Loveless Story
December 2, 2019...
4 years na simula noong nagsinungaling sa akin si Miss Co..
at hanggang ngayon, nakakapanghinayang pa rin ang mga nawala sa akin..
pinagsisisihan ko pa rin yung mga bagay na hindi ko nakuha...
siguro ganun lang talaga..
wala kang halaga, kaya sinusubukan mong hanapin yung bagay na ikaka-proud mo mula sa ibang bagay o tao..
at sa kaso ko..
na-realize ko na sobrang fulfilling na makipagtrabaho sa mga elite o elite-like na babae..
yung tipong hindi mo basta-basta makakasalamuha sa buhay mo..
yung tipo na nasa 1 lang ang level mo, tapos sila eh nasa 10..
yung bagay na kayang magparamdam sa'yo na desirable ka kahit na konting sandali lang...
anyway..
2 hanggang 3 na yung napapagsumbungan ko..
pero for some reason eh hindi ko sila magawang ipatanggal sa mga raket nila..
siguro may mga ganun talaga na mga lalaki..
walang pakialam sa trabaho ng mga kinakasama nila..
walang pakialam kung marami silang ka-share..
at walang ibang mahalaga kundi yung easy money...
is feeling , saan na ako maghahanap ngayon ng legit...??
---o0o---
December 5, 2019...
[Strange Dream]
sa isang parang school ground ang setting..
tapos may malalaking pictures nung mga miyembro nung grupo sa bandang harapan..
mga schoolmate ko noong elementary mostly yung nasa may ground..
ako naman eh nakaupo sa medyo elevated na concrete structure sa left side...
nang biglang dumating yung mga miyembro nung grupo..
parang nasurpresa nga sila doon sa mga pictures nila na naka-display sa harapan..
pakiramdam ko naman that time na ako ang responsable sa mga yun..
so nagsimulang magtanong si Miss A sa mga tao kung sinong may gawa nun..
nag-aatrasan naman ang kanyang mga nilalapitan, na parang natatakot sa inaakto niya..
hanggang sa na-clear yung mga tao sa paligid ko, at ako na lang mag-isa ang naiwan sa space na kinaroroonan ko..
nakita at namukhaan ako ni Miss A, at kaagad niyang in-assume na ako ang may pakana nun...
parang magsisimula na sana silang sirain yung mga pictures..
kaya mabilis akong tumayo at lumipad daw papunta sa gitna nung ground..
wala nang imikan..
basta ko na lang sinugod lahat ng mga tao sa paligid ko..
inatake ko daw sila sa pamamagitan ng chop..
matalas daw ang mga braso at kamay ko, at kaya ko ring magpalipad ng long range na chop..
patay naman daw ang bawat atakehin ko, inosente man o hindi..
at mas matindi daw ang nararamdaman ko sa tuwing miyembro ng grupo ang hinahataw ko..
sa isang punto, eh 3 ang na-spot-an ko na magkakasama, kabilang sa kanila si Miss Y na ch-in-op ko talaga ang gitna ng ulo...
naubos ko na yung kalahati ng populasyon na nasa ground nang matigil yung panaginip ko...
is 💀 feeling , mukhang naubos na yung endorphins sa katawan ko.. poot na poot eh...
---o0o---
December 6, 2019...
gamit ang god's Eye, nasilip ko na ang teritoryo ng mga bathala..
nasilip ko ang menu ng mga mayayaman...
2 levels bago ang tuktok..
naka-declare pa ang mga rate na Php 15,000 to 50,000..
pero after that, eh sikreto na ang mga numero..
though hindi rin talaga naka-base sa numbers ang distribution ng mga tao...
surprising na marami ngang models at celebrities..
yung iba dun eh napapanood ko pa sa mga music videos..
kaso mostly eh artificial..
at most probably eh naglalaro na sa 6 to 7 digits ang rates doon...
disappointing..
kasi wala namang espesyal..
marami ang mahal lang dahil nakagawa na ng konting pangalan..
hindi ko rin nakita doon si YAM... :(
is feeling , walang mga diyosa...
---o0o---
December 7, 2019...
[Strange Dream 18+]
ang setting ay sa isang restaurant..
nasa isang table daw kami, yung may pahabang mga upuan sa parallel sides...
i was with Miss LF daw, nasa may left side ko siya (walang katapat na portion nung table)..
si Miss LF ay bahagi ng totoong mundo, hindi ng fantasy world..
kabilang lang siya sa beauty preference ko..
i mean, pakiramdam ko na siya yung kasama ko base sa tema nung panaginip ko, pero hindi pa talaga kami nag-i-interact noong simula..
ni hindi ko pa nga siya natitingnan man lang...
may mga kahati pa daw kaming tao dun sa table..
pero bakante yung nasa tapat ko..
hanggang sa may dumating daw na 2 bata..
isang babae at isang lalaki..
at naupo na sila sa tapat ko..
so kinausap ko sila na para bang kakilala ko na sila..
maganda at magalang rin naman ang pakikitungo nila sa akin..
then napunta kay Miss LF yung point of view ko, na para bang nawala lahat ng mga tao sa paligid namin...
sinabi niya sa akin na kesyo parang wala naman daw masama dahil mga anak ko naman daw sila (yung 2 bata)..
i'm not sure kung biological ba o pagiging stepfather yung tinutukoy niya..
pero mas nasurpresa ako noong sinabi niya sa akin na kesyo may mutual understanding naman daw kami..
it was Miss LF..
pero this time, na-realize ko na parang may butlig-butlig siyang pantal sa kanyang katawan..
bale, mga pantal sila na pabilog ang hugis, at hindi lang basta paga ang itsura..
nasa magkabilang side ng mukha niya (yung area na tinutubuan ng buhok para sa mga lalaki), then paikot sa kanyang baba..
at meron nga ring nakakalat sa kanyang katawan...
tapos bigla na lang nangyari yung pang-18+ lang..
parang naka-black tank top daw siya noon..
na inililis niya in public..
na-reveal daw yung breasts niya, na napantalan na rin sa bandang ilalim..
kinuha niya yung kanang kamay ko at ipinahawak yung kaliwa niyang dibdib..
kaso naramdaman ko na matigas na nga iyon, siguro dahil sa pantal..
yung sensation ay katulad nung sa pumaga kong balat sa hita noong inaatake na ako ng Sepsis dati..
at doon na nagtapos yung panaginip ko...
is feeling , wala namang ganunan.. tatanggapin ko ang kahit na sinong Category A o S na babae na papasok sa buhay ko.. kaso KKB sa buhay...
-----o0o-----
[V-League]
SEA Games 2019 Women's Volleyball
December 4, 2019...
anak ng..
ang hilig talaga ng National Team sa 5-setter sa international league..
yun lang, madalas na sila ang kinakapos sa huli...
pero lagot na..
natalo ang National Team sa pagbabalik ng Ace Player ng Vietnam..
Vietnam pa naman yung nagawa lang nilang talunin sa nakaraang 2 international na paliga...
is feeling , kapag na-sweep sila, Battle for Third na lang ang pag-asa nila nun...
---o0o---
December 6, 2019...
talo, pero maganda ang ginawang paglaban ng National Team sa Thailand, ang Southeast Asia's best..
nakakatuwa lang panoorin kung paano nila sinusubukang tapatan ang isang world ranker..
pero considering na rin 'to na hindi nag-i-stick sa kanilang best lineup ang Thailand..
nakaka-proud na makita sila na nilalabanan sina Moksri at Kongyot..
yung nasubaybayan mo kung paano nahasa ang paglalaro nila simula college, papuntang commercial league, hanggang madala nila sa international stage...
kitang-kita ang lamang ng Champion sa Set 1..
pero naging maganda ang bunot ng National Team sa Set 2, dikitan ang laban, at nakakalas lang ang Thailand sa bandang dulo..
iwan ang team sa Set 3, pero gumawa sila ng napakahusay na late chase sa tulong na rin ng consistent services ni Madayag..
dahil dun napuwersa ng National Team ang bakbakan hanggang sa score na 34-32 mula sa 24-19 na advantage ng Thailand...
yung 6 team kill blocks laban sa Thailand..
Baldo with 14 points from 12 attacks and 2 service aces, plus 12 digs..
nasa 31% attack rate siya kumpara sa Ace Player na si Kokram na nasa 45% at si Apinyapong na nasa 38%..
Paat with 11 points na may 8 attacks and 2 kill blocks...
isa pang malakas na Outside Hitter ang kulang sa kanila..
tipong all-around player din katulad nina Baldo at Kaewpin..
Rondina sana habang malakas pa siya, kaso ayaw naman eh...
is feeling , lalo na siguro kung pulidong mga key players ang ilalagay sa lineup ng National Team...
-----o0o-----
December 2, 2019...
sana mali ulit ang forecast ng PAGASA..
katulad nung madalas na mangyari..
yung magde-declare na tipong pang-walang pasok ang level ng bagyo, tapos more on maaraw naman sa maghapon...
naka-charge na ang mga device..
nakapag-ipon na rin ng maraming tubig..
wala nga lang mga easy food...
basta dapat hindi katulad nung bagyo noon na sumalanta dito sa subdivision..
nakalimutan ko na kung anong pangalan niya, basta hindi siya sumikat sa balita..
pero yung maraming sinira dito sa amin..
at yung untikan nang magpaabot ng baha hanggang sa kuwarto ko...
kailangan naming makaligtas ng computer at ng mga koleksyon ko kahit hanggang 5 years pa...
is feeling , malusaw ka na, Tisoy...
---o0o---
December 4, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
nagsimula na ang infiltration ni Agnes sa na-reveal na grupo nina Camila..
at kaagad rin siyang nakakuha ng impormasyon tungkol sa ginagawa ng grupo...
nakita ni Iking si Belinda Dela Torre sa bahay nila..
pero posibleng epekto lang iyon ng ginawa sa kanya ng tiyuhin niya na pekeng albularyo..
baka may kinalaman rin sa herbal drugs...
umamin naman pala si Ornusa sa Lola ni Camila kaya siya nabisto..
matapos sina Fabio at yung security yata iyon ng mga Dela Torre, eh si Ornusa na nga yung naging target..
at nadamay pa yung kanyang contact sa proseso ng pagbitag sa kanya..
lalaki ang korte ng killer, pero babae ang narrator habang tino-torture ang kakampi ni Camila..
at medyo brutal, dahil tinahi pa ang kanyang bibig bago siya tinapos..
ngayon lang ako nandiri sa panonood ng isang TV series...
ang lesson tungkol sa self-defense..?
kapag nahataw mo na ang attacker, eh ituluy-tuloy pa dapat ang pag-atake..
mas masisigurado ang seguridad kapag patay na ang attacker...
is feeling , totoo ang ginagamit na intelligence ng mga kalaban...
>
put*ng ina..
gusto ko sanang magbawi sa trabaho dahil sa nangyaring brownout..
kaso naisipan naman nung hindi Autistic na bata na atakehin yung saksakan ng router at yung splitter..
minsan kasi, natutuwa yun kapag nalalaman niya na nagagalit ang tao sa ginagawa niya..
at bilang resulta, inuulit-ulit niya naman yung kasamaan niya...
pero hindi naman yung bata ang totoong problema...
nandun yung magaling na bantay na lolo..
pero sa halip na awatin, eh pinapabayaan lang niya..
nanonood lang ng TV kahit na katabi lang niya yung area nung router..
saka lang siya kikilos kapag lahat nung laruan eh bumagsak na doon sa saksakan..
tapos ang ginawa pa niya kanina..?
pinagpapalo yung mga laruan para lumabas, ni hindi nagamit yung common sense kahit na may mga cable doon sa likod..
sa sobrang lakas ng mga palo niya eh natanggal yung cover nung saksakan at na-expose yung mga laman sa loob..
pero kahit papaano eh nagana pa naman yung device...
kaso..
3 beses pa ngang ginawa nung bata..
sa sobrang galit ko eh pinagtatapon ko sa labas ng bahay lahat ng mga laruan niya..
parating ipinagmamalaki ang milyones nilang bahay, pero hindi naman mabigyan ng matinong bantay ang mga bata...
sobrang halaga pa naman sa akin ng internet..
yun ang requirement para makapag-submit ako ng mga tapos na project..
at yun din ang ginagamit ko sa paglilipat-lipat ng pera..
bukod pa yung baka lumobo from Php 1,299 to 1,699 yung bill kapag nag-request ng repair mula sa Internet Service Provider...
tapos ang inaalala lang nung matandang lalaki eh yung kapakanan nung telepono na ginagamit niya sa mga panghihingi niya ng pera..
eh put*ng ina, iisa lang ang saksakan ng internet at telepono...
is feeling , wala ba talagang kamatayan ang cosplayer na bantay na 'to...??
---o0o---
December 5, 2019...
nabiktima na naman ako ng diskriminasyon ng Globe... :(
mula sa dating pagiging KYC-ed..
simula nang nauso ang mga smartphone at ang app ng GCash, una na-demote ang account ko sa pagiging semi-verified na lang..
tapos kahapon naman, ibinulusok na nila ako pababa sa pagiging basic user...
originally, nag-register ako sa GCash para madali kong ma-order yung mga action figure na nakikita ko online..
kung mas mabilis kasi ang pagbabayad, mas madali mo ring mapapa-reserve yung item for shipment or meetup..
at bilang basic user, wala na ngayon yung ganung kakayahan...
nakakarumi lang yung ganung sistema..
personal kang nagpunta sa branch nila, nag-submit ng mga requirements with IDs..
nag-provide ka rin ng detail na ginagamit sa pagse-secure nung account..
pero ngayon eh mas kino-consider na nilang authentic at secure yung pagsa-submit ng selfie...??
hindi nga ako postpaid user..
pero wala bang halaga para sa kompanya nila yung mga buwan noon na parati akong nagpapaikot ng nasa Php 10,000 monthly sa pagbebenta ng load gamit yung account ko..??
dahilan para itrato nila ako ngayon na parang basahan na lang talaga...?
is feeling , put*ng inang tri-cut SIM na yan...
>
[TV Series]
The Killer Bride
obvious na pagpatay ang ginawa kay Ornusa..
at sinadya din na ilagay ang kanyang bangkay sa public place..
ngumiti naman si Agnes nang makita ang patay, so mukhang grupo nga nila ang may kagagawan nun...
samantala..
nahanap na nina Camila yung nurse ng bilangguan noong gabi na nagkasunog..
hindi matiyak nung babae kung namatay nga ba ang baby na si Vida o hindi..
pero ang napansin daw niyang kaduda-duda ay ang pagiging present ng isang babaeng jail guard na hindi naman dapat naka-duty noon...
is feeling , short update...
---o0o---
December 6, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
si Agnes na nga ang weakness ngayon ng grupo nina Camila...
si Iking naman eh nagagawang makita si Belinda Dela Torre kahit na may ibang tao sa paligid niya...
finally, na-reveal na yung mga nangyari sa pagsunog sa bilangguan noon..
hindi kakampi nina Luciano ang adoptive mother ni Emma, sa halip ay totoo nga itong jail guard..
kaso nagamit ni Luciano ang pagiging lulong ng babae sa ilegal na droga para masuhulan ito upang magsimula ng sunog..
matagal-tagal siyang nawala pagpasok niya sa Las Espadas dahil nahuli pala siya ng grupo nina Luciano, pero nagawa pa rin niyang makatakas..
iyon ang dahilan kung bakit nasabi ni Luciano kay Camila na buhay pa si Vida..
at lumalabas nga na si Vida ay walang iba kundi si Emma, na matagal nang magkasama ang mag-ina...
pero wala pa rin namang explanation tungkol sa ginawang pagpapa-rehab ng tauhan ni Camila sa adoptive mother ni Emma...
is feeling , wala munang patayan...
>
[Piracy]
ang sakit lang nung pakiramdam na sa supporter mo pa mismo manggagaling yung pahayag na kesyo susuportahan na lang niya ang piracy..
na kesyo ipagpatuloy ko lang daw yung trabaho ko dahil gustung-gusto niya iyon, at aasa na lang siya sa libreng ipo-post ng mga pirata..
wow..
sobrang nakaka-encourage yun... :(
siya rin yung tao na nagsabi sa akin noon na nadiskubre niya ako through piracy..
at matapos ang minus USD 6.00 na suporta niya sa akin sa loob ng 5 months, eh sinabi nga niya na aasa na lang ulit siya sa kasamaan ng mga pirata...
ganun ba talaga kalaki yung USD 1.00 to 2.00 per month..??
eh samantalang nasa elementary pa lang ako dati eh may mga classmates na ako na kayang magbaon ng nasa Php 50 and above per day..
tapos sasabihin sa akin ng foreigner na 'to na kesyo sobrang laking gastos ng USD 1.00 per month... :(
ang problema kasi..?
habang kumikita ang mga pirata sa mga komisyon na natatanggap nila, eh nagkakaroon ulit sila ng pondo para bilhin yung mga paparating pang mga projects...
is feeling , mga totoong supporters, hanapin nyo naman ako, please...
---o0o---
December 7, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
correction..
hindi pa rin pala iniri-reveal na si Emma nga si Vida...
sa halip..
lumalabas na hindi talaga nakatakas ang adoptive mother ni Emma sa kamay ng grupo ni Luciano..
bagkus ay sinadya siyang pakawalan upang gawin ang kanilang ipinag-uutos, at bilang kapalit ay ang kaligtasan nila ni Emma mula sa malalakas na kalaban...
bale..
lumalabas na ampon si Luna, dahil walang kakayahan ang kanyang kinilalang ina na magkaroon ng anak..
so pinalabas ngayon na si Luna si Vida..
mukhang may lihim rin sa katauhan ni Luna..
theory #12 - na posibleng anak ng miyembro ng kalabang grupo si Luna, dahil may mga babae pa sa hanay nila, siguro ipinamigay yung baby dahil busy sila sa sindikato, o baka siya yung totoong anak ng jail guard
anyway..
dahil dun ay parang nataniman na naman ng panibagong espiya ang grupo nina Camila...
is feeling , mukhang si Fabio pa ang hihintayin para mabuking kung sino ang mga totoong kalaban...
No comments:
Post a Comment