i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
sawsaw na nga sa pamilya ng may pamilya..
media threat pa... :(
-----o0o-----
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
update ulit (503 + 501 + 124 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung pangmamaliit kaagad sa mga kababayang atleta
- yung nag-offer ng bounty laban sa ibang napalaya ng palpak na sistema
- yung paninisi sa dating administrasyon kahit na ang pag-abuso sa sistema eh tao nila mismo ang may kagagawan, at sila mismo ay batid na may mga nagre-request upang magamit nga ang kahinaan nung sistema na iyon
- yung umamin tungkol sa pagpapa-ambush sa isang Mayor noong 2018
- yung nagtalaga na naman ng opisyal na may kinasasangkutan pang kontrobersya, kesyo suspek daw sa pagkamatay ng 10 preso
- yung palpak na tauhan na ibinalik na naman sa katungkulan
- yung sinabi habang nasa ibang bansa na may mga General daw na sangkot sa ilegal na droga, tapos sabay bawi dito sa bansa na kesyo wala daw pala
- yung gusto nang mangamkam ng mga lupain para lang makapagpatayo na ng dam sa tulong ng Imperyo
- yung walang tiwala sa kanyang itinalaga
- yung sinisilip yung mga kuwestiyonable daw na pondo ng ibang pinuno, gayong siya at sila rin ay may kuwestiyonableng pondo para sa premature na pagpapakilala
- yung sinibak na kaagad yung taong hinamon at itinalaga niya, na para bang may iniiwasan na mangyari
- yung naniwala at nagsalita dahil sa FAKE news, sa kabila ng napakalaking intelligence fund
- yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa
- yung patuloy na pagbabanta tungkol sa franchise ng isang TV network habang pinakikinabangan nila ang mga ito para sa SEA Games
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
- yung 7 pulis-Antipolo na sangkot sa kuwestiyonableng buy-bust operation noong May 2019, kung saan kabilang din ang ilan sa 2013 Pampanga Ninja Cops
- yung report from Laguna, yung PDEA agent at kasamahan niya na nahuling gumagamit ng ilegal na droga
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG na bukod sa nakunan na ng video habang gumagamit ng ilegal na droga ay nahuli pa sa entrapment operation dahil sa pagiging pusher
- yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation malapit sa may New Bilibid Prison daw
- sa Taguig City, yung pulis na hinuli dahil kasabwat daw ito ng kanyang asawa na related sa ilegal na droga na ginagamit pa ang kanilang bahay bilang drug den
- sa Bacoor City, Cavite, yung Barangay Tanod na kasamang naaresto dahil sa pagtitimbre ng drug raid
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad at pamangkin niya na nahuli sa buy-bust operation
- sa Sampaloc, Manila, yung Barangay Kagawad na nakunan ng video at nahuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa mismong bahay niya
- sa Cagayan de Oro, yung Barangay Kagawad na inaresto dahil sa involvement niya sa ilegal na droga
- sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Kagawad na nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, bukod dun ay may 2 pang nahuli, at sila-sila ang nagturuan
- yung Barangay Coordinator na hinuli dahil daw sa pangingikil ng nasa Php 18,000 kapalit ng pag-aalis ng pangalan ng isang drug surrenderer mula sa drug watchlist
- sa Commonwealth, Quezon City, yung 7 Barangay Tanod na sangkot sa pangingikil laban sa asawa ng isang drug-related personality, bukod pa sa pangre-rape daw nila dun sa babae
- sa Quezon City, yung pulis na nahuli dahil sa pagbebenta ng mga baril at bala, ilan sa mga nasabat na armas ay government-issued pa daw
- sa Cavite, yung Barangay Kagawad na nakunan ng CCTV na nanloob ng bahay
- sa Iloilo City, yung Jail Guard na nanutok ng baril sa bar
- yung pulis na nambugbog ng Traffic Enforcer sa daan dahil naabala daw siya ng panghuhuli nito
- sa Pandacan, Manila, yung nakunan ng CCTV na pulis na nanakit ng mga kabataan matapos na may mabasag daw sa kanyang sasakyan
- sa Lapu-Lapu City, yung nakunan ng video na 4 na pulis na nambugbog ng 2 lalaking nanggulo daw
- sa Valenzuela City, yung lalaki na nag-amok daw na napatay naman sa pagkuyog sa kanya ng mga tanod at pulis
- sa Puerto Princesa, Palawan, yung babae na namatay sa pamamaril ng kanyang asawang pulis na nagbaril din naman ng sarili matapos iyong krimen
- sa Marawi City, yung pulis na hinuli dahil sa pagmamaneho ng carnap na sasakyan, bukod dun ay ni wala daw siyang lisensya
- sa Pasay City, yung Traffic Enforcer na nakunan ng video na nangongotong kapalit ng hindi niya pag-i-issue ng ticket
- sa Manila, yung lolo na namatay matapos na mabangga ng motor na minamaneho ng isang pulis na lasing daw at mabilis magpatakbo
- sa Quezon City, yung Traffic Czar at mga kasamahan niya na nanira ng nasita nilang sasakyan na walang sakay
- sa Sariaya, Quezon, yung Barangay Kagawad at mga kaanak niya na nahuling nagpapatakbo ng online gambling
- sa Muntinlupa City yata iyon, yung teacher na nakunan ng video na nananampal ng mga estudyante
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- yung Mayor ng Misamis Occidental na itinumba habang nasa custody na ng mga pulis
- sa Marikina, yung lalaki na napatay sa pamamaril ng isang pulis, may tama rin yung isa niyang kaibigan sa tiyan
- yung pagtatanim daw ng mga ebidensya laban sa makakaliwang grupo
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- sa Las Piñas City, yung 3 pulis na naabutang natutulog sa ginawang inspeksyon ng NCRPO
- sa Boracay, yung 2 pulis na nahuling nagmo-mobile games habang nasa duty
- sa Antipolo City, yung pulis na nakunan ng video na nagsasabong
- sa Taguig, yung sasakyan ng mga pulis na ilegal ang pagpaparada malapit sa presinto
- yung pulis na nahuli ng PNP-IMEG, na dati nang naalis sa serbisyo dahil din sa involvement sa ilegal na droga pero nagawang makabalik noong 2017 sa pagiging pulis
- yung ang daming isinisiwalat ngayon na modus ng mga armadong empleyado, pero ano bang ginawa nila noon pa lang na nalaman na daw nila ang tungkol sa mga ganun
- yung tangkang pagtatakip sa kaso ng Pampanga Ninja Cops noong 2013
- yung panibagong kaso ng pagkamatay sa PMA nang dahil daw sa hazing
- yung wala nang ipinagkaiba ang hazing mula sa bullying
- sa Daraga, Albay, yung babae na sugatan matapos na sakmalin ng aso
- yung wala ng halaga ang mga karton para sa mga mangangalakal
- yung perwisyong idinudulot ng pag-a-adjust ng mga existing landline numbers
- yung pagtaas ng rate ng pamasahe sa provincial bus
- yung wala man lamang pakunsuwelo para sa mga motorista sa kabila ng hindi na pagiging expressway ng SLEX
- yung opisyales ng DOTr na isinisisi sa palpak na maintenance DAW ng nakaraang administrasyon iyong pagkasira na nangyari sa LRT 2, kahit na mahigit 3 taon na sila sa puwesto
- yung halos nasa 10,000 driver ng iba't ibang klase ng sasakyan na nahuli sa isinagawang sabayang panghuhuli
- yung pagbaba ng presyo ng bentahan ng lokal na palay
- yung nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa bansa
- yung may mga processed meat na rin na apektado ng ASF na hindi naman pinapangalanan yung kompanya
- sa Bulacan, yung paggamit sa isyu ng ASF para makapanabotahe ng negosyo ng iba
- sa PAGCOR, yung tigil na nga muna ang pagbibigay nila ng assistance matapos na malusutan sila ng mga pekeng dokumento, pero laya na kaagad yung mag-asawang nahuli nila
- yung balik operasyon na kaagad yung mga ipinatigil na laro ng PCSO, maging yung mga pinagdudahan na laro
- yung nagkaproblema daw yung gumagawa ng UMID card para sa SSS
- yung mga kaso ng peke at for sale na mga PWD (persons with disabilities) ID
- yung Senator na gustong hati-hatiin at ipamigay na kaagad ang reward para sa mga Centenarian simula 80 y/o pa lang
- yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba dahil sa pagiging nakakalito nito
- yung pagwawaldas ng pera ng bayan para sa pagbili ng 2 mamahaling jet
- yung masyadong pagsasabay-sabay ng mga projects at pangungutang sa panahon na ito
- yung mga projects daw ng DPWH for 2020 na kulang-kulang ang detalye o di kaya ay kuwestiyonable
- yung nasa Php 50 Million worth ng cauldron na gagamitin lang sa torch lighting para sa 2019 SEA Games
- yung mga pinuno na tinatawag na crab mentality ang pagsita sa mga kuwestiyonableng gawain
- yung pinuno na pulitika naman ang sinisisi sa kabila ng mga totoong nangyayari na kapalpakan
- yung pinuno na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
- yung palpak na pagsalubong at pag-accommodate sa mga representative ng ibang bansa
- yung reklamo ng mga representative tungkol sa kakulangan ng masusustansiyang pagkain para sa mga atleta
- yung kulang daw ang Halal certified food para sa SEA Games
- yung Football team captain ng Brunei na inatake naman ng allergy dahil sa pagkain
- yung mga rifle ng shooting team ng ibang bansa na kinumpiska nang dahil sa miscommunication
- yung problema sa sasakyan ng mga representative
- yung pinakikinabangan nila ngayon yung TV network dahil lang sa event, samantalang kapag walang okasyon eh panay ang banat nilang magkakaalyansa tungkol sa katapusan nung franchise
- yung akusasyon ng pamumulitika gamit ang mga biktima ng lindol, na kesyo may nag-uudyok DAW dun sa iba na mamalimos na sa daan
- after 6 years, yung marami pa ring biktima ng Yolanda ang nagrereklamo tungkol sa kawalan ng pabahay sa kabila ng mga FAKE news noon na kesyo kaya DAW makapagtayo ng mga bahay within 3 weeks
- yung nagmura na naman si Non-Clam Defender
- yung report tungkol sa maraming kaso ng mga preso na napahamak habang nasa custody na ng mga awtoridad
- yung paglilipat ng mga Criminal Witnesses sa ibang facility (na hindi kulungan) noong June 2019 pa
- yung mga opisyales at dating opisyales na hiningan ng sulat at tulong nung pamilya nung convicted na rapist-murderer
- yung ayon sa record, na qualified ang NGO Queen sa paggamit ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), at rape ang kaso niya
- yung mga opisyales na isinasali ang mga kriminal na convicted for committing heinous crime sa nakagagamit ng good conduct time allowance
- yung libu-libo na DAW na convict na sangkot sa heinous crimes ang napalaya na dahil sa maling paggamit ng good conduct time allowance
- yung lumalabas nga na for sale pa yung Good Conduct Time Allowance sa bilangguan, ang access ng mga kontrabando papasok, at maging mga medical documents daw
- yung mga medical personnel ng New Bilibid Prison Hospital na kasabwat sa mga kalokohan ng mga bilanggong kriminal
- yung ngayon lang ginigiba yung mga kuwestiyonableng kubol sa Bilibid
- sa Bilibid, yung nasa 15 na pulis na nahuli dahil sa pagpupuslit ng kontrabando sa loob
- yung mga pinagsisirang kontrabando mula sa Bilibid, na tila wala tuloy nagawang pagbabago yung mga sinundan na pinuno
- sa Women's Correctional, yung mga nasamsam na mini-phone
- yung may panibago na namang civil case laban sa Dictator Clan ang ibinasura
- yung may nabalewala na naman na forfeiture case laban sa Dictator Clan
- yung kasunduan dun sa Imperial Telco, na planong maglagay ng facility nila sa provincial military base
- yung dinaya daw ang bidding para sa Kaliwa Dam para paboran yung Imperial contractor
- yung base sa kontrata ay may jurisdiction ang Imperyo in case na magkaroon ng kaso regarding sa Kaliwa Dam
- yung may kontrol na pala ang Imperyo sa national power grid ng bayan
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung hanggang sa panahon ngayon ay may mga insidente pa rin ng pangre-rape laban sa mga sariling kadugo
- sa Malabon, yung kaso ng pagpatay sa isang beautician kung saan kinunan pa talaga nung 2 kriminal yung ginawa nilang krimen
- yung mga nag-aalaga ng baboy na basta na lang ipinaanod sa ilog yung mga patay na baboy, kung kailan pa talaga may banta ng mabilis na lumaganap na sakit ng mga baboy
- sa El Nido, Palawan, yung Forest Ranger na napatay sa pananaga ng grupo ng mga illegal loggers
- yung mga representative ng ibang bansa para sa SEA Games na hindi na nag-practice dahil sa sobrang traffic sa host na bayan
- yung mga atleta na pinagmumukha na ang mga bumabatikos sa mga kapalpakan ang masasama sa halip na yung mga pumapalpak mismo
- yung pati depensa tungkol sa SEA Games kikiam, na chicken sausage o hotdog daw pala, eh palyado pa rin dahil nutritional value naman ang totoong hinahanap nung mga nagreklamo
- yung nag-volunteer para sa SEA Games pero nagrereklamo at saka umatras
- yung pagkukumpara ng ibang mamamayan sa kakayahan ng ibang bansa sa pamamagitan lang ng basic na currency conversion, nang hindi isinasaalang-alang ang economic level, rate ng pasuweldo, at purchasing power
- sa Bocaue area, yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente
- yung lalong pagmamahal ng rate ng internet service sa panahon ngayon
- yung lumang agreement sa mga magtutubig na nagagamit nila ngayon sa pang-aabuso laban sa mga consumers at sa pamahalaan
- yung tila pagpabor ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pantay na pagbibigay ng Good Conduct Time Allowance para sa lahat ng klase ng bilanggo
- yung palusot nung pamilya nung convicted rapist-murderer na kesyo nawala na daw yung mobile phone at number na magagamit sana bilang ebidensya
- yung banta ng terorismo laban sa supply ng petrolyo
- yung mga laos na personalidad at iba pa na kayang magbiyahe papuntang Russia
- yung 2 Imperial citizens na nahuli dahil sa pagmamaneho ng lasing, at wala pang lisensya
- yung apology nung nambangga na Imperial vessel na may timing
- sa Parañaque, yung Imperial prostitution den sa isang building na under construction pa
- yung mga kaso ng kidnapping ng mga Imperial citizen laban sa mga kapwa Imperial citizen na related sa operasyon ng mga POGO
-----o0o-----
November 30, 2019...
yung nag-volunteer..
pero nagrereklamo at saka umatras...??
mali din yata yung gamit nun na dictionary...
is feeling , akala siguro eh dadaanan ang lahat ng pera...
>
sa Bocaue area..
yung 2 bus na may sakay na mga foreign representatives na nasangkot daw sa aksidente..
may mga nasaktan daw, pero wala namang namatay...
is feeling , hanggang sa biyahe ba naman..? sumisimple ba ng injury...??
---o0o---
December 1, 2019...
yung hindi pa man nagtatagal, pero papalitan na nga ulit yung Php 5 coin na matagal nang sinisita ng iba...
ganun ba naman yung may tamang plano..?
nag-produce muna ng posibleng ikalito ng ibang tao..
tapos saka ulit magdi-disenyo ng panibago...??
samantalang madalas pa naman nilang ipaalala na kesyo mas malaki ang cost of production kumpara sa actual worth ng nagagawang pera... :(
is feeling , para-paraan para dumaloy ang gatas...
---o0o---
December 2, 2019...
sa tingin ko, eh hindi rin naman namatay si Lapu-Lapu para sa buong bayan..
duda nga ako na aware na siya noon tungkol sa buong teritoryo na tinatawag ngayon na Pilipinas eh..
duda rin ako na nalibot na niya iyon noon...
base sa mga nabasa ko, eh mukhang hindi rin naman siya namatay sa mismong pakikipaglaban sa mga banyagang mananakop..
basta lumaban lang sila para sa kanilang teritoryo at mga paniniwala, at dahil nilusob nga daw sila...
pero may punto rin naman kahit papaano ang matabang prinsesa..
eh ang weird nga na ganun yung kanta pero ni wala nga sila sa lugar na iyon noon eh...
kaso ang mahirap sa demand nila..?
kung parating kukuwestiyunin ang lugar at ang dialect, eh wala talagang magiging suitable na mag-represent para sa buong bayan..
kasi natural na yung pagkakaiba-iba ng bawat lugar o probinsiya eh..
kung ipipilit nila na kailangan ng common language man lang para sa lahat, edi mas malamang na English pa ang mapili...
is feeling , tsaka hindi na tugma yung kanta para sa kasalukuyang kondisyon nung Capital...
---o0o---
December 4, 2019...
ang nag-e-explain, yung per item at per quantity..
dahil overwhelming pa rin kapag summarized...
basta ako..
nakakita na ako ng bahay na worth Php 2,000,000..
at nakakita na ako ng bahay na worth Php 4,000,000 na may kasamang mamahaling kitchen...
is feeling , hindi na nakakapagtaka kung bakit kultura na ang pagnanakaw ng gatas...
>
waterproof ba ang apoy kapag milyones ang worth ng LPG...??
is feeling , more than 8,000 na 11 KG tanks...
>
ang isang katangahan ng mga mamamayan sa tuwing nagko-compare sila ng paggastos sa ibang bansa...??
akala nila na ang formula ay amount in foreign currency x exchange rate to local currency..
wala sa consideration ang rate ng pagkita ng pera, na may kinalaman sa economic level..
at lalong wala sa consideration ang purchasing power ng ibang bansa...
is feeling , hindi lahat nasusukat sa total lang...
>
yung pakikisawsaw sa isyu ng mag-asawa...
aw..
sa ganun pala ginagastos yung ibang bahagi ng budget... :(
is feeling , sulit na sulit sa mamahaling non-intelligence fund...
>
sa Women's Correctional..
yung mga nasamsam na mini-phone..
at ang mga ilegal na nakatira sa loob nung compound...
is feeling , kultura naman ng mga bilangguan...
>
yung lumang agreement sa mga magtutubig..
1997 pa..
kapalit ng kakayahan at sistema ng mga private companies...
is feeling , yun pala ang dahilan kung bakit international ang pag-handle ng mga kaso ng mga magtutubig nila...
>
[Natural Calamities]
ganun na yata talaga..
comfort, temperature, speed, at iba pang pampadali ng buhay para sa sangkatauhan..
polusyon kapalit ng mga delubyo...
is feeling , climate change...
---o0o---
December 6, 2019...
[Natural Calamities]
nasa Magnitude 5.6 na lindol..
Mindanao pa rin, sa may area ng Davao Occidental...
is feeling , baka kailangan muna ng mga alay bago niya ulit patigilin...??
>
sana ang pagsuporta ng mga mamamayan ay yung totoo..
hindi yung dahil lang sa uso yung event..
hindi yung pang-social media lang..
hindi yung kapag may medal eh proud kababayan kuno..
pero kapag walang medalya eh never mind at hindi kilala...
simpleng LIKE nga lang doon sa page nung sport eh hindi pa maibigay bilang suporta eh...
is feeling , mga nakikisakay lang...
---o0o---
December 7, 2019...
yung patuloy pa rin ang pagbabanta ng Hokage na Mahilig laban sa franchise ng isang TV network..
ito ay sa kabila ng panggagamit ngayon ng kanyang mga kaalyado sa kakayahan nung network para sa SEA Games, upang hindi naman sila mapahiya...
partners kuno, pero habang nakatingin lang ang international community... :(
dahil kini-claim ng isang branch na kesyo independent sila..
lumalabas na patuloy lang ang ginagawang pangpo-provoke ng Hokage na Mahilig..
naghihintay na may lumaban sa kasamaan niya, at saka siya magsusumbong sa kanyang mga Panatikong Zombies na kesyo may destabilization laban sa kanilang alyansa..
as proof, eh ilang beses na rin nilang idinawit yung kompanya sa kung anu-anong plot kuno..
at dahil kulto sila, eh parati lang maniniwala ang kanyang mga Zombies sa lahat ng kanyang sasabihin...
is ⚠ feeling , hindi sila dapat magsalita hangga't wala pang final na decision.. gagamitin lang laban sa kanila ang anumang sasabihin nila in advance.. mas makabubuti kung saka na lang sila magre-react kapag lumabas na ang resulta...
No comments:
Post a Comment