Loveless Story
April 8, 2020...
Miss Racal..
kung nasaan ka man..
ingatan mo lang sana ang sarili mo sa gitna ng napakapalpak na sistema na 'to..
subukan mo lang na maka-survive pa...
April na..
pero maging April eh kinuha na nila.. :(
kinuha ng put*ng inang kapabayaan nila..
yung January ko sana na chance eh magiging May na..
baka nga ma-extend pa dahil wala ngang gumagamit ng enlightened at natututo na utak sa itaas...
more than Php 25,000 na savings ang kailangan ko..
pero wasak na ang lahat...
basta..
kapag natapos na ang delubyo na 'to, kung matatapos man at hindi tayo ipapasakop sa Imperyo..
hahanapin ko kayo kaagad ni Miss Co..
kahit yung pang-cremate at sleeping pills allowance ko eh gagalawin ko na, basta matapos ko lang yung mga goal ko...
matagal nang walang kwenta ang buhay ko..
One Piece na lang ang kinakapitan ko..
tapos dagdag pa ngayon sa pasakit ang pamunuan na walang utak para magpatupad ng total international travel ban..
yung ultimate gatasero na pamunuan, na mas pinatunayan pa ngayon na walang pinatutunguhan yung panggagatas nila...
kahit na alam ko na tutol na tutol sa akin ang FATE..
wala rin naman talaga akong pagpipilian kundi ang sumugal lang para maging masaya...
is 💔 feeling , Love in the Time of COVID-19 - Chapter 3: The Brainless Extension...
---o0o---
April 10, 2020...
may mga local carriers na noon nang pag-isipan ko kung pipilitin ko bang makita si Miss Racal o ano..
ang sitwasyon ko that time..?
walang pumapasok na sapat na kita para sa latest kong project..
kaya i was thinking kung gagalawin ko ba ulit yung savings ko para lang makita na siya...
the same week kung kailan nagkaroon ng unang declaration..
iyon sana yung week na magde-decide na ako..
ite-take ko ba yung risk o maghihintay na maayos ang lahat..?
pero lumala nga ang sitwasyon..
dahil hindi na ma-trace kung sinu-sino ang nakapagkalat nung virus sa level ng local transmission..
kahit gaano ko pa tapangan ang sarili ko noon eh wala na akong magagawa..
dahil ipapasara na nila yung region...
sa ngayon wala akong ibang gusto kundi makita lang talaga siya..
yung babaeng nag-cancel sa akin..
meron akong mga clues, pero hindi ko pa rin siya mahanap-hanap...
mahirap talaga kapag malas ka sa lahat ng bagay..
nanghihiram ka na nga lang ng pagmamahal, tapos eh dinudurog pa talaga ng pagkakataon... :(
is feeling , nasaan ka na ba...??
---o0o---
April 11, 2020...
kahapon..
2 years na pala mula noong huling beses kong nakita si Miss C..
doon sa palyado naming pagkikita... :(
hinahanap ko pa rin naman siya hanggang ngayon..
though hindi na kasing-intense nung dati yung pakiramdam..
siguro yung pangalan na nga lang niya yung huling bagay na kailangan kong malaman...
is feeling , tuldok na lang ang kailangan...
-----o0o-----
April 6, 2020...
tapos na rin sa renders..
took me an additional 6 days..
bale nasa 35 working days na ako...
pero kahit i-extend pa ang confinement system na ito..
parang wala na rin naman akong mapapala dahil wasak na ang ekonomiya ng mundo..
wasak na ang savings ko..
at hindi ko na rin kayang bawiin yung expenses ko para sa eyeglasses at UPS... :(
is feeling , forever cursed...
>
hindi 'to maganda..
so namigay na nga pala ulit ng tulong dito sa [Name of City] noong nakatakdang araw..
at hindi na kami kasali..
so sapat na pala yung 10 Kilo ng bigas lang para sa lagpas 1 buwan...??
put*ng inang gated community rule yan..
put*ng inang diskriminasyon yan... :(
mukhang wala na 'to..
tigil ang pagkita ko..
tigil ang pag-earn ko ng points..
at mukhang may extension pa dahil sa mga kuhol..
pero wala akong matatanggap na danyos kapalit ng lahat ng perwisyo na natamo ko... :(
is feeling , kamatayan para sa lahat ng palpak...
---o0o---
April 8, 2020...
[Piracy]
2 Weeks Rule
kahapon nasurpresa ako nang malaman ko na may 1 or 2 Weeks Rule pala na sinusubukang sundin ang mga online pirates..
sinusubukan, dahil hindi pa rin iyon masunod ng lahat ng mula sa kanilang hanay..
ibig sabihin, na isi-share lang nila in public yung mga nakuha nilang kopya ng mga pinipirata nilang produkto after na bigyan ang mga creators ng 1 or 2 weeks lang para maibenta ang kanilang mga produkto... :(
2 weeks..?
ilang weeks ang ginugugol namin para lang makatapos ng mga project..
in my case, na may lower level lang ng computer..
eh inaabot ako ng more or less 2 months..
tapos 2 weeks lang ang palugit nila sa amin para kumita kapalit ng lahat ng effort namin..??
na para bang sila yung mga put*ng inang may-ari ng mga gawa namin... :(
nalaman ko rin kahapon na 1 pala sa mga nag-send nga sa akin ng motivational message noon eh 1 lang walang kuwentang piracy supporter..
kaya pala wala siyang record ng transakyon sa akin... :(
hindi ko lang maintindihan kung saan nila nakukuha yung kapal ng mga mukha nila na sabihin na supporters sila ng mga creators..
na fans sila..
pero sila mismo ang mga put*ng inang hayop na pumapatay sa aming sining... :(
---o0o---
April 9, 2020...
itong mga hinayupak na pangyayari ngayon..
it made me realize na hindi ko na talaga matatakasan ang isinumpang bahay na 'to..
na walang totoong lugar sa mundo para sa mga mahihirap...
sa ngayon nabubuhay nga kami dahil sa luho ng kapitbahay namin..
space, gasul, bigas, tubig, at kilos namin..
at sila na muna ang bahala sa mga pagkain..
pagkain kapalit ng services ng bahay na 'to para sa pamilya nila...
nanginig na naman yung mga laman ko kanina..
pinagbantaan ako na magsisira na naman siya ng mga gamit sa bahay..
simple lang ang naging problema..
may bilihan ng LPG na nanloko sa amin the last time at binigyan pala kami ng pekeng tangke ng gasul..
totoong duda na ako that time dahil sa mga markings na wala dun sa tangke, pero dahil dala nga nung nagbenta yung pangalan nung brand, eh inakala ko na wala namang problema..
hanggang kanina, ni-reject nung malapit na bentahan yung tangke namin dahil peke nga daw..
nagalit kami doon sa contact namin, dahil sila nga yung nag-supply sa amin nung tangke na iyon..
walang mali sa taong pinagbantaan namin na isusumbong sa DTI, dahil nasa amin naman yung contact number nila simula't sapul..
nasa amin yung kopya ng conversations namin for the previous transaction..
pero iginiit ng kapitbahay namin na kami daw mag-ina ang mali ng pinagbantaan..
at na magsisira daw siya kung magsasalita pa kami tungkol dun sa kaso...
totoong nagduda na ako kanina kung lehitimo ba yung shop na nabilhan namin noon, kumpara dun sa shop na personal na pinuntahan kanina..
posibleng nabiktima nga kami ng ilegal na nagre-refill ng LPG..
pero imposibleng magkamali kami ng pinagbantaan dahil nag-iisa naman ngang shop yung kausap namin sa cellphone...
isang bahay kung saan parati kang mananatiling mali - dahil mahirap ka lang...
is feeling , yung mga taong akala na sila parati ang tama dahil sa pera nila.. mga taong dapat nang mawala sa mundo...
>
patuloy pa rin ang pananalanta nung virus sa Japan...
hindi ganung kalala ang itsura ng mga numero..
pero tumataas pa rin nga kasi ang bilang ng mga tinatamaan...
huwag na muna kayong mga pasaway..
mayaman naman ang gobyerno ninyo..
manatili na lang muna kayo sa mga bahay ninyo at manood na lang ng mga JAV o magbasa ng mga manga...
hindi pwedeng mapeste si Oda hangga't hindi pa tapos ang kanyang manga...
is feeling , huwag ang Japan...
No comments:
Post a Comment