Friday, October 23, 2020

Anti-Unli BB Bundle Scam

October 17, 2020...

[Scam]

Globe's Anti-Unli BB Bundle Scam


nasa college pa lang ako, Globe subcriber na kami..
Php 999 ang plan ng kauna-unahang account namin noon, na naka-bundle sa landline na libre lahat ang local calls..
ni minsan noon, hindi tumaas ang monthly bill namin ng dahil lang sa local calls..
which means..?
posible talaga na i-shoulder na lang dun sa buong plan yung bayad para sa landline...

nagsimula naman ang second account namin sa Php 1,099 na plan..
after more than a year, naloko ang biological mother ko para magpa-upgrade sa Plan 1,299..
at noon nagsimula ang problema namin sa Unli BB Bundle, na hindi namin alam kung anong meaning..
basta ang lagi lang nilang ibinibida sa amin na kesyo nagpo-provide yun ng FREE landline calls sa Globe at TM na mobile numbers..
pero sa lahat ng pamilyar dun sa gimik, eh alam nila na it's a form of scam...

recurring fee talaga yung Unli BB Bundle..
na FREE para lang sa unang 24 months..
so technically, hindi talaga masusunod yung Plan 1,299 kung patatagalin mo yung subscription mo sa Globe..
kasi eventually nga eh pababayaran nila sa'yo yung Unli BB Bundle..
kaya sa pangalan pa lang nung plan eh may gaguhan na talaga na nangyayari... 🙁

patraydor din ang pag-atake sa bill nung Unli BB Bundle..
hindi ka bibigyan ng babala ng internet service provider na kesyo tapos na yung pagiging FREE niya..
at mapipilitan ka na lang na bayaran iyon, kesa naman pahabain pa ang usapan..
pero tanggap namin iyon noon..
ang laging paliwanag sa amin dati, na hindi pwedeng i-cancel yung bundle na iyon..
at ang magagawa lang daw namin ay ang paulit-ulit na ipa-waive iyong bayad, na good for 12 months..
nasa 2 beses ko ngang nagamit iyong option na iyon, for 2018 and 2019...

pero nakagawa ang Globe ng panibagong scam ngayong panahon ng COVID-19.. 🙁
last month, na-reactivate yung bayad para sa Unli BB Bundle namin..
kaya naman tumawag ako sa Globe para muling magpa-waive..
pero surprisingly, sinabi ng agent nila na hindi na daw pwedeng magpa-waive, kaya kung gusto ko daw ay ipa-cancel na lang namin ng tuluyan yung bundle..
para daw hindi na siya ulit mapasama pa sa billing..
ang linaw pa ng pagbibida noon nung agent, na kesyo hindi na daw namin magagamit yung FREE landline calls for Globe and TM mobile numbers..
sinabi ko na hindi naman namin ginagamit yung ganung service, kaya naman ihinto na nga lang nila ng tuluyan...

after half a month..
muli kong kinumusta kung naalis na ba yung bundle sa billing namin..
oo daw, nag-take effect na..
pero laking gulat ko noong sabihin sa akin ng agent na may bayad na daw lahat ng landline calls namin, maliban na lang kung toll free..
put*ng ina..
sa halos 4 na taon namin na subscriber nung may recurring na Unli BB Bundle na plan, ngayon lang nila sinabi na saklaw nun ang lahat ng landline calls..
samantalang dati, panay FREE calls to Globe and TM lang yung paliwanag nila..
naghabol ako ng pag-waive nung bayad sa Unli BB Bundle, lalo't panahon ngayon ng COVID-19..
natapos nga yung bundle, pero mas matindi naman yung pumalit..
mukhang mas lumobo pa yung magiging bill namin for this month dahil sa mga local calls namin...

put*ng ina..
dati, pag-waive lang yung ino-offer nila, kasi alam nila na mare-reactivate yung monthly fee para dun kung mapapabayaan..
pero kaya pala sobrang kampante nila ngayon na mag-offer ng pag-cancel nung bundle, kasi lalagyan naman pala nila ng bayad lahat ng tawag sa landline... 🙁

malinaw na intesyon talaga ng mga tauhan ng Globe na manlinlang para kumita sila ng mas malaking pera... 🙁

is 💀 feeling , sawang-sawa na ako na maloko.. mga put*ng ina ninyo...

---o0o---


October 19, 2020...

put*ng ina ninyo, Globe..
ganito na ang level ng Plan 1299 ninyo ngayon..?
10 Mbps at nasa 500 GB ang data cap...

tapos yung put*ng inang pakiusap namin na panatilihin yung bill namin sa Php 1,299..
lalo't panahon ng COVID-19..
at dahil hindi naman kami tumatawag sa mga mobile numbers (since baka magkamali lang kami)..
pero biglang c-in-onvert ninyo yung telepono namin sa pay phone dahil sa pag-aalis nung pesteng Unli BB Bundle..
kesyo Php 5.00 ang landline to landline na local calls... 🙁

imagine..
a few months ago, ang offer ninyo sa amin eh the same 5 Mbps service na unlimited and data cap for Php 1,699..
pero itong 10 Mbps na plan eh inililihim ninyo sa amin, puwerket ano..?
dahil hindi tataas yung monthly bill namin...?

put*ng ina..
14 years na ninyo kami na subscriber..
kayang-kaya kong isampal sa inyo lahat ng bill namin from 2006 kung hihingi kayo ng mga ebidensya..
pero ang trato ninyo sa amin eh parang mga basura..
gatasan na baka..
na akala mo eh hindi on time nagbabayad every month... 🙁

is feeling , anong klase ng mga gahaman na demonyo kayo, Globe...??

---o0o---


October 21, 2020...

[Scam]

so we're f*cking trapped dahil dun sa Anti-Unli BB Bundle Scam..
September 2019 pa daw ginawa yung rule ng Globe na kesyo hindi na pwedeng i-renew yung pagiging FREE nung service..
basta hanggang 2 years ang itatagal mula sa installation..
at lahat ng iyon eh nangyari dahil hindi nila idini-disclose yung totoong meaning nung lecheng bundle na yun... 🙁

applicable yung 10 Mbps na Plan 1299 sa area namin..
pero wala na raw slot para sa amin..
besides, kahit pa magpa-upgrade kami nun, eh hindi na rin ulit kami magkakaroon ng FREE local landline to landline calls...

pwedeng dumaan sa disconnection..
but then, totoong dadaan kami sa pagpapaputol ng linya - na malaking abala..
tapos saka ulit magpapakabit ng panibagong plan, na sobrang tangang pakinggan...

mga hayop kayo..
hindi ko hihilingin na madaig kayo ng Imperial company..
pero sana lang, maramdaman nyo naman ang karma na kapalit ng mga ginagawa ninyong pagkagahaman... 🙁

is 💀 feeling , pakiramdam ko na buong pagkatao o pagka-nilalang ko eh nababalutan ng divine na kamalasan...


10 comments:

  1. Ganyan din problema ko ngayon. Been globe subscriber since 2005. From p1699 plan 10mbps, nag padowngrade din ako sa p1299 10mbps. Same lang din naman ang bilis at mas mura pa ung 1299..

    Ang siste, ginawa nga na 1299, pero 5mbps lang ang inaprub.. binalikan ko ang globe at after 3weeks naibalik kami sa 10mbps, plan 1299 na.

    Ngayon problema ko ay ung unli bb bundle plan, hindi nanna daw pwede maiwaive yun. Kahit na halos nagrenew ako at kumuha ng new plan. Talagang may additional na p99/month .. no choice.. sila ang nasusunod.

    Dapat inaalagaan nila mga loyal subscriber nila. Wala na nga matawagan csr via landline. Hirap kausapin ng csr nila sa fb msgr. Gusto pa papuntahin customer nila sa globe branch nila pag may problema. Putek na globe yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. well, hopefully, magbago naman sana sila kapag tuluyan nang nakapag-operate yung kompanya ng mga mananakop.. sana mapilitan silang gawing mas mura yung plans due to competition sa market...

      Delete
  2. bale wala na tlga choice kundi bayaran monthly ung additional 99pesos ? pasalamat sila walang ibang company na pede dito smen kaya nagtitiis ako sa bobong serbisyo nila, tinawag pang bundle kung hindi naman pala kasama sa 1299,

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa ngayon under observation pa namin.. pero sa 3 times kasi na na-activate siya dati ay may dagdag nga talaga na approximately Php 99 sa bill.. dati kasi pwedeng ipa-waive yung fee, kaso since last year ay may bago silang rule na bawal na daw.. so after 24 months parang papipiliin ka kung gusto mo bang may bayad per minute ang landline calls o fixed monthly fee na lang na about Php 99.. wala naman kaming problema sa mismong service nung company, gusto lang namin na maging tapat sila sa pricing gaya noong dati, at maging patas na rin sa lahat ng mga subscribers nila...

      Delete
  3. Sobrang Feel ko to...
    1699 Unli fiber yung sakin pero 2k plus yung binabayaran ko noong kasama pa yung insatallation fee. At ngayon na tapos na yung installation fee ay halos 1.8k pa din binabayaran ko dahil sa Unli BB Bundle..

    Hindi ako makapag reklamo dahil di ko matawagan ang number na pinrovide nila which is yung 02-730-1000.

    Sana may maka help sakin kung pano komontact sa Customer service nila para magcomplain sa iba ko pang concern regarding sa internet service at billing.

    Thank you so much!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naka-Globe kasi kami na mobile phone.. and usually kapag may problema yung internet namin ay damay din iyong landline.. kaya sa 211 kami tumatawag gamit nga ang mobile phone.. kailangan lang piliin yung option na ie-entertain ng customer support representative nila...

      Delete
  4. I padpad ako sa blog mo dahil sa pag search ng unliBB bundle na yan. Biktima din ako, I've been a subscriber since 2012. Pumatak yang +99 na yan nung Feb 2021 bill ko, at March 2021 bill ko. Pumunta ako sa globe business center, at puro promisa lang na irereverse. Ngayon nag request na ako na ipa tanggal na yang unliBB na yan.

    The facq! Pag matanggal na yan, mag babayad na ako ng local calls ko? Kala ko ba yung unliBB na yan pang Globe landline to Globe/TM Cellphone Numbers lang yan? Bat nasama pati local calls? Confirmed na ba yan na mag babayad ka sa local calls dahil sa pag tanggal ng unliBB?

    ReplyDelete
    Replies
    1. to be honest sir, hindi ko na rin naiintindihan ang pamamalakad ng Globe sa ngayon..
      kindly remember na lahat po ng nakakausap ko noon regarding this matter ay pawang mga customer service representative lang..
      wala pong pagkakataon na may nakausap ako na higher authority...

      yun nga po ang madalas nilang paliwanag noong time na pwede pang ipa-waive yung UnliBB Bundle sa tuwing nagre-recur na yung fee niya, na FREE calls from Globe landline to Globe/TM mobile numbers lang siya..
      kahit kailan po walang nag-explain sa amin na damay ang landline local calls..
      noong hindi na po pwedeng magpa-waive ng UnliBB Bundle fee, noon po sila nag-disclose na kesyo may inilabas na patakaran regarding that..
      dahil po doon, nag-decide po kami na ipa-terminate na lang yung UnliBB Bundle para mawala na yung additional na nasa may Php 99 per month..
      but then again, noong wala na kaming UnliBB Bundle ay saka lang rin in-explain sa amin na may bayad na per minute ang paggamit namin sa aming landline, kahit pa for local calls lang..
      and so nag-decide po kami na makiusap na ibalik na lang yung UnliBB Bundle para lang makagawa pa rin kami ng local calls, kesa naman sa magbayad kami per minute..
      eventually pumayag naman po sila..
      pero ang nakakapagtaka po kasi ay halos naglalaro lang sa Php 1,299 yung bill namin per month, at wala namang nagre-reflect na UnliBB Bundle sa statement of account..
      kaya po sa ngayon hindi po namin masabi kung error lang po ba iyon on the part of Globe, o kung muli ba nila kaming ini-enroll sa panibagong 2-year period para sa Plan 1299...

      Delete
  5. I found this from the other blog https://ken.ph/how-to-cancel-globe-internet-plans-unli-bb-add-on/ - dapat yung landline to landline local calls is free. You can even check it via their unsubscribed form na iniexplain which ngayon ko lang nalaman. http://glbe.co/UnliG2G-optout.

    ReplyDelete
  6. Same here pagkatapos ng 2yrs contract inaactivate nia ang bb bundke na wala permission namin. Nakakaluka hindi naan namin ginagamit aming landline never... mga manluluko.

    ReplyDelete