Friday, November 30, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of November 2018 (Bank Interest)

Loveless Story


November 27, 2018...

eh yung 'ma'am' pa rin ang tawag sa akin kahit na hanggang tenga pa lang ulit ang buhok ko..?
seryoso..??
may bigote din ako at balbas, pero 'ma'am' talaga..??
ano ako, babaeng may hormone imbalance...??

anyway..
may bagong cute na empleyado doon sa supermart..
ilang linggo na rin siyang nandun..
petite, fit, at medyo tagihawatin nga lang yung sides ng mukha niya..
pero ang maganda, doon siya parati naka-assign sa habilinan ng mga eco bag..
kaya naman madalas ko siyang makasalamuha...

is feeling , grocery muse...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 2)


November 24, 2018...

dayo..
weekend..
pero kokonti na rin lang ulit ang live audience...


BanKo versus Fighting Warays

ang 16th 5-setter match ng conference..
3rd para sa BanKo..
pero 5th na para sa Fighting Warays...

3-2, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-22, ipinasok sa simula sina Doromal, Devanadera, at Tajima, siguro dahil last match na para sa Eliminations..
Set 2, 25-19, hindi rin nakatulong si Alvarez sa Tacloban para mabaliktad ang sitwasyon nila, andami kasi nilang errors..
Set 3, 29-31, Gervacio time naman, naging dikitan ang laban, at nakabawi nga ang Tacloban..
Set 4, 11-25, pinaglalaro na lang talaga ang BanKo, pero nabuhayan naman ang Tacloban..
Set 5, 15-11, pinabalik na si Tiamzon...

ipinahinga na muna ang mga key Middle Blockers ng BanKo..
mukhang mas malakas ang bench ng BanKo kumpara sa Creamline..
Player of the Game si Tiamzon with 14 points from 11 attacks and 3 service aces..
Devanadera scored 17 points from 14 attacks and 3 kill blocks..
Doromal with 15 points..
Villanueva with 11 points, plus 21 digs and 12 excellent receptions..
para naman sa Tacloban..
Prado scored 20 points, plus 21 digs and 13 excellent receptions..
Guino-o with 17 points..
Alvarez with 11 points kahit na hindi siya nababad..
Marzan with 10 points..
moody pa rin naman ang laro ni Pacres...

at nagtapos ang record ng BanKo sa 11 Wins, 3 Losses..
bilang #2 seed ay ADMU-Motolite ang makakaharap nila, na hindi pa nakakakuha ng panalo laban sa kanila...


Creamline versus AdU-Akari

okay naman pala si Genesis..
hindi rin sobrang dumami ang live audience..
huling paghaharap nina Galanza at ng mga Lady Falcons for this conference...

3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-7, overkill ng Creamline..
Set 2, 25-11, may Gutierrez and Maninang time, hindi pang-Middle Hitter ang laro ni Maninang..
Set 3, 25-10, bench time ulit, in-overkill na naman ng Creamline...

mabilis lang na match..
Player of the Game si Sato with 8 points from 6 attacks, 1 block, and 1 service ace..
Baldo scored 19 points from 13 attacks, 3 kill blocks, and 3 service aces..
plus may 9 digs pa siya sa loob lamang ng 3 sets..
Gumabao and Galanza also with 8 points each..
nagpakawala ang Creamline ng 42 attacks points, 12 service aces, at nalimitahan ang sarili nilang errors sa 7..
walang naka-double digits para sa Adamson at nalimitahan si Soyud sa 6 points lang...

at nagtapos ang record ng Creamline sa 11 Wins, 3 Losses, pero bilang #1 seed..
unfortunately, nagtapos din ang record ng Adamson sa 0 Wins, 14 Losses...

is feeling , Angels na nga ang makakalaban ng Creamline sa Semifinals.. pahirapan pa rin ito...

---o0o---


PVL Season 2 - Open Conference - Semifinals


November 28, 2018...

medyo madami ang live audience..
hindi naman puno, siguro kasi weekday pa, at may basketball din..
in addition, pakakawalan na si Bagyong Pablo ng Pocari..
hindi na nila tatapusin yung kontrata niya...


Creamline versus Angels

nakabalik na si Mercado para sa Angels...

3-1, panalo ang Creamline..
Set 1, 26-28, active na kaagad ang net defense ng Angels, pahirapang maka-score para sa Creamline..
Set 2, 25-15, nakapagsimula ng malaking kalamangan ang Creamline, naging mas effective na rin si Galanza..
Set 3, 25-13, nakalayo na ulit ang Creamline paglagpas ng 10 points, naipasok pa si Cabanos, mukhang nakatulong talaga yung pagbabawas nila ng errors..
Set 4, 25-16, maagang nabaliktad ng Creamline ang kalamangan sa laro, nakapag-double Setter mode pa ulit sila...

ang galing, parang may panibago ng Kaewpin ang Creamline..
Player of the Game ang birthday girl na si Galanza with 24 points from 22 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
22 years old, 22 attacks..
at may plus 18 excellent receptions pa siya..
Baldo scored 18 points from 16 attacks and 2 service aces..
Gumabao with 12 points..
para naman sa Angels..
si De Leon lang ang umabot sa double digits with 11 points...


BanKo versus ADMU-Motolite

naglalaro nang may lagnat si Gervacio..
ang 17th 5-setter match ng conference..
5th na para sa Ateneo..
4th naman para sa BanKo...

3-2, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-23, pero ang laki ng hinabol ng Ateneo sa tulong ni Gaston..
Set 2, 25-19, naiwan ulit ang Ateneo nang makarating sa early 20 plus points ang BanKo..
Set 3, 21-25, Ateneo naman ang maagang nakalayo, ito ang kauna-unahang set na naipanalo ng Ateneo kontra sa BanKo..
Set 4, 19-25, ginanahan nga ang Ateneo at nauna na namang nakalayo, nadali pa ng errors ang BanKo..
Set 5, 15-6, BanKo naman ang maagang nakalayo, at kinapos na nga ang Ateneo...

Player of the Game si Tiamzon with 25 points from 21 attacks and 4 service aces..
Gervacio scored 20 points from 17 attacks and 3 service aces, na may plus 16 digs pa..
Bersola with 16 points, na 7 are out of kill blocks..
Roces with 12 points..
para naman sa ADMU-Motolite..
Tolentino with 20 points..
Gaston with 14 points..
Madayag with 12 points..
Gandler with 11 points...

is feeling , very nice birthday gift mula at para kay Galanza.. 1 na lang...

-----o0o-----


November 24, 2018...

[Gadget-Related]

nag-okay naman na ulit yung Jelly Bean na phone..
mukhang nadaan sa kakatanggal ng battery at sa kaka-reset...

pero yung Jelly Bean na tablet naman ang nagkakaroon na ng mga pagbabago..
there are times na below 4 hours na lang ang operational time niya..
noong bago pa yun, pumapalo yun ng above 5 hours..
tapos yung charging time na usually eh more or less 3 hours..
ngayon eh pumapalo na madalas ng above 5 hours naman...

is feeling , mga gadget talaga o'...

---o0o---


November 26, 2018...

paano ba 'to..?
hindi pa rin pumapanig sa akin ang Patreon..
in fact, mas prone na ako ngayon sa nakawan by being there...

pero hindi talaga yun ang topic...

nahihirapan akong makipagsabayan sa ibang tao..
lalo na sa may mga anak na..
well, wala akong rason para mainggit sa mga taong may mga anak na..
pero kasi..
nahihirapan akong iharap ang sarili ko sa kanila..
kung pwede nga lang eh hindi na talaga ako magpapakita hanggang sa araw na matupad na ang ultimate goal ko sa buhay eh...

hindi lang talaga ako yung tipo ng tao na kayang maglabas ng kahit na as low as Php 1,000 every month.. :(
well, unless na makabuluhan talaga yung kaganapan para sa akin...

is feeling , ayoko talagang ikinukumpara ang sarili ko sa ibang tao.. pero pera talaga ang pinakamahalaga sa mundong ito eh...

---o0o---


November 28, 2018...

[Name of Electric Cooperative], naman!

kung text - text..
kung photo - photo...

nanliliyo kayo eh..
ang gusto eh parehas pang iche-check ang timeline at album para sa mga announcement nila..?
seriously, mas madaling maghanap sa album, kasi sa template pa lang eh alam na..
hindi kagaya sa timeline na nadadaanan pa yung mga mura ng mga consumer...

tutal eh lahat naman ng announcement eh dumadaan talaga sa text stage..
edi parehas na lang silang mag-post ng text at photo equivalent ng bawat announcement..
kesa naman maghuhulaan pa kung nasaan yung babala...

is feeling , stick to one...


>
nakagawa na naman ng masamang routine yung Autistic..
siguro dahil sa pagtutol niya parati na sumaya yung bunso niyang kapatid dahil sa panonood ng Hep Hep Hooray tuwing hapon...

dati naman eh hinahayaan niya kaming makapanood ng TV tuwing umaga..
balita, movie, at mga anime episodes na hindi ko pa napapanood noon..
pero ngayon eh parang diyos siya na gusto na patay parati ang TV kapag nasa bahay siya..
okay lang sana kung doon sila nagtititigil sa bahay nila eh, kaso eh parati rin namang dito dinadala sa bahay...

is feeling , anak ng topak.. yung mga episodes pa talaga na hindi ko pa napapanood ang sinabotahe eh...

---o0o---


November 29, 2018...

[Sports]

(referring to a shared photo)

dehado nga pala ang Blue Eagles..
mas malakas yung bird na nagre-represent sa UP..
nandudura..
Fighting Tutut..
LOL... XD

is feeling , Battle of Katipunan...


>
panibagong mga problema...

nasita yung isa kong page..
so kailangan kong mag-reformat...

sa Patreon naman..
imposible rin nga yung idea ko na gawin yung store..
so kailangan ko ring baguhin yung format ko doon..
tipong hanggang purong update na lang...

is feeling , dagdag na mga trabaho...

---o0o---


December 1, 2018...

after 7 months..
kumita na yung pera ko sa banko ng more than Php 100 na interes...

mabagal..
pero wala rin naman akong panahon para i-manage yung pera para sa ibang raket eh..
so okay na rin yun..
at least kumikita yung pondo nang mag-isa niya...

is feeling , inis na inis na siguro sa akin yung banko dahil wala silang mai-charge sa akin...


No comments:

Post a Comment