Friday, April 10, 2020

WHO's Fault & The Left Excuse

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


oo nga eh..
WHO nga pala ang magdedesisyon para sa bayan..
nasa kanila nga pala ang authority... :(

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html

update ulit (503 + 501 + 386 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
  • yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
  • yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
  • yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
  • yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
  • yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
  • yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
  • yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
  • yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
  • yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
  • yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
  • yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
  • yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
  • yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
  • yung gusto pang dagdagan kung magkano ang itinakda ng batas, samantalang may iba pang sektor ang nangangailangan ng suporta nila
  • yung ipinapabenta na lang ang isang TV network
  • yung plano na ring idamay ang Visiting Forces Agreement para lang sa kapakanan ng visa ng ilang kaalyado
  • yung pinuno na gustong magpauwi ng mga kababayan na mula sa area of origin ng nCoV
  • yung pinuno na pinipilit ang mga mamamayan na pakisamahan pa rin ang mga Imperial citizen sa gitna ng problema sa nCoV
  • yung lumalaban kuno sa katiwalian, samantalang hindi hinahabol ang mga kakampi para sa mga katiwaliang ginawa ng mga ito noon
  • yung pagtapos sa Visiting Forces Agreement
  • yung paspas na naman ang pagdepensa para sa isang pulis na napasama daw sa Narco List niya
  • yung malinis DAW ang POGO industry dito sa bayan sa kabila ng sari-saring katiwalian at paglabag na nabibisto
  • yung magpasalamat daw sa kaibigan niyang bansa sa kabila ng perwisyong idinulot ng mga ito sa buong mundo
  • yung panic na idinulot ng declaration ng regional quarantine, dahilan para lalong magkaribok at magkumpulan ang mga tao sa mga terminal nang walang nagma-manage sa kanila
  • yung mas piniling isakripisyo ang buong bayan kesa ang ipatigil muna noon ang mga international travel
  • yung mas piniling patayin ang malaking bahagi ng ekonomiya sa halip na ang isakripisyo lang ay ang sa international travel at tourism industry
  • yung VIP treatment sa mga may kakayahan na mag-travel sa iba't ibang bansa, na malamang eh sila naman ang nakapagpasok sa bayan nung COVID-19
  • yung VIP testing para sa COVID-19
  • yung panggigipit sa mga pinuno na may alam na paraan para matulungan sa pag-travel ang mga health workers
  • yung humingi pa ngayon ng emergency power samantalang wala ngang tapang at kakayahan noon na magpatigil muna ng mga international travel
  • yung nag-declare na rin lang nang nag-declare ng kung anu-ano, pero hindi pa idinamay ang nationwide na liquor ban
  • yung pambobola na kesyo karangalan na namatay para sa bayan yung mga biktima ng COVID-19 na nakapasok sa bayan
  • yung handa na sila na ipapatay ang mga magrereklamo tungkol sa tulong
  • yung pangmamaliit sa epekto ng gutom sa mga mamamayan, dahil hindi naman nila nararanasan yung ganun
  • yung naghihintay pa sa mga ideas mula sa mga lower leaders
  • yung lumapit daw sa diyos, samantalang sila ang may hawak ng pagdedesisyon para sa buong bayan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
  • yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
  • sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
  • sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
  • sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
  • sa Sto. Tomas, yung Barangay Chairman na mula pa sa Mindoro na kabilang sa mga nahuli dahil sa ilegal na droga
  • sa Naga City, Camarines Sur, yung Barangay Chairman sa Cavite na napatay nang manlaban daw sa drug buy-bust operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung SK Kagawad na supplier daw ng droga sa mga estudyante
  • yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
  • sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
  • sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
  • sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
  • sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
  • sa Cagayan de Oro, yung pulis na naaresto dahil sa panggugulo sa isang bar, yung may hina-harass daw na babae at nanutok pa ng baril
  • yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
  • sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
  • sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
  • sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
  • sa Bohol, yung babaeng pulis na napatay sa pamamaril ng sarili niyang asawa na pulis rin, may problema daw sa pag-iisip yung lalaki at nagbaril din sa sarili
  • sa Marikina City, yung shootout sa pagitan ng 1 sundalo at 2 pulis, kung saan napatay yung sundalo samantalang sugatan yung mga pulis
  • sa Magdalena, Laguna, yung ginang na aksidenteng napatay dahil sa pamamaril ng isang retiradong kasapi ng Philippine Constabulary
  • sa Agusan del Norte, yung lasing na magsasaka na napatay ng pulis dahil nag-amok daw sa checkpoint, na nag-ugat daw dahil sinabihan siya na magsuot ng face mask
  • sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
  • sa Bacolod City, yung Hepe ng CIDG daw ng Negros Occidental na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang KTV Bar
  • sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
  • sa Manila, yung Enforcer ng MTPB na nakunan ng video habang nangongotong sa driver ng isang SUV
  • sa Manila, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa pangingikil laban sa isang truck operator
  • sa Pasig, yung enforcer na tumanggap ng pera mula sa taong sinita niya dahil sa paninigarilyo, kesyo tinanggap daw niya yun bilang pasasalamat nung tao dahil hindi niya muna yata iyon pinagmulta
  • sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
  • sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
  • sa Quezon City, yung retiradong pulis na sinubukang manuhol ng mga kapwa pulis dahil sa mga nasamsam na video karera
  • sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
  • sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
  • sa Laguna yata iyon, iyong mga pasaway na kabataan na ikinulong daw sa kulungan ng aso para idisiplina dahil sa paglabag sa curfew
  • sa Taguig, yung may namamalo na rin na Barangay Captain para magpasunod sa quarantine
  • not so sure sa location, sa Sta. Cruz o sa Quiapo, yung mga pulis na namamalo at nangmumura pa daw ng ibang mga lumalabas kahit na may quarantine pass pa
  • sa Dinalupihan, Bataan, yung lalaking PWD na ginulpi ng ibang mga tauhan ng Barangay dahil ip-in-ost niya sa social media yung kanyang reklamo dahil hindi daw siya nabigyan ng ayuda
  • sa Pasay, yung Barangay Kagawad at mga kasamahan niya na nahuling nagho-hoard ng mga alcohol

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • sa Iloilo City, yung mga pulis na nang-agaw daw ng ibang pera sa gitna ng anti-gambling operation, hindi daw kasama sa record ng mga nakumpiska yung perang kinuha mula sa biktima
  • sa Bacolod City, yung naka-AWOL na sundalo na nangmolestiya daw ng isang special child na dalagita
  • yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
  • yung witness para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) controversy na pinatay sa pamamaril sa Muntinlupa City
  • sa Bauan, Batangas, yung itinumba na yung suspek sa pagpatay sa isang 11 y/o na babae na sinasabing tinangka din daw na gahasain
  • sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
  • yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo
  • yung may iba pang mga personalidad na nadadawit na rin sa usapin tungkol sa Pastillas Operation
  • yung milyun-milyong dolyar DAW na ipinapasok dito sa bayan sa mga nakaraang buwan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • ang kawalan ng kakayahan ng mga awtoridad at ng justice system na kusang kasuhan ang mga kriminal sa kabila ng matitibay na ebidensya gaya ng video footage o ng mismong pagresponde ng awtoridad sa krimen
  • sa Argao, Cebu, yung hepe ng pulis na nahuling may kasamang babaeng inmate sa kanyang opisina, may mga pictures din na patunay na nagsasama nga yung dalawa
  • sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
  • sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
  • sa Central Visayas daw, yung 3 police officers na nahuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho
  • sa Bacolod City, yung nagawang pagsasaksakin ng gunting ng isang kaanak nung biktima na special child na dalagita yung naka-AWOL na sundalong suspek habang naaresto na ito
  • sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
  • sa Pangasinan, yung pulis na nahuling nagsasabong
  • yung lumabas sa surprise inspection na marami nga ang private vehicle na ginagamit ng mga pulis na hindi rehistrado at/o walang plaka
  • sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
  • yung pulis na nahuli na namamasada DAW ng colorum na van
  • yung nasa 18 na hinuli dahil sa ilegal na pagpapaputok ng baril kung saan kabilang ang ilang pulis at sundalo
  • yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
  • yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
  • yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
  • sa prusisyon, yung general na pulis na nang-agaw ng smartphone ng taga-media at sinubukan din daw na magbura ng video
  • yung kawalan ng mga pulis ng armas na pang-immobilize lang sana
  • yung sobra-sobra namang ph-in-otoshop na picture DAW ng mga sumukong rebelde na i-p-in-resent ng Philippine Army
  • yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
  • yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
  • sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
  • sa Pangasinan, yung 7 y/o na may 17 beses daw na pinagkakagat ng nasa 5 aso
  • yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
  • yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
  • yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
  • yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
  • yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
  • yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
  • yung tutol na tutol dati sa motorcycle TNVS dahil sa isyu ng safety, tapos biglang gusto ngayon na magbigay kaagad ng permit sa maraming kaparehong klase na service provider
  • yung mabilis nga ang naging approval dun sa iba pang motorcycle TNVS kumpara dun sa nauna na hinarang nang maige
  • yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
  • yung may pa-commercial pa tungkol sa Rice Tariffication
  • yung latest na pagkalugi ng mga magsasaka ng Benguet dahil sa maling sistema
  • yung sobra-sobrang pagtaas ng presyo ng galunggong
  • yung panibagong pagkalugi ng mga farmers sa Benguet dahil na rin sa pang-aabuso sa kanila ng mga traders
  • yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
  • yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
  • yung may nakalusot na rin na kaso ng ASF sa isang kilalang supermarket
  • yung totoong nabigyan nga ng certification yung mga karneng baboy na nag-positive sa ASF na nakalusot sa malalaking supermarket
  • sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
  • yung latest na kaso ng Lambanog poisoning sa Laguna at Quezon nitong 2019
  • yung pagkawala ng libreng supply ng maintenance medicine sa [Name of Barangay] bago pa man lumala yung kaso ng COVID-19 sa bayan
  • yung mga opisina ng gobyerno na umaasa pa rin hanggang ngayon sa manual checking at nire-require pa ang kopya ng mga resibo ng mga tao para sa pag-che-check, kahit na may kopya dapat sila ng mga nasabing resibo
  • sa GSIS, yung December pa ginawa yung request, pero noong kinumusta by February eh kesyo nawala daw sa isip
  • sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
  • yung empleyado ng PAGCOR na hinuli dahil sa pagsa-sideline daw bilang fixer ng mga humihingi ng tulong
  • yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
  • sa PSA, yung nagpa-correct na dati ng birth certificate kapalit ng nasa Php 10,000, pero nag-recur na ulit yung error ngayong 2020
  • yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
  • yung katulad ng sa SSS, eh yearly na rin magtataas ng contribution ang PhilHealth sa loob ng ilang taon
  • yung pagtataas ng rate ng contribution ng iba't ibang services ng pamahalaan para lang ma-shoulder yung mga ipinangako para sa mga piling mamamayan
  • yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
  • yung may Php 300 Million DAW na confidential funds ang DICT
  • yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
  • yung panukala tungkol sa pagpili ng mga Senador para sa bawat region, samantalang batid naman nila ang paraan ng pagbili ng property o paglipat ng residence para lang makatakbo sa pulitika
  • yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
  • yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
  • yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
  • yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
  • yung bumigay na bahagi ng Skyway Stage 3 project dahil sa nangyaring sunog sa malapit dito
  • yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
  • yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
  • yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
  • yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
  • yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
  • yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
  • yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
  • yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
  • yung problema sa sasakyan ng mga representative
  • yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
  • yung naha-hype lately dahil sa sports at gusto pang gumastos nang gumastos, habang may mga sektor na nangangailangan ng tulong ng gobyerno ang hindi nabibigyan ng pansin
  • yung hindi na matalakay ang tungkol sa mga kuwestiyonableng paggastos noon dahil sa sunud-sunod na malalaking isyu at problema
  • yung may namatay na na positive sa nCoV dito sa bansa at late ang confirmation sa kanya, nakagala na sila nung kasamahan niya bago pa sila na-detect
  • yung ikatlong kaso ng nCoV na nakagala din sa bansa, yung nag-negative muna sa test tapos saka nag-positive noong nakauwi na sa kanilang bansa
  • yung dating maling paraan ng mga health leaders sa paghahanap ng mga posibleng PUI na nakabase lang sa kung sino ang may seat na malapit dun sa mga naging COVID-19 carriers
  • yung parang minamaliit ng mga health leaders ang paraan ng pagkalat ng COVID-19 kahit na may halimbawa naman doon sa cruise ship na nakadaong sa Japan
  • yung gustong iuwi na dito sa bansa yung mga mamamayan na mula sa cruise ship na nakadaong sa Japan, kahit na may mga namatay na dito na mga COVID-19 carrier at PUI
  • yung plano na lang ng mga health leaders ng bansa na ipa-home quarantine yung mga mamamayan na magmumula sa Macau
  • yung may 2 mamamayan na na nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng bansa, kung saan ang isa daw eh ni hindi nagta-travel sa ibang bansa
  • yung may local transmission na nga ng COVID-19 sa bayan
  • yung may mga sakay nung cruise ship na dumaong sa Japan ang nakalusot sa quarantine period doon, pero nagpositibo daw noong naibiyahe na dito sa bayan
  • yung plano na 14-day quarantine period rin LANG ang gagawin para sa mga kababayan na iuuwi sa bayan, sa kabila nung nangyaring mga kaso sa cruise ship na dumaong sa Japan
  • yung planong extension ng quarantine para sa lahat, pero walang planong extension para i-isolate ang mga iniuwing OFW
  • yung nagalit daw yung mga seafarers na OFW sa mga nagtataboy sa kanila dito sa bayan
  • yung OFW na babae na hindi pinalagpas sa checkpoint kahit na may clearance naman daw siya, nag-14-day quarantine na rin daw siya sa pinanggalingan niyang bansa
  • sa Puerto Princesa, Palawan, yung Australian na COVID-19 carrier na kung saan-saan ang travel history sa loob at labas ng bansa
  • sa Quezon City, yung meron daw silang carrier on the loose
  • sa Quezon City, yung naka-home quarantine nga lang yung ibang mga COVID-19 carriers
  • sa Tondo, Manila, yung Asymptomatic na COVID-19 carrier na pinauuwi para mag-self-quarantine na lang
  • yung pag-discourage sa paggamit ng mga mask, na para bang pinapalabas nila na kesyo mas safe pa kung walang takip ang ilong at bibig
  • yung dini-discourage noon ang paggamit ng mga masks, pero mandatory na ngayon
  • yung pag-discourage noon sa paniniwala sa mga nakakatakot na balita tungkol sa COVID-19, pero noong lumaganap na yung virus eh pwede nang manakot gamit maging ang mga kabaong 
  • yung mga areas kung saan hindi pa organized ang pag-a-isolate sa mga COVID-19 carriers and PUIs, kaya naman naaagawan na ng mga COVID-19-related cases yung iba pang mga pasyente na nangangailangan din sa mga ospital
  • yung plano na mass testing na hindi naman talaga mass testing, kaya baka may mga makalusot na naman na mga Asymptomatic na COVID-19 carriers
  • sa Binangonan daw, sa Rizal siguro, yung video nung female volunteer na hindi tama ang pagkuha ng body temperature sa mga pumapasok sa palengke
  • yung mga pinuno ng iba't ibang lugar na ayaw nang papasukin o pabalikin sa kanila yung mga dating COVID-19 carrier na naka-recover na daw mula dun sa sakit
  • yung problema ng bayan sa kakulangan sa Personal Protective Equipment (PPE) kahit na ilang buwan na yung problema sa COVID-19
  • yung mamahalin DAW yung PPEs na binili ng DOH
  • yung politika sa COVID-19 testing
  • yung opisyales na WHO ang sinisisi sa naging kapabayaan nila sa pagprotekta sa bayan laban sa COVID-19
  • yung mga pinuno na ipinagmalaki at tila isinumbat pa ang pagpasok nila sa special session
  • yung donasyon ng mga sahod pero malaki pa rin ang matitira sa kanila sa kabila ng mga naging kapabayaan
  • yung Senator na COVID-19 carrier na nilabag yung infection control protocols ng isang ospital
  • yung Representative na napagkamalang COVID-19 carrier na nilabag din ang quarantine procedure para sa mga PUI
  • yung paspas na pagtatanggol ng DOJ sa isang Senator na COVID-19 carrier, kesyo kailangan daw na may magdaan sa pormal na proseso
  • yung may kusa at plano na kaagad na kasuhan yung Representative na mistaken for being a COVID-19 carrier dahil mga VIP yung nailagay niya sa peligro
  • yung panggigipit sa mga pinuno na may initiative para sa ikabubuti ng kanyang pamayanan
  • yung kagustuhan na paimbestigahan ang effort ng isang pinuno na makatulong kaagad sa bayan
  • sa DENR, yung ipinagbabawal na rin sa mga empleyado nila ang pagbatikos sa pamamaraan ng mga nasa itaas sa pag-handle sa COVID-19
  • yung may mga VIP sa lipunan na nakakalusot at nagpapalusot pa ng ibang tao dun sa mga patakaran para sa home quarantine
  • sa [Name of Barangay], yung ni hindi naglilibot ang mga tauhan ng Barangay para ipaalam sa mga residente ang mga hakbang ng lungsod
  • yung pagpatay sa hanapbuhay ng maraming mamamayan dahil sa COVID-19
  • yung mga opisyales na naunang pinatay ang mga hanapbuhay ng mga tao kesa ang mag-provide muna ng ayuda
  • yung quarantine pass na patunay na hindi kayang mag-provide ng mga pinuno ng pangangailangan para sa lahat ng mga mamamayan
  • sa Catanduanes, yung naniningil ng bayad ang ibang mga pinuno doon kapalit ng quarantine pass
  • yung kailangan daw na mag-apply sa Barangay nung quarantine pass, samantalang iginigiit nga nila ang home quarantine at physical distancing
  • yung may mga area na plano na mag-issue pa ng mga pass para sa mga health workers, kahit na may ID at license naman sila
  • yung naging problema sa transportation ng mga health workers dahil sa ginawang pagpatay sa public transport
  • sa Valenzuela City daw, yung 2 magkapatid na health workers na pinagmulta ng Php 5,000 dahil napilitan silang mag-angkas sa motor
  • sa [Name of City], yung mga piling public transport na patunay pa rin na hindi kayang mag-provide ng mga pinuno ng supplies para sa lahat
  • yung problema sa port congestion sa panahon ng pananalanta ng COVID-19
  • yung nadadamay at nahaharang ang mga supply ng pagkain dahil sa mabigat na daloy ng traffic sa mga ginawang borders
  • yung may mga kikilan na rin DAW na nangyayari laban sa mga nagde-deliver ng mga supplies
  • sa Benguet, yung may mga farmers na nabulukan na naman ng mga inani nilang gulay
  • yung mga Barangay na nag-distribute ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapatawag sa mga tao sa gitna ng banta ng pagkalat ng COVID-19
  • sa Laguna, yung pabigas ng munisipyo na may bayad naman pala
  • yung mga palyadong relief goods na naipamimigay sa mga mamamayan sa ibang mga lugar
  • sa ibang lugar, yung may mga reklamo na kesyo mga registered voter lang nung lugar ang binibigyan ng ayuda
  • yung may ayuda man, pero hindi naman sapat para sa itatagal ng panahon na walang mapagkukunan ng kita
  • yung paglimita sa oras ng pamimili sa ibang mga pamilihan na lalong nagiging dahilan ng crowding ng mga mamimili
  • yung patakaran na bawal daw mamili ng marami, na nagbibigay ng rason sa mga mamamayan para mas dumalas ang paglabas at pamimili
  • yung mahabang pila sa mga pamilihan, dahil hindi nga kayang mag-provide ng mga pinuno ng supplies para sa lahat
  • yung wala nang mabilhan ng alcohol sa [Name of City]
  • yung mga opisyales na pag-rent ng bahay ang suggestion sa mga nagta-travel na mga trabahador
  • yung akala eh posible yung work from home para sa lahat ng klase ng hanapbuhay
  • yung mga pili lang ang bibigyan ng ayuda, yung mga matagal nang nakakatanggap ng limos tapos eh may increase pa sila sa panahon ng COVID-19
  • yung hindi daw muna kasali ang mga exclusive subdivisions at gated communities sa bibigyan ng ayuda
  • yung hindi pantay-pantay na halaga ng ayuda
  • sa [Name of City], yung hindi tugma o pantay-pantay ang pamimigay ng ayuda sa iba't ibang mga Barangay
  • yung mga reklamo sa social media na kesyo mukhang binabawasan pa DAW yung mga relief goods na nakakarating sa mga bahay nila
  • yung sumbong ng ibang mga mamamayan na nakatanggap na ng ayuda, kesyo may bawas daw yung natatanggap nilang cash aid
  • sa Quezon City, yung naudyukan daw na protesta ng mga hindi nabibigyan ng ayuda
  • sa [Name of City], yung dinagsa ng mga beneficiaries yung kuhanan nila ng limos dahil sa ginawang increase
  • yung pamimigay ng cash na ayuda, na parang nag-uudyok lang sa mga tao na labagin ang concept nung home quarantine dahil nga kailangan pa rin nilang lumabas at mamili
  • sa Parañaque, yung bigayan ng cash aid na Php 8,000, kung saan walang physical distancing yung mga mismong namimigay nung pera at ang iba pang mga kasama
  • yung hindi patas na trato sa mga manggagawa
  • yung banta rin ng population explosion dahil sa COVID-19
  • yung babala tungkol sa internet congestion na posibleng idulot ng sabay-sabay na home quarantine 
  • yung pambobong grace period para sa ibang mga bills na kasabay lang ng magiging katapusan ng puwersahang quarantine
  • yung palpak na pagpapatupad ng mga rules, dahil binabalewala din naman sa ibang checkpoint yung mga ID, kabilang na ang sa mga miyembro ng media
  • yung kawalan ng common sense ng ibang mga bantay sa mga checkpoint
  • yung maging mga health workers eh hinaharang at hindi pinapadaan sa ibang mga checkpoint
  • sa Cavite, yung hinuhuli yung mga naglalakad na lumalabag daw sa 24-hour quarantine samantalang pinagsasabihan lang yung mga may dalang mga sasakyan
  • yung paglaki ng rasyon ng gatas para sa mga kinukuhanan nila ng suporta
  • yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
  • after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks
  • yung failure of election sa Philippine Councilors League dahil hindi daw tugma yung binibilang nung machine nila
  • yung agawan sa kapangyarihan sa lower house
  • yung pag-amin ng isang elected official na magiging sunud-sunuran lang siya sa kanyang kaalyado na pinuno
  • yung pinuno na pinupuna ang pagpuna sa mga maling gawain ng kanyang kakampi
  • yung Representative na pinupuna ang Senate dahil sa aksyon na matagal naman na palang ginagawa rin talaga sa Senate 
  • yung pinuno na naka-sentro lang sa election process ang mga reklamo laban dun sa TV network, na para bang yun lang ang purpose nung kompanya
  • yung hindi na nga gagawing priority nung opisyal na nakinabang sa TV network noong panahon ng SEA Games ang franchise renewal
  • yung pressure DAW ng Executive branch sa Congress sa usapin ng TV network franchise renewal
  • yung nakikialam na rin yung isang office sa pagpapabagsak sa isang TV network
  • yung naging masamang asal ng isang opisyal laban sa reporter nung ipinapasara nilang TV network
  • yung marami sa mga kini-claim na nilabag daw ng isang TV network ay suportado at binigyan naman daw ng permit ng mismong mga tauhan rin ng pamahalaan
  • yung nagreklamo tungkol sa Philippine Depositary Receipts (PDR) nung isang TV network, pero hindi naman pala naiintindihan kung ano yung PDR 
  • yung sa korte kaagad lumapit para magamitan ng gag order yung pinapasarang TV network
  • yung isinusulong ng lower house na 100% foreign ownership para sa public utilities na sasalungat sa nakasaad sa constitution
  • yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
  • yung tauhan ng gobyerno na ultimo relief goods eh binibigyan ng masamang kulay para lang masiraan ang target nilang pulitiko
  • yung tauhan ng gobyerno na binibigyan ng masamang kulay yung paggawa ng paraan ng ibang mga lokal na pinuno upang mas matulungan ang mga health workers sa gitna ng banta ng COVID-19
  • yung social media account ng tauhan ng pamunuan na pinapalabas na mga makakaliwa LANG lahat ng mga nagrereklamo laban sa bulok na sistema
  • yung huwad na kampanya laban sa FAKE news dahil merong empleyado ng pamunuan na hinding-hindi naman napipigilan sa mga paninira at pagpapakalat ng FAKE news
  • yung pinuno na gustong bumuo ng panibagong departamento, samantalang meron naman nang existing na ganun ang purpose
  • yung mga pinuno na naghihintay ngayon ng report at nagrereklamo pa, sa kabila ng limitadong panahon at access na ibinigay nila sa taong sinisiraan nila
  • yung mga pinuno na hindi matanggap yung resulta ng computation ng mga numero na sa mga hanay rin naman nila nagmula
  • yung mga pinuno na ginagawang basehan ang resulta ng mga survey samantalang daan-daang mga hindi kilalang tao lang naman ang natatanong sa mga pa-survey
  • yung idadamay lahat ng US citizen na papasok sa bayan kapag nagkataon dahil lang sa isyung politikal
  • yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
  • yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
  • yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
  • yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
  • yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
  • yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
  • yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
  • yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
  • yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
  • sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
  • yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
  • sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
  • yung meron pa ring mga nasabat na kontrabando sa Bilibid nitong early part ng 2020
  • sa Mandaluyong City, yung mga high profile inmate na babae na nakuhanan ng malalaking halaga ng pera at alahas, bukod pa sa ibang mga kontrabando na nasamsam naman dun sa ibang mga bilanggo
  • yung kakampi nga noon ng mga Ampatuan ang Cosplayer
  • yung pinuno na nagde-demand ng mabilis at tamang aksyon sa panahon ng COVID-19 samantalang di hamak na mas matagal ang pagkabingi sa panahon nila
  • yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
  • yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
  • yung panibago na namang ibinasura ng sandigan ng mga Diktador na Php 200 Billion forfeiture case
  • yung kasali nga pala sa mga naghahabol sana laban sa Dictator Clan yung isa nilang kaalyado na opisyal
  • yung opisyal na todo ang pagtatanggol sa mga POGO sa kabila ng mga katiwalian at krimen na naiuugnay dito dahil lang daw sa kapakinabangan na nakukuha ng bansa mula sa mga ito
  • yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
  • yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
  • yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
  • yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan
  • yung nagkaroon nga ng Imperial citizen na opisyal ang NGCP, at labag iyon sa batas
  • yung mga dayuhan na biktima ng illegal recruitment para sa mga POGO
  • yung Pastillas Operation ng mga tauhan ng Bureau of Immigration para sa mga POGO workers
  • yung may nasa Php 50 Billion pa daw na buwis na hindi nababayaran ang POGO industry dito sa bayan ayon sa BIR, pero wala DAW problema ayon dun sa isang opisyal
  • yung late nang ipinatigil ang operation ng mga offshore partners nila dahil sa COVID-19

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga petroleum-based enthusiasts na sabay-sabay pa ang paggamit ng mga sasakyan para sa paghahatid ng relief goods, sa halip na gumamit o umarkila na lang ng malalaking sasakyan
  • yung mga TV network na tinutulungan pang patuloy na magkaroon ng public exposure yung mga pinuno na napatunayan nang nagkasala laban sa bayan
  • sa Quezon City, yung sasakyan ng isang Party-list Representative na nabiktima ng Basag-Kotse sa parking area ng isang kilalang mall
  • sa Makati, yung mga estudyante na nabundol ng jeep habang tumatawid sa pedestrian lane, na lumalabas na positive sa drug test yung driver at wala na ring lisensya
  • yung jeepney operator na tinanggap pa ring driver yung nakabundol sa Makati kahit wala na nga itong lisensya
  • yung jeepney driver na nagmamaneho habang naglalaro ng mobile games
  • sa Pandacan, Manila, yung mga kabataan, kasama ang 5 menor de edad na sinilaban ang mga lobo ng isang vendor na naging dahilan ng pagtatamo rin ng sunog at mga lapnos sa katawan nung vendor, at ni wala daw bakas ng pagsisisi sa mukha nung mga kabataan
  • yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
  • sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
  • yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
  • sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
  • yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
  • yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
  • yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
  • yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
  • yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
  • sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
  • yung mga negosyante na sinasamantala naman yung mataas na demand para sa mga mask upang magpataas ng presyuhan
  • yung panibagong problema tungkol sa kakulangan ng mga mask na dulot ng problema sa nCoV
  • yung nagpa-panic buying na rin daw ang mga tao ng alcohol at sanitizers, at meron pang reporter na nakaranas ng overpricing
  • yung latest na kaso ng pambabato sa tren ng PNR, kung kailan naman nag-invest sila sa mga bagong tren
  • yung pamamato sa mga tren ng PNR, yung iba eh dumi ng tao at hayop pa ang ginagamit daw
  • yung mga naglalagay ng kung anu-anong bagay sa may riles ng PNR
  • yung nagkanakawan na nga DAW sa ibang lugar na nasalanta ng pagputok ng Taal
  • sa Batangas City Sports Complex, yung 3 security guard na nahuling nagpupuslit ng mga relief goods
  • yung ultimo pagdating sa usapin tungkol sa kaligtasan ng mga mamamayan eh nagtatalo-talo pa rin ang mga tao
  • yung nakawan ng kable ng kuryente sa Ayala tunnel
  • sa Albay, yung nanakawan ng mga solar panel yung Mayon Volcano monitoring station ng Phivolcs
  • yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
  • yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
  • yung pumayag yung mga magtutubig na hindi na bayaran yung mga danyos
  • yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
  • yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
  • yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
  • yung pakikisawsaw na rin ng isang bastos na abogado sa usapin ng provisional permit
  • yung mga Cable TV Group na gustong pagkakitaan ang posibleng pagkawala ng isang TV network
  • yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
  • yung celebrity na pinipigilan ang iba na magpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa panggigipit
  • yung celebrity na naghahangad ng reporma sa kanilang industriya, pero pagpapasara ng kompanya ang sinusuportahan na hakbang
  • yung celebrity na pro- lang sa mga piling mahihirap at anti-equality, na tutol na bigyan ng ayuda ang iba pang mga mamamayan na naperwisyo dahil sa COVID-19
  • yung kaalyado ng kalaban sa pulitika yung abogado nung actor sa demolition video
  • sa Cavite, yung Person Under Investigation (PUI) dahil sa posibleng kaso ng nCoV na tumakas naman sa ospital
  • yung mga pahamak na mga COVID-19 carriers na nagsinungaling tungkol sa kanilang travel at exposure history, bukod pa sa nakisalamuha sila sa ibang mga tao
  • ang pagnipis ng bilang ng mga health workers dahil sa kamatayan at sa pagka-quarantine sa kanila
  • yung diskriminasyon ngayon na nararanasan ng maraming health workers dahil sa COVID-19
  • yung physical attacks laban sa ilang health workers, gaya ng pagsasaboy ng chemical fluid sa kanila
  • sa Candelaria, Quezon, yung ambulance at yung driver na pinaputukan daw ng isang lalaki dahil sa pag-aakala na naghahatid siya ng mga COVID-19 patients
  • yung mga health workers na nagrereklamo sa Php 500 na daily allowance
  • yung may nakatagos na rin daw noon na COVID-19 carrier sa Marinduque dahil rin sa pagsisinungaling
  • yung mga kabataan na lumalabas pa rin at nagsasama-sama kahit na wala namang mahalagang gagawin, sa kabila ng banta ng pagkalat ng COVID-19
  • yung mga pasaway na lumalabas kahit na wala namang importanteng gagawin, yung iba eh nag-iinuman pa sa kabila ng banta ng COVID-19
  • sa Cagayan de Oro City, yung pastor na nagtipon ng nasa 500 daw na katao sa kabila ng ipinatutupad na quarantine
  • yung mga OFW na tuloy naman ang trabaho, pero nagrereklamo kung bakit wala daw silang makukuhang cash aid
  • yung pag-abuso ng ibang mga PUV drivers sa kalagitnaan ng problema sa COVID-19
  • yung pag-abuso ng ibang mga magtitinda sa kalagitnaan ng problema sa COVID-19
  • yung mga utility companies na paningingil ng bayad ang pinoproblema ngayon dahil baka daw magpatong-patong yung mga bayarin ng mga consumers
  • yung mga celebrities na nagpayo na naman na manatili lang daw sa mga bahay, samantalang cash na yung ibang ayuda at ni wala ngang natatanggap na ayuda ang marami pa, kaya mapipilitan pa rin silang maglalabas para mamili
  • yung mayayabang na mga mayayaman na nagmamando sa mga mahihirap sa kalagitnaan ng problema sa COVID-19 palibhasa eh sila yung may extra na cash at supplies
  • yung mga mayayabang na mamamayan na hinahamak yung mga hindi nila ka-level ang income na para bang hindi sila pamilyar sa iba't ibang uring manggagawa
  • yung mga mamamayan na nagyayabang ng method daw para madaling ma-manage yung virus, pero ni wala namang nabanggit tungkol sa basic needs sa ipinagyayabang nilang mga suggestions
  • yung mga mamamayan na hinahanapan ng ambag yung ibang tao bago daw magreklamo, samantalang halos lahat naman ng mamamayan eh may ambag sa buwis ng bayan
  • yung banta ng mga undetected na Asymptomatic COVID-19 carriers 
  • sa Quezon City, yung 5 Asymptomatic COVID-19 carriers na na-test lang dahil napasali sila sa contact tracing
  • sa Pasig, yung mga 4Ps beneficiaries na pati naman libreng manok na malapit nang ma-expire eh gusto na strictly para sa kanila pa rin
  • yung mga tanga na pinupuri pa rin ang kanilang idolo tungkol sa ibang bagay kahit na sa kabila ng sobra-sobrang kapalpakan sa pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa bayan
  • yung mga anti- na bulag at patuloy na kinukuwestiyon kung ano na ba ang nagawa ng mga hindi kaalyado sa kabila ng mga accomplishments na totoo namang nagawa na nila
  • yung mga sunud-sunuran lang na nagsasabi na wala daw nagagawa ang pagrereklamo
  • yung campus journalist na pinuwersa daw na mag-public apology dahil cr-in-iticize niya ang pamamaraan ng gobyerno, kaya binalikan siya ng mga kakilala niya na nagtatanggol sa sistema, na kanya na ring nasita
  • yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
  • yung mandudurang Imperial citizen na kung anu-ano na ang mga nilabag na batas at patakaran dito sa bansa
  • yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
  • sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
  • yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
  • sa Pasay City, yung 2 Imperial citizen na nanutok ng baril sa isang security guard, na nahaharap din sa sari-sari pang kaso
  • yung nagbabarilan na ang mga kriminal na Imperial citizen dito sa bansa
  • yung smuggled na mga karne ng baboy na galing sa Imperyo na nagpositibo na naman sa ASF
  • yung may nakapasok na nga na kaso ng Novel Coronavirus (nCoV) dito sa bansa na dala ng isang babaeng Imperial citizen na galing sa Wuhan
  • yung perwisyo ng nCoV sa ekonomiya
  • yung pati UAAP eh naperwisyo na rin ng COVID-19
  • yung mga South Korean na galing sa pinagkalatan ng COVID-19 sa kanilang bansa, na nalusutan yung mga nagmo-monitor dito sa bayan
  • ang pagtama ng COVID-19 maging sa mga kilalang tao sa buong mundo, kahit sa mga atleta
  • ang patuloy na pagtatayo ng Imperyo ng structures sa pinag-aagawan na mga teritoryo habang nananalanta ang COVID-19
  • ang masamang Western Impact ng COVID-19
  • yung donated na Imperial test kits na mula daw sa pribadong kompanya na nasa 40% lang ang accuracy rate
  • yung latest na pinalubog ng mga taga-Imperyo na Vietnamese fishing vessel sa kalagitnaan ng pananalanta ng COVID-19
-----o0o-----


April 4, 2020...

natawa ako dun sa donation..
eh limpak-limpak pa rin yung matitira sa kanila eh...

limpak-limpak na nasayang at patuloy na masasayang lang dahil puros palpak sila sa pagdepensa sa bayan laban sa sakit... :(

is feeling , pabida moves lang...


>
sa Candelaria, Quezon..
yung ambulance at yung driver na pinaputukan daw ng isang lalaki..
pinagdudahan DAW kasi na sinasakyan ng mga COVID-19 patients yung nasabing ambulance...

is feeling , mga problemang dulot ng kapabayaan...


>
sa Agusan del Norte..
yung lasing na magsasaka na napatay ng pulis dahil nag-amok daw sa checkpoint..
nag-ugat daw yung pag-aamok dahil sinabihan siya na magsuot ng face mask.. :(
itak daw yung gamit niya...

at talagang magsasaka pa... :(

bakit nga ba baril lang din ang pang-immobilize nila..?
hindi ba pwedeng stun gun muna...??

is feeling , mga kamatayan na dulot rin ng kapabayaan ng pamunuan.. ang dami na nilang isinakripisyo para lang masunod ang luho ng ibang mga tao...

---o0o---


April 5, 2020...

dito sa [Name of City]..
yung weekly ang pagbibigay ng ibang Barangay ng relief goods sa kanilang nasasakupan..
pero yung sa amin eh 1 beses pa rin lang na worth below Php 400 o 300... :(

is feeling , kaya naman walang kuwenta talaga yung utos lang nang utos yung mga nasa itaas eh...


>
siguro nakikita na ngayon ng mga OFW yung risk ng ganung trabaho..
yung high risk..
especially yung mga contract-based employment na walang permanent residence dun sa territory...

kung dati mga natural calamities lang at mga giyera ang kailangang iwasan..
ngayon eh mga virus evolution na na kayang magpabagsak ng mga ekonomiya...

pero masuwerte pa rin sila dahil isa sila sa mga paborito ng pamunuan...

pero ang totoong tanong ay kaya pa ba..?
handa ba ang lahat na harapin pa ang mga susunod na versions...??

is feeling , hindi na pwedeng maliitin ngayon ang mga Made in the Empire...

---o0o---


April 6, 2020...

yung mga nabasa kong methods para malabanan daw yung virus...

wala daw ang problema sa pamunuan.. :(
basta sumunod lang daw nang sumunod...

maniniwala na sana ako eh..
kaso walang nabanggit tungkol sa pagkain at tubig... :(

is feeling , kulang...


>
sa Cagayan de Oro City..
yung pastor na nagtipon ng nasa 500 daw na katao sa kabila ng ipinatutupad na quarantine... :(

is feeling , lagot na...


>
yung mga celebrities na nagpayo na naman na manatili lang daw sa mga bahay...

sorry po..
cash yung ipinamigay sa iba eh..
hindi naman makakain yung cash... :(

is feeling , sorry for being Motherf*ckers...


>
ang pinakabobo sa mga nababasa kong depensa ngayon para sa sistema..??
yung puro lang daw reklamo, pero ano na ba daw ang ambag para sa bayan...?

basta gumamit ng pera..
malinis man, madumi, o limos yung source..
basta't legal yung transaksyon..
somewhere in the process eh may mapupunta at mapupunta na portion ng halagang iyon sa gatas ng bayan..
regardless nga lang kung ano ang amount...

eh nasa social media yung mga hinahamak..
so may internet na binabayaran yung mga yun..
or at least eh load..
sa pagkain pa lang na kinokonsumo ng mga iyon eh automatic na na meron silang ambag para sa gatas...

kaya ano yung ipinagyayabang nila na kesyo walang ambag..?
basta't may ambag sa gatas..
regardless kung ano pa man ang amount..
eh may karapatan na sitahin ang mga kakulangan at kapabayaan ng sistema...

is feeling , magpapanggap na lang na matalino, kaso sablay pa...


>
yung planong i-extend ang quarantine para sa mga mamamayan..
pero walang planong extension sa pag-a-isolate ng mga iniuuwing OFW... :(

is feeling , Asymptomatic threat, wala ba talagang makatanda...??

---o0o---


April 7, 2020...

yung campus journalist na pinuwersa daw na mag-public apology dahil cr-in-iticize niya ang pamamaraan ng pamunuan..
kaya binalikan siya ng mga kakilala niya na mga Panatikong Zombies, na kanya na ring nasita... :(

i guess wala na ngang pag-asa ang isinumpang bayan na 'to..
mga bulag na Panatikong Zombie na iginigiit na sumunod na lang sa mga butas-butas na safety measure...

mukhang kamatayan na lang talaga ang pag-asa para mabago ang sistema... :(

is feeling , corruption of fans...


>
ang talino talaga ni Tatay Gunggong..
kung wala pang lower leader na nag-suggest eh hindi pa niya maiisip na apektado lahat sa ginawa nilang kapalpakan... :(

April na..
ano 'to, exam..??
kailangan pang maghintay parati ng mga makokopyahan ng mga initiatives...??? :(

is feeling , 6 digits..? wala namang utak, puro yabang lang...


>
lumapit DAW sa diyos..?
according sa lahat ng mga natutunan ko tungkol sa diyos mula pagkabata ko, eh lumalabas na matagal na niyang natulungan ang mga tao..
nabigyan daw ang mga tao ng rationalism...

ano bang gusto nila..?
na pati enlightenment ng mga decision-makers eh iaasa pa sa diyos..??
last year pa yung problema, pero parang wala naman silang natututunan..
April na, pero nandyan pa rin yung mga palpak na ideas..
hanggang kailan nila gustong maghintay ang mga tao bago maliwanagan yang mga kuhol na decision-makers na yan...??

matagal na sanang may preventive measure..
international travel ban..
kaso pinalagpas naman yung chance..
pati mga masks eh sinita pa ang paggamit noon..
April na bago pa natanggap yung payo na nasalanta ang lahat at hindi lang ang mga piling tao..
tapos sasabihin ninyo na reliable pa rin ang sistemang sinasamba ninyo...?? :(

bubusalan ninyo yung mga sumisita sa mga maling pamamaraan, tapos sasabihin ninyo na umasa na lang sa diyos...??

huwag ninyong hintayin ang diyos..
nandiyan na yang mga utak na yan matagal na - kung biyaya man ang maitatawag sa mga yan..
pero hanap pa rin kayo nang hanap ng solusyon mula sa diyos..
wala pang solusyon sa ngayon, pero pwede pang mapigilan ang lalong paglaganap nung sakit kung sisitahin yung mga butas sa plano nila..
kapag obvious na na may mali, gawin naman ninyo kung ano yung tama...

huwag nyo nang hintayin na divine na Magnitude 7 pa ang bumalasa para lang mapalitan na yang mga decision-makers na yan... :(

is feeling , huwag ninyong sambahin ang isang idolo lamang...


>
yung sumbong ng ibang mga mamamayan na nakatanggap na ng ayuda..
kesyo may bawas daw yung natatanggap nilang cash aid...

is feeling , pitikan na...


>
yung mga lower leaders na patas ang trato sa mga mamamayan...

ano ngayon kung may mabigyan na marangya na ang buhay..?
kung angkinin nila yung tulong para sa kanila, edi karapatan nila yun..
kung isi-share nila instead, edi magaling...

ang importante patas ang distribution ng tulong..
hindi yung may VIPs..
hindi yung may nadi-discriminate...

is  feeling , kaso yabang lang ang meron sa itaas.. walang utak...


>
sa Dinalupihan, Bataan..
yung lalaking PWD daw na hindi nabigyan ng ayuda..
na ginulpi ng ibang mga tauhan ng Barangay dahil ip-in-ost niya sa social media yung kanyang reklamo...

is feeling , kapag verbal lang ang labanan, verbal lang.. krimen ang mauna parati sa pananakit...

---o0o---


April 8, 2020...

sa DENR..
yung ipinagbabawal na rin sa mga empleyado nila ang pagbatikos sa pamamaraan ng mga nasa itaas... :(

pero, technically speaking..
gatas ng bayan ang nagpapakain sa majority sa pamunuan..
pero talagang pakiramdam ng mga nasa itaas na dapat na sa kanila yung credit... :(

is feeling , purihin ang Hokage na Mahilig.. huwag hayaan na maitama ang mga pamamaraan...


>
magandang ideya yung mga swab booth..
kailangan lang na masiguro na tama ang sanitation...

mahirap na..
baka may COVID-19 carrier na makuhanan ng sample..
tapos eh mga negative naman yung mga susunod sa pila...

is feeling , maganda sana yung bayan kung saan hindi mo na kailangang hilingin yung proper implementation ng mga bagay-bagay...


>
yung mga OFW na tuloy naman ang trabaho..
pero nagrereklamo kung bakit wala daw silang makukuhang cash aid... :(

una..
hindi kasalanan ng ibang bansa kung nag-decide man sila na pati money remittance industry eh ipasara muna nila dahil sa delubyo..
at labas ang bayan sa mga ganung patakaran nila...

ikalawa..
unfair nga kung patuloy sila sa pagkita ng pera, tapos eh bibigyan pa rin sila ng libreng cash aid dahil hindi sila makapagpadala sa ngayon...

siguro loan assistance yung mas akma para sa kanila, para sa mga naiwan nilang pamilya dito sa bayan..
tsaka yung relief goods na rin...

is feeling , sinabi na ngang high risk kasi eh...


>
yung nagalit daw yung mga seafarers na OFW sa mga nagtataboy sa kanila dito sa bayan...

hindi maganda yun..
dahil nga wala nang gustong tumanggap sa kanila..
at responsibilidad sila ng pamunuan, bilang mga mamamayan sila...

pero hindi ko rin masisisi yung takot nung mga taong nagrereklamo tungkol sa kanila..
hindi 'yon tungkol sa pagta-travel..
hindi 'yon tungkol sa posibilidad ng pagiging isang carrier..
pero tungkol 'to sa butas-butas na pamamaraan ng pamunuan simula't sapul..
noon pa man, ang mga safety measure nila kuno ang naging totoong banta para sa buong bayan... :(

at hindi rin ito ang panahon para iginiit na kesyo gusto na nilang makasama ang mga pamilya nila..
dahil isang pagkakamali lang, at baka sila-sila pa ang masabugan nung virus...

hindi tama ang diskriminasyon..
pero kailangan rin talagang ma-filter ang mga Asymptomatic carriers..
diskriminasyon laban sa mga bobong decision-makers, iyon ang pwede...

is ⚠ feeling , sana sila na lang yung magkusa.. i-suggest nila na i-test silang lahat bago sila pabalikin sa kanilang mga probinsya.. o manatili silang naka-isolate kung hindi pa sila mate-test...


>
ang talino rin talaga ni yabang Patilya..
tama lang daw ang desisyon ng Hokage nila na piling mga mamamayan lang ang bigyan ng ayuda... :(

put*ng ina..
alam ba niya ang palakasan system para makapasok sa listahan ng mga beneficiaries..?
alam ba niya ang katusuhan nung ibang mga beneficiaries..?
alam ba niya na paggawa lang ng bata ang requirement para dun sa iba..?
alam ba niya kung totoong naghihirap sa buhay lahat ng mga beneficiaries..?
alam ba niya kung nagsisikap mang magtrabaho yung mga beneficiaries..?
alam ba niya na may mga bata pa ring pinagpapalimos at hindi pinag-aaral kahit bahagi na ang pamilya nila ng mga beneficiaries..?
alam ba niya na may mga limos na napupunta lang sa inuman..?
alam ba niya na may mga limos na napupunta lang sa sugal..?
at ang higit sa lahat..??
alam ba niya na ginagamit sa support-buying at pananakot yung pesteng limos na yun...??? :(

tapos igigiit niya ngayon na sila pa rin LANG yung dapat lang na tulungan..?
bakit..??
dahil sapat na yung bilang na yun para manalo sa mga susunod na selection process...??? :(

samantalang ang Hokage nila mismo ang nagyabang sa simula ng delubyo na 'to na kesyo mayaman ang kanyang pamunuan..
tapos sasabihin niya ngayon bilang depensa na limitado ang resources..?
o baka naman natatakot lang sila na natatapyasan yung budget ng alyansa nila...??

ni hindi niya yata alam na redundant na nga yung natatanggap na ayuda nung iba eh..
may libreng cash na nga dati..
tapos may increase pa ngayon..
at sila pa rin ang priority pagdating sa relief goods...

put*ng ina mong gunggong ka rin..
kung hindi mo pa alam..
ang Hokage ninyo ang numero unong may kasalanan kung bakit hindi nagpatupad ang isinumpang bayan na 'to ng total international travel ban..
at yung mga tauhan niya rin, na hindi naman nasisibak, ang nagpatupad ng mga palpak na safety measure at contact tracing procedure... :(

is feeling , mga anti-equality.. mga pro- lang para sa mga kaya nilang i-brainwash at bilhin...


>
as expected..
ibinabato nga nila ang sisi sa WHO, dahil mas malawak na international community yung naunang nangmaliit dun sa virus..
na para bang nag-base nga lang sila sa previous versions... :(

oo nga eh..
WHO nga pala ang magdedesisyon para sa bayan..
nasa kanila nga pala ang authority... :(

January 1 pala nangyari yung pagpapasara nung suspect market..
matapos nga na merong mga nagkasakit..
kaya iyon yung earliest clue sana para isagawa nga ang total international travel ban..
dahil kilalang mga biyahero ang mga Imperial citizens, bukod sa may mga turista rin na pumupunta sa kanila..
kaso eh wala ngang gumawa nung tamang hakbang noon... :(

is feeling , ang tuso.. isang bulok na Hokage na iginigiit ang pagkalas sa mga international group, pero ni walang kakayahan na magdesisyon nang mag-isa...

---o0o---


April 9, 2020

so isa-sacrifice nga ang mga projects in case na lumala pa ang sitwasyon...

ang mga pinaglagakan nila ng gatas..
mga gatas na ang rate ay pinalaki nila sa mga nakaraang taon..
posibleng mawalan ng patutunguhan nang dahil lang sa mga maling desisyon nila... :(

is feeling , mga desisyon na hanggang ngayon ay mali-mali pa rin...


>
yung DepEd Secretary na nag-positive sa COVID-19 recently...

negative daw siya dati..
tapos positive na ngayon sa latest niyang test..
matanda na siya..
pero Asymptomatic hanggang ngayon..
dahil dun eh naka-home quarantine lang daw siya...

pero palatandaan na naman 'to kung bakit hindi pwedeng maliitin yung virus..
dahil ultimo matanda na carrier eh posible ngang magmukhang normal pa rin ang kalusugan...

is ⚠ feeling , basta kailangang masigurado na naka-isolate lang muna siya...


>
hindi ko nakuha yung lugar...

yung OFW na babae na hindi pinalagpas sa checkpoint kahit na may clearance naman daw siya..
nag-14-day quarantine na rin daw siya sa pinanggalingan niyang bansa..
ewan ko lang kung gaano katagal yung quarantine niya dito sa bayan...

pero tama lang yun..
kung kailangang sumuway para sa ikaliligtas ng nakararami, edi yun ang gawin...

hindi sapat ang clearance lang mula sa quarantine..
hindi iyon ang patunay na walang dalang virus ang isang tao..
accurate testing lang ang makakapagsabi..
at accurate testing lang ang makaka-detect sa mga Asymptomatic carriers..
clearance mula sa test ang dapat lang paniwalaan...

is feeling , patuloy ang banta ng hindi pag-iingat ng mga nagdedesisyon sa itaas...

---o0o---


April 10, 2020...

yung latest na pinalubog na Vietnamese fishing vessel... :(

naniniwala pa rin ba kayo sa kabutihan nila..?
naniniwala ba kayo na paulit-ulit talagang nangyayari ang mga aksidente sa dagat kahit na may technology naman sila...?

likas na mga mananakop ang kanilang lahi..
dahil ang sarili nilang Imperyo eh nabuo sa pamamagitan ng mga pananakop...

is 💀 feeling , we're doomed...

---o0o---


April 11, 2020...

yung patakaran na bawal daw mamili ng marami... :(

kelan kaya mauuso ang utak sa itaas..?
mahaba ang panahon ng quarantine, na-extend pa nga..
ini-encourage ang mga tao na manatili lang sa mga bahay..
pero wala namang ayuda para sa iba..
kung meron man, eh naubos na dahil limitado rin naman..
tapos sasabihin nila na bawal mamili ng maraming items na parehas ang category...??

edi ini-encourage din nga nila yung mga may pera pa para regular na mamili at ilagay ang mga buhay nila sa peligro... :(

is feeling , yung sila mismo ang dahilan kung bakit nalalabag yung sarili nilang mga patakaran...


>
dito sa [Name of City]..
yung limited day of access sa palengke... :(

ganun din..
walang kakayahang mag-provide ng ayuda..
kaya butas ang patakaran para makapamili pa rin ang mga mamamayan...

ang nakakatakot dito..?
2nd week of April na..
pero nananatili pa rin ang mga butas na patakaran..
habang hindi pa nahahanap ang mga Asymptomatic na carriers para dun sa mga nahawa na walang international o NCR travel history...

is feeling , getting worse...


No comments:

Post a Comment