Friday, July 24, 2020

Quarantine Fail (Not Pass)

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



ang dami ng mga nagpo-protesta..
pero talagang wala ng balita ang umaabot sa FREE TV channel na available sa amin... :(

mga tao pa ba sila..?
hindi na 'to tungkol sa pasikatan..
hindi na 'to tungkol sa kung sino ang mas maraming supporters..
tungkol 'to sa panggigipit, pag-abuso sa kapangyarihan, at hindi balanseng pagpapatupad ng mga patakaran..
bukod pa sa sinusubukan na nilang i-connect sa mga terorista yung mga supporters nung kompanya... :(

ito ba ang tinatawag ninyong public service..?
walang bias kuno..?
serbisyong totoo..?
tungkol 'to sa interes ng publiko..
pero patay na ang mga balita tungkol sa kanila... :(

is feeling , takot ba sila..? o talagang sinusulit lang ang monopolyo...??

---o0o---


naaawa ako sa mga celebrities na patuloy na lumalaban..
totoong hindi sila ang pinakanasagasaan ng panggigipit na ito..
pero bilang mga alagad sila ng sining..
nakakaawang makita kung paano sila binubusalan... :(

wala na silang boses sa FREE TV..
at kailangan pa ng extra na gastos para ma-access ang mga content nila...

at lahat ng 'to ay hindi naman dahil sa mga violations kuno..
angkan lang ang puntirya nila, pero ang dami ng kaya nilang idamay... :(

kung walang mga offshore na negosyo sa panahon ngayon..
kung walang mga pasaway na mining companies..
kung walang nakakakuha ng milyones na deal habang nasa katungkulan..
kung walang mga mamahalin na temporary projects..
kung walang pag-aari sa mga kompanya sa bayan ang mga Imperyalista..
at kung lahat ng dapat parusahan eh napaparusahan nga..
baka pa naniwala ako sa layunin ng ginawa nila...

kaso..
aware ako sa records ng mga miyembro ng alyansa eh... :(

is feeling , kung ayaw ninyong tuparin yung request ko.. hindi ba pwedeng yung sa kanila na lang...??

---o0o---


ang dami na ng mga nagkaka-COVID-19 mula sa sektor ng mga active sa trabaho..
kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
kung hindi ninyo kayang dinggin ang panawagan ng mga lumalaban para dun sa kompanya..
at least pagkalooban nyo man lamang sila ng proteksyon laban sa Imperial virus...

huwag ninyong hayaan na mas yurakan ng mga tiwaling Chunin ang hanay nila kapag may napeste ng COVID-19 sa kanila..
huwag ninyong hayaan na gawing dahilan ng mga tiwaling Chunin iyong virus para busalan ang mga lumalaban sa hindi pagkakapantay-pantay...

is feeling , awa nyo na.. masyado nang mahirap na kalaban ang Imperyo at ang COVID-19.. tigilan nyo na muna ang pagpapadala ng mga impiyerno dito sa bayan...

---o0o---


daily prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mamatay na kaagad lahat ng miyembro ng alyansa..
yun lang...

is ðŸ’€ feeling , day 14...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 175 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pagkambyo sa pagbabasura ng Visiting Forces Agreement
  • yung priority daw ang welfare ng mga mamamayan, pero hindi nga nagawang ipatigil noon ang mga international travel para mapigilan ang pagpasok ng COVID-19 sa loob ng bansa
  • yung mabilis DAW makahawa ng COVID-19 ang pag-aangkas sa motor, kahit na magkakasama naman na talaga yung mga tao iyon sa kanilang mga bahay 
  • yung sinisisi ang mga Cebuano dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa lugar nila, samantalang sila 'tong walang kakayahan na mag-order ng total international travel ban kahit nananalanta na noon yung virus sa bansang pinagmulan nito
  • yung gasolina o diesel daw ang ipanglinis sa mga gamit na face mask
  • yung kagustuhan na ipaaresto ang mga hindi nagsusuot ng face mask, samantalang may mga kaso kung saan maging ang mga nasa loob ng sarili nilang bakuran eh sinisita ng mga awtoridad
  • yung 5 months na, pero wala man lang nag-a-apologize para sa naging maluwag na health protocol sa mga airport sa simula ng paglaganap ng COVID-19
  • yung pagyayabang na kesyo napabagsak na daw ang oligarkiya, samantalang marami sa mga kaalyado nila eh bahagi nun
  • yung wala daw yabang ang Imperyo, samantalang patuloy ang panggigipit, pang-aagaw ng mga teritoryo, pagtatayo ng mga structures, at ang unauthorized na pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng may teritoryo 

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Jaen, Nueva Ecija, yung ilegal na tupada sa panahon ng quarantine kung saan isa sa mga nahuli ay Barangay Chairman
  • sa Bulacan, yung 2 pulis na naka-assign sa Malolos at 2 pang kasabwat na sibilyan na hinuli dahil sa pangingikil sa mga tricycle drivers na may violation
  • sa Mabalacat, Pampanga, yung pulis na inaresto dahil sa pagsa-sideline ng pagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung Army Reservist at dalawang iba pa, na nahulihan ng ilang milyong halaga ng shabu
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis, na may ranggo pa man din, na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga armas
  • sa Binangonan, Rizal, yung mga miyembro ng kidnap-for-ransom group na napatay daw sa engkuwentro, kung saan 1 sa mga napatay ay dating pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung Hepe ng mga pulis na nanakot at nagpadapa daw sa grupo na nag-assess sa mangrove forest na pinasok na ng mga informal settler, na may sinaktan rin daw sa kanila
  • sa may Cabugao, Ilocos Sur, yung 15 year old na dalagita at yung pinsan niya na biktima daw ng sexual abuse kung saan mga pulis ang itinuturong suspek
  • sa may Cabugao, Ilocos Sur pa din, yung ginawang pagtumba dun sa 15 year old na dalagita matapos niyang magsampa ng reklamo, kung saan suspek sa pagpatay yung mga nang-abuso sa kanila na pulis
  • sa Mandaluyong City, yung lasing na pulis na namaril ng guard at tumangay rin daw ng motor
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Kagawad na namaril, 3 katao yata yung napatay niya
  • sa Jolo, Sulu, yung 4 na sundalo na napatay sa pamamaril ng mga pulis
  • sa Davao City, yung delivery boy na napatay sa pamamaril ng isang sundalo, kesyo binu-bully daw nung biktima yung anak nung suspek
  • sa Cavite, yung Army Reservist na namasok ng isang talyer at nanulak dahil lang daw sa masamang tingin sa kanya matapos niyang manita tungkol sa hindi pagsusuot ng face mask
  • sa Lanao del Sur, yung pulis na nakunan ng video na nanuntok at nanabunot sa isang rider matapos daw na hindi ito huminto sa quarantine checkpoint
  • sa Laguna, yung mga bata na sinampal daw ng tsinelas ng Barangay Captain sa panahon ng quarantine
  • sa Philippine Sports Commission, yung empleyado na nagnanakaw ng allowance daw ng mga atleta

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung social media cyber attack laban sa mga estudyante at naging estudyante ng isang kilalang university
  • yung wanted posters at terrorist branding laban sa mga hindi naman armadong tao
  • yung palabas na kesyo may sumubok DAW na manuhol sa isang Representative mula doon sa TV network
  • sa Region IV-A, yung nabisto na mini-casino, kung saan isa DAW sa mga naabutan pero nakatakas eh pulis
  • sa Caloocan, sa panahon ng COVID-19, yung mag-ama yata iyon na pinatay ng 2 lalaki nang hindi mahanap yung taong target nila

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung pagbubusal sa mga taong simbahan gamit ang patakaran ng separation of church and state
  • sa panahon ng COVID-19, yung panukalang palitan ang pangalan ng isang airport na may historical significance
  • yung anti-terrorism na patakaran, pero pumalya nga sila noon sa pagbabantay sa Marawi kahit na may intelligence na DAW sila tungkol sa magaganap na terorismo doon
  • sa Parañaque, yung 4 daw na terorista na napatay ng mga pulis, na January pa DAW minamanmanan pero nitong June lang sinugod
  • sa Jolo, Sulu, yung malisyosong video ng paggalaw ng mga militar sa crime scene kung saan pinatay ang mga kasamahan nila, pero wala naman yung portion kung kailan mismo pinatay yung mga sundalo
  • yung overkill na ginawa laban sa isang mukha namang peaceful na Pride March na may mensahe laban sa butas na anti-terrorism na panukala
  • yung post sa social media ng Malaybalay City Police Station, na parang nagbibigay ng mindset na mga pro- sa terorismo ang mga sumusuporta sa ginipit na TV network
  • yung kasong libel laban sa isang ordinaryong tao, kahit na hindi naman mukhang masyadong mapanira o mapagparatang yung kanyang social media post
  • sa PhilHealth, yung mga opisyales daw na nag-resign dahil sa mga katiwalian doon sa ahensiya
  • yung required pa rin nga daw na magpa-register sa BIR ang kahit na anong online selling na business, maging yung mga exempted naman sa pagbabayad ng buwis para dun
  • yung nasa Php 150 Million daw na budget para lang sa concrete barriers ng pansamantalang daanan ngayon ng mga bus
  • yung may mga pagkakataon na walang alam o hindi naiintindihan ng mga piniling pinuno ang mga patakaran o permiso na mga kahanay rin naman nila ang nagpapatupad o nagbibigay
  • yung social media post ng Lucban Municipal Police Station, yung nagdidikta ng isusuot ng mga kababaihan na para bang damit ang basehan ng mga nagko-commit ng sexual abuse 
  • sa Taguig, yung agawan sa lupa ng mga pulis, kung saan may dokumento yung umuokupa dun sa lupa samantalang wala namang ipinapakitang dokumento yung mga nagpapaalis 
  • yung aminado ang mga nasa itaas na hindi nila kayang ilibre ng test ang lahat
  • yung mga pinuno na naghahanap ng masisisi sa pagkamatay nung babaeng naghintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
  • yung bastos na Representative na walang galang sa awit at watawat ng bayan, pero yung TV network ang kanyang sinisisi dahil sa pagkahuli sa kawalan niya ng respeto
  • doon sa VIP TV show, yung opisyales na nag-guest nang hindi nagsusuot ng face mask at lumabag din sa physical distancing
  • yung mga pinunong gumagawa kaagad ng mga patakaran na nagbibigay ng mga benefits pero maglilikom naman ng mas maraming bayad, kahit na batid nila na may anumalya pa sa ahensyang hahawak ng pera para dun
  • yung opisyales na natuwa dahil hindi DAW tumama yung prediction ng UP tungkol sa COVID-19 cases, samantalang wala naman silang isinasagawa na mass testing 
  • yung opisyales na nagsinungaling tungkol sa issue ng oligarkiya
  • yung pag-e-edit ng content na inilalabas para sa public
  • yung plano para sa pagbubukas ng turismo na mukhang lalabag sa 1 quarantine pass per household na rule
  • yung nagpabaya at nagsabi na pwede nang lumabas yung mga hindi saklaw ng high and low age restriction sa ilalim ng GCQ, tapos ngayon eh sasabihin nila na kailangan na ulit ng quarantine pass
  • yung pagpapababa ng DOLE sa bilang ng mga nawalan ng trabaho, na para bang hindi kasama ang informal sector sa mga naapektuhan ng COVID-19
  • yung planong pagsasayang ng pondo para sa mga hindi naman expert na contact tracers, para lang makapagbigay sila ng temporary na mga trabaho
  • yung sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
  • yung pinuno na isinisisi sa kanyang mga tauhan ang sobrang late na pag-aksyon para sa ipinangakong benefits para sa mga medical frontliners
  • yung health leader na patuloy sa pagbibitaw ng mga paiba-ibang statements regarding the COVID-19 situation
  • yung doktor na pinatalsik mula sa COVID-19 task force, na sumisita daw sa mga pagkukulang ng kanilang sistema
  • yung pagbagsak ng airline industry dahil hindi sila tinuruan at tinulungan kaagad noon na mas maghigpit laban sa COVID-19
  • yung pwede na daw ulit magbiyahe sa ilang ibang bansa sa panahon ng pananalanta ng COVID-19, kahit pa para lang sa luho
  • yung lalong pagpatay sa dati na nilang pinapatay na jeepney industry sa panahon ng COVID-19 
  • yung design nung ibang mass transport na PUV na pinayagang makabiyahe, na katulad din naman ng sa jeep na magkatapatan ang mga pasahero at wala pa ngang divider sa upuan yung sa kanila
  • yung pagtawag dun sa mga sasakyan na mas mukhang mga maliliit na bus bilang mga jeepney para lang makondisyon ang mga tao na kesyo makabagong jeep ang mga iyon
  • yung mas malaki ang percentage ng mga tao na pwede sa mga pampublikong sasakyan at kainan kumpara sa pwedeng pumunta sa mga simbahan
  • sa Manila, yung babae na namatay kahihintay ng masasakyan pauwi ng probinsya
  • yung patuloy na pagbabawal sa pag-aangkas sa motorsiklo, kahit na araw-araw namang magkakasama yung mga taong iyon sa kanilang mga bahay 
  • yung idea ng motorcycle barriers, samantalang mga magkarelasyon lang naman ang pinayagan nilang mag-angkas
  • yung may mga aksidente na na naitala dahil sa pagpapagamit at paggamit ng motorcycle barriers
  • yung may mga tauhan ang Philippine Coast Guard na nahuling magkaangkas sa motor
  • sa NCR, yung mga kapwa pulis na hinuhuli ng HPG dahil sa paggamit ng kanilang private vehicle sa pagdaan sa bus lane
  • yung mga police escorts ng Mayor mula sa San Juan na lumabag daw sa health protocols ng Baguio
  • yung Regional Director daw ng Bureau of Fire Protection na pinasibak matapos na magsagawa ang kanyang mga tauhan ng despedida party sa Boracay sa panahon ng COVID-19
  • sa Marilao, Bulacan, yung mali at walang coordination na ginagawang disposal ng mga COVID-19-exposed na mga kagamitan sa isang bakanteng lote na malapit sa residential area
  • yung pagdagdag ng mga PPE sa mga basura sa dagat
  • yung kawalan ng tama at consistent na guideline tungkol sa pag-i-screen ng body temperature sa iba't ibang mga establishments
  • yung marami na ang nabe-verify na COVID-19 positive cases araw-araw kahit na targeted testing pa lang ang naisasagawa sa ngayon, since June 2020 sa observation ko
  • yung hindi na daw kailangang i-test ulit ang mga na-test na positive COVID-19 carrier after a certain number of days na wala na itong ipinapakitang symptoms, maging yung mga Asymptomatic carriers na wala naman talagang symptoms
  • yung halos gamit na daw ang buong capacity ng iba't ibang medical facilities, bukod pa sa pagbaba ng supply ng mga PPE sa ibang mga ospital
  • hanggang July, yung hindi pa rin pala tinatangkilik ng DOH ang paggamit nung UP COVID-19 test kits
  • yung bigla daw bumaba ang presyuhan ng mga imported na COVID-19 test kits matapos na payagan na ulit na magamit yung murang local brand
  • yung muling napeste ng COVID-19 ang hanay ng RITM, nasa 30 plus daw yung na-detect this time
  • sa Cebu City, yung certification tungkol sa paggaling daw ng isang pasyente mula sa COVID-19, kaso ay matagal na palang patay yung taong iyon
  • yung pagsabog daw ng COVID-19 dahil sa pagho-home quarantine lang ng mga Asymptomatic at may mahihina lang na symptoms na carriers
  • sa Quezon City, yung buong akala daw ng LGU na quarantine facility lang yung hotel at hindi daw nila batid na ginawa na pala iyong isolation facility para sa mga carrier
  • ang pagkalat ng COVID-19 sa MRT system dahil sa mahina na naman na health protocol
  • yung tigil operasyon na muna daw ulit ang MRT dahil nga napeste sila ng COVID-19 sa kabila ng kanilang health protocol daw
  • sa LRT, yung picture na nagpapakita na hindi nasunod ang physical distancing at ang regulated capacity
  • sa Manila, yung 2 detainee na COVID-19 carrier na nakatakas sa quarantine facility
  • sa New Bataan, Davao de Oro, yung patayan na nangyari sa loob mismo ng quarantine facility
  • sa Davao City, yung nakunan ng video, yung mga lumabag sa curfew sa panahon ng COVID-19 na pinaglanggoy sa maruming kanal
  • yung mga kaso nung ibang locally stranded individuals (LSI) na naging mga COVID-19 carrier na nga
  • yung ipinatigil na muna ang pagpapauwi sa mga LSI para ipa-test muna sila, dahil nagiging COVID-19 carrier na nga yung ibang mga nakakauwi sa mga probinsya nila
  • yung sobrang late na paglabas ng results ng mga na-quarantine na OFW, lalo na yung mga positive pala, na problema habang nae-expose yung mga negative sa positive habang naghihintay sila ng kanilang test results
  • yung walang koordinasyon na pagpapauwi ng mga na-test nang mga OFW sa mga probinsya nila
  • yung mga OFW na nag-negative sa COVID-19 screening sa NCR, pero nag-positive naman sa rapid test pagdating sa kanilang mga probinsya
  • yung napasok na ng COVID-19 ang Ormoc City dahil sa OFW na carrier, na nag-negative daw sa NCR pero positive na nang makarating sa kanila
  • yung nag-uwi na nga ang pamunuan ng mga bangkay ng COVID-19 carriers mula sa ibang bansa, gayong ang patakaran nga sa loob ng bayan ay kailangang i-cremate o ilibing kaagad
  • sa Quezon City, yung malawakang panghuhuli sa mga lumalabag sa safety protocols in public, kung saan isa sa mga nahuli ay reporter na COVID-19 survivor, na nagbaba lang daw ng mask para uminom ng tubig
  • sa Bulacan, yung karera ng mga kalabaw sa panahon ng quarantine, kung saan isa sa mga nahuli ay Barangay Kagawad at yung iba naman eh mga menor de edad
  • yung nabulukan na naman ng supply ng kamatis ang Ifugao at Nueva Vizcaya sa panahon ng COVID-19
  • sa Ifugao, yung mga magsasaka na nabulukan naman ng carrots sa panahon ng COVID-19
  • yung oversupply naman ngayon ng Pechay Baguio sa panahon ng COVID-19, na nagdudulot tuloy ng sobrang babang presyuhan para sa mga kawawang magsasaka
  • sa Nueva Ecija, yung mga nasayang na gatas ng kalabaw sa panahon daw nung ECQ
  • yung may oversupply daw ng manok at baboy nitong June 2020, pero sobrang mahal pa rin naman ng bentahan para sa mga consumers
  • yung mabilis na pagmamahal na ibang mga bilihin nitong panahon ng COVID-19
  • yung hirap ng mga teachers sa ibang lugar sa pagsagap ng internet signal para maka-attend sa kanilang online seminar
  • yung problema ng DepEd sa pagpo-provide ng gadget sa mga teacher na walang gadget, ganun din ang akmang bilis ng internet connection para sa kanilang lahat
  • yung mga school na naniningil para sa mga resources at services na hindi naman mapapakinabangan ng mga estudyante under ng no contact education
  • yung pagkamatay ng mga high profile na bilanggo ng dahil daw sa COVID-19, pero hindi kaagad ipinaalam sa publiko ang development noon tungkol sa kanilang pagkakasakit
  • yung nabubuwisit na yung pinuno sa Bureau of Corrections, samantalang nagtatanong lang naman dahil may mga kuwestiyonableng nangyari
  • yung selective justice kung saan naparurusahan ang mga hindi kaalyado, samantalang ang mga mamamayan pa ang nagpapasuweldo sa mga taong di hamak na mas malaki ang ginagawang mga FAKE news sa bayan
  • yung patay na pala yung isa sa mga sumulat nung inirereklamong online article
  • yung sinabi na aaksyunan kaagad yung franchise, pero heto at ginigisa nila at paulit-ulit pa nga ang mga sinisitang topic
  • yung palusot na kesyo available pa naman daw sa ibang platform yung TV Network, samantalang hindi naman lahat ng tao ay may cable at internet connection
  • yung Representative na nagrereklamo tungkol sa pagbebenta nung kompanya ng digital TV box, na para bang wala siyang alam sa plano ng NTC para mag-convert na ang lahat sa digital terrestrial television
  • yung Representative na hindi marunong mag-interpret ng patakaran
  • yung paggisa sa citizenship nung mga racist na Representative, na para bang hindi anak ng mga mamamayan yung taong target nila, na para bang purong banyaga ito
  • yung pinapalabas ngayon ng ibang mga Representative na makatuwiran ang mga pangangamkam na ginawa sa ilalim ng Dictator's Law
  • yung Representative na iginigiit na hindi naman daw form ng service ang TV entertainment, pero naghahanap naman siya ng pababayarang buwis
  • yung overgeneralization ng isang Representative na kesyo lagi DAW tinatawag nung kompanya ang hanay nila bilang masasama
  • yung nakakuha naman ng franchise noong 1995, pero ibinabalik ang lahat ngayon sa panahon ng pangangamkam ng Dictator's Law
  • yung magkakaroon na ngayon ng regular na bayad ang panonood dun sa TV Network through monthly cable fees
  • yung advice na kesyo bumoto DAW nang naaayon sa konsensya, pero mga wala naman silang ganun
  • yung may advice na rin mula sa mga Representative na ibenta na lang yung kompanya para lang mawala ito sa pagmamay-ari ng hindi nila kaalyadong angkan 
  • yung madalas na pagkakaroon ng konsiderasyon para sa ibang mga negosyante through waiving of penalties, pero hinding-hindi nila kayang ipagkaloob iyon sa isang kompanya na may legacy na
  • ang pagsasamantala sa kawalan ng kakayahan ng mga empleyado at supporters nung TV Network na mag-gather at magprotesta ngayong panahon ng COVID-19
  • yung hanggang June 2020 ay wala pa ring totoong nagta-tackle sa kagustuhan at kautusan ng NTC na mag-convert na ang lahat ng local TV channels sa digital terrestrial television
  • yung patuloy na pag-o-operate ng mga kompanya na mas higit ang mga naging pagmamalabis laban sa mga mamamayan
  • yung telco na Mislatel or Dito na hindi 100% na pagmamay-ari ng mga Filipino
  • yung kaagad din DAW palang pinalaya yung mga Imperial citizen na nahuling nag-o-operate ng ilegal na underground hospital sa Pampanga, kaya iimbestigahan na rin ng NBI yung nangyari
  • yung 15 na pulis Quezon City na sinibak daw sa mga puwesto nila matapos na matakasan DAW ng 6 na Imperial citizen na nahuli naman dahil sa kanilang illegal POGO operation

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga mamamayan na naniwala na March lang nagsimula ang COVID-19
  • yung mga mamamayan na namatayan ng kaanak abroad dahil sa COVID-19, pero talagang gusto pa ring makita at iburol yung bangkay dito sa bayan
  • yung grupo ng mga artista na lumabag daw sa quarantine o safety protocol sa Ilocos Sur, kaya tuloy plano silang ituring ngayon bilang mga persona non grata
  • sa Ozamiz City, Misamis Occidental, yung umuwing lalaking OFW at asawa nito na nag-check in sa isang hotel, na inaresto dahil sa paglabag sa quarantine protocols
  • sa Cebu, yung isang barangay na nagdaos ng religious na prusisyon kung saan madami ang nakibahagi at nalabag ang physical distancing
  • sa Pampanga, yung pagsabog ng COVID-19, nagsalo-salo daw kasi at nag-inuman yung mga na-detect na carriers, may sinasabing tungkol sa fiesta eh
  • sa Negros Oriental, yung lalaki na COVID-19 carrier na naglibot at nakipag-inuman pa sa mga kakilala niya dahil hindi nag-quarantine habang naghihintay ng kanyang test result
  • yung mga pasaway na talagang tumatakas pa kahit naka-hard lockdown ang kanilang mga lugar, kung saan ang marami eh mga walang kabuluhan pa ang rason
  • sa Quezon City, yung babae na COVID-19 carrier daw, na tumakas sa isang isolation facility na hotel
  • sa Sto. Tomas, Davao del Norte, yung tumakas na OFW at LSI mula sa quarantine facility habang hinihintay pa lang ang resulta ng kanilang swab test
  • sa Santa Cruz, Laguna, yung mga kabataan na lumabag naman daw sa liquor ban sa panahon ng COVID-19, na mukhang nanira pa ng CCTV camera
  • sa Tondo, Manila, yung mga sakay ng tricycle na kinuyog ng mga kabataan sa panahon ng COVID-19
  • sa Makati, yung bar, na restobar naman daw, na sinalakay ng mga pulis dahil napag-alaman na may mga nagpa-party sa panahon ng quarantine
  • sa Novaliches, Quezon City, yung mga nahuli na nag-party sa isang resto bar na ilegal daw na nag-o-operate sa panahon ng quarantine
  • yung mga may sasakyan na nag-aalok ng libreng sakay sa panahon ng quarantine pero nilalabag naman ang physical distancing
  • yung mga bus na nagpupuno na ng mga pasahero sa panahon ng GCQ
  • yung modus nung isang bus na nahuli, yung mukha lang sapat ang bilang ng mga sakay kapag tiningnan mula sa labas, pero kapag sinilip na ang loob ay sobrang dami pala ng mga pinauupo sa sahig
  • yung gasolinahan na nag-offer ng libreng gasolina sa panahon ng COVID-19, kapalit ng pag-download ng kanilang app, kung saan dumagsa ang mga tao, kaya nalabag na tuloy ang physical distancing
  • yung pag-aapura para sa mga kasalan kahit na may COVID-19, online na rin lang daw
  • yung courier service provider na nabisto sa isang video ang mishandling na ginagawa ng kanilang mga empleyado sa mga package
  • yung wala daw permit na print shop na nabistong namemeke ng result ng rapid test for only Php 25
  • yung inaatake na rin ngayon ng mga hackers ang mga schools dahil sa pinapausong online learning
  • yung netizen na nagbitaw ng rape threat laban sa babaeng anak ng senador at artista
  • yung kawawa daw ngayong panahon ng COVID-19 yung nasa hundreds na nawalan ng trabaho sa isang chain ng comedy bar, pero hindi kawawa yung libu-libong nawalan ng hanapbuhay sa pinagkakaisahan na TV network
  • yung ang ibinabalita lang ngayon sa natitirang FREE TV ay tungkol sa mga bagay na pinupuna laban dun sa gustong ipasara na TV network, walang tungkol sa suporta na nakukuha nila
  • yung TV network na hina-highlight din yung mga puna laban sa pinagkakaisahang TV network, kahit maging sila naman eh ginagawa yung bagay na pinupuna laban dun sa isa
  • yung kawalan ng balita sa natitirang FREE TV channel namin tungkol sa pakikisimpatiya ng mga empleyado ng karibal na kompanya para sa mga biktima ng panggigipit 
  • yung pagkawala ng balita tungkol sa ilang mahahalagang usapin matapos na iisang FREE TV channel na lang ang natirang nasasagap ng aming TV
  • yung pagpipilit na pagandahin ang presentation sa SauNa kahit na sa gitna ng pananalanta ng COVID-19
  • sa Parañaque, yung unauthorized na mass COVID-19 testing ng nasa 300 daw na Imperial citizens
  • sa Biñan, Laguna, yung international prostitution den para sa mga POGO workers na nag-o-operate kahit na sa panahon ng quarantine
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung mga Imperial citizen na ilegal na pumasok sa bayan gamit ang isang yate sa panahon ng quarantine
  • sa Makati City, yung babaeng Imperial citizen na nag-violate, nanakit, at nandura ng kung sinu-sino sa panahon ng COVID-19
  • sa Marilao, Bulacan, yung nasabat na ilang bilyong worth ng imported na shabu na nakasilid sa mga lata ng biscuit, kung saan isa sa mga nahuli ay Imperial citizen
  • yung Imperial dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales, na nagtatapon din DAW ng langis sa dagat doon
  • yung sinasabi ngayon na mamamayan daw ang may-ari nung kompanya nung dredger na sumadsad sa baybayin ng Botolan, Zambales, pero panay Imperial citizen DAW ang mga tauhan, at sa Hong Kong at Singapore daw dinadala yung mga nakukuhang buhangin
  • sa may Occidental Mindoro, yung Imperial cargo ship na nakabangga ng local fishing boat, kung saan maraming sakay ang pinaghahanap pa
  • yung nagkapatayan na sa isa sa mga borders
  • yung pandemic threat daw ng G4 na galing din sa Imperyo
  • yung may suspected Bubonic Plague na rin sa may Mongolia
  • yung pag-aaral sa ibang bansa na nagsasabi na posible DAW na humihina o nawawala ang immunity laban sa COVID-19 nung mga naging carrier na hanggang mild symptoms lang ang naranasan
-----o0o-----


July 18, 2020...

sa LRT..
yung picture na nagpapakita na hindi nasunod ang physical distancing at ang regulated capacity... :(

is feeling , lagot na naman...


>
sa Novaliches, Quezon City..
yung mga nahuli na nag-party sa isang resto bar..
ilegal daw na nag-o-operate yung bar ngayong panahon ng quarantine..
bukod pa sa may nahuling menor de edad... :(

is feeling , na-inspire silang lahat dahil kay Taba...

---o0o---


July 19, 2020...

yung mga namamatay na bilanggo..
COVID-19 DAW..
kaya diretsong cremate...

pero bakit may privacy..?
possible na high profile, pero inililihim nila ang detalye...??

pero ano nga ba ang totoo..?
itinumba ba, para hindi na ma-reverse yung script..?
o pinatay lang yung katauhan, para mapalaya na kapalit ng pagsunod sa script...??

is feeling , ginagamit na rin ba ang virus para maibigay na ang mga rewards para sa mga Criminal Witnesses...??


PS:
so hindi lang pala 1 yung high profile na bilanggo na tinamaan DAW ng COVID-19..
at secret ang lahat tungkol sa kanila... :(

ito ba ang dahilan kung bakit napasok nung virus yung mga kulungan...??

is feeling , paano idi-DNA test ang mga abo...??


>
sa Taguig..
yung agawan sa lupa ng mga pulis..
pamilya ng retiradong pulis yung hina-harass kahit na may documents sila tungkol sa pagmamay-ari nung lupa..
samantalang wala namang maipakitang dokumento yung grupo ng mga active pa na pulis...

is feeling , bakit nga ba hindi magpakita ng mga documents ang mga mahilig mag-party...??


>
hanggang sa ngayon..
yung hindi pa rin pala tinatangkilik ng DOH ang paggamit nung UP COVID-19 test kits... :(

is feeling , baka kasi walang offer na benefits ang mga taga-UP...??

---o0o---


July 20, 2020...

sa Davao City..
yung delivery boy na napatay sa pamamaril ng isang sundalo..
kesyo binu-bully daw nung biktima yung anak nung suspek...

is feeling , batas sa sariling mga kamay...


>
yung pagbubusal sa mga taong simbahan gamit ang patakaran ng separation of church and state...

is feeling , bahagi ng mga tungkulin nila yung exorcism, mga demonyo talaga kayo...

---o0o---


July 21, 2020...

sa Jaen, Nueva Ecija..
yung ilegal na tupada kung saan isa sa mga nahuli ay Barangay Chairman...

is feeling , parang yung nasa tuktok rin lang ng pyramid...


>
yung gasolina o diesel daw ang ipanglinis sa mga gamit na face mask... :(

is feeling , salamat sa tip, idol.. the best ka talaga...


>
yung grupo ng mga artista na lumabag daw sa quarantine o safety protocol sa Ilocos Sur..
kaya tuloy plano silang ituring ngayon bilang mga persona non grata...

is feeling , mga pasaway din...


>
yung kagustuhan na ipaaresto ang mga hindi nagsusuot ng face mask... :(

naalala ko lang yung kaso dati nung kasambahay ng isang foreigner..
yung sinita dahil walang face mask habang nagdidilig sa loob ng sarili nilang bakuran..
na pinag-ugatan tuloy ng mas malaking gulo... :(

ayos lang yung mahihigpit na patakaran..
pero yun ay kung merong utak ang mga nagpapatupad...

t*ng ina..
ang lakas ng loob..
sila ang nagpabaya kaya nakapasok sa loob ng bayan yung virus..
pero sa mga mamamayan nila isinisisi ngayon...

edi sana pinatawan nila ng bitay lahat ng mga nakapagpasok nung COVID-19 dito sa bayan noong January to early March..
t*ng ina..
pero siyempre hindi nga nila alam kung sinu-sino yun..
dahil nasa 14 days ang incubation period nung put*ng inang virus..
samantalang idinaan lang sila sa temperature scanner at hindi naman na-quarantine... :(

is feeling , thank you sa pagpapahamak sa aming lahat, genius...

---o0o---


July 22, 2020...

sa Puerto Princesa, Palawan..
yung mga Imperial citizen na ilegal na pumasok sa bayan gamit ang isang yate... :(

is âš  feeling , pakalat pa ng mga virus...


>
sa [Name of City]..
bukod sa mga trabahador na nga ang tinatamaan ng COVID-19 lately..
for now, either mula doon sa industrial site o sa NCR...

kaso, isa sa mga carrier ang nakapagpasabog na rin nung virus sa mismong tahanan nila..
kalat na tuloy ang COVID-19 sa bahay nila... :(

tapos dito sa lugar namin eh welcome pa rin ang mga dumadayo ng inuman.. :(
at ang lalakas ng loob na pagkuwentuhan yung nangyayari ngayon doon sa industrial site...

is feeling , t*ng ina.. bitayin na ang mga dumadayo ng inuman sa panahon ngayon...


>
sa Quezon City..
yung babae na COVID-19 carrier daw, na tumakas sa isang hotel..
nahuli din naman siya ulit...

buong akala daw ng LGU na quarantine facility lang yung hotel..
at hindi daw nila batid na ginawa na pala iyong isolation facility para sa mga carrier...

is feeling , nagiging zombie na talaga sila.. wala ng pakialam sa kapwa...


>
yung may mga aksidente na na naitala dahil sa pagpapagamit at paggamit ng motorcycle barriers... :(

masabi lang na nilalabanan nila ang COVID-19... :(

is feeling , kundangang mga tanga.. magkasama na sa bahay, pero pinagbubukod pa sa motor...

---o0o---


July 23, 2020...

yung bigla daw bumaba ang presyuhan ng mga imported na COVID-19 test kits matapos na payagan na ulit na magamit yung murang local brand... :(

is feeling , ibig sabihin, kaya nilang ibaba yung presyo, pero hindi lang nila ginawa noon para masamantala ang pagkakataon...


>
sa Sto. Tomas, Davao del Norte..
yung tumakas na OFW at LSI mula sa quarantine facility habang hinihintay pa lang ang resulta ng kanilang swab test... :(

parehas din naman daw naibalik sa facility yung dalawa..
kaso iyong isa ay nang matagpuan daw ay kasama na ang kanyang nobyo... :(

is feeling , ang pag-a-assume na negative ang sarili ang dahilan kung bakit mas kumakalat yung virus...


>
sa Laguna..
yung mga bata na sinampal daw ng tsinelas ng Barangay Captain...

hindi ko na nakuha yung rason kung bakit..
basta insidente na naman 'to ng brutality dahil sa pagkakaroon ng power...

is feeling , masarap ba talaga ang power...??


>
yung planong pool testing para sa COVID-19..
para daw makatipid... :(

mukhang uubra lang siya kung hindi pa talaga kalat yung virus..
kasi kung bawat batch eh may positive..
at kung ang laman ng bawat batch ay positive naman lahat..
eh paanong makakatipid ng test kit sa ganung procedure...??

isa pa..
ang main problem talaga sa testing ay yung waiting time..
proven na yan..
dahil may mga mainipin na tao..
eh kumakalat tuloy yung virus dahil sa pagiging pasaway nila..
so paano pa kaya kung paulit-ulit ang gagawing pool testing at paghihintay ng resulta habang may nade-detect na positive sa bawat batch...??

is feeling , one-to-one na lang...


>
yung wala daw permit na print shop na nabistong namemeke ng result ng rapid test..
Php 25 lang daw ang bayad para sa pagpapagawa ng edited na test result...

basta may ginagaya silang original na test result eh...

is feeling , lagot na.. may dayaan na rin ng test result.. proud to be...??


>
yung nabubuwisit na yung pinuno sa Bureau of Corrections.. :(
mas malala pa ang ugali kesa sa idol niya...

masama bang magtanong dahil may mga kuwestiyonable..?
masama bang magtanong dahil naglihim kayo sa taong bayan...?

t*ng ina..
yung ibang high profile, lumalabas sa balita kapag may nangyayari sa kanila..
basta maisugod sila sa ospital, kahit pa peke ang mga dahilan, kahit papaano eh ibinabalita..
tapos ngayon eh sasabihin ninyo na secret lang dapat dahil COVID-19 ang kini-claim ninyong ikinamatay, at may data privacy dapat kapag COVID-19 casualty..?
eh ni wala ngang update simula noong bago na-detect na COVID-19 kako yung mga sakit nila eh...??

hindi concerned ang mga tao dahil gusto nilang mabuhay pa yung mga kriminal..
sa halip, nagtataka sila kung paano nga ba sila namatay daw at bakit inilihim ang tungkol dun...

is feeling , bakit ba nagagalit kaagad..? nagi-guilty ba...??

---o0o---


July 24, 2020...

sa PhilHealth..
yung mga opisyales daw na nag-resign dahil sa mga katiwalian doon sa ahensiya... :(

is feeling , paano na yung pera ko...??


>
niloloko talaga nila ang mga tao... :(

sila 'tong nagpabaya at nagsabi na pwede nang lumabas yung mga hindi saklaw ng high and low age restriction..
tapos ngayon eh sasabihin nila na kailangan na ulit ng quarantine pass...?? :(

is feeling , panay experiment.. ginagawa ng guinea pig ang mga mamamayan...


>
yung wanted posters at terrorist branding laban sa mga hindi naman armadong tao...

is feeling , yun naman talaga ang gusto nilang mangyari.. palabasin na lahat ng pumupuna eh mga terorista na rin...


>
sa New Bataan, Davao de Oro..
yung patayan na nangyari sa loob mismo ng quarantine facility..
galing sa labas yung suspek at planado daw yung ginawa niyang pagpatay... :(

is feeling , security...??


No comments:

Post a Comment