Friday, July 31, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of July 2020 (Her Birth Month)

Loveless Story


July 25, 2020...

sunud-sunod ang mga kapalpakan ko... :(

yung matandang bading na kakilala ni YAM..
ayun at todo deny na magkakilala sila..
siguro nagkaroon ng alitan ang mga iyon..
ewan ko, pero iniiwan si YAM ng mga dati niyang kakilala for some reason...

tapos..
yun namang naging daan para mahanap ako ni Miss Racal..
hindi ko ma-convince na pangalanan yung mga direct link niya kay Miss Racal..
pero kapansin-pansin na maramihang tao yung tinutukoy niya..
mukhang no choice talaga ako kundi i-explore yung network na yun...

is feeling , ang dadamot.. hindi ba pwedeng saka kayo magduda kapag mga PIN code at password na yung tinatanong ko...??


>
buwisit..
kasalanan talaga 'to ng kahirapan ko eh... :(

kung meron lang sana akong sobra-sobra..
yung kakayahan sana para hindi ako nanghinayang noong nabiktima ako ng bait-and-switch...

edi sana na-pursue ko pa rin si Miss Racal noong early February..
kahit pa may mga put*ng inang Imperyalista at iba pa na nagde-deliver na noon ng COVID-19 sa loob ng bayan...

sana nabalewala ko na lang muna yung laman ng bulsa ko..
sana sumugal ako...

para hindi nagkaganito na desperado akong malaman ang kartada niya... :(

is ðŸ’” feeling , sunud-sunod ang mga impiyerno sa buhay ko...

---o0o---


July 27, 2020...

maiksi na ang buhok ngayon ni Miss Co..
kagaya nung ginawa ni Miss Ab..
at mukhang may karelasyon na nga siya..
ewan..
nobya yata iyon... :(

sa tingin ko..
masusuwerte yung mga tao na nakakatikim nung mga bini-bake niya..
ako man..
gusto ko sanang matikman yung mga iyon..
balang araw..
kapag wala ng virus..
at kung papayag siya na makita at makausap ako...

lately, sa buhay ko..
napansin ko na kung ano yung mga bagay na totoong hinahangad ko..
na sila talaga yung inilalayo sa akin nang husto ng tadhana..
kung pwede lang sana na hindi na lang mabasa ng mga nasa kawalan kung anuman yung mga nasa isip ko..
kaso, parang malalaman at malalaman din naman nila... :(

is feeling , gusto ko lang ng patas na buhay.. yung tipo na makukuha ko yung mga bagay na naka-schedule na sana na makuha ko noon...

---o0o---


August 1, 2020...

[Strange Dream]

maiksi lang yung portion na naaalala ko...

na-meet ko daw yung barkada nina Miss Co..
parang sa fast food restaurant ang setting..
hindi ako makapaniwala na finally nasa harapan ko na siya..
ang tagal ko nga siyang pinagmamasdan para lang ma-confirm ko na siya na nga iyon..
pero may kakaiba sa kanya dahil wala na siyang tattoos sa kanyang katawan, although may bakas pa rin ng pagbura na naiwan...
yung tipong hindi pantay ang kulay ng balat...

anyway..
parang naka-light colored na tank top siya..
napansin daw niya na pinagmamasdan ko yung mga naburang tattoos niya..
so nagpaliwanag siya na pinabura na nga niya ang mga iyon..
medyo kinumusta ko siya, at masakit nga daw yung naging proseso...

nothing very special..
nakita ko lang siya...

is  feeling , to think na kayang pagalawin ng panaginip yung tao na sa picture mo pa lang nakikita...

-----o0o-----


July 26, 2020...

nawalan ako ng mood sa trabaho dahil sa pagkabigo ko kay Miss Racal... :(

gagawa na muna ako ng game guide..
3 parts..
aayusin ko na lang muna yung first part...

is feeling , mga paasa...

---o0o---


July 30, 2020...

[Medical Condition]

ilang araw na rin..
mukhang natigil na sa pagli-leak yung bago kong cyst..
at mukhang naglalangib na rin siya...

sobrang maaga nito kumpara noong una siyang nabutas..
at 1 taon lang ang naging palugit ko noon bago ako inatake ng Sepsis...

is feeling , ano ang magiging kasunod nito...??


No comments:

Post a Comment