Friday, January 22, 2021

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of January 2021 (Bleeding & Planning)

Loveless Story


January 16, 2021...

ngayong araw..
isa sa mga nakatrabaho ko dati ang lumapit sa akin para humingi ng tulong..
actually, sinadya pa niya akong i-unblock para makapag-send na ulit siya sa akin ng message..
she was offering the same thing, gaya ng ginagawa na ng karamihan sa panahon ng padelubyo ng Imperyo..
kaso wala naman akong magagawa to help her...

hindi ko gusto ang mga nangyayari sa panahon ngayon.. 🙁
sobrang desperado na ng marami..
alam nila na mahihirapan silang i-market ang mga bagay-bagay kung hindi nila ipapakita ang lahat..
kaya isinusugal nilang ipakita ang mga mukha nila, kapalit lang ng ilang libo...

tapos nariyan pa ang pahamak na pamunuan..
sila itong mahusay sa pagpapakalat ng bioweapon..
wala silang pakialam sa mga babala..
handa silang mapeste ang loob ng bayan, para lang sa kapakanan ng put*ng inang Imperyo..
tapos ang lakas ng mga loob nila na sabihin na masama ang ginagawa ng mga taong gipit sa panahon ngayon...?? 🙁

is 💔 feeling , winasak ng Imperyo ang lahat...


>
hindi 'to maganda..
mawawasak ang Dream Date ko kung tuluyang bibigay ang industriya..
although mananatili yung option na direkta ko na lang siyang kausapin, once ready na ang lahat..
baka hindi naman maging magandang ideya kung mas makakasama niya si Arjo sa panahon ng COVID-19...

wala pa naman akong tiwala sa lalaking 'yon..
ang landi-landi..
may iba pa siyang girlfriend late last 2019.. 🙁
tapos pinatos niya si Miss Hn by 2020..
anak ng babaero...

mukhang wala rin nga akong mahihintay na vaccine..
kung ganun, swab test na lang ang magiging best option ko..
at hindi magiging madali ang preparations kung sa swab test lang ako dadaan...

is 💔 feeling , hindi ko siya pwedeng paghintayin nang sobrang tagal...


>
mukhang pwede 'to ah..
at talaga namang sa favorite place pa ni Miss C ko 'to nakita... 🙁

sea side view..
dinner date setup sa labas ng accommodation...

kaso ang alam ko eh mahal ang package sa venue na 'to..
hindi ko lang nakuha yung data dati..
additional more than 1 hour din 'to sa biyahe, so baka maging toxic na..
at talagang nag-down muna sila ng website nila ngayong may bioweapon pa...

is 💘 feeling , tipong ganito sana...

---o0o---


January 17, 2021...

akala ko na pinaka-malala na yung nangyari nitong 2020...

pero nagsisimula pa lang pala si FATE.. 🙁
mas malaking digmaan pala ang naghihintay para sa akin ngayong 2021...

hindi magiging madali na kumpletuhin yung Dream Date..
lalo na't nariyan pa rin ang bioweapon..
at ang pinaka-matindi kong kalaban - ang pagkabulok ng mismong katawan ko..
pero mas gugustuhin ko bang mamatay na lang..?
o pipilitin kong ngumiti ulit bago iyon mangyari..?
gusto kong makumpleto, bago ako tuluyang mawala...

is 💀 feeling , madadaya at matatalo ko pa ba ang kamatayan...??


>
lagot na..
nagpapakita siya ng pangil niya... 🙁

bakit..?
at paano..?
hindi maganda ang takbo ng mga bagay-bagay sa panahon ngayon..
everyone is struggling..
kaya bakit sila nagmamataas...??

sa papalala talaga ang takbo ng mga bagay-bagay..
wala akong magagawa kundi obserbahan ang mangyayari..
mananatili ba silang mapagmataas kapag natapos na ang problema ng bayan..?
o pipiliin nilang bumalik sa dati...??

is feeling , nagkamali yata ako na kinausap ko siya dahil sa power interruption...

---o0o---


January 18, 2021...

2021..?
seriously..?
hindi 'to nakakatuwa..
walang nangyayari na maganda para sa akin... 🙁

yung katawan ko parang bumalik sa 2014..
yung loveless story ko naman, parang bumalik sa 2015... 🙁

increase after increase..
from 6,000 to 7,500 and now to 8,500..
from 20,000 to 24,500..
from 35,000 to 38,000 (na questionable pa)..
ganito rin yung nangyari noong 2015 eh, nag-counter-counter lang..
and this is definitely not good...

iba ang direksyon nila..
hindi katulad ng sa iba...

wawasakin nitong mga ganitong move yung Dream Date ko..
mukhang Lottery lang talaga ang makakapaglitas na sa akin... 🙁

is ⚠ feeling , kung magpapatuloy 'to.. mawawalan ako ng option, kundi ang abangan siya sa kanyang paglabas...


>
so imposible na yung stocks exchange.. 🙁
dahil sa mga hindi magandang pagbabago, eh hindi ko na pwedeng galawin yung pera...

nasa Php 150,000..
kaso Php 50,000 yung mapupunta para sa pautang..
Php 30,000 naman yung para sa mga benefactor ko...

so parang may Php 70,000 lang ako na budget..
Php 40,000 yung hindi pwedeng galawin..
hindi ko tanda yung nagastos ko sa ospital noong 2014, pero kailangan ko sigurong magbuwis ng nasa Ph 10,000 para dun..
tapos na ang pulong kung padadaanin pa ako sa surgery, game over na kapag nagkaganun.. 🙁
kaya naman nasa Php 20,000 na lang yung pagkakasyahin ko para sa:
- anti-bioweapon mechanism
- venue
- transportation
- food
- dinner setup
- flowers

no choice..
kailangang galawin yung budget para sa sleeping pills..
at yung sa cremation..
pero babalik din naman sa akin yung nasa Php 50,000 na pautang after 2 years...

is feeling , sobrang hirap maging masaya...


>
iba yung mood niya today..
sweet yung dating niya..
na excited...

mag-swab test na lang daw ako..
mukhang nagdududa na rin siya sa pagpapaasa ng mga vaccine sa sangkatauhan...

pero alam ko naman ang motibo niya..
halatang naghahabol siya sa bounty..
kaso may mga nagsisinungaling na naman sa hanay nila... 🙁

ang sakit lang nung biro niya..
baka daw ma-inlove siya sa akin..
samantalang may Arjo na nga siya.. 🙁
marunong siyang gumamit ng mga baraha niya...

is 💔 feeling , pilya kang bata ka.. mabuti na lang at alam ko ang totoo...


>
parang pwede 'to..
malapit lang..
kung totoong Hyacinth 'to, hindi na masama yung Php 8,500 para sa laki niya..
mahal nga lang kung nasa Php 20,000 lang yung budget ko..
pero meron din namang Php 3,500 na okay na accommodation..
baka bumukod nga lang yung rate para sa dinner setup...

baka wrong timing ang Summer..
baka matalo sa food..
malaki din yung kaltas sa oras..
from the usual na 2:00 PM to 12 NN, nasa 3:00 PM to 11:30 AM na lang siya sa panahon ng bioweapon..
malaking bagay din yung 22:00 hours kumpara sa 20:30 hours lang...

is feeling , titingnan...

---o0o---


January 19, 2021...

katawan ko..
sa dami mong depekto, alam kong kasabwat ka ng FATE sa pagpapahirap sa akin..
isa ka sa mga sumpa ko..
isa sa mga kamalasan ko..
isang malaking dahilan kung bakit hindi ko magustuhan ang buhay.. 🙁
isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong patayin ang sarili ko...

bakit hindi mo kayang maging normal..?
bakit halos taun-taon ka na lang gumagawa ng mga gastusin simula 2014...??

tulungan mo naman ako o'..
mag-recover ka naman ng sarili mo..
sobrang gahaman ng panahon na 'to, lahat na lang ng mga gastusin eh nagtataasan..
alam kong nasisira ka na, dahil kailangan akong makumbinsi ng FATE para patayin na ang sarili ko..
pero kailangan ko pa ng konting panahon hanggang 2025...

is feeling , gumaling ka naman o'.. hindi para sa akin, pero para kay Miss Hn...


>
paano na ba 'to..?
yung naranasan kong hard times noong 2020..
naging harder times pa ngayong 2021... 🙁

should i sacrifice her..?
kailangan ko bang maging masama para lang makuha yung memories na hinahabol ko..??
i mean, 1 rin naman siya sa 2 huli kong nakasama..
kaya gaano ba kalaki yung chance na magdudulot na ako ng risk para sa kanya sa ngayon...??

sa sobrang mahal ng medical expenses sa hinayupak na panahon ng bioweapon..
parang kailangan kong umatras..
Php 5,000 to 8,000 para sa swab test yung nakikita ko..
wala akong idea kung magkano yung range para sa lugar namin, since malihim rin nga ang mga put*ng inang ospital..
pero sa sobrang mahal ng mga bagay-bagay sa panahon ngayon, eh baka kailanganin ko na i-focus na lang yung lahat ng medical expenses ko sana sa swab test...??

ano bang masama sa paghahangad na may makasalo na babae sa isang pseudo-romantic na dinner date..?
ano bang masama sa paghahangad na may babaeng tumanggap ng ibibigay mong flowers..?
ano bang masama sa paghahangad na may maka-slow dance na babae..?
t*ng inang buhay 'to..
ang bigat-bigat..
puno na lang ng mga kamalasan..
gusto ko lang namang lokohin ang sarili ko na may babaeng gusto ko na magmamahal din sa akin..? 🙁
pero bakit ang dami-dami ng mga hadlang...??

is ⚠ feeling , paano ko siya poprotektahan sa ganitong kamahal na mundo...??

---o0o---


January 20, 2021...

nakakainggit yung mga tao na ang problema ay kesyo hindi pa lang ulit magawang maka-travel sa ibang mga bansa..
pero may sapat na resources naman...

ganun din yung mga tao na pakiramdam nila na walang nagmamahal sa kanila..
pero may sapat din na resources...

samantalang yung iba:
- wala na ngang nagmamahal
- salat na nga sa financial resources
- nilalamon ng mga kriminal yung career
- tapos eh sabay-sabay pa ang mga medical issues sa katawan

is feeling , masusuwerte ang mga taong mahal ng mga diyos...

---o0o---


January 22, 2021...

hindi naman ako nagmamadali noon eh..
matapos ko siyang makasama noong 2020...

kaso..
ang bilis na binawi sa akin ng FATE yung Endorphins na nakuha ko mula sa kanya..
sa bawat dugo na tumatagas, pakiramdam ko na may panahon na nawawala sa akin..
tapos patuloy pa ang panloloko ng pamunuan sa mga tao tungkol sa alamat ng pa-vaccine nila..
yung mismong mga vaccine, nagkaka-issue pa ng tungkol sa pagpalpak..
yung bioweapon, patuloy sa pagbabago para malabanan ang mga ginagawang preparations ng sangkatauhan..
at ang pinakamasakit sa ngayon, yung put*ng inang economic impact na dala-dala nung bioweapon..
dagdag pa yung ibang factors na humihila rin sa ekonomiya pababa..
dahil kapag bumabagsak ang ekonomiya, eh nagmamahal ang maraming mga bagay...

paulit-ulit kong tinitimbang kung hanggang saan pa ba ang itatagal ko sa ganitong level ng digmaan..
kaya naman hindi ko maiwasang magmadali..
should i go for March..?
o may maaabutan pa ba ako after April...??

is ⚠ feeling , natural lang na bumibilis ang takbo ng orasan mo kapag may taning ka na...


>
so nakita ko na yung lalaki na sumira sa kanyang collarbone..
hindi pala si Arjo..
inker na mukhang kakilala ng bestfriend niya..
so bestfriend niya pala ang dapat kong sisihin para sa impluwensiya...

naging lagalag pala talaga siya noon..
after nilang mawalan ng trabaho sa area nila..
pero may kaluhuang mga lagalag, dahil kung saan-saan pa rin sila nagpupupunta..
mga pasaway...

mukhang miss na miss na niya yung bestfriend niya..
ewan ko ba dun..
ayaw na lang kusang makipag-ayos...

is feeling , lokong 'yon.. naninira ng kutis...


>
okay, so nag-inquire na kaagad ako dun sa resort..
in case na kailanganin ko nang kumilos by March..
at medyo madami-dami nga ang nagbago...

- minus 1:30 hours na sa accommodation
- hindi na saklaw ng accommodation ang breakfast

para sa dinner date setup:
- lowest offer nila is Php 3,500
- pwede dun sa mismong room o outdoor, pero siyempre outdoor yung target ko para surprise
- kaso wala sa package yung flowers, at wala rin talaga silang source ng flowers sa ngayon, kaya ni hindi ko pwedeng iusap sa kanila 🙁

kung ako ang tatanungin, masyadong taga yung romantic dinner package..
kasi naman eh nasa Php 1,000 lang yung day use ng Cabana nila (pero ilang minutes ko lang naman gagamitin para sa pagkain), so parang Php 2,500 na yung rest nung package..
at ang natitira para dun sa Php 2,500 ay candle light setup, dinner (na ni hindi nga full course meal), and 2 glasses of wine..
grabe, ni hindi man lang isinama yung 2 glasses of juice and 1 bucket of ice.. XD
basta parang pang Php 2,000 to 2,500 lang dapat yung ganung details... 🙁

so ayun nga..
hindi pa hagip sa Php 7,000 yung flowers..
at dahil sobrang mahal nung dinner, eh kailangan kong i-sacrifice yung bouquet..
so hanggang Php 1,500 na lang tuloy yung budget ko para sa roses... 🙁

is ⚠ feeling , ay lagot.. aabot sa Php 60,000 ang range ng plano na 'to...

---o0o---


January 23, 2021...

[Music]

yung binubuo ko pa lang yung soundtrack para sa Dream Date ko..
nire-review ko pa lang at pinapakinggan, para malaman ko kung sa anong oras ko sila tamang patugtugin..
tapos eh naiiyak na kaagad ako... 🙁

yung mag-i-start ka sa Beautiful Soul..
na may Pangarap lang Kita..
then kapag paubos na yung oras eh babanatan ng Foolish Heart..
Just So You Know..
tapos eh Imahe sa bandang dulo... 🙁

is 💔 feeling , Masokista Playlist.. pero nakahanda akong saktan ang sarili ko, maranasan ko lang ulit na makapagkunwari nang todo...


>
may nakita akong bouquet sa Flowerstore.ph..
nasa Php 999 lang..
pero dozen roses na..
kailangan ko lang ng white version...

yun nga lang..
parang imposible ang delivery sa [Name of City]... 🙁

is feeling , sayang naman...

-----o0o-----


January 17, 2021...

[Medical Condition]

9th try..
at mukhang hindi na talaga siya titigil pa... 🙁

gulung-gulo na yung utak ko..
kaya ko pa bang makatagal hanggang February 14..?
saan ba dapat mapunta yung pera..?
sa ospital..?
o sa stocks exchange...??

is 💀 feeling , masyadong matalino yung nag-design sa akin.. alam niyang mahihirapan akong magdesisyon kung magdurugo yung katawan ko...

---o0o---


January 18, 2021...

[Medical Condition]

takot ako sa COVID-19..
takot ako na baka nagtaasan na yung rates ng mga services sa opsital dahil sa COVID-19..
takot ako na malaman kung ano na yung kondisyon ng nabubulok kong katawan..
at takot ako na baka lumabas na wala na rin namang lunas yung kondisyon ko... 🙁

takot ako na matapos ang lahat nang ganito na lang... 🙁

is 💀 feeling , hindi ko kayang lumaban sa mga hindi patas na labanan...


>
[Medical Condition]

ayoko talaga sa mga ospital..
kasi naman..
madalas surprise yung mga rate..
ayaw na lang ipaskil sa website..
para may ideya na yung tao bago pa man pumunta sa kanila..
gusto pa eh tatawag sa kanila, eh hindi nga ako makatawag dahil parati akong may mga kasama dito sa bahay...

problema lang kung malalaman nila na may depekto na naman ako... 🙁

is 💀 feeling , parati na lang ako yung may sakit...

---o0o---


January 19, 2021...

[Medical Condition]

sobrang haba na nung nakalabas na mass mula sa cyst ko..
lagpas doble na siya nung dati niyang laki...

is 💀 feeling , natural na proseso ba 'to ng katawan..? ang mag-eject...??


>
[Medical Condition]

hayop na medical system 'to..
ginamit na rin ang bioweapon sa pagpapahirap sa mga tao... 🙁

3 days a week na lang ang pasok..
tapos 2 oras na lang ang serbisyo, 10:00 AM to 12:00 NN..
tapos sasabihan ako na 11:30 AM pa ako pumunta..
eh ano pang maaabutan ko nun..?
ang mag-fill out ng contact tracing form...?? 🙁

from Php 500 na consultation fee..
biglang Php 800 to 1000 na ngayon..
eh paano pa kaya yung mga dadaanan na test..?
baka kulangin pa yung Php 10,000 sa mga gahaman na 'to... 🙁

sobrang late pa ng start..
sa halip na magawa na yung ibang mga ipapagawa, kung meron man..
okay lang sana kung pwedeng ma-contact muna eh, "you can do this and that, para ready na when you come here, then magbayad ka ng Php 800"..
kaso hindi eh..
limited time..
punta ka, heto ang mga gagawin mo, pay Php 800..
punta ka, analyze natin yung mga lab results mo, pay Php 800..
bilhin mo ang mga inireseta sa'yo..
balik ka after ng gamutan, pay Php 800...

hayop kang katawan ka..
bakit ngayon ka nagloloko sa hinayupak na panahon na 'to..?
i'm not yet done..
kaya bakit kailangang ma-activate ng ganitong level ng kamalasan sa panahon na sobrang mahal ng lahat ng bagay...?? 🙁

i can't do this..
maghihintay na lang ako ng pain symptom.. 🙁
at saka ko pag-iisipan ulit kung anong gagawin ko...

is 💀 feeling , hayop na.. iinom na lang ako ng Sesame Oil.. at maghahanap na rin ng Virgin Coconut Oil...

---o0o---


January 20, 2021...

[Gadget-Related]

konting positivity muna...

magaling din nga pala talagang magluto yung Air Fryer..
bumili kasi yung mapera na kasama ko sa bahay, kaya nakakatikim tuloy ako..
chicken for 18 minutes at pusit for 15 minutes..
at maayos ang pagkakaluto..
yung sarap eh depende naman na yun sa nagtitimpla...

ewan ko lang kung tama yung claim ng isang electric company na kesyo mura na yung Php 4.00 na pagluluto for about 20 minutes..
kasi kung ang 2 lutuan for 30 days eh aabot sa Php 240..
eh baka posible nga na mas makatipid 'yon dahil yung gasul namin eh nasa Php 650 plus na for about 2 months..
eh may minus pa sa gastos para sa mantika... :like:

yun lang..
Imperial brand yung binili ng kasama ko sa bahay.. 🙁
mas maganda kung ibang brand, tipong Japanese, basta't hindi Imperial...

is  feeling , cook...


>
[Medical Condition]

so ganito pala yung nangyari noong 2014:
November 24 - nadiskubre yung depekto pero wala pa namang physical symptom
December 4 (after 10 days) - saka lumabas yung symptom ng pain
December 10 - nagsimula yung gamutan
December 24 (after 30 days) - end of medication na tumagal ng 14 days
January 12 - nagsimulang mag-clear yung case 19 days after ng medication
January 18 (after 55 days) - medyo nag-recur yung visual symptom, pero nag-clear din naman nang tuluy-tuloy yung case after that

samantalang sa ngayon..
nasa 45 days na ako na visual symptoms lang...

is feeling , maghahanap pa lang ako ng Virgin Coconut Oil sa isang araw...


>
[Medical Condition]

afternoon...

yung ejected mass..
napansin ko kasi na nagagalaw na siya nang hindi sumasakit, kaya tinanggal ko na..
hindi na siya nakabaon sa loob, at parang itinulak talaga ng katawan ko papalabas..
halos kasing-laki siya ng butil ng mais..
parang rubber ang dating kapag pinipisil..
hindi ko alam kung ano talaga siya..
pero gusto kong umasa na yan yung tissue o kung ano man na nagko-cause noon ng mga pagbukol simula pa noong nasa college ako...

for now, this can grant me a normal-like appearance para sa Dream Date ko..
may scar lang, pero walang kung anu-anong lumalabas sa katawan...

---o0o---


January 21, 2021...

[Medical Condition]

dahil walang maaasahan sa mga ospital sa panahon ng hinayupak na bioweapon..
matakaw na sa oras, eh matakaw pa sa pera.. 🙁
kaya aasa na lang dito...

Prosource Extra Virgin Coconut Oil..
hindi natural na virgin, kundi extra virgin, medyo magkaiba pa 'yon..
Php 199 per 250 ml bottle..
hindi ako iinom nito bilang panlaban sa COVID-19..
pero iinom ako nito dahil sa ibang sakit..
kailangang mag-redirect ng pondo sa mas mahahalagang bagay...

---o0o---


January 22, 2021...

may nakahanap na naman sa akin na taong kakilala ko..
taong inirerespeto ko..
isang friend request... 🙁

kaso hindi talaga pwede eh..
masyadong madilim pa ang mga kaganapan sa buhay ko ngayon..
to be honest, umasa ako noon na may magbabago..
pero walang nangyari..
the more i fight, the more na may mga lumalabas na sakit..
ngumiti ka nang minsan, at uulan ng mga kamalasan sa mga susunod na panahon..
kaya sa tingin ko wala ng magbabago hanggang sa mga huling sandali ko sa mundo..
nabuhay ako na talunan..
kaya mamamatay ako na talunan..
at hindi ko kayang ipakita sa lahat kung gaano ko kinamumuhian ang buhay...

is 💀 feeling , naging basurahan ko ng mga alaala ang Facebook at Blogger sa loob ng napakatagal nang panahon...


No comments:

Post a Comment