Loveless Story
October 17, 2020..
yung lalaking nag-bike mula sa Cavite para lang makapanligaw sa Pangasinan..
nagdala naman daw siya ng lahat ng required na documents...
nakakainggit.. 🙁
pero hindi ko kaya 'yon..
hindi ko kayang mag-travel using PUVs at sumugal sa kapaligiran..
mahirap na kung magiging carrier ako..
tapos madadalhan ko rin yung babaeng mahalaga para sa akin...
is feeling , hindi pwede yung ganun lang para sa date ko...
>
araw-araw..
every time na nakikita kong online siya..
natutukso ako na kausapin siya...
gusto ko siyang kumustahin..
gusto kong malaman kung single ba siya o hindi na..
gusto kong malaman kung may pag-asa pa bang maayos yung date namin na sinira niya...
pero hindi ko pwedeng gawin..
hindi pa ngayon..
posibleng masyado na akong nahuli, pero maaga pa para kausapin ko siya..
kailangan kong maghintay ng vaccine..
or kailangan ko ng sangkatutak na budget para sa mga swab test...
is feeling , sasaktan ko ang lahat ng mananakit sa akin...
---o0o---
October 19, 2020...
mukhang alam ko kung bakit takot si Miss Co na ma-link sa kanya yung online business niya..
ni hindi niya magamit ang kanyang magandang mukha para i-promote ang sarili niyang negosyo...
hindi tulad ng iba..
nasa teritoryo siya mismo ng majority ng mga kliyente..
kaya takot siya na baka may makakilala sa kanya..
kagaya kung paanong nakatrabaho siya noon ng kanyang dating professor..
takot siya na baka may mag-expose sa nakaraan niya..
o gamitin iyon para makakuha ng pabor mula sa kanya...
is 💀 feeling , haunted...
>
hawak ng Google ang mga sikreto nila..
ni hindi ko kailangang kumilos para umatake..
keywords lang ang kailangan para ma-discover ang records ng marami sa kanila...
is ⚠ feeling , anong kaya mong gawin para manatiling lihim ang mga lihim...??
>
ang hirap kapag yung mga ambisyon o goals mo sa buhay eh may sariling pag-iisip... 🙁
international travel..
local tourism..
beach goals..
mountain goals..
real estate..
kotse..
motorbike..
jewelries..
bags..
shoes..
gadgets..
action figures..
food..
at kung anu-ano pang goals na pera lang ang kailangan at ayos na ang usapan..
mga desire sa buhay na walang kalaban-laban basta't may pera ang naghahangad...
naiinggit ako sa kanila..
samantalang ako - pati memories ko eh kailangan ko pang pagtrabahuhan.. 🙁
tapos babanatan lang ako ng cancel...
is 💔 feeling , kailangan ko pang manghiram ng mga alaala mula sa iba, para lang maramdaman ko na kahit papaano eh nagiging tao rin ako...
---o0o---
October 20, 2020...
hindi na daw masyadong kailangan ng travel pass..
anak ng..
temptation..
pero mas pabor pa rin sa mga may pribadong sasakyan...
10 days from now, magiging 9 months nang wasak at atrasado yung date namin... 🙁
ano ba..?
COVID-19 hotspot yung area nila..
ganun din itong [Name of City], in denial lang..
so saan ko siya yayayain na safe..?
paano ko siya yayayain na bumawi sa sinira niyang date ko, habang may virus pa rin sa paligid..?
alam kong kaya niyang gumala kasama ng mga kakilala at pamilya niya..
pero papayag ba siyang lumabas na kasama ako..?
lalo na kung hindi kami sabay na dadaan sa swab test...??
hindi ko pwedeng damihan ang proposal ko..
problema kapag na-block lang ako..
dahil magiging obvious na sa akin pa rin manggagaling yung iba pang mga future proposals, kahit pa gumamit ako ng sangkatutak na account... 🙁
is feeling , kailangan ko ng 1 attempt na mataas ang probability...
---o0o---
October 21, 2020...
hindi praktikal na gumamit ng dark letter..
dahil malaking problema kapag may nakisawsaw na na mga armadong empleyado...
may trap parati na katumbas yung technique na iyon...
vengeance na lang yung kataasan na pwede mong makuha in case na gaguhin ka pa rin ng kapalaran sa second attempt...
is ⚠ feeling , imposible rin talaga yung pamamaraan na iyon...
>
so kailangan kong makahanap ng marunong magsalita ng Kapampangan na text para magpa-translate..
translation by context at hindi by word...
or posible din na hindi naman Kapampangan yung dialect na iyon, at kapitbahay na dialect lang...
is feeling , pahirapan na naman.. pero hindi pwedeng i-sacrifice ang mga drone...
---o0o---
October 22, 2020...
so nakuha ko na yung translation na kailangan ko..
mabuti na lang at medyo malaki ang blood clan na kinabibilangan ng vessel na ginagamit ko..
dahil dun may in-law pala ako na may alam sa mga dialect na mula sa Central Luzon...
pero ano ba 'tong larong ginagawa sa akin ni FATE..?
yung babaeng nagpaalala sa akin ng bad memories ko from 5 years ago..
lumalabas na marami talaga silang pagkakatulad ni Miss Co..
maliban sa parehas nilang winasak ang mga munti kong pangarap..
madami silang pagkakatulad..
sa hilig at bisyo..
at sa family background..
hindi nakakatuwa na parehas nilang nati-trigger ang alaala ko para sa bawat isa sa kanila... 🙁
walang makapapawi ng mga sugat sa memories ko maliban sa kanilang 2.. 🙁
pero paano ko naman sila kukumbinsihin na tapusin yung mga deal, kung wala naman akong sangkatutak na pera...??
is 💔 feeling , sabi nga sa isang nabasa ko na paalala.. huwag mong gagawing goal ang mga tao.. dahil kaya ka nilang biguin at saktan...
>
ang mga na-realize ko sa 2nd half ng existence ko...?
- kahit gawin mo yung patas, hindi necessarily magiging patas sa'yo ang lahat ng mga tao
hindi totoong bumabalik ang kabutihan, kung may gusto ka, either isuko mo na lang o gawin ang lahat para lang makuha iyon, gumanti ka kung kinakailangan
- hindi puwerket nabuhay ang tao sa arte at luho, na babaliktarin eventually ng kapalaran yung estado niya, dahil kahit na nabuhay na sa luho ang isang tao eh pwede pa rin siyang magtamasa ng mas magandang buhay
hindi basehan ang kasamaan kung babagsak ka ba sa hinaharap o hindi, hindi totoo ang Karma, minsan nga maganda na nakukuha at ibinibigay sa'yo parati yung mga demands mo dahil nagagamit na investment ang mga iyon para sa kinabukasan
- hindi lahat ng bagay madadaan sa sipag at tiyaga
hindi lang ang mga iyon ang nasa equation, kapag minamalas-malas ka eh mga kriminal ang makakaharap mo sa career mo, mahirap umasa sa mga bagay na nananakaw
- hindi puwerket ginagawa mo yung bagay na gusto mo at kung saan ka masaya, eh tataas yung chances of survival mo
maalin lang talaga 'yon, ang piliin mong gawin yung bagay na mas magpapasok sa'yo ng pera o ang makasama mong mamatay ang mga pangarap mo
wala na akong balak na lumaban pa for survival..
ipipilit ko na lang kung anong gusto ko hanggang sa huli..
kamatayan lang ang hantungan ng lahat ng nilalang..
walang pagkakaiba kung mamamatay ako na ginagawa kung ano man ang gusto ko, o ang mamatay na ginagaya lang ang ginagawa ng ibang mga tao...
is 💀 feeling , ilang taon na lang.. makukuha ko na rin ang katapusan ng buhay...
---o0o---
October 24, 2020...
ako na tuloy ang nasasaktan kapag sinasabi ng iba na hindi na siya payat..
kasi paulit-ulit nilang ipinapaalala sa akin na wala na yung babae na dapat na na-meet ko noong January... 🙁
running out of time..?
ano nga ba..?
eh body fats kasi ang kalaban ko sa race this time... 🙁
is feeling , maige sana kung walang magkakagusto sa kanya eh...
-----o0o-----
October 18, 2020...
[Gadget-Related]
Nokia 2.3 Initial Battery Evaluation
okay..
so hindi ako satisfied sa made in the Empire kong Nokia... 🙁
battery life when off: 200+ days (but still at about 70%)
charging time: 3:40 to 3:55 hours
usage range: 2:23:55 to 4:00:32 days
usage without battery saver: 3:11:07 days
usage without adaptive battery: 3:03:00 days
ang battery usage niya ay minimal pa lang, a few minutes na 2 times a day usually..
wala pa siyang masyadong apps na umaandar at nagno-notify..
patay din ang Wi-Fi connection madalas..
base sa observation, hindi naman mabilis mabawasan yung battery niya habang ginagamit..
pero matakaw siya during standby..
halimbawa sa nasa 7 hours ko na tulog sa gabi, eh as much as 12% yung konsumo niya..
ni hindi man lamang 1% per hour... 🙁
as compared sa Lenovo na tablet ko na may mas mababang battery capacity..
mabilis mabawasan yung battery nung tablet habang ginagamit..
pero mabagal siya habang naka-standby lang..
sa ngayon, nasa 6% lang yung drop rate niya in 24 hours, at nagagamit ko ang isang buong charge niya for 9 to 10 days..
at noong bago pa siya, nasa 1% lang yung drop rate niya in 24 hours kung tutuusin...
as compared naman sa isang Imperial smartphone..
during gaming, nasa 10% per hour yung konsumo nung isang phone na nandito sa bahay..
samantalang mabagal yung drop rate ng battery niya during standby..
pero since maya't maya ang gamit nung phone na 'yon, hindi ko pa rin maikumpara yung standby time niya sa Nokia ko...
so ang best option ko sa ngayon ay ang mag-battery saver at adaptive battery...
ewan..
napansin ko na lumakas yung konsumo niya noong ini-upgrade ko siya sa Android 10, from 6% na overnight standby to 12% nga..
although hindi ko siya masyadong naobserbahan bago ko ginawa iyon..
hindi ko rin alam kung may kinalaman ba yung pagiging made in the Empire niya sa kanyang battery life...
sa ngayon, masasabi ko na wala sa Nokia yung ipinagmamalaki nilang mahabang battery life noong panahon ng keypad...
is feeling , made in Finland kasi dapat eh...
---o0o---
October 23, 2020...
ano ba 'tong mga taga- [Name of City]..?
anong silbi ng heal them all kung patuloy naman ang mga hawaan...??
walang masyadong mangyayari kung gumaling man ang mga nahawa..
ang dapat iwasan eh ang pagkalat nung virus...
is ⚠ feeling , lockdown muna ng 1 buwan ulit.. tapos isara na muna ang bayan mula sa mga taga-labas at nasa labas...
>
natatawa ako dito sa Facebook..
nagsa-suggest ng mga babaeng representative na konektado sa sabong..
online sabong yata..
eh mukha namang mga peke ang account... XD
is feeling , yung pinapa-track ko ang i-suggest mo sa akin...
>
my house, my rules..
edi sana isinama na rin sa rules na kesyo anak ko, alaga ko...
totoong hindi ko magawang mahalin ang biological mother ko..
dahil yung mismong buhay ko, ipinapaalala sa akin na kasalanan nila yung ginawa nilang pagbuo sa akin... 🙁
pero yung itatrato kang alipin ng taong pinaglilingkuran mo..
knowing na ni hindi nga patas yung perang natatanggap mo kumpara sa dami ng trabaho mo..
tama ba naman 'yon...??
hindi nga matalino ang biological mother ko..
in fact, sobrang dami na niyang beses na nabudol ng mga mapagsamantala..
kahit noong naglilingkod pa siya nang tapat sa gobyerno..
lehitimong benefits na sana kung ipinatupad lang nang husto ang sistema, pero naging bato pa puwerket mga bobo ang nagma-manage ng leave credits..
ultimo nga sa travel allowance eh, kahit pwede siyang magsakay dahil nga may allowance naman, pero kapag kaya naman niyang lakarin eh idini-declare niyang zero..
tapos patalikod siyang titirahin ng pamilyang pinahahalagahan niya nang sobra...??
ni minsan ba kailan niya nagawang maghugas ng mga pinagkainan..?
ang problema sa mga tao, kapag may narating na eh sobrang espesyal na ng tingin sa sarili..
na tipong ni hindi nga pwedeng maghugas ng sariling pinggan..
ibinibigay ba talaga ng pera ang karapatan na tapakan ang kapwa..??
noong mga panahon na kailangan nila ng tulong, kailan ba sila pinagsaraduhan ng pinto ng bahay ng biological mother ko..??
kung kaya ng pera nila na i-handle ang pamilya nila, bakit hanggang ngayon eh humihingi sila ng tulong sa biological mother ko...??
is feeling , abusado...
No comments:
Post a Comment