Friday, April 17, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of April 2020 (3 Times Subnormal)

Loveless Story


April 12, 2020...

may nahanap akong kahawig ni Miss Racal..
kahawig niya sa half-Japanese na perspective...

kaso may mga bagay na hindi magkatugma..
wala sa kanya yung mga ink na hinahanap ko...

is feeling , kailangan ko pa ng mga recent photos...

---o0o---


April 17, 2020...

hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay na 'to... :(

natadtad na ako ng mga kalaban..
- malawakang online piracy, na immune sa COVID-19
- combination ng COVID-19 at mga bobong pinuno
- at pati ang depektibo kong katawan

put*ng ina..
lagpas Php 10,000, pero lumulobo na ulit yung cyst ko..
hindi ko put*ng inang kaya na mag-invest ng Php 10,000 every year para lang magpatanggal ng mga cyst... :(

sunud-sunod na ang mga pagkatalo ko sa buhay since last year..
- palyadong surgery
- eyeglasses
- maagang pagkamatay ng UPS
- bukod pa nga yung palyado kong date kay Miss Racal

at wala na akong paraan para mabawi pa yung mga investment na yun ngayon dahil sa put*ng inang Imperial virus... :(

ang put*ng inang buhay na 'to..
hindi ka nga hahayaan na mamatay kaagad..
pero sisiguraduhin naman nila na magiging miserable ka sa bawat araw na susubukan mo pang lumaban...

is feeling , malas.. malas.. malas...


>
ganito ba talaga ang kahihinatnan ng isinumpang loveless story na 'to...? :(

ito ba yung dahilan kung bakit na-cancel-an ako ni Miss Racal noon..?
ito rin ba ang dahilan kung bakit na-scam ako nung taong nagpaasa sa akin na makikita ko si Miss Racal...?? :(

gustung-gusto kong makita yung taong 'yon..
pero yun pa talaga yung nawasak na pagkakataon.. :(
winasak by January..
nagsigala ang mga COVID-19 carriers by February..
ipinasara ang mga bayan by March..
at na-extend pa nga hanggang katapusan ng April..
at baka nga hindi na matapos pa ang pa-delubyo na 'to ng Imperyo...

gusto ko lang siyang makita..
mahanap..
kahit sa social media lang muna...

tapos ngayon, ano..?
may pa-COVID-19 na nga..
pero dire-diretso pa sa pagkawasak ang katawan ko..
wala na ngang pera na pumapasok sa akin..
tapos may 3 areas pa ngayon sa katawan ko na nagiging subnormal na naman... :(

is ðŸ’” feeling , Most Undesirable Guy on Earth...

-----o0o-----


April 11, 2020...

[Medical Condition]

late update...

may nagda-darken ng spot sa cyst ko..
at lumalaki na rin siya..
nasabi kong lumalaki dahil yung linya nung dati kong scar na nakalubog pa nga noon, eh nakaumbok na rin ngayon..
hindi ko sigurado kung dahil ba dun sa scar yung parang darkening, o kung talagang may iba na ulit na nangyayari dun sa loob nung cyst... :(

at carrier na rin daw yung naging surgeon ko noon... :(

is ðŸ’€ feeling , infinite combos...

---o0o---


April 14, 2020...

[Medical Condition]

may panibago na namang growth sa subnormal kong katawan.. :(
parang katulad siya nung nagkameron ako noong 2010...

that time ayokong komunsulta sa doktor..
sinugatan ko na lang yung sarili ko..
at umasa na magre-recover yung katawan ko na para bang normal na ulit...

hindi na nakakagulat..
pero talagang hindi ako nasasanay sa mga kamalasan ko sa buhay..
paulit-ulit akong hinahamon ng FATE kung dapat na ba akong mag-suic*de na lang o ano...

ganito yata talaga yung buhay na nabuo lang sa torjack-an..
yung hindi ginamitan ng pagmamahal..
patapon lang..
yung binugbog ka na ng tadhana..
ibinaon ka na sa ibaba..
pero talagang paulit-ulit ka pang gugulpihin..
ewan kung bakit, pero siguro para mapilitan kang piliin na lang yung suic*de option mo...

is ðŸ’” feeling , so sisirain ninyo ang subnormal kong katawan, para kung sakaling matapos man nga ang problema sa virus, eh wala rin akong mahahabol sa mga goal ko...?

---o0o---


April 15, 2020...

[Business]

oo nga pala..
yung dati nang naghihingalo na nano remittance na sideline..
ngayon eh absolute zero na dahil sa kabobohan ng quarantine na 'to... :(

is feeling , sagad na, sinasagad pa...


>
kabilang pala ako sa Fertilizer Class ng lipunan... :(

is ⚠ feeling , basta yung catergory na pwedeng perwisyuhin ng kapabayaan ng mga nasa itaas, pero hindi dapat bigyan ng ayuda...


>
[Online Marketing]

tapos na sa project #15..
29 days sa construction..
additional 6 days sa rendering..
at 8 days sa photoshop..
bale 43 days lahat-lahat...

unfortunately..
kalagitnaan na ng April..
at wala na talagang pumapasok sa akin na pera, maliban sa subscription platform ko..
mukhang nawasak na talaga yung legitimate market..
samantalang aktibong-aktibo pa rin ang mga magnanakaw na pirata..
maglabas ka ng project, at siguradong lalapain lang iyon... :(

is ðŸ’€ feeling , how to slowly die within 5 years...?

---o0o---


April 16, 2020...

[Business]

so inuutusan na ako na patayin na talaga yung sideline ko.. :(
at kapapamili ko lang ulit ng ilan kanina...

may death case kasi dito sa lugar namin na nag-positive sa rapid test..
sa rapid test pa lang yun..
pero dahil sobrang lapit sa amin nung bahay nung namatay..
eh gusto na nilang wala na talaga akong ikabuhay...

sobrang unfair lang..
health professional yung kapitbahay namin, pero okay lang sa kanila na parating pumupunta dito sa bahay..
nag-uubuhan na araw-araw yung mag-ama, pero okay lang sa kanila na mamalagi pa rin dito sa bahay...

mabuti yung biological brother ko, tuloy pa rin ang trabaho..
mabuti yung biological mother ko, pensioner..
mabuti yung biological father ko. may regular na allowance na nakukuha sa kanilang lahat... :(

pero ako, pang-fertilizer lang..?
patay na yung sales ng projects ko dahil sa ekonomiya sa ibang mga bansa..
patay na yung nano remittance..
tapos gusto na rin nilang patayin yung yelo..
at patayin yung nano store... :(

mga demonyo kayo... :(

is feeling , put*ng ina, mamatay na sana lahat ng carrier para matapos na 'tong put*ng inang delubyo na 'to.. para wala nang mahawaan na magiging panibagong mga carrier...


>
galing ako kanina sa supermart..
at ginagago talaga ng pamunuan ang mga mamamayan.. :(
walang ayuda para sa lahat..
cash ang ayuda para sa iba..
obligado ang iba para mamili..
limitado at may schedule na ang araw ng pamimili..
pero wala na daw nagde-deliver ng supplies sa lahat ng pamilihan...

mga put*ng ina ninyo..
patay ang public transportation, kaya huwag ninyong asahan na kayang lakarin ng lahat ang bawat bilihan ng supplies... :(

mula sa highway, 16 minutes akong naglakad papunta sa pinakamalapit sa amin na supermart..
walang kaso sa akin..
sanay akong maglakad buong buhay ko..
at Hyperhidrosis lang talaga ang problema ng vessel ko...

pagdating ko doon sa lugar..
sobrang dami na ng mga nakapilang tao..
kaso 8:00 AM pa ang bukas nung supermart..
inabot ako ng almost 2 hours sa pagpila pa lang... :(

nang makapasok na ako..
may time limit rin pala yung pamimili..
mga put*ng ina..
limitado ang araw ng pamimili..
limitado na ang supplies..
tapos limitado na rin yung oras ng pamimili doon sa supermart..
eh ngayon lang ako namili doon, kaya hindi ko kabisado ang mga sections...

isinabay ko na rin yung pagbili ng gamot para sa biological mother ko..
dahil nga limitado na ang araw ng pamimili..
meron naman doon sa supermart, pero kulang-kulang at mababang klase daw..
naglakad ako pabalik sa may highway, pero mas maraming gamot ang wala na doon..
naglakad akong muli hanggang sa Mercury Drug na malapit sa mall..
pero doon na ako tuluyang sumuko, kasi yung pila eh literal na umabot na doon sa may area nung mall... :(

put*ng inang pamunuan yan..
hindi kumpleto ang supplies sa lahat ng mga pamilihan..
yung daily needs..
at maging pati mga gamot..
at ultimo yung supply nila ng libreng gamot para sa mga matatanda eh matagal nang wala... :(

is feeling , mga hayop silang lahat...

---o0o---


April 17, 2020...

[Business]

problema ninyo yung mga nagbebenta na hindi sumusunod sa SRP..?
samantalang ako, sumusunod ako sa SRP sa ngalan ng pagiging patas sa mga tao, pero ano..?
ako pa ngayon yung tigil ang sideline..
buburuhin yung mga natitira kong stock...

samantalang sila, palabas-labas pa rin ng bahay..
kung kani-kanino pa rin lumalapit at nakikipagkuwentuhan... :(

pero ano ang mas nakakabuwisit..?
nagpaskil ako kanina sa gate na pinagbawalan akong magbenta hangga't may COVID-19 pa..
pero anong sabi nila..?
para daw akong nananakot na kesyo sa amin mismo may COVID-19..
kaya sinira nila yung paskil ko...

tapos ano..?
sa tuwing may napunta sa bahay para subukang bumili ng murang item, eh ni hindi nila masabi nang diretsahan na pinatigil nila ako... :(

naaawa ako sa mga kliyente ko, kahit na marami sa kanila ang mga pasaway..
naghahabol sila ng murang produkto sa panahon ng delubyo, pero ako pa talaga yung pinatigil..
ilang beses pumunta sa amin kanina yung mga bata mula sa isang household..
nagpabalik-balik na yung mga tao..
pero ni hindi nila put*ng inang madiretsa na kesyo sila ang may gusto na tumigil na ako... :(

is feeling , yung mga taong mapanikil, pero hindi kayang aminin sa harapan ng mga biktima nila yung ginawa nila...

---o0o---


April 18, 2020...

yung pinaka-nakakatakot na banta na narinig ko sa buong buhay ko...??

yung tungkol sa eternal life... :(

malaki na ngang kalbaryo yung buhay sa mundo..
puros kalungkutan..
puros depekto sa katawan..
panay kamalasan na lang..
hindi ka pa magiging masaya kung hindi ka mandaraya paminsan-minsan..
tapos babantaan ka pa na kesyo may naghihintay pa rin na buhay pagkatapos ng buhay sa mundo..
at kapag hindi ka naging malapit sa mga nasa itaas eh sa mainit na impiyerno mo na daw bubunuin yung lecheng eternal life na iyon...

hindi ko kailanman tinatanaw na utang na loob sa kahit na sino at ano ang buhay ko..
gusto ko lang na pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko sa mundo, eh sana naman mabura na lang nang husto ang existence ko...

is feeling , 5 years for Oda...


No comments:

Post a Comment