Loveless Story
March 29, 2020...
isa sa pinakamasayang pakiramdam sa mundong iyon yung pagkakaroon ng element of surprise..
iyong hindi mo alam kung anong bubungad sa harapan mo..
meron ka lang konting ideya, pero hindi mo pa alam ang lahat..
sa kaso ko, ginamitan ko pa ng konting cheat - para mas masigurado ko pa ang mga bagay-bagay..
pero hindi sa lahat ng pagkakataon...
sumisipa yung excitement a few minutes bago ang itinakdang oras..
especially kapag wala ka na talagang ginagawa kundi ang maghintay na lang..
minsan mas napapaaga, madalas na nale-late..
isa iyong sugal - ang makita na ang surpresa na bubungad sa iyong harapan..
madalas na nagdudulot iyon ng galak at accomplishment..
pero may mga pagkakataon din naman na walang masyadong fulfillment..
at may mga pagkakataon din na nag-iiwan iyon ng mga bangungot...
at ang bagay na iyon ang nawala sa akin noong huling beses akong sumugal..
sakto sa araw kung kailan sumabog yung virus dito sa bayan..
inagaw sa akin ni Miss Racal yung pagkakataon na masilayan ko siya..
or posible rin naman na hindi siya ang may kagagawan nun..
hindi ko nagawang bumalik kaagad, dahil kinabahan na ako tungkol sa posibleng pagkalat nung virus..
at pinalala nga nung virus yung disappointment at regret ko - na baka hindi ko na talaga siya makita pa kahit matapos na ang trahedya na 'to...
walang naiwan sa akin kundi yung mga Half-Japanese photos niya..
iyong alaala ng maganda niyang ngiti..
iyong mala-Maris Racal na mga labi niya..
at iyong simple pero sexy na high heels sandals niya..
mga alaala na hindi ko alam kung masasaksihan ko pa ba sa hinaharap...
is feeling , Racal Nightmare...
-----o0o-----
March 30, 2020...
[Online Marketing]
unfortunately..
mukhang hindi ako qualified sa ayuda..
dahil online na talaga ang nature nung trabaho ko..
walang impact sa akin yung pagkasira ng ekonomiya sa loob ng bayan..
pero yung pagbagsak ng international market ang may epekto sa akin... :(
mga raket ko ang kinuha sa akin ng kapabayaan ng pamunuan..
mukhang patay na yung informal na money remittance dahil sa mga checkpoint..
paubos na ang plastic ko para sa paggagawa ng yelo, kung kailan Summer na..
paubos na ang stock ko ng mga pang-retail..
at suspended na rin nga ang Lottery... :(
tapos ilang Barangay na rin dito ang may na-verify na mga carrier, kaya lalo na tuloy nakakatakot na mamalengke... :(
is feeling , put*ng ina, pamunuan.. bayaran ninyo yung mga mawawala sa akin na ipon...
>
tapos na sa construction ng mga scenes..
took me 29 days..
mas mabilis pa sana kung hindi ako stress na stress sa kapabayaang idinulot ng basurang pamunuan na pro-international travel... :(
is feeling , auto-pilot mode na muna...
---o0o---
March 31, 2020...
ako ngayon ang sinisisi dito sa put*ng inang bahay na 'to..
bakit hindi daw ako ang utusan na lumabas dahil ako lang ang may quarantine pass...?? :(
mga put*ng ina ninyo..
hindi ko hiniling yang COVID-19 na yan..
busy ako sa project ko bago pa kumalat yang kapabayaan na yan ng pamunuan..
at kailangan kong bantayan yung operation nung computer kahit na naka-auto-pilot pa yun...
put*ng inang mga luho lang ang alam..
sila 'tong mga maluluho sa buhay na gusto na puros iluluto pang karne ang mga kakainin..
alam na nila na nililimitahan nga ang kilos ng mga tao..
pero gusto nila na araw-araw pa ring mamimili ng fresh na karne..
ano namang alam ko sa put*ng inang mga karne..??
yung mga pinamili kong de-lata at pancit canton noon, wala pa ring nag-uulam dahil ang gusto nila eh maluho pa rin ang pamumuhay nila...
idea nila, edi sila ang lumabas..
put*ng ina, ang dami ng Barangay dito ang napasukan na ng mga carrier na galing sa NCR..
tapos ang gusto nila eh arawan pa rin ang pamimili... :(
kagusto ko gang mamili..
para rin kumita pa rin naman ako ng points at savings ko..
pero put*ng ina..
ano gang malay ko kung pati yung hinihinga ng mga unidentified na mga carrier eh nakakahawa na rin...?? :(
is feeling , kung sinong gustong magpasarap lang sa buhay, edi sila ang kumilos.. hindi yung hanggang ngayon eh slavery pa rin ang paiiralin...
[Business]
11 na lang yung natitira ko na pwedeng ibenta na yelo...
2 pakete na lang ng asukal ang natitira...
at ubos na yung mantika...
ang galing mo rin talaga FATE, ano..?
saan ka pa makakakita sa panahon ngayon ng tao na nagbebenta ng yelo na dumaan pa sa mineral pot nang Php 2.00 lang..
at saan ka pa makakakita ng nagbebenta ng mantika sa bote na Php 3.00 lang ang patubo dahil hindi naman umaarkila ng diretsong sakay pauwi...
hindi ako mabuting tao..
pero hindi rin ako mapagsamantala sa iba..
at nakakalungkot na ganito pa ang dinala mong kapalaran sa sideline ko... :(
is 💀 feeling , kamatayan para sa lahat ng mga pahamak...
---o0o---
April 4, 2020...
[Strange Dream]
napag-eksperimentuhan daw yung mata ko..
hindi ko maalala kung sino yung lalaki eh, baka non-existing sa totoong mundo..
for some reason, eh pumayag daw ako na gamitan ng kung anong chemical yung mata ko..
siguro parang person with authority o expertise ang tingin ko sa taong iyon noon..
para lang makita kung anong magiging effect...
nakaharap kami sa parang mirror wall..
pinatakan nung chemical yung lower outer side ng right eye ko, sa area na puti lang..
grayish fluid yung chemical...
after nung test..
iniharap daw ako sa salamin at pinamulat..
nandiri daw yung mga tao sa paligid..
ako naman, eh hindi ko kaagad nakita yung resulta..
kasi parang sa mga censored movies, eh blurred yung una kong nakita..
then nawala yung blurred, at nanlumo ako sa aking nasaksihan..
parang corrosive pala yung chemical na ginamit sa akin..
binutas nun yung puting area ng mata ko, at nagdurugo na...
poot na poot daw ako..
napayuko na lang ako sa sahig habang nag-iiiyak..
sising-sisi daw ako sa maling pagtitiwala na ginawa ko..
hanggang sa nagising na ako, at na-realize na bangungot lang iyon...
is feeling , pinakaayaw ko sa lahat yung makaramdam ng sakit...
No comments:
Post a Comment