Friday, November 2, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Few Days of October 2018 (Year-End Gift)

Loveless Story


October 29, 2018...

[Online Marketing]

okay na kahit papaano ang December ko..
sigurado nang mari-release yung share ko mula sa second store...

pwede na sanang pang-year-end gift..
kaso wala pang pansagot ng masisilungan sa Las PiƱas..
kulang pa din sa kalahati para magkaroon ng pansalo...

is feeling , salamat sa mga hindi sumusuporta sa Piracy...

---o0o---


October 31, 2018...

[Online Marketing]

yung mahigit 1 month na akong naka-launch sa Patreon..
pero zero patron pa rin..
ayos din kayong nasa 3,000 downloaders kayo, eh 'no...?

bahala kayo..
hindi ko ilalabas ang Project #8 at #9 dahil sa patuloy ninyong pagnanakaw...

tapos makikita kong nagrereklamo pa yung artist na kumikita ng USD 1,900 per month..
eh nasaang level ako, isang alikabok lang...??

is feeling , this is bad...


>
anak ng..
bakit ba ako nagke-crave sa tuwing patapos na ang taon...??

sa bagay..
nitong nakaraang 3 taon nga pala eh parati akong merong year-end gift...

bakit ko pa kasi siya nakita...??

is feeling , Facebook gamble...

---o0o---


November 2, 2018...

yung pakiramdam na pwede na sanang magkaroon ng year-end gift..
para sumaya naman...

pero talagang tutol ang lahat..
yung ipapakain ka sa mga pirata..
hadlang pa rin ang Banko Sentral sa PayPal..
maging ang website ng PSBank eh hindi na secure..
tapos kumikilos pa nga ang pamunuan para palalain at pamahalin ang sistema at cost of transportation para sa mahihirap...

is feeling , kapag hindi ka talaga gusto ng mga divine entities, pauulanan ka nila ng mga kamalasan...

---o0o---


November 3, 2018...

nerdy theme..
yung tipong naka-eyeglass na malaki, kahit na hindi naman talaga nerd..
tapos x2, para may pansalo..
parang magandang year-end gift yung ganun...

kaso nakakapanghinayang talagang mag-withdraw mula sa banko... :(

kung hindi ko lang sana naranasan yung ganung klase ng diskriminasyon sa BDO..
hindi siguro ako matatakot na magbukas ng account sa ibang banko..
hindi sana ako matatakot na ma-reject lang at masayang ang oras ko...

is feeling , hindi ba pwedeng PayPal payment na lang...??

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 2)


October 27, 2018...

dayo na ulit...


AdU-Akari versus Iriga Oragons

3-0, panalo ang Iriga Oragons..
Set 1, 18-25, bench muna si Igao para sa Lady Falcons, Yandoc-time muna..
Set 2, 24-26..
Set 3, 23-25...

Permentilla na talaga ang pinakamaganda sa UAAP court ngayon..
si Bunag ang nanguna para sa Oragons with 16 points, plus 17 digs..
Bautista with 13 points, plus 14 digs and 8 excellent receptions..
Madulid, na pumalit muna kay Bombita, with 11 points..
wala namang naka-double-digit para sa Lady Falcons...

at dahil dun, hindi nga kailanman natalo ng Adamson ang Iriga sa elimination round...


Pocari-Air Force versus ADMU-Motolite

buo na ulit ang lineup ng Ateneo...

3-0, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-27, come from behind ang Ateneo..
Set 2, 21-25, lamang mula sa umpisa ang Ateneo..
Set 3, 21-25, andaming nagawang errors ng Pocari-Air...

Player of the Game si BDL with 12 points, from 8 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Tolentino also scored 12 points..
malakas din ang blocking ng Ateneo..
si Pablo lang naman ang naka-double-digit para sa Pocari-Air with 15 points...

at hindi rin nga nagawa ng Pocari-Air Force na makabawi laban sa Ateneo sa eliminations...

is feeling , mapapalaban sina Baldo bukas sa Batangas...

---o0o---


October 28, 2018...

dayo pa rin..
okay naman ang ticket sales..
back-to-back weekend games para sa Oragons at Ateneo...


Fighting Warays versus Iriga Oragons

3-1, panalo ang Iriga Oragons..
Set 1, 20-25, lamang pa ang Oragons sa attacks..
Set 2, 25-15, maagang lumamang ang Tacloban..
Set 3, 25-27, dikitan..
Set 4, 23-25 , naagaw pa ng Oragons ang set...

Player of the Game si Bunag with 12 points from 11 attacks, and 1 service ace..
may plus pa siya na 19 digs..
Bautista with 13 points, plus 17 excellent receptions..
Madulid with 10 points..
para naman sa Tacloban..
Pacres with 18 points..
Prado with 13 points..
Esguerra with 12 points...


Creamline versus ADMU-Motolite

Lady Eagles versus Lady Eagles..
almost complete lineup battle..
kaso wala pa rin pala si Sato...

ang 11th 5-setter match ng conference..
3rd para sa Creamline, pero 2 na ang talo nila sa 5-setter matches..
4th naman para sa Ateneo, at lahat naipanalo nila...

3-2, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 18-25, maagang nakalayo ang Ateneo..
Set 2, 20-25, madami pa din ang naging errors ng Creamline..
Set 3, 25-15, na-minimize na ng Creamline ang errors nila..
Set 4, 25-23, biglang na-off ang laro ni Soriano, pero ilang beses pa rin na humabol ang Creamline..
Set 5, 12-15, na-check na si Baldo pagdating nila sa 12th point nila...

base sa stats, lamang naman sa attacks ang Creamline, kaso andami nilang napakawalan na error..
na-off ang atake nila sa middle, at hindi masyadong nasubukan si Bravo..
si Morado naman eh marami ang naging service error sa simula..
maganda naman ang naging all-around na laro ni Galanza, pero hindi siya nagtatagal sa front row...

Player of the Game si Tolentino with 22 points from 18 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
BDL scored 15 points..
Wong with 38 excellent sets..
para naman sa Creamline..
Baldo with 32 pure attack points..
Galanza with 13 points..
Soriano with 11 points, pero bigla nga siyang na-off sa Set 4..
Gumabao naman added 9 points...

dahil dun ay nakatabla ang Ateneo laban sa Creamline sa eliminations...
malakas ang current roster ng Ateneo..
ang problema nila next school year ay marami na rin ang ga-graduate sa kanila...

is feeling , nagkalat kasi ng errors eh.. may banta na lahat ng teams sa Round 2 maliban sa Adamson...

-----o0o-----


October 27, 2018...

mas masarap pala ang Creamline na Rocky Road with Vanilla Choco Swirl kumpara sa Rocky Road ng Selecta at ng iba pang brands..
as usual, hindi na kamukha nung promotional version..
pero masarap yung pagka-chocolate at pagka-vanilla niya..
mala-super thick pa...

is feeling , libreng pa-Creamline ng mga bungi...

---o0o---


October 29, 2018...

[TV Series]

Meteor Garden (2018)

nakakatuwa yung remake na 'to kasi maliban sa mas cute yung mga babae..
nagre-recur din yung mga characters na supposedly eh guest lang, o nawala na dapat doon sa story, o di kaya eh wala naman talaga base sa dating script..
mas maganda ngang tingnan na parang nagiging tropa-tropa silang mga nagkakakilala dun sa story...

is feeling , naiba yung timpla kahit papaano...

---o0o---


October 31, 2018...

ano na namang nangyari PSBank..?
bakit biglang hindi na secured ang website ninyo...??

ano na bang next plan..?
magpapa-hack ng mga online accounts...??

is feeling , kaya kayo iniiwanan ni Anne Curtis eh...

---o0o---


November 1, 2018...

f*cking creatures...

nagrereklamo yung mga anak ng isa kong kliyente..
kesyo hindi naman daw ako namimigay ng pera..
samantalang yung tindahan daw na malapit sa isang truck eh Php 20 ang ibinigay sa kanila...

ayoko talaga sa mga batang hindi naiintindihan ang realidad ng buhay..
ayoko sa mga batang walang utang na loob..
binigyan na ang pamilya nila ng bike, pero madamot ka pa rin..?
binigyan na ang pamilya nila ng lilibuhin na scooter, pero madamot ka pa rin..?
taon-taon binibigyan ang pamilya nila ng mga bunga ng rambutan, pero madamot ka pa rin..?
ilang taon na akong nagbebenta ng yelo na kuwentadong-kuwentado ang bawat expenses, na nasa Php 2.00 lang ang presyuhan sa ngayon, pero madamot ka pa rin..?
ilang taon na akong nagbebenta ng prepaid load na walang patong at umaasa lang sa rebate, pero madamot ka pa rin..?
ilang taon na akong nagbebenta sa kanila ng mga produkto na ni walang Php 1.00 ang tubo, pero madamot ka pa rin...?

mga tanga..
hindi ibig sabihin na kapag bumili kayo ng 4 na milo na worth Php 28, eh Php 28 na rin yung kinita ko..
putang ina, Php 1.00 lang ang tubo ko sa 4 na yun..
tapos ang gusto ninyo eh araw-araw rin akong maglalabas ng pera para sa limos...??

tataas ang kontribusyon ko sa SSS..
tataas ang kontribusyon ko sa PhilHealth..
tataas ang gastos ko sa pamasahe monthly..
ni hindi ko mailipat sa banko ko yung pumapasok sa akin na pera..
tapos gusto ninyong gumawa pa ako ng additional na charity...??

ano bang mas gusto nila..?
taasan ko ang presyo ng kada-piraso ng lahat ng items ko ng Php 1.00..?
na gumastos sila araw-araw na may additional pang Php 1.00 para sa kada piraso ng binibili nila..?
para lang may maipon ako na pambigay sa kanila tuwing panahon ng panlilimos..?
na kesyo, f*ck, it's better to give than to receive..
kung arawang gastos rin lang ang pag-uusapan, sa tingin ko naman eh mas patas yung ginagawa ko na at least Php 0.25 lang yung patubo per item..
Php 91.25 versus Php 456.25 na gastos per year base sa Php 0.25 na patubo kumpara sa Php 1.25..
putang ina, hindi pa ba ako nakakatulong sa paraan ko na yun...??

mga putang ina ninyo..
kung sa tingin ninyo na madamot ako, edi huwag kayo sa akin bumili..
doon kayo sa mga tindahan na malalaki ang patong sa mga paninda nila...

is feeling , panahon na naman ng panunumbat ng mga walang utak...


>
kahit pa sabihin ng ibang tao na mas praktikal nga na magpatubo nang malaki..
para lang maipamukha ko sa mga kliyente na kaya kong gumawa ng karagdagang charity para sa kanila sa tuwing panahon ng panlilimos..
while in fact eh mas lalaki ang kita ko sa ganung sistema, habang nagkakaroon rin nga ng kakayahan na mamigay..
basically, literal na ibibigay mo lang sa mga tao kung anuman yung nakukuha mo mula sa kanila..
eh hindi ko pa rin gagawin...

lumaki ako sa kahirapan..
at na-stuck na ako sa kahirapan dahil yun lang ang nakatadhana para sa buhay ko..
pero pipiliin ko pa rin na gawin yung pinakapatas na kaya ko, dahil naiintindihan ko kung anong ibig sabihin ng maging mahirap...

is feeling , ni hindi ako naghahangad ng thank you eh.. pero yung talagang babastusin pa nila ako sa kabila ng lahat...?


>
bakit walang mga magaganda at sexy na babae na gumagawa nung Montano Challenge...?

puros mali naman ang ginagawa nila eh..
puros male version at puros puwet lang..
dapat gayahin rin nila yung original..
tapos upload kaagad sa mga X-Tube sites...

wala pa bang mga tipong RBreezy na version...??

is feeling , anong mapapala sa puwet ng mga lalaki...??


>
panibagong kamalasan...

nagkaroon ng kung anong sickness yung Globe broadband simula noong tumama ang Bagyong Rosita..
madalas nagko-connect naman siya sa internet..
pero for some reason, may tendency siya na hindi maka-connect tuwing 6:00 PM..
2 beses nang nangyayari..
tapos pasado 8:00 PM na ulit nakaka-connect..
nakakain tuloy ang oras sa trabaho at pahinga...

is feeling , wala naman akong magagawa kundi tumanggap lang ng mga kamalasan eh...


No comments:

Post a Comment