Loveless Story
January 11, 2021...
catch up day #1..
hindi talaga kasya ang isang linggo sa isang araw lang... 🙁
ang dami kong nasayang na mga araw..
dahil lang sa bobong pagre-repair ng mga inaarkilang tao ng Globe... 🙁
is feeling , repair..? pero pinutol yung cable ko na kapapalit lang late last year...
---o0o---
January 12, 2021...
[Medical Condition]
8th try..
majority ay light yung kulay..
at sa bandang dulo na lang yung foreign mass...
ganun pa rin..
37 days na..
pero wala pa rin akong nararamdaman na physical symptoms, maliban dun sa visible na palatandaan...
ang tanong ay..?
kaya ko pa bang maghintay..?
ano bang dapat kong gawin..?
mas lalala ba yung kondisyon ko kung babalewalain ko muna yung sitwasyon..?
hindi ko pwedeng ipahamak si Miss Hn nang dahil sa sakit ko..
ako lang yung mamamatay, kaya hindi siya pwedeng madamay sa madilim kong kapalaran...
is 💔 feeling , gusto ng FATE na wasakin yung Dream Date ko...
>
ano..?
papasok pa ba ako sa stocks exchange...??
hindi naman kaya dahil sa sobrang kamalasan na nakabuntot sa akin..
eh ultimo yung kompanya na bibilhan ko ng stocks eh mauwi na lang sa bankruptcy in an instant...??
is feeling , limpak-limpak na kamalasan...
>
catch up day #2..
hindi rin kinaya..
madami pa ring naiwan na mga gawain from last week... 🙁
is feeling , sayang na mga araw...
---o0o---
January 13, 2021...
ang daming kailangan para makasali sa stocks exchange...
tax identification number..
tsaka bank account...
yung tax identification number, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba yung pwede sa akin..
kasi naman, pang-exempted lang yung kakayahan ko.. 🙁
bukod pa yung requirements para makakuha ng tax identification number...
sa bank account naman..
magba-back to zero ako..
hindi kasi pwede yung bank account ko, although yung kapamilya niya eh pwede sa pagpopondo ng investment account..
at may kanya ring requirements bago makapag-open ng bank account...
sayang talaga yung 7 days na hindi ko napag-aralan ang mga bagay na 'to... 🙁
is feeling , requirements para makabuo ng panibagong requirements...
>
kailangan ko ng mabilisang pera para maisakatuparan yung Dream Date..
sana this 2021..
para sana madali ko ring maipagamot ang nabubulok kong katawan, yun ay kung gagaling pa nga siya..
takot din kasi akong madiskubre kung may cancer na ba ako o ano..
baka patayin ako ng depression bago ko pa matapos ang One Piece kung mapepeste ako ng mga toxins...
at kung makakaya ko pang maka-recover..
kakailanganin ko pa rin ng additional na pondo para masigurado na magiging ligtas mula sa akin si Miss Hn..
kailangan kong ipa-evaluate nang husto ang nabubulok kong katawan...
tapos pondo para sa matinong COVID-19 vaccine...
at yung mismong pondo para sa Dream Date...
is 💀 feeling , walang sense ang buhay ko.. nilikha lang ako para magdusa at mamatay...
>
catch up day #3..
nakatapos na din sa wakas...
nag-review ng mga requirements para sa stocks exchange...
magiging sulit ba na isakripisyo ang buong January sa pag-aayos ng mga documents...??
is feeling , sabay-sabay ang mga problema ko.. pero pera lang ang solusyon para sa kanilang lahat...
---o0o---
January 14, 2021
araw-araw na lang ang usapan tungkol sa mga vaccine..
pero hindi naman nakaka-excite...
kasi para sa mga wala naman sa listahan ng mga piling mamamayan..
eh commercialization pa ng mga vaccine ang totoong hinihintay... 🙁
tapos kailangan ko pa ng certification..
patunay na nabakunahan na...
is feeling , ibenta na lang sana yung pa-Pfizer para sa mga piling mamamayan na takot naman sa bakuna...
-----o0o-----
January 11, 2021...
put*ng inang kabobohan yan..
7th day..
tapos sasabihin na putol yung cable namin sa box...??
mga demonyo..
yan na nga ba ang sinasabi ko eh..
nagpa-repair sila nang maramihan..
nasira yung linya namin, kahit na nandun pa naman sila..
pero pinabayaan ng maraming araw..
tapos sa 7th day eh saka pa sila nagpadala ng mga tao na naka-uniform talaga nang pang-Globe...
is feeling , mga put*ng inang sugo ng kamalasan ni FATE laban sa akin...
>
so alam ko na kung ano yung bagong sinisingil ng SSS..
employees' compensation para sa Medicare...
pero bakit kailangan ko pa ng Medicare..?
eh naghuhulog na ako sa PhilHealth...??
is feeling , ang gulu-gulo na ng bayan na 'to...
---o0o---
January 12, 2021...
[Gadget-Related]
1st major hang ng pangalawa kong unit..
at magpo-4 years pa lang siya sa March..
nakapagtataka lang dahil ngayon lang siya nagbagal nang ganun..
sobrang bagal, at sa sobrang tagal na duration..
considering na matagal na niyang ginagawa yung mga operations na ginagawa ko kanina...
huwag naman..
hindi ko kakayanin kapag sumabay ka pa sa magiging gastos ng nabubulok kong katawan... 🙁
is ⚠ feeling , talaga bang ganito kayo kaseryoso na hadlangan ang Dream Date ko...??
No comments:
Post a Comment