Friday, October 2, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Few Days of September 2020 (Android Nokia)

Loveless Story


September 27, 2020...

anak ng..
nakaka-travel talaga sila... 🙁

pero paano..?
wala namang medical worker sa kanila..
paano nila nagagawang patagusin ang isang jam-packed na sasakyan sa kung saan-saang probinsiya...??

hindi ako magtataka kung within sa region lang nila eh..
pero yung sa iba't ibang region..
and i doubt na merong mag-aabala na umikot sa may Quezon para lang makagala..
eh parang wala lang sa kanila ang NCR eh...

anong klaseng koneksyon ang meron sila..?
may guest ba sila na ganung kalakas ang impluwensiya para mabalewala nila nang ganun na lang ang mga quarantine protocol..?
o talagang palpak lang ang sistema...??

mas napu-frustrate lang ako lalo..
2 beses na siyang nakakalapit sa location ko..
samantalang hindi ko maisip kung paano ko siya malalapitan nang walang vaccine...

is feeling , travelling skill.. wala ako nun...


>
almost the end of September..
mataas pa rin ang face value niya..
walang masyadong nagbago, naturally beautiful pa rin..
bumurok lang siguro nang kaunti ang mga pisngi..
tattoos, nagkalat na..
yung dating makinis niyang mga braso na kaya niyang i-flaunt nang husto, masyado nang markado ngayon ang kalahati..
body type..?
she's turning hybrid..
nagge-gain siya ng weight sa may abdominal area at sa mga braso niya..
pero name-maintain pa rin naman yung slim na legs niya...

is feeling , no choice.. hanggang monitoring lang muna...


>
[Gadget-Related]

para sa loveless story..
nagbuwis na ng nasa Php 6,000 para sa Android Pie..
talo ng nasa Php 700 as compared sa online shop..
pero mas maige na yung nakikita kaagad sa personal, kesa ihagis habang nasa delivery..
nadali sa tempered glass, Php 350 eh..
pero pulido namang naikabit...

anyway..
nauwi ako sa Nokia 2.3..
mas latest na model siya compared sa Nokia 3.2, at maging dun sa mga may Plus..
4000 mAh, kumpara sa 3060 lang nung mga mas mahal na may fingerprint lock..
Android Pie na pwedeng i-upgrade sa 10...

malaking sacrifice, kapalit ng paglaban sa mga mananakop..
since yung mga katapatan niya ang specs sa ibang Imperial brand eh mas mura ng ilang libo, like meron ng pwede for Php 3,000 to 4,500 lang...

unfortunately, made in the Empire ang unit ko..
so may mga gatas pa rin na napunta sa masama nilang motibo... 🙁

wala akong data tungkol sa performance ng Nokia na smartphone..
so wala akong magagawa kundi gumawa ng sarili kong observation..
bawal mag-games..
bawal manood ng mahaba, lalo na kung online..
for communication lang..
para umabot siya ng 10 years din...

is feeling , tulungan mo akong bawiin ang date ko...

---o0o---


September 28, 2020...

mukhang mauubos nga ang September ko..
at wala pang SSS dun...

will be a very busy day..
submission ng project sa 1st store..
magbabasa ng Manga..
at mag-i-stealth set up ng Nokia, bago pa ma-expire yung mga bagong SIM...

is feeling , para sa loveless story...


>
[Online Marketing]

matagal-tagal na rin..
pero wala pang umaatake laban sa project #11 ko..
at kailangan ko ng mas mahabang future na kagaya nun...

release na ng project #12 ko sa mga susunod na araw..
at plano ko din na maglabas ng 1 pa before the year ends..
2 project..
3 months..
at Php 100,000 na target...

katatalo ko lang ng nasa Php 6,000..
madadagdagan pa yun ng Php 12,000..
Php 5,000 naman early this year..
kaya kailangan ko talagang bawiin yung mga halaga na 'yon...

hindi ko alam kung kanino pa ako hihingi ng magandang kapalaran..
pero kakailanganin ko ng sandamakmak na suwerte para maabot yung goal ko para sa Year of the Vaccine...

is feeling , para sa loveless story...

---o0o---


September 30, 2020...

8 months na simula noong masira yung itinakda naming date ni Miss Racal... 🙁

8 months na kaming pinaghihiwalay ng banta ng COVID-19..
lagpas 6 months na pinaghihiwalay ng bulok na pamamalakad ng pamunuan..
nasa 3 months na niyang dinadagdagan yung mga ink marks niya..
2 months na matapos niya akong ma-detect..
at almost 2 months na siyang under observation...

matagal na nga palang nangyari yung chapter 7..
Love in the Time of COVID-19 - Chapter 7: Found

is 💔 feeling , hindi maghihilom yung sugat ko hangga't hindi ko nalalaman yung pakiramdam na makasama siya...

---o0o---


October 3, 2020...

[Piracy]

this time nabigyan ng 88 days na palugit yung project #11 ko..
but still, unfortunately, hanggang 51% lang yung naabot niyang quota bago siya babuyin ng mga pirata..
this means na hindi ko na naman naabot yung USD 200 na target... 🙁

hindi ko alam..
bagong scheme ba 'to ng pag-atake nila laban sa akin..
na hindi nila ako aatakehin hangga't wala akong iniri-release na bago...??

bakit..?
bakit hanggang ganito lang ako..?
bakit hindi ako pwedeng maging kalapit man lang ng level nung ibang mga alagad ng sining...?? 🙁

mga diyos..
mga bathala..
o kung ano pa man..
bakit sobrang saya ng buhay ng mga taong umaatake laban sa akin..?
may COVID-19, pero buhay na buhay sila..
samantalang ako, paubos na ang mga resources ko..
Php 100,000 yung target ko para makita si Miss Racal matapos ang pa-delubyo ng COVID-19..
pero inaatake nila ako kahit na nasa below USD 200 pa lang ako..
nasaan ang put*ng inang katarungan dun..?
kailangan ba talaga na maranasan ko na sagarin nila ako, para magawa ko nang tapusin yung buhay ko...?? 🙁

is 💀 feeling , talo na ako.. pero kailangan ko pa ring harapin yung natitirang more than 4 years ng buhay ko...

-----o0o-----


September 26, 2020...

[Online Marketing]

2 years na ako doon sa subscription platform..
ang tagal na rin nga pala..
hindi ko na namalayan...

pero kulang pa..
marami pang kulang...

is feeling , Php 100,000 goal in just 3 months...

---o0o---


September 27, 2020...

ngayon na lang ulit lumabas ng bahay..
2 mall..
for almost 2 hours...

ang tagal ko nang hindi ginagawa yung ganun..
yung umalis ng bahay sa hapon..
at umuwi nang madilim na ang paligid...

bukod pa yung bubusinahan ka ng basurang driver..
habang nasa pedestrian lane ka..
kasi gusto nila na naka-race-mode lang sila parati..
mayayabang na walang respeto sa batas, na dapat habambuhay na inaalisan ng lisensya..
balang araw gagantihan rin kayo ng kalikasan...

grabe sa SM..
parang normal na araw..
ang daming tao..
scammers pa yung ilang shop..
may Nokia na naka-display, pero walang stock..
at wala daw silang balak na mag-restock...

buti nailigtas ako kahit papaano ng Robinsons..
sobrang konti ng tao..
mas madami pa yung mga tauhan ng mga shop kumpara sa mga customer..
yun din siguro yung dahilan kung bakit madami-dami ang Nokia sa kanila...

nasubukang mag-mamahalin na solo ride..
at 2 jeepney ride sa panahon ng COVID-19...

is ⚠ feeling , sana safe pa rin ako...

---o0o---


September 28, 2020...

[Gadget-Related]

ngayon ko lang napansin..
made a huge mistake..
gusto ko yung Nokia dahil gusto ko mismong nakikita yung brand niya..
kaso hindi ko alam na matatakpan pala nung piniling tempered glass sa shop yung label niya... 🙁

palpak na naman kaagad... 🙁

is feeling , anak ng.. kaya pala iba yung itsura niya...


>
[Gadget-Related]

tapos nang i-set up yung phone..
private mode..
activated na rin yung mga SIM..
nakapag-install na ng mga communication apps, pero hindi pa naka-log-in...

file handling naman ang susubukan next time...

is feeling , ang takaw sa oras...

---o0o---


September 29, 2020...

[Music / Dance / K-ture]

BTS - Dynamite (Choreography Version)


'yon naman..
may choreography video..
makapag-PE na nga muna...

credit goes to the original creator(s) and uploader...

is feeling , nakakalungkot yung playlist ko eh.. lipat muna ako sa Pop...


>
[Gadget-Related]

so totoo nga..
nag-update na kaagad ako ng OS papuntang Android 10, bago maglipat ng mga files..
from 2018, eh nakahabol na sa pang-2019 yung Android ko..
August 2020 version na rin...

nakapaglipat na rin ng mga files after that..
wala siyang easy access na file holder..
pero magaling yung file manager niya..
so far eh mukhang pulido..
kayang buksan lahat nung mga file format na kinopya ko sa kanya, at sa tamang paraan...

ready na siya...

is feeling , drone na yung susunod sa listahan...

---o0o---


September 30, 2020...

[Manga]

2 weeks..?
katumbas yun ng 14-day quarantine period ah..
although malimit na talaga siya lately na gumamit ng ganung klase ng schedule...

awa na..
huwag ninyong idadamay si Eiichiro Oda sa mga kamalasan ko...

is ⚠ feeling , ako na lang.. huwag lang si Oda.. Ivtre ko na lang ang bahalang tumapos dun sa manga...


>
[Gadget-Related]

ito na nga ba yung ayaw ko sa mga smartphone eh..
masyadong assuming..
overgeneralization..
auto-login..
isa lang ang ginamit ko, pero damay na ang lahat..
lahat ng ginagamit ko na program eh kaya niyang buksan, basta't may internet connection.. 🙁
kaya hawak niya rin lahat ng online files and records ko...

eh paano kung madekwat 'yon..?
sana talaga pwede na lang na naka-log off yung mga hindi naman binubuksan gamit ang phone...

in addition..
ang weird..
kasi kapag nag-cut ka ng files papunta dun sa Nokia..
eh parang copy lang yung ginagawa niya..
at nag-iiwan siya ng deleted copies doon sa recycle bin pagkatapos...

isa pa..
maaksaya nga sa battery ang Anroid 10 na 'to..
8% ng battery ang konsumo niya overnight..
naka-standby lang yun..
at naka-Battery Saver pa..
samantalang yung Lenovo Jelly Bean ko dati eh originally 1% lang ang battery consumption habang naka-standby lang for a day...

is ⚠ feeling , security, please...


>
ilang araw na akong walang siesta.. 🙁
kailangan ko nang bumalik sa trabaho eh..
kaya hindi pwedeng matulog, para naman utay-utayin yung plano for December...

nakapaglipat na ng mga reminders sa Android calendar..
pero mas matalino yung calendar nung luma kong Nokia..
although practice naman sa Math yung Android version...

madami-dami pa ang kulang para sa plano..
pero buo na yung isang identity...

is feeling , walang ibang choice kundi ang subukan...

---o0o---


October 1, 2020...

so nasa Php 160,000 na pala yung requirement ko ngayon per month para magka-interes ng Php 100 sa bangko within 4 months... XD

tapos mahina ang support sa PayPal sa panahon na 'to ng COVID-19..
ang hirap maghanap ng makakausap for clarification..
hindi ko pa tuloy mai-re-set up yung eBay ko para makapagbenta na ulit ako ng mga hindi ginagamit na items...

is feeling , ang hirap kumita ng pera...

---o0o---


October 2, 2020...

[Online Marketing]

ay nagsimula na rin nga sa project #18..
gawa lang nang gawa, hanggang sa kamatayan...

medyo ilang araw na simula noong i-release yung project #12..
hindi pa ganung kalakas ang pagtanggap ng mga buyers mula sa 1st store..
nakatago naman hanggang sa ngayon yung sales data namin mula sa 2nd store..
samantalang pinili kong hindi na muna i-release yung product sa 3rd store, kasi supporter ng mga pirata yung isang active buyer ko mula doon... 🙁

may bago ring policy para sa 3rd store dahil sa payment handler..
diretsahan na ang money flow..
wala ng quota-quota, pero mas madalas ang singilan ng fees.. 🙁
so lagot ako sa handling ng transaction records kapag nagkataon...

is feeling , 2nd store, gulatin mo sana ako in a good way kapag dumating na yung monthly report...


>
ano bang nangyayari dito sa [Name of City]..?
isinumpa rin ba 'tong bayan na 'to dahil sa akin..
lintik na..
simula noong buksan ang ekonomiya, walang 2 weeks na dumadaan nang walang nagte-test na positive sa lecheng COVID-19 na yan... 🙁

mga hayop kayo..
paano ko siya yayayain papunta dito kung pakalat kayo nang pakalat ng COVID-19... 🙁

hindi ba dapat na i-lockdown na muna ulit ang bayan ng isang buong buwan...??

is feeling , kahit 2 weeks lang na walang nade-detect na carrier...


No comments:

Post a Comment