Loveless Story
December 21, 2019...
this time, may nagyabang na na isang baguhan..
ipinagmamalaki kung paanong mas in-entertain siya ni Miss Rice kumpara sa mga kliyente na ginawa lang na VIP through words..
sorry na lang daw sa iba kung mabilis siyang pinagbigyan nung basurang iyon...
hangga't hindi nawawala lahat ng mga nag-filter sa akin..
sa tuwing may magmamalaki na kesyo mas VIP pa ang turing sa kanila kumpara sa mga totoong nag-earn ng VIP status..
ipapaalam ko sa bawat miyembro ng pamilya nila ang pagiging desperada nila sa pera...
is feeling , kailangang masira ang tingin sa kanila ng pamilya nila...
---o0o---
December 22, 2019...
masaya namang mambuwisit ng mga taong hindi marunong t-um-rato nang patas..
yung tipong hindi nila alam kung paano at saan nanggagaling ang mga patama sa kanila..
yung may nakakalat na ebidensya sa social media, pero hinding-hindi naman nila makita...
pero iba pa rin kapag wasak na wasak ang target...
is 💀 feeling , Sith...
---o0o---
December 27, 2019...
umakyat na ulit yung bilang ng sources ko..
45 members..
at 3 verified staff...
nahanap ko na rin yung 1 pang parang nasa boss level..
at lumalabas na sa kanya pala nakapangalan yung party nila dati...
is feeling , gaano na kaya ako kalapit sa hinahanap ko...??
---o0o---
December 28, 2019...
[Strange Dream]
nagpunta daw ako sa bahay ni YAM..
though hindi naman talaga ganun ang itsura ng bahay nila sa totoong buhay..
parang silently eh sinusuyo ko daw siya, para pagbigyan niya yung final request ko sa kanya..
kaso maraming tao sa bahay nila that time..
nandun rin nga yung kanyang anak na babae...
at one point eh magkatabi daw kami sa iisang couch..
yung pang-single lang..
pinakikiramdaman ko lang daw siya..
suddenly, tumingin siya sa akin at kinausap na niya ako..
sinabi niya na "sige na nga, sasagutin na kita" sabay ngiti sa akin..
parang pakiramdam ko daw noon na good as 'yes' na yung sagot niyang iyon..
sobrang saya ko daw dahil sa wakas eh matutuloy na yung goal ko with her..
nanatili pa kaming magkatabi for some time...
hindi pa din daw ako umaalis, kasi hihingin ko pa yung contact number niya..
para mas mapag-usapan namin nang ayos yung tungkol sa plano..
kaso hindi daw ako makatiyempo dahil sa dami ng tao..
hanggang sa kinakausap na ako ng mga kasama niya sa bahay, at pati yung kanyang anak..
tumulong daw ako sa paglilinis o pag-aayos ng table..
habang ginagawa ko iyon eh unti-unting napalitan yung cast nung panaginip kong iyon..
hindi ko sigurado kung doon na nagtapos yung panaginip ko, o kung nagtuloy ba yun sa isang panibagong kuwento naman...
is feeling , sana magkatotoo.. please...
-----o0o-----
December 23, 2019...
nakakatamad nang magbigay ng limos sa mga bata..
bigyan mo ng Php 1.00 per head at lalaitin ka pa..
put*ng inang mga manlilimos yan..
ang kakapal ng mukha..
ni hindi ko nga sila mga kliyente para maging mabuti ako sa kanila...
kinamumuhian ko ang mga nagpauso na kesyo tungkol sa pamimigay ng pera at regalo ang religious event nila..
dahil sa kagagawan nila eh mas naging bastos pa ngayon ang mga kabataan (particularly yung hindi mayayaman)...
buti na lang at hindi ko pera ang pinamimigay sa mga basurang iyon...
is feeling , corrupted generation...
>
last scene na lang..
tapos autopilot mode na muna..
talagang aabutin na ng 2020 ang postwork ko...
is feeling , nasa kalahati pa lang ang mga nare-render ko...
---o0o---
December 25, 2019...
kesyo ako daw yung "parati na lang tawad"..
sabay tawanan...
unang-una, matagal na akong hindi nagpa-practice ng mga kaugalian ng mga Kristiyano..
kaya nakakabuwisit talaga na mapalibutan ng mga Kristiyano na naggigiit na dapat kong gayahin lahat ng mga ginagawa nila...
800 months pa ang kailangan ko para lang makatakas sa mapanlait na klase ng pamumuhay na 'to..
tapos pipilitin nila akong gastusin lang lahat ng pera ko para sa mga regalo..
maige sana kung yung pagiging patas sa iba eh bumabalik bilang good karma eh..
kaso hindi naman 'yon totoo...
mas nakakarindi pa ngayon dahil 3 na silang mayayaman..
edi ako na yung mahirap lang parati..
edi ako na yung walang silbing biological..
pero hindi ba pwedeng manahimik na lang sila...??
is feeling , yung cremation na lang talaga ang pag-asa ko after 5 years...
>
isa pa yung demonyong matandang 'yon..
nakikisali sa pangmamaliit sa akin...
kung sa kanya yung perang ipinamimigay niya, eh baka palakpakan ko pa siya eh..
kaso hinihingi rin lang naman niya 'yon sa mga anak niya para lang palabasin sa mga kakilala niya na kaya niyang mamigay ng pera...
wala naman siyang kuwentang tao sa totoong buhay...
is feeling , kayo ang source ng lahat ng masamang hormones sa katawan ko...
>
isa pa..
hindi ako nanghihingi ng mga regalo..
kaya hindi nila ako kailangang idamay parati, dahil lang kesyo may halos global na okasyon...
bakit naman ako magpapasalamat..?
kapag hindi ko mapapakinabangan ang regalo, ibig sabihin na naging malaking abala lang 'yon sa nagbigay..
maige pang ibinigay na lang nila sa totoong charity...
konti na lang yung mga bagay (na below Php 1,000) na kaya kong ma-appreciate sa panahon ngayon:
- cash (para magagamit ko sa mga totoong kailangan kong pagkagastusan)
- Star Wars action figure (may silbi kahit gamitin ko o ibenta ko)
- flash drive (dahil gipit na gipit na ako sa backup)
is feeling , hindi yung pati pagte-thank you ko eh ko-control-in na rin nila puwerket wala akong sariling bahay...
>
in short..
sana..
kung mayaman o nakakaluwag-luwag man sa buhay ang isang tao..
sana hanggang dun na lang yun..
ni hindi nila kailangang mag-share eh..
pero sapat na yung manahimik na lang sila...
hindi ganito na maya't maya ang pagkukumpara nila sa mas mababa ang klase ng pamumuhay kumpara sa kanila..
parating ipagyayabang kung anong kaya nilang gawin, at kung anong hindi mo kaya..
bukod pa yung pagtatawanan ka nila, kahit sa harapan ng mga bata..
yung ikokondisyon nila ang mga kabataan na kesyo piggy bank ang lahat ng matatanda sa ganito-ganyang okasyon, at ikaw yung walang kayang ibigay...
mabigat mag-ipon nang mag-ipon ng bad hormones..
nakakapanghina ng katawan at ng kalusugan...
is feeling , pare-parehas lang tayong mamamatay sa bandang huli...
>
[TV Series]
The Killer Bride
kinuha ni Alice ang nagtampo na si Emma..
at nag-set-up siya ng isang pekeng kidnapping kung saan may napatay, ang dalagita lang ang nakuha, at si Alice ang nagsilbing survivor at witness...
si Agnes naman ang ini-assign para kumuha kay Luna..
at dahil witness si Alice, eh si Agnes na rin ang tumayong mastermind at tumawag kay Camila na may gamit na voice changer...
2 itinuturing na mga anak ni Camila ang dinala sa magkahiwalay na lugar na tinaniman ng bomba, at pinapili si Camila kung sinong mas ililigtas niya..
at katulad sa trick ni Joker, ay may halong pagsisinungaling sa detalyeng ibinigay ni Agnes..
hindi sabay na sasabog ang 2 bomba..
naka-set sa mas maagang oras ang bombang nakalaan para kay Emma..
samantalang hindi naman talaga intensyon na pasabugin ang bombang nakalaan para kay Luna..
dahil dun ay mas lumakas ang kutob ko na pinangangalagaan pa rin ng mga kalaban ang bata..
at after ng bombing ay muling nagpalipad ang mga kalaban ng 1 sky lantern...
pero hindi nila inasahan na magagawang makaligtas ni Emma mula sa pagsabog..
ibig sabihin ay totoong gusto na nilang patayin ang dalagita noon..
kaso ay nabigo lang sila...
is feeling , 2nd failure para sa mga kalaban...
>
natapos din..
took me 66 days kung tuluy-tuloy ang bilangan..
lagpas 2 buwan..
bale 54 days kung ibabawas yung mga araw na wala naman akong nagawa...
autopilot mode na muna ulit..
baka kailanganin ng 8 or more days sa pagre-render...
is feeling , ang hirap talaga kapag nadi-distract...
---o0o---
December 26, 2019...
nitong taon ko nasaksihan yung worst version ng religious holiday na iyon...
dati, mga kakilala lang ang nanghihingi ng pera sa mismong araw..
yung iba, hanggang caroling lang..
hanggang sa napansin namin na ang dami na ring mga tao (mga bata man o pamilya) ang nagbabahay-bahay sa mismong araw nung okasyon..
pero dati, kahit papaano eh may takot sila sa ulan..
tigil sila sa pamemera kapag masama ang panahon...
pero ngayong taon..
kahit na may typhoon signal pa..
nagpapaulan yung mga kabataan at talagang iniisa-isa ang bawat bahay..
ultimo mga taga-ibang sekta eh hinihingan ng pera..
yung iba, mga naka-panglimos outfit lang..
pero yung iba, maaayos ang bihis, may mga nakasukbit pang bag..
at willing silang maglagay lang ng panyo sa kanilang mga ulo basta maipagpatuloy lang ang pagbabahay-bahay...
is feeling , tapos ang isasagot sa mga survey eh kesyo mas marami ang nakakaluwag-luwag ngayon sa buhay...??
>
mukhang mga mayayaman nga ang nagturo sa current generation na kahit sino na lang eh pwede nilang hingan ng pera...
matagal na kaming nakatira sa subdivision na ito..
matagal na ring uso ang mga caroling siyempre..
pero matagal na panahon noon na wala namang nangangaluluwa..
hanggang sa may nagpauso nga ng pangangaluluwa sa lugar namin..
noong nagsimula iyon, yung tradisyunal na kanta lang ang gamit nila...
mga 2 to 3 years ago lang nagsimula yung trend ng Trick or Treat..
yung sinasabi ng mga kabataan na kesyo "give me your money or candies"..
at ilang araw din yun bago pa ang November 1..
at halos kasabayan nga nun, nagsimula rin yung kaugalian ng maraming tao na suyurin ang bawat bahay sa lugar namin sa mismong araw nung religious holiday... :(
siguro nakuha nila yung idea sa mga pauso ng mall at ng mga companies..
yung pinagsasama-sama ang mga kabataan at nanghihingi nga sa kung saan-saang lugar...
is feeling , bad trend...
>
[TV Series]
The Killer Bride
inamin ni Camila na si Emma nga ang totoong ginusto niyang iligtas noon..
pero natapat nga lang siya kay Luna...
kinausap namang muli si Elias ng kanyang ama..
binalaan niya ang binata tungkol sa kanilang sitwasyon..
dahil sa pumalpak na assassination attempt laban sa kanya, eh batid na niya na alam na ng mga kalaban na buhay pa siya..
at dahil nga dun ay posibleng malagay na rin sa panganib ang buhay ng natitira niyang anak na si Elias...
at confirmed..
inamin na ng tatay ni Elias ang kanyang nagawa sa nakaraan, at ipinakita na rin nga ang mga nangyari noon..
siya nga ang biglang dumating noon sa tagpuan nina Camila at Vito..
nag-iisa lang siyang attacker nung 2..
kaagad niyang pinatulog ang totoong target ng grupo na si Camila, at wala namang nagawa si Javier dahil nasurpresa rin siya sa mga pangyayari..
after kay Camila, ay si Javier naman ang inatake ng tatay ni Elias..
nadisarmahan niya ang Dela Cuesta, at pinatay nga sa pamamagitan ng mga saksak..
patalim pa na nakuha niya sa kabayo ni Camila ang kanyang ginamit upang patayin si Javier...
originally, miyembro nga siya ng sindikato sa Manila na may mga horseshoes tattoos..
somehow eh may koneksyon 'yon sa Primo Diablo..
after mabuwag ng kanilang grupo eh saka naman siya na-recruit nina Luciano sa Primo Diablo..
matapos ang misyon niya kina Camila at Javier, pinapatungan niya ang kanyang tattoo dahil nalaman niyang nakita iyon ni Camila, at na marami na ang naghahanap dun..
hanggang sa nakilala niya ang ina nina Elias..
ang babae ang naging dahilan ng kanyang pagbabagong-buhay..
pero nagkamali siya ng subukan niyang i-pursue ang isang tahimik at payapang buhay sa mismong Las Espadas...
sa ospital naman..
naalala ni Emma na parang sa halip na tulungan siya noon ni Alice sa oras ng kidnapping, ay tila sinadya pa ng babae na bitawan na lang siya upang makuha ng mga kalaban..
ginagamit naman na ni Alice ang tampo ng dalagita kay Camila para sa mga susunod niyang plano...
is feeling , maganda yung explanation.. yung pananatili lang talaga sa Las Espadas yung naging butas sa desisyon ng tatay ni Elias...
---o0o---
December 27, 2019...
[Gadget-Related]
may prospect na akong smartphone..
nasa linya naman ng Android 8..
nasa Php 7,000 lang, parang doble lang nung presyo nung Nokia ko..
matagal ang standard battery life..
hindi masyadong dependent sa power button para buhayin...
yun nga lang..
Imperial brand din pala..
pero siguro hindi ko na lang masyadong iko-connect sa internet gaya nung iba kong mga device...
is feeling , yun ay kung magkakaroon na nga ng sistema ang Globe sa pag-i-issue ng SIM upgrade...
---o0o---
December 28, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
nagawa ni Agnes na mangalkal ng files habang wala si Camila..
at nagkaroon na siya ng lead kung saan posibleng itinatago ang adoptive mother ni Emma...
sinubukan naman ni Camila na pigain ang adoptive mother ni Emma..
pero hanggang pagbibigay lang ng hint ang kaya nitong gawin..
nasa paligid lang daw ni Camila ang mga hinahanap niyang kalaban..
parehas sila ng tatay ni Elias na hindi magawang i-disclose ang tungkol sa mga kalaban...
kinuha naman na ni Alice si Fabio mula sa ospital..
at nagpabagsak siya ng ilang guards sa prosesong iyon..
dahil dun ay may alas na naman sila laban sa grupo ni Camila...
balik sa bahay ni Camila..
hindi sinasadyang mabigkas ni Agnes ang isang kataga na nabigkas niya rin kay Camila habang tumatayo siyang mastermind sa pagdukot kina Emma at Luna..
narinig iyon ni Camila, at natunugan rin naman ni Agnes na saktong naroon siya..
kaagad na kumuha ng kutsilyo ang 2 dating magkaibigan...
is feeling , mas naunang nabuking ang Killer Bride kesa sa Killer Groom...
No comments:
Post a Comment