Loveless Story
December 11, 2019...
hindi ko napansin kaagad..
siguro dahil napatalsik nga nila ako noon..
pero may 65th (63rd) retirement na pala..
around last November 15 siguro iyon nangyari..
isang baguhan...
is feeling , natakot siguro sa kalokohan nung grupo...
-----o0o-----
[V-League]
SEA Games 2019 Women's Volleyball
December 7, 2019...
walang masyadong bearing, pero more on scouting for Indonesia and the National Team..
preview ng Battle for Bronze...
attack distribution ang magiging susi, ang hindi pag-asa sa Ace Player lamang...
naka-check si Baldo, at may nararamdaman rin daw..
upset loss para sa National Team ang Set 2 na may lead na 20-15, inilabas si Baldo sa majority nung set kahit na delikado na yung bandang dulo..
late rin naagaw ng Indonesia ang Set 3 mula sa 20-17 na deficit nila..
at tila nawalan na ng loob ang National Team sa Set 4 na natapos sa 25-14 na lamang..
dahil dun, wala silang naipanalong laban sa Preliminary Round...
base sa naging laro kagabi, more on opponent errors ang nakatulong sa National Team para makadikit sa Indonesia for most of the sets..
pero sobrang lamang naman ang Indonesia sa kanilang 11 team service aces..
nalimitahan si Baldo sa 2 points lamang..
though maganda pa rin naman ang distribution ng points sa iba pang mga attackers..
Paat with 14 points from 11 attacks and 3 kill blocks, na nasa 34% ang attack rate..
Molina with 13 points na nasa halos 32% ang attack rate..
Baron with 12 points na may 3 service aces..
bukod dun ay bumaba din ang defensive stats ng National team sa floor, na kailangan nilang maibalik upang matapatan sina Megawati at Ratri...
kung gugustuhin nilang manalo, kailangan na lumamang sila sa mismong scoring factor at hindi umasa sa errors ng Indonesia..
kailangan na ma-maintain yung magandang laro ng ibang players for point distribution, at maibalik yung 100% na laro ni Baldo..
at dapat na malimitahan ang mga errors, as in 0 service error sana...
is feeling , ang pangit pala sa Challenge System, minsan kahit rejected ang challenge para sa fault na nangyari sa kalagitnaan ng laro, eh posibleng ipaulit lang yung play kahit na may nai-declare na sana na puntos...
---o0o---
December 9, 2019...
SEA Games 2019 Women's Volleyball
(Battle for Bronze)
yun pala ang nawala sa Indonesia..
yung totoong Ace Player nila na mukha at kasing-lakas ng mga lalaki, yung si Manganang...
anyway..
upset loss para sa National Team..
isa na namang 5-setter match sa kanilang career bilang representative sa international stage..
hindi ko masabi na sobrang naging mahigpit yung laban, since may nawala nga sa Indonesia..
though bahagi din talaga ng ganung sports ang injury...
naglaro si Baldo ng ilang sets..
bumalik sa dating headband style niya si Morado..
ang problema kay Madayag ay hindi niya ma-utilize yung running attack na madalas niyang gawin sa collegiate level, hindi siguro tugma sa kanya ang mga sets..
kaso na-injure ang isang key Middle Blocker ng Indonesia sa Set 3..
medyo dumali ang laban para sa National Team simula Set 4..
tila nakatulong ang pagpasok noon nina Laure at Reyes..
unang silang nakalapit sa match point sa Set 5, pero nabawi pa nga ng Indonesia ang panalo...
Baldo with 14 points in just 3 sets, na may 33% attack rate..
maganda rin naman ang performance ngayon ni Molina, with her variations..
may 17 points siya pero in 5 sets yun, 33% attack rate din, plus 12 digs..
Baron with 11 points..
Laure with 7 points in just 2 sets..
Reyes with 4 points in just 2 sets..
Madayag with 3 pure kill block points, kaso patay nga ang opensa niya with the National Team..
short sa lahat ng scoring stats ang National Team..
wala rin silang naipangtapat kay Megawati na may massive 35 points, with 47% attack rate...
sa tingin ko nagkamali ang National Team sa hindi pagbabalik kay Baldo sa laro..
considering na may nakuha naman silang set with her habang humaharap sa main lineup ng kalaban..
naiwan sila sa Set 3 bago pa man na-injure yung isang player ng Indonesia..
hindi na siya ibinalik sa laro dahil mukhang maganda ang performance ng iba pang mga ipinasok na players..
pero hindi nakita kung ano nga ba ang magagawa niya laban sa medyo bumabang depensa ng Indonesia..
siguro mas nakabuti kung sumugal na lang sila na ilabas ang Opposite Hitter, tutal eh mas mababa ang output ng mga ito this time...
dahil dun ay nagtapos sa 0 Win ang record ng National Team sa SEA Games na ito...
is feeling , bangungot...
---o0o---
December 12, 2019...
Women's National Volleyball Team (2020 to 2021):
OH - Baldo
OH - Rondina (pampeke ang height)
OP - Tolentino
MB - Baron
MB - Palomata
S - Morado
L - Macandili
OH - Jaja
OH - Galang
OP - Paat
MB - Madayag (kailangang matutunan ng Setter yung tamang bigay para sa running attack niya)
MB - Maraño
S - Fajardo
L - Arado
is feeling , suggestion...
---o0o---
SEA Games 2019 Men's Volleyball
(Generation of Beasts)
December 8, 2019...
ang tindi..
ang lakas ng NU..
4-peat SEA Games Champion lang naman ang pinataob ng Men's National Team..
upset loss para sa Thailand dahil National Team ang naghahabol sa last 2 sets...
ibig lang sabihin na pang-Asian international na ang kalibre ng ibang members ng Men's National Team..
sobrang pang-Ace Player ang laro ni Bagunas with 27 points na may 23 attacks, na nasa 46% ang attack rate..
isama na rin si Espejo with 20 points na may 19 attacks, na nasa 42% ang attack rate..
at si Malabunga with 14 points na may 6 international kill blocks, na nasa 33% ang block rate..
bukod pa sa 16 team kill blocks na nagawa nila laban sa dating Champion...
dahil dun, sigurado na sila sa at least Silver Medal finish this year..
at nagkaroon din sila ng pagkakataon na muling subukang talunin ang Indonesia, na hindi nila nagawang matalo sa group nila...
is feeling , may ilalakas pa sila.. 1 pang key na Wing Spiker at 1 pang key na Middle Blocker...
---o0o---
December 10, 2019...
SEA Games 2019 Men's Volleyball
(Battle for Gold)
malakas nga ang Indonesia this year..
consistent at balanse ang bawat miyembro ng team nila..
kung sakaling sila ang nagharap ng Thailand, eh malamang na natalo pa rin ang dating Champion...
may sapat na cushion ang Indonesia sa Set 1..
maayos naman ang laban ng National Team sa Set 2, pero nanaig pa rin ang Indonesia..
samantalang sa Set 3 ay mas lumakas pa ang kanilang depensa, at naiwan na ang National Team..
bukod dun ay nagawa na nilang asarin ang host team sa pamamagitan ng pagsasayaw, so may konting psychological attack na rin...
ayun nga..
kinulang sa activated na players ang Men's National Team..
hindi nakadiskarte si Malabunga ng blocking kontra sa mga Indonesian attackers, at nalimitahan lang siya sa 4 points..
si Retamar pa ang mas nakagawa ng blocking, with 4 pure kill block points, out of their 6 team kill blocks..
naka-check si Bagunas, at nalimitahan siya sa 11 pure attack points, na nasa 38% ang attack rate..
Espejo with 15 points, na nasa 42% ang attack rate..
pero nakakuha rin naman sila ng suporta mula kay Intal, with 9 points...
samantalang 3 ang reliable na spikers ng Indonesia..
Doni with 20 pure attack points, na nasa 69% ang attack rate..
Rivan with 17 points na may 15 attacks, na nasa 42% ang attack rate..
at si Sigit na may 11 points..
so sa attack rate pa lang eh kita na kung sino ang mas malaki ang tsansa na manalo...
pero hindi na masama ang Silver Medal..
lalo na at nagawa ng National Team na talunin ang dating champion...
is feeling , kailangang maka-discover ang National Team ng isa pang Outside/Opposite Hitter na kasing lakas nina Bagunas at Espejo para sa mga susunod na taon...
-----o0o-----
December 9, 2019...
[Piracy]
another life-breaking incident... :(
may sumubok na humingi ng permiso ko..
gusto daw sana niyang i-translate yung gawa ko in French...
unfortunately..
sinabi niya na galing sa isang piracy website yung sources nila..
nila, kasi lumalabas na grupo pala sila..
fans daw sila ng mga gawa ko..
at isini-share daw nila iyon sa iba pang mga fans ko din - nang libre...
put*ng ina..
uminit lang yung ulo ko..
ilang weeks pa lang naka-release yung latest project ko..
tapos hihingi sila sa akin ng permiso para ipamahagi ng libre yung mga gawa ko, in French..??
mga hayop..
baka kayanin ko pa yung pressure kung patatagalin man lang sana nila sa market yung mga bagong gawa for at least 1 year eh..
pero yung 17 days lang eh mala-demonyo...
fans pero hindi man lang bumibili ng official copy..?
at namimirata pa..
put*ng ina..
mamatay na sana silang lahat...
bakit ako...??
is 💀 feeling , dapat pala paggawa muna ng mga virus ang pinag-aralan ko para pabagsakin lahat ng mga piratang makakalaban ko...
---o0o---
December 10, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
yung planted na maid naman sa mga Dela Torre ang 4th victim mula sa grupo nina Camila..
at mas malupit pa ang ginawa sa kanya nung Hat Man, dahil idinaan siya nito sa iba't ibang klase ng torture..
nagawa siyang matunton ng kalaban kahit na pinagtago na siya ni Camila...
hindi ipinakita kung sino ang mga umatake kina Fabio at dun sa planted na guard sa mga Dela Torre..
kamay lang na may hawak na baril ang ipinakita para kay Fabio..
samantalang ipinakita naman yung paa nung pumatay doon sa planted na guard, na nagsa-suggest na lalaki ang killer nito..
nagpakita lang naman ang Hat Man simula noong patayin si Ornusa..
nagpapalipad ang Hat Man ng lantern tuwing may pinapatay siya, lantern na katulad ng mga ginamit sa panahon nung bombing incident..
at kasabay ng pagpatay sa planted na maid ay nag-iwan na siya ng mensahe para kay Camila..
bukod dun ay nasa kanya ang katawan ni Luciano, na parang ginagawa niya itong buhay..
duda ako na buhay pa si Luciano dahil medyo naaagnas na yung katawan niya noong kuhanin siya...
bale, nabuking na lahat ng mga tauhan ni Camila na itinanim sa poder ng mga Dela Torre..
boses babae pa rin yung Hat Man..
pero nagdududa na ako ngayon kung pambabae nga ba iyon o pang-bakla..
kung ganun kasi ay posibleng maging si Juan Felipe ang brutal na killer..
though hindi ko makita kung bakit sa kanya ipapasa yung katungkulan ni Luciano, since nagtraydor ito sa kanya noon...
si Luna naman ay ayaw pumayag sa DNA test..
hindi niya kasi gusto na ma-confirm ni Camila na anak nga siya nito, para sa kapakanan ng kinilala niyang ina...
is feeling , nagiging mala-Saw na 'to.. pero yung walang tsansa para mag-survive...
---o0o---
December 11, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
heto naman ang observation ko base sa pause method sa iWant..
bale damit pamburol pala yung costume ni Hat Man na parang katulad ng kay Jose Rizal..
pambabae ang mga kamay at kuko niya..
at nakasuot rin siya ng may heels na sapatos, di tulad nung pumatay sa planted guard..
si Luciano naman ay mukhang patay na talaga, at ipinag-pose na lang ni Hat Man..
so lumalabas na babae talaga si Hat Man..
kaya ang assumption ko matapos yung observation, eh na siya yung sadista na madalas na kausap noon ni Luciano..
base rin kasi sa preview, eh posibleng wala sa mga pinaghihinalaan noon ni Camila ang isa pa nilang kalaban...
parang bahagi ng motibo na magpanggap bilang si Luciano, na kesyo bumangon ito mula sa hukay (since makaluma ngang mag-isip ang mga taga-Las Espadas)..
medyo nahuli naman ni Camila si Agnes na nagsisinungaling tungkol sa pagiging naroon niya sa isang crime scene..
at nahuli rin niya si Agnes na kausap ang adoptive mother ni Emma, habang sinasabi nung isa na sumusunod siya sa kasunduan...
madalas na ipakita ngayon na kokonti na lang ang grupo ng kalaban..
ni minsan ay hindi pa ipinakita na magkasama sina Agnes at ang sadistang partner ni Luciano..
hindi pa ipinakita noon na may pinatay si Agnes bilang ang Killer Bride..
samantalang isang brutal na killer ang Hat Man, na mukhang babansagan na nilang Killer Groom..
babae nga ang Killer Groom base sa mga physical clues, at medyo short din siya, katulad ni Agnes..
kagabi ko rin lang napansin na parang kaboses ni Agnes ang Killer Groom...
pero misteryo pa kung bakit matagal nang ini-reveal na si Agnes ang Killer Bride, at parang utusan lang siya ni Luciano noon..
samantalang ni minsan ay hindi pa ipinakita kung sino yung sadistang parter ni Luciano..
kumbaga medyo surprising kung lalabas man na si Agnes rin nga ang Killer Groom...
is feeling , ang weird lang nung approach kung ganun nga...
---o0o---
December 12, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride
2 naman yung latest na pinatay..
mga espiya ni Camila noong panahon na tinutugis na si Luciano..
mukhang dumaan rin muna sila sa torture, bago sila ibinigti..
at umaga na noong nagpalipad ang mga kalaban ng 2 rin na lantern..
malapit iyon sa lugar kung saan iniwan nina Emma si Agnes...
parang sinusubukan naman nung palabas na gawing suspek si Elias..
pero para sa mga mapagmasid, eh malalaman na nila na babae talaga ang killer...
at ayun nga..
binansagan na na Killer Groom yung Hat Man, at kini-claim na si Luciano daw ito..
na logically eh mali..
una, dahil hindi naman na groom si Luciano..
ikalawa, since si Camila yung binansagan na Killer Bride, eh bakit naman nila ginawang groom ang tiyuhin nito..?
though posibleng idea yun ng writer, bilang reference sa relasyon ni Luciano doon sa babaeng killer...
inumpisahan na nga nina Camila na i-check ang adoptive mother ni Emma..
pero kaagad na pumalpak ang kanilang plano..
dahil na rin nag-decide sila na sila mismo ang bubuntot dito, sa halip na magpadala sila ng hindi kilalang tao..
pero may purpose naman yung pagpalpak nila na iyon para sa script...
dahil labas na sa pangkat na itinanim sa poder ng mga Dela Torre ang ibang biktima..
eh lumalaki ang posibilidad na yung tauhan nga nila na Ponce ang traydor..
pero malaki pa ring puzzle yung mga bagay na kanyang ginawa at hindi ginawa...
theory #13 - na may kaugnayan yung Ponce na tauhan nina Camila sa kalabang grupo
is feeling , mala-Saw na talaga.. may brutal na killer cut na sa iWant...
---o0o---
December 14, 2019...
[TV Series]
The Killer Bride (Revelation)
patuloy ang pagpasok ng mga clues para kay Iking..
pero hindi pa masabi kung totoong mga pangitain ba ang mga iyon, o kung feed mula sa mga kalaban...?
lumalabas naman na posibleng buhay ang tatay ni Elias..
dahil may natanggap siyang recent picture, noon yatang panahon iyon ng bombing incident..
malaking surpresa iyon para kay Elias dahil may inilibing silang bangkay noon..
at gaya ng sabi ko noon, mukhang may purpose sa script ang pag-ubos sa pamilya ni Elias..
nagtataka ang binata kung bakit parang nagtatago ang kanyang ama..
at kung paanong may bangkay sila na inilibing noon in his place..
assumption tuloy ni Elias na posibleng may masamang ginawa ang kanyang ama kaya ganun ang nangyari..
napaisip rin siya kung bakit walang nakakakilala dito sa Las Espadas, kung ano ba ang origin ng kanyang tatay..?
pero nagtaka ako dahil buong akala ko noon na family friend sila ni Vito, kaya niya kinuha ang naulilang si Elias...
at inatake na ng Killer Groom si Manay Ichu..
pero nagawa naman siyang hadlangan ni Camila..
naglaban ang 2, at nagawa pa nga ni Camila na gripuhan sa kanang tagiliran ang kalaban..
dahil sa close encounter, napansin nina Camila at Manay Ichu na parang babae naman ang Killer Groom...
at surprise!
na-reveal na kung sino ang kasabwat at partner ni Luciano..
at magaling ang naging pagtatago sa kanya ng script..
ang biktima ng kanyang sadista na baklang asawa..
ang mapagmahal na ina..
ang madalas na kontra sa pag-uugali ni Luciano..
ang madalas na dumidisiplina kay Tatiana..
ang pinakamalapit kay Camila sa kanilang pamilya..
at ang nanatiling naroon para sa kanya sa panahon ng kanyang mga trial sa korte..
si Alice..
lumalabas tuloy na panay malalapit kay Camila ang mga naging kasabwat ni Luciano para pabagsakin siya..
napatunayan na rin na tauhan nga lang si Agnes, na sinubukan lang siyang gawing decoy ng script para siya ang paghinalaan bilang Killer Groom..
binago rin ang kanyang boses, malayong-malayo kapag nagsasalita siya bilang ang Killer Groom...
pero bakit siya..?
hindi ko alam kung anong galit niya kay Camila from the beginning..
at hindi ko rin alam kung anong koneksyon niya sa Primo Diablo..
pero siguro naging kakampi niya si Luciano dahil nagkaroon sila ng relasyon..
dahil sinasaktan siya ng kanyang asawa, na hindi rin magawang gampanan ang responsibilidad nito sa kanya dahil bakla pala ito, eh mukhang nabaling sa kanyang bayaw ang kanyang pagtingin..
sa halip na maging masokista, eh mukhang nakuha niya rin kay Juan Felipe ang pagiging sadista..
at nakita niya naman kay Luciano ang pagiging submissive sa kanyang desire...
is feeling , ngayon ko lang mapapanood si Lara Quigaman bilang isang kalaban sa TV series.. at hindi lang basta kalaban, dahil isa siyang brutal na sadista...
No comments:
Post a Comment