Loveless Story
December 16, 2019...
mukhang may ginagawa sila..
unreachable ngayon yung site..
hindi ko pa tuloy ma-confirm kung sinu-sino pa ang mga nawala...
bukod dun..
natanggal na rin yung mga pictures nila sa Google..
wala na yung album doon sa website..
mukhang nagawan nga nila ng paraan yung babala ko...
is feeling , ang mahalaga, nakuha ko lahat ng mga kailangan kong kopya...
>
dahil walang makitang mga bagong target..
edi okay, na medyo hindi..
walang distraction, pero wala rin namang mahingan ng tulong...
may 3 pa akong naiwang goal sa nakaraan..
mukhang mahihirapan lang akong tuparin ang mga yun kung walang limpak-limpak na pera..
pero wala namang magagawa kundi ang subukan..
si YAM..
si Miss Co..
at si Miss Bl...
is feeling , pero mas mapapabilis talaga ang lahat kung may tulong mula sa Lottery...
>
anu-ano nga bang posibleng solusyon sa buhay ko...?
- ang tumama ng malaking milyones sa Lottery, para ma-ignore ko na ang piracy
- yung simple lang - ang magkaroon ng sapat na suporta katulad ng iba pang dark artists
- ang pagsasara ng mga kompanya na nagseserbisyo sa mga pirata kapalit ng monthly subscription
- permanent physical o digital destruction ng mga server ng mga pirata; pwedeng worm o virus attack, o di kaya eh dahil sa lindol, sunog, o baha
- ang katapusan mismo ng buhay ng mga pirata; pwede na yung lindol o di kaya eh mga hurricane
basta huwag lang ganito..
sabay-sabay ang hindi pagtama sa Lottery, ang pagbaba ng bilang ng mga legitimate supporters, at ang lalong paglakas ng piracy laban sa akin...
is feeling , wish...
---o0o---
December 17, 2019...
mukhang good as confirmed na yata..
nasa 66th (64th) na ang bilang ng retirement..
may isa pa palang nawala noong maatake sila..
isa sa mga trap nila, yung pangit..
2 pala silang napa-back out nung atake...
sa ngayon, nakadirekta yung dati nilang site doon sa forum..
hindi ko alam kung ia-abolish na nila o ano...
is feeling , mas malilimitahan pa ang audience nila ngayon...
>
umakyat pa ulit yung bilang..
nasa 67th (65th) retirement na..
hindi ko napansin kung kailan exactly nawala...
hindi ko sinasadya..
pero iba ang tinamaan..
iba ang mga nag-react..
halos mga newbie...
medyo nakakaawa dahil holiday season na..
malamang na naghahanap ng pera ang mga yun..
sayang lang at nadamay sila sa katarantaduhan ng iba nilang kasamahan...
is feeling , sinubukan ko na silang paalisin, pero pinipilit pa rin nila na manatili eh...
---o0o---
December 18, 2019...
naaasar pa rin ako sa tuwing nakikita ko na tumatanggap sila ng mga baguhan..
mas nararamdaman ko kasi yung naging pag-filter nila sa akin... :(
pero konti pang pasensya..
hihintayin ko muna kung ano ba yung plano nila sa January..
after that, eh saka na sila makipag-deal sa Gabriela o sa kung anumang religious organization na may pagpapahalaga sa pagsasama ng pamilya...
is feeling , kapit sa pera...
-----o0o-----
December 15, 2019...
[Gadget-Related]
grabe naman yun..
padalawang beses nang nasira yung navigation key ng Nokia ko..
at kung kailan nasa bakasyon pa ako..
buti na lang nahanap ko pa rin yung 2 piraso...
dinaan na naman sa repair..
mukhang hindi kakayanin ang isang dekada...
is feeling , sana may matinong sistema na ng pagkuha ng SIM upgrade sa 2020...
---o0o---
December 16, 2019...
last setting na..
konting scenes na lang ang kailangan kong buuin..
kahit hindi matapos nang 2019..
basta mai-ready ang lahat for postwork pagpasok ng 2020...
is feeling , tuloy lang ang buhay hanggang sa huminto na ang lahat...
---o0o---
December 17, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
bale mula din pala sa kilalang pamilya si Alice, na unti-unting nangamatay ang mga miyembro..
pero mag-asawa na sila ni Juan Felipe nang ipakilala siya sa mga Dela Torre..
hanggang sa nadiskubre ng dating Mayor na naging escort pala noon ang kanyang napiling front..
pumasok ang babae sa pag-e-escort para maka-survive sa buhay..
dahil dun ay lumabas ang pagiging sadista ni Juan Felipe laban kay Alice, bagay na nakuha naman niya dahil sa pananakit sa kanya ng kanyang ama simula bata pa siya..
si Luciano ang nagko-comfort noon sa kanyang hipag..
at gaya ng hinala ko, eh nahulog nga ang loob nila sa isa't isa at naging magkalaguyo..
yung pagiging sadista nung babae ay posibleng nakuha na niya sa pagiging escort niya...
si Alice pa ang naging link ni Luciano sa Primo Diablo..
siguro nakakuha siya ng koneksyon sa sindikato dahil sa pag-e-escort niya dati..
tutol pa noong una ang lalaki..
pero nakumbinsi rin siya ni Alice na iyon ang way niya to success dahil nga sa kawalan ng tiwala sa kanya ng sarili niyang mga kapamilya..
at na-reveal na ang babae din ang unang nagplano laban kay Camila..
dahil alam nila na posibleng ito ang magmana ng negosyo ng mga Dela Torre..
iyon rin siguro ang dahilan kung bakit parati siyang naroon sa mga hearing ng kanyang niece-in-law, para patuloy niyang masubaybayan ang mga kaso nito...
so lumalabas na more on personal na paghihiganti ang dahilan ng mga patayan..
at hindi talaga para sa kapakanan ng sindikato...
lumalabas din na tao ni Luciano si Agnes..
at hindi sila magkasundo ni Alice..
at Belladonna ang parang codename ni Alice...
kaso mali ang unang hinala ni Camila..
dahil si Tatiana ang kanyang unang suspek bilang ang Killer Groom...
is feeling , mukhang anak pa yata ni Luciano si Luis ah..? o di kaya eh si Luna...??
---o0o---
December 19, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
medyo nahuli ni Camila ang pagkatakot ng adoptive mother ni Emma mula kay Alice..
though may palusot pa rin ang babae...
so kalahating mabuti at masama ang tatay ni Elias..
masama, dahil kaya niyang gumawa ng masama sa ngalan ng trabaho..
at mabuti, dahil mabuti naman siyang asawa at ama...
tama ang hinala ko (theory #7), na may kinalaman ang magulang ni Elias sa krimen noon..
though hindi pa naman talaga iniri-reveal sa ngayon..
pero tatay lang ni Elias ang sangkot sa kasamaan, inosente pala ang kanyang ina..
lumalabas na ang tatay niya ang totoong target sa pagka-massacre ng kanilang pamilya, na hindi pa rin iniri-reveal ang dahilan..
nagawa nitong lumaban at napatay niya ang killer..
pero dahil kabisado niya ang sindikato, eh pinalabas niya na siya ang namatay that night..
mukhang sinira niya yung itsura nung bangkay, at lumalabas din na sinunog ang mukha nito..
malaki ang pasasalamat niya na pinarusahan niya si Elias noong panahon na iyon, dahilan upang makaligtas ang bata mula sa massacre..
at simula noon ay nagtago na lang siya upang hindi na madamay ang bata sa banta sa kanyang buhay..
pero lingid sa kanyang kaalaman, eh may nakakaalam sa mga kalaban na buhay pa naman talaga siya...
at nadiskubre nga ni Emma na may horseshoes tattoo sa upper chest ang tatay ni Elias..
kaya malaki ang posibilidad na siya ang attacker noon nina Camila at Javier..
mukhang nakaligtas rin siya mula sa imbestigasyon noon ni Camila tungkol sa horsehoes tattoo, dahil nga lumabas na patay na siya...
hindi pa man nari-reveal, pero malaking gulo ang ibig sabihin nito, at least para sa loob-loob ni Elias..
lumalabas kasi na posibleng ang tatay niya ang pumatay noon kay Javier, na kapatid ni Vito na nagsalba sa kanya sa laban ng buhay..
at lumalabas rin na tatay niya ang dahilan kung bakit na-frame-up si Camila sa pagkamatay ni Javier..
at si Camila naman nga ay lalabas na totoong ina ni Emma...
is feeling , so parang forbidden love na naman ang kahahantungan nito...
---o0o---
December 20, 2019...
heto na naman yung panahon na binibilang kung ilang digit lang ang kinikita ko..
ginawa na namang katatawanan yung 4 digits ko, na mas mababa pa sa insurance na binabayaran nung paboritong anak..
ano..?
puwerket nasa 5 at 6 digits sila...??
totoo..
inggit na inggit ako..
pero hindi dahil sa mga kapritsosong kape..
sa mga mamahaling pagkain na hindi naman masasarap..
o sa lahat ng ino-order nila online...
inggit na inggit ako..
dahil walang tumulong sa akin noong kailangan ko ng tulong..
noong panahon na gusto ko sanang sumugal sa larangan na tinatahak ko ngayon..
simula 2010 inintindi ko ang bawat paliwanag na kesyo mahirap lang kami...
hanggang sa nasaksihan ko kung gaano hindi kapatas ang buhay..
kung paanong naglabas sila nang naglabas ng pera para sa taong hindi naman scholar..
kung paanong nagawa nilang magpa-board..
kung paano nila nagawang paulit-ulit na mangutang ng 6 digits para makabili ng mga laptop..
kung paano nila nagawang mangutang ng 6 digits para lang sa board exam..
at isama na pati kung paanong lahat ng non-Jelly Bean na Android phone eh napunta lang at nawala o nasira sa kamay ng taong iyon...
inggit na inggit ako kung bakit kailangan kong kapalan ang mukha ko at manghiram ng pera sa mga taong ni hindi ko nga kadugo..
samantalang kaya nilang ibigay sa iba ang lahat ng klase ng tulong...
tapos ako pa rin 'tong pinarurusahan ng piracy hanggang ngayon..
na para bang nakadisenyo lang talaga ang buhay ko para manatiling mahirap..
na wala akong pwedeng gawin kundi subukan lang na magkaroon ng normal na buhay sa bawat araw na dadaan hanggang sa araw na hindi ko na kayanin...
nakakatawa nga talaga ako...
is 💀 feeling , sino ba namang tao ang kayang mabuhay ng 800 months para lang makatakas sa demonyong bahay na 'to...??
---o0o---
December 21, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
nahuli ni Camila ang adoptive mother ni Emma bago ito makatakas..
kaya tuluyan niya itong binihag upang umamin tungkol sa koneksyon nito sa mga kalaban...
pinili naman ni Emma na ilihim na lang kay Elias ang tungkol sa posibleng katauhan ng tatay nito..
ginawa niya iyon para hindi na masaktan sina Elias at Camila...
ang tatay naman ni Elias ay lately lang talaga na-discover..
si Agnes ang nakaalam na buhay pa talaga ito..
so that means na matagal na rin talagang bahagi ng sindikato si Agnes..
siya ang kumuha nung picture na iniwan kay Elias bilang clue..
at tina-track niya na rin ang nagtatagong lalaki eversince...
pero pumalpak si Agnes sa una niyang attempt sa paglason sa tatay ni Elias..
isang itim na pusa sa halip ang kanyang nalason, kaya nagawang makatunog at muling makatakas ng lalaki...
samantala, kumonsulta si Iking sa isa pa nilang kamag-anak..
sinabi ng babae na mukhang nabuksan na rin daw ang Third Eye ni Iking..
nakakakita na nga siya ng mga kaluluwa..
at binalaan sila ng babae tungkol sa pagbabalik ng mga kaluluwa sa mundo ng mga buhay...
is feeling , ano ba 'to..? nagbabalik paranormal na naman yung konsepto..? baka naman mabuhay pa nito si Luciano..?? tapos gagamit naman sila ng estilo ni Joker sa susunod...
No comments:
Post a Comment