Friday, November 9, 2018

Too Many Wolf Lies

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


hayop kayong mga jeepney driver kayo!
ilang taon na kayong tubo sa paniningil sa mga estudyante, senior citizen, at kung sino pa ang mga pwedeng mag-avail ng 20% discount..
for many years laging piso lang ang ibinabawas ninyo, kesyo mahirap magsukli ng centavos ang palusot ninyo...

pero ngayong Php 10 na ang pamasahe, igigiit nyo pa ring mga mapagsamantala kayo na Php 9 ang discounted rate..
mga bobo kayo!
Php 2 ang 20% ng Php 10, kaya Php 8 lang ang dapat nilang bayaran..
ngayon na lang sila makakabawi sa inyo, at sa gitna pa ng matinding kahirapan, tapos pagsasamantalahan nyo pa rin sila...?

mga hinayupak kayo!
akala nyo naman na 1 litro ang nagagamit ninyo para sa bawat pasahero..
pero ang laki-laki ng kabig ninyo...

is feeling alisin na sa kalsada lahat ng mga mapagsamantala...

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 105 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • (none as of the moment)

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon 
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
-----o0o-----


November 5, 2018...

sa Parañaque..
yung bagong landport..
yung Integrated Terminal Exchange...

kaso kung pa-South..
eh para lang sa mga taga-Cavite..
at sa mga papunta ng Batangas na ang daan ay sa area ng Tagaytay...

tapos kami eh ipapatapon sa Santa Rosa, Laguna..?
para 2 base fare ng bus ang babayaran namin...? :(

is feeling , salamat sa diskriminasyon...


>
"maraming may opinyon..
ang sa imeen ay kuropsiyon..."

is feeling , shet, nagkamali ako sa spelling ng 'amin'...


>
sa Makati City..
sa isang mall doon..
yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor..
may kasabwat pa siya na taga-timbre kung ano ang pwedeng nakawin...

is feeling , so balak niyang maging spotter ng mga mananakaw na sasakyan sa kalsada...??


>
[Natural Calamities]

sa Visayas region, areas near Iloilo..
yung sunud-sunod na mga lindol sa magkakaibang mga lugar na naglalaro sa Magnitude 4 ang mga lakas..
related daw sa movement ng fault yung mga nangyaring pagyanig...

is feeling , tama na kasi ang pagsamba sa mga mortal...

---o0o---


November 6, 2018...

sa Santa Cruz, Manila..
yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo..
kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima eh...

is feeling , armasan na po natin sila, please...


>
yung Intsik na economic adviser ng Hokage na Mahilig na una na niyang itinanggi bilang adviser, dahil dayuhan nga daw..
pero pinatunayan ng kontrata at ng mga tao niya na adviser nga yung Intsik...

tapos suspected pa bilang drug-related yung tao na yun..?
(parang mas nabubuo na yung puzzle)...

wala lang..
naalala ko lang yung ipinagmamalaki noon ng mga Panatikong Zombie..
yung kesyo mas mabuti daw yung taong diretsahan kung magsalita, at least ay nagpapakatotoo daw..
pero ilang beses na nilang ginagawa yan...??

is feeling , puros kasinungalingan...

---o0o---


November 7, 2018...

sa Albay..
yung nagkakandabubulok na ang ibang sitaw dahil sa oversupply..
nasa Php 10 per kilo na lang ang bentahan sa kanila..
libre pang ipinamimigay yung iba...

samantalang sa ibang mga lugar eh nagtaasan pa ang bentahan ng sitaw dahil daw sa mga nagdaang bagyo...

wala bang kakayahan ang pamunuan para ma-monitor kung sino ang nagpo-produce ng marami..?
para kapag panahon na ng anihan eh matulungan ang mga magsasaka na maibiyahe yung supply sa ibang mga probinsiya kung saan mahina lang ang supply..
para makatulong naman sila sa pagpapamura ng ibang mga bilihin...

is feeling , puros sa papamahal lang ang alam nilang estilo...


>
sa isang kampo sa Tagaytay..
yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat..
kesyo paraan daw yun nung suspek sa pagdidisiplina dahil masyadong relax yung mga junior...

is feeling , kaya siguro nagiging bayolente yung ibang pulis laban sa mga sibilyan, kasi bayolente ang pagtrato sa kanila...


>
yung kapag ibang kaso tungkol sa ilegal na droga at suspected drug-related personalities ang pinag-uusapan eh madali siyang nakukumbinsi..
ambilis rin ngang maglabas ng mga statement at listahan..
pero kapag yung nakakadaan sa mga tao niya ang pinag-uusapan, eh madalas na in denial...

is feeling , para kanino ba kasi ang supply...?


>
yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa..
isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal ang biktima..
ginahasa daw siya nang halinhinan sa loob ng police mobile kapalit ng pagka-areglo sa kaso niya...

is feeling , pati yung sugal lang ang kaso, ganun na kaagad ang kapalit...??

---o0o---


November 8, 2018...

yung gutom ang pamunuan sa pagdadagdag ng mga dam..
kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo...

is feeling , tsaka akala ko ba hindi na magpo-focus sa NCR..? pero bakit parating sila pa rin...??


>
nakakahiya naman yung nangyari sa Miss Earth..
napasok pala ng Hokage..
tapos parang kinunsinti lang kahit na may mga sumbong na..
ano, puwerket sponsor yung D.O.M...? :(

sa bagay..
hindi na nakakapagtaka..
lalo na sa panahon ngayon kung kailan ipino-promote na nga maging sa pinakamataas na level ang pambabastos sa kahit na sinong babae... :(

is feeling , foreign escorts pala ang gusto nila eh...

---o0o---


November 9, 2018...

ang kakaiba sa mandatory pregnancy test..
eh para mong pinagdududahan lahat ng estudyanteng babae na baka buntis sila...

hindi naman kasi ilegal ang pagiging buntis, hindi gaya ng pagiging involved sa masamang bisyo..
so kahit pa kapakanan ng sanggol sa sinapupunan ang concern, eh parang mas tama na ituro na lang sa mga estudyanteng ina na maging responsable at tapat..
kung totoo kasing mapanganib yung mga piling kurso para sa sanggol sa sinapupunan, edi kailangan nilang mapabatid sa mga kababaihan na ingatan nila ang mga sarili nila sa loob ng 4 or 5 years para makuha nila yung ganung klase ng mga kurso...

parang nonsense din kasi yung scheduled na pregnancy test, kasi kung tutuusin eh posibleng mabuntis ang mga fertile na babae sa kahit na anong panahon, may consent man nila o wala...

is feeling , pero kung okay lang naman sa mga estudyante, edi okay lang...


>
eh yung tutol ang pamunuan sa anti-pagmumura na patakaran...?

kalokohan..
puwerket mahilig magmura sa harap ng publiko yung nasa tuktok eh ibig sabihin na tama na yung ginagawa niya...?

alam ko ang epekto sa mga bata nang madalas na makarinig ng mga mura mula sa kanyang kapaligiran..
lumaki ako sa bahay kung saan madalas na manakit ng anak at madalas na magmura ang biological sperm donor..
maging sa elementary school na pinanggalingan ko eh natural lang sa mga kabataan ang magmura bilang expression..
at totoong naa-absorb yun kahit na sa murang edad pa lang..
at umaabot nga yun sa punto kung kailan nakasanayan na, parang natural na lang, at simpleng expression o sambitla na lang yung pagmumura...

kaya tama lang ang kagustuhan ng Baguio na ma-control yung ganun sa mga piling lugar..
dahil hindi talaga magandang makagawian ang pagmumura..
in fact may alam akong mga sitwasyon kung saan nami-misinterpret ng mga taga-ibang lugar yung pagmumura na expression..
halimbawa ay sa gitna ng inuman, may mga tao na akala eh iniinsulto sila kaya napapamura habang kausap sila, iyon ay sa kabila ng kasiyahan, at dahil nga dun ay naghihinanakit o nagagalit yung taong iyon...

hindi masamang magmura kapag naglalabas ng poot..
pero hangga't maaari eh sa lugar lang talaga kung saan walang maiimpluwensiyahan na mga kabataan..
kumbaga hayaan mo silang matutunan yung mga ganung bagay sa tamang edad, or mas mabuti kung talagang iiwasan nilang matutunan yung mga ganun...

is feeling , ang mali ay ang gawing halimbawa ang nasa pinakatuktok, na para bang ayos lang na murahin ang lahat sa harapan ng publiko...


>
medyo good news..
na sana ay hindi lang cosplay...

guilty sa ilang kaso ng graft ang Dictator's Widow..
bale ang graft ay paggamit sa katungkulan o puwesto for personal gain...

kaso nasa lower specialty court pa lang yung hatol..
at gaya ng nare-realize na ngayon ng lahat ng mga mamamayan..
lahat ng hatol sa lower court ay nonsense at hindi pwedeng i-implement hangga't may kakayahang umapela ang mga kriminal..
kaya naman pwede pa ring maghabol ng posisyon sa pamunuan yung maluhong matanda...

kaya naman hindi pa ito matatawag na hustisya..
hangga't hindi namamatay at nauubos ang buong angkan, hindi magkakaroon ng totoong hustisya..
hangga't may naghahangad ng historical revision para lang malinis nila ang kanilang maduming pangalan, hindi mabibigyan ng daan ang totoong hustisya..
hangga't may mga mamamayan na sumusuporta sa pag-edit ng history at humihila sa lahat pabalik sa kadiliman, hindi magiging ganap ang hustisya...

totoong ibinoto ko noon si Bobong para sa Jonin position dahil sa pag-aakala ko na ibang istorya na ang isinusulat nila para sa angkan nila..
pero noong ipinilit nilang ibaon ang Diktador sa isang makabuluhang lugar nang patraydor na naman, naunawaan ko na historical revision ang totoo nilang pakay..
para sa ganap na paglilinis ng pangalan nila...

is feeling , basta lahat ng kakampi ng Dictator Clan ay mga traydor sa bayan...


No comments:

Post a Comment