung mga words na 'p*ta', 'f*ck', at iba pa eh mga salitang kalye na sa panahon ngayon..
mga expressions, pero hindi literal..
kaya kailangan pa ba talagang mas bigyan nang bigyan ang mga kabataan ng idea na pwede na silang mag-torjack-an basta't nagmamahalan sila..?
sobrang liberated ninyo..
sobra na ang population explosion ng mga tao..
at sobra na rin ang Climate Change na dinadanas ng mundo dahil sa atin...

konting censorship naman...

is ⚠ feeling , nagulat lang ako dahil 'yon yung lyrics nung kantang sinasayaw niya...


>
yung kakilala ko kumita ng nasa 27% mula sa pagbili at pagbebenta ng stocks ng isang Imperial telco...

at hindi ko maiwasang mainggit..
imagine kung nagpasok ako ng Php 100,000 dun..
edi sana may Php 27,000 na akong kita..
may pampa-checkup na sana ako..
at pampagamot kung saka-sakali..
at dagdag na budget para sa dream date...

kaso wala akong Tax Identification Number..
ni hindi ko nga naiintindihan kung anong rules kapag nagkaroon ng ganun eh..
basta ang alam kong patakaran eh exempted sa tax ang mga may annual income na mababa sa Php 250,000...

is feeling , bakit ang ganda-ganda ng karma ng mga taong nakapaligid sa akin...??


>
[Medical Condition]

unti-unti nang nae-eject yung inakala kong scab-like mass mula sa loob ng sugat ng cyst ko..
medyo makapal-kapal na yung iniluluwa ng balat ko..
ewan ko lang kung uubra kung ano man ang ginagawa ng katawan ko, since may kadugsong nga yung mass sa loob noong huling beses ko siyang na-check...

is ⚠ feeling , napaopera na kita noon.. huwag ka nang makisali sa mga gastusin...


>
[Piracy]

ang sakit lang..
yung marinig mo sa mismong kliyente mo na dapat huwag ka na lang magsalita laban sa piracy... ๐Ÿ™

yung parang kulang na lang eh sabihin nila sa aming mga creators na kesyo mga tanga kami..
na batid namin na may piracy..
pero pinili pa rin namin na mag-produce ng mga produkto na kayang mabiktima ng ganung krimen...

store page ko yun..
kaya bakit ako ang bubusalan nila..?
kami ang mabilis na ninanakawan ng online piracy..
kaya bakit ako yung pipigilan nila sa paglaban..?
samantalang hanggang sa mga paalala ko na nga lang kayang lumaban eh..
hindi ko kayang magbayad ng foreign lawyer..
at walang pakialam ang maraming gobyerno para sa sitwasyon namin..
kaya bakit pati yung put*ng inang kakayahan ko na punahin ang put*ng inang piracy eh minamasama ng sarili kong kliyente...??

i never said na siya yung magnanakaw..
pero common sense na lang na isipin na ilan sa mga kliyente ko ang magnanakaw..
at wala akong kakayahan na ma-detect kung sinu-sino sila..
kaya anong masama kung ipinaparating ko yung mensahe para sa lahat...??

sobrang powerless ko lang..
may idea ako kung saan aatakehin ang sindikato ng piracy..
dahil lantaran naman lahat ng mga kasabwat nilang file hosting sites eh..
pero hindi ko alam kung paanong magwasak ng mga server...

is ๐Ÿ’€ feeling , ako yung creator, kaya bakit ako yung masama..? gusto kong mawasak ang majority ng mga server ng piracy...

---o0o---


January 1, 2021...

lagot na..
pumipitik na yung sistema ng SSS... ๐Ÿ™

mga naiwan kong bayarin from 2020 yung ikinuha ko ng bill..
tama naman lahat ng initial values..
wala pa rin naman akong penalty..
tama yung monthly contribution ko for 2020, at tama rin yung total..
pero matapos kong mag-submit ay biglang mali na yung total..
may patubo na silang Php 30...

siguro nga Php 30 lang 'yon sa mata ng marami..
pero mas concerned ako tungkol sa pagkakamali nung sistema..
dapat reliable ang isang sistema sa pananalapi..
tama yung input, tama yung summary, so dapat walang dahilan kung bakit magkakamali yung final result...

by the way..
bagong sistema na ulit ito sa SSS website..
yung dati kasi ay madalas na system generated..
pero itong latest na paraan ay nagre-require ng input ng member..
kaso yun nga lang..
parang tanga na tama yung input mo, pero biglang pipitik ng kupit yung system... ๐Ÿ™

is feeling , may increase na for 2021.. huwag naman nang mangupit pa...


>
buhay nga naman o'..
2021 na..
pero yung physical calendar ko eh from 2019 pa rin...

ito yung klase ng calendar na may maliit na view ng previous at ng succeeding month, bukod sa malaking view ng current month..
so may 36 months siya sa lahat ng pages..
simula 2020, eh ang gamit ko na lang eh yung maliliit na version...

is feeling , ang hirap talaga kapag dependent sa mga written notes...


>
lagot na..
yung pinaka-safe na barangay dito sa [Name of City], dahil sa mababa nilang populasyon..
eh nakapagtala na rin ng kaso ng COVID-19... ๐Ÿ™

is ⚠ feeling , wala na...


No comments:

Post a Comment