Friday, January 29, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of January 2021 (A Year After it Started)

Loveless Story


January 24, 2021...

[Medical Condition]

10th try..
mostly clear ang appearance..
may foreign mass pa rin sa bandang kalagitnaan..
pero mukhang malinis na yung bandang huli...

tipong kaya nang mag-blend as normal..
base sa time frame noong 2014, nasa tamang panahon naman siya para bumuti-buti na yung lagay...

pero hindi pa sapat..
hindi pa talaga sapat..
sasapat lang 'to kung magkakaroon ako ng smooth na access sa ospital...

kaya naman under observation pa rin..
hopefully, bumalik na nga sa normal ang lahat..
saka ako magde-decide ng gagawin ko para sa Dream Date kapag nakita ko na yung resulta next week...

is 💀 feeling , VCO, Sesame Oil, tulungan ninyo ako sa digmaan na 'to...


>
i lost a connection..
deceased..
dahil sa cancer...

siguro ka-age group ko siya..
at siguro yun yung dahilan kung bakit siya umalis sa huli niyang pag-alis...

nakakagulat din nga...

patunay lang 'to na hindi dapat minamaliit ang life span..
dahil wala naman talagang mortal na nakakaalam kung hanggang kailan siya naturally na magla-last sa mundo..
hindi survival ang mahalaga..
kundi yung masubukan mong mabuhay sa paraang gusto mo...

is feeling , isa ba 'tong babala o paalala...??


>
hindi na nakatiis..
kinausap ko na rin nga yung kaibigan niya..
pahaging lang kasi yung huli kong ginawa kay Miss Hn..
pero this time eh diretsahan na...

hindi maganda na basta na lang kinakalimutan yung mga taong nagpasaya sa buhay natin..
kung magkaroon man ng hindi pagkakaunawaan..
mas maganda kung balikan mo muna lahat ng mga pinagsamahan ninyo sa buhay..
i-compare mo sa bigat ng naging gusot..
tapos saka ka mag-decide kung kakalimutan na lang ang lahat, o kung aayusin pa...

mga pasaway na bata..
mahal nila ang isa't isa..
pasimple silang nagpapadala ng mga mensahe o pahiwatig..
pero ayaw nilang mangunang kumilos para makipag-ayos...

tapos saktong parang may pinagdadaanan din yung mag-nobyo..
ewan ko sa 2 'yon..
wala akong pakialam kung maghiwalay na sila ni Arjo..
that would be better, kung magiging single na lang muna si Miss Hn..
basta hindi siya dapat masaktan ni Arjo..
hindi siya dapat masaktan nang dahil lang sa kalokohan ng isang lalaki...

is 💌 feeling , masyadong maganda yung ngiti niya para agawin yun sa kanya ng mga pasaway na tao...


>
okay..
so may nakuha na akong estimate ng COVID-19 swab test sa [Name of City]..
unfortunately, walang listahan ang lokal na pamahalaan kung alin-alin talaga ang mga accredited..
at kung magkano yung rate ng bawat testing center..
pero may i-s-in-uggest sa akin na pinakamura, mabilis, at lehitimo...

Php 4,500, hindi home service..
at hindi ko pa alam kung may home service ba..
grabe..
samantalang Php 2,500 yung lowest sa ibang lugar..
at nasa Php 1,900 nga lang daw sa UP... 🙁

Php 35,000..
Php 8,000 sa venue and setup..
Php 1,500 sa flowers..
Php 10,000 sa transportation..
so maglalaro nga sa Php 60,000 yung budget...

is 💘 feeling , makikipag-unahan ba ako sa pagpapakalat nila ng UK at South African variant...??

---o0o---


January 25, 2021...

parang 2020 lang..
balik ako sa swab test plan...

kung sa swab test lang ako dadaan:
- kailangan kong i-prepare na lahat-lahat ng mga gagamitin, meaning maglalalabas-labas ako ng bahay
- 14 days quarantine to check for possible symptoms
- swab test kung walang nakitang symptoms, kaso walk-in at drive-through lang yung option
- balik sa quarantine at maghintay lang
- kapag lumabas na ang test result at negative, contact her
- magpa-book sa resort

walang pulidong plano..
kapag nag-positive ako, baka pwede ko pa namang ulitin yung proposal..
para hindi masayang yung mga pinamili ko..
but then, posible din na hindi na siya bumalik kapag natapos na yung panibagong 14-day quarantine ko...

hindi rin kami pwedeng sumablay sa booking sa resort..
para kilalanin yung test result, konti lang yung time allowance para sa booking..
siguro mga 2 to 3 days lang..
at walang 100% refund kung ganun na lang kaikli yung palugit..
pwedeng magpa-move ng date ng reservation, kaso 7 days ahead or more dapat yung request para hindi kaltasan yung down payment..
kaya naman dapat sigurado ang bawat galaw..
at dapat makiayon din ang lagay ng panahon...

is 💘 feeling , kaya ko ba 'to..?? o wawasakin na naman ng UK variant at South African variant yung mga bagay na hindi pa nga nabubuong muli...

---o0o---


January 28, 2021...

[Medical Condition]

11th try..
less clear kumpara dun sa 10th..
may foreign mass na ulit sa bandang dulo...

nasa day 53 na ako... 🙁

katawan ko..
paubos na yung palugit ko hanggang sa katapusan ng March..
kapag pinakawalan ko ang March, sa May na ulit yung susunod na pagkakataon para makapagsimula..
or worse, baka mawala na ulit...

nariyan ang banta ng UK variant..
ang banta ng South African variant..
at lalong-lalo na, ang banta ng mga put*ng inang pabaya na decision-makers.. 🙁
ganun din siyempre ang sa Imperyo...

pero wala akong magagawa..
kailangan ko munang maka-recover..
hindi ako makakikilos kung hindi rin ako makapagpapanggap na parang normal...

is 💀 feeling , VCO, kailangan mo talagang gumana...

---o0o---


January 30, 2021...

it's been a year..
yung araw na itinakda kaming magkita..
pero hindi siya nakatupad sa usapan... 🙁

madami ang nangyari simula noon..
nabuwisit ako sa bait-and-switch..
nabuwisit ako dahil sa pangit na deal..
mas na-curious ako kay Miss Hn..
winasak ng bioweapon ang lipunan, kaya nawala siya..
hinanap ko siya..
siya ang mas unang nakahanap sa akin..
hanggang sa nahanap ko yung totoong siya..
unti-unti ko siyang nakilala..
nasaksihan ko maging ang pagkasira ng dati niyang anyo..
hanggang sa unfortunately, nadiskubre ko na rin na may boyfriend na pala siya..
at saka ko pa nga siya na-meet noong time na batid ko na na may mahal na siya.. 🙁
pero hindi ko pa rin siya magawang halikan nang dahil sa bioweapon...

may mga bagay akong pinagsisisihan..
siyempre dahil sa bioweapon..
kung bakit humigpit ang mga patakaran..
kung bakit kinailangan na mas magastos..
hindi ko maiwasang isipin na sana nagawa ko ang lahat, noong panahon na wala pa ang epekto ng put*ng inang bioweapon...

inakala ko na medyo bubuti na ang sitwasyon after a year..
pero nagkamali ako..
dahil pinapatunayan lang ng mga decision-makers ng bayan ang cooperation nila sa pagpapakalat ng bioweapon ng put*ng inang Imperyo... 🙁

at dahil dun..
patuloy ako na kailangang mas magsakripisyo para maabot ko yung mga panaginip ko sa buhay...

hanggang ngayon, curious na curious pa rin ako sa mga halik na kayang gawin ng mga labi niyang iyon...

is 💔 feeling , pero this time, sariling karamdaman naman ng nabubulok kong katawan ang una kong dapat harapin, bago pa man yung matinding gastusan...

-----o0o-----


January 29, 2021...

[Anime]

Attack on Titan

maganda pala yung naging development ng istorya nito..
from being hunted, hanggang sa nagkaroon sila ng lakas ng loob para mag-explore...

kung paanong yung dating nagkaroon ng kapangyarihan eh nanakop..
kaso nabaliktad yung sitwasyon at sila na yung kinulang sa puwersa at tinutugis ng mga dating inapi ng kanilang lahi..
pero nalulong rin sa kapangyarihan yung mga bagong taga-tugis..
kaya naman ngayon ay yung mga descendants na ng mga orihinal na mananakop ang lumalabas na bida sa istorya...

is feeling , mga halimaw...


No comments:

Post a Comment