Loveless Story
November 4, 2018...
dahil sa bagong goal..
sa malaking eyeglass..
at sa Tantra Chair..
mas pinagsisisihan ko tuloy ngayon yung malansang encounter na yun last August..
edi sana hindi ako na-holdap ng Php 5,000..
edi sana may movable fund pa ako para sa pagtatapos ng taon... :(
curious na curious na ako...
is feeling , Lottery na lang talaga ang pag-asa ko ngayon...
---o0o---
November 7, 2018...
gustung-gusto ko sana siyang tanungin..
kung kailan ba siya pwede..?
kung saan ba siya pwede..?
at kung pwede bang humingi ng verification fansign...
kaso naiinis ako kapag naiisip ko na naka-stuck sa PayPal yung perang pwede kong pagalawin..
tapos hanggang ngayon eh hindi ko pa rin ma-access ang banko ko online..
ni wala silang sagot sa e-mail... :(
is feeling , bakit ba hindi ako pwedeng maging masaya...??
>
naku naman..
hindi nagre-reply ang target..
bakit kaya...?
Facebook scam lang ba o ano...??
is feeling , sa bagay.. pabor rin naman sa akin kung hindi legit...
---o0o---
November 10, 2018...
[Strange Dream 18+]
hindi ko na maalala kung paano mismo nagsimula..
basta nasa gitna na sila ng kanilang dance performance..
sina Miss A at Miss Y lang ang nare-recognize ko...
wala naman daw problema noong una..
hanggang sa dumating na yata ang interview portion that time..
at may nabasa si Miss A na personal details doon sa notes ko..
bigla na lang daw silang nagduda at naging insecure towards me..
puros nakasimangot na sila..
hanggang sa nabanggit ni Miss A yung tungkol sa pera ng grupo nila..
for some reason eh bigla na lang silang nag-panic..
tila nag-alala sila na baka napakialaman na rin ang kanilang mga pera..
at sunud-sunod nga silang lumabas na mula sa silid na iyon na parang mga galit...
is feeling , teka, hindi naman siguro pera ko ang ipinapahiwatig doon, ano...?
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 2)
November 3, 2018...
ADMU-Motolite versus Fighting Warays
lalo pang lumalakas ang suporta ng mga live viewers para sa Ateneo, parang UAAP na kaagad..
ngayon ko lang napansin, nasa coaching staff pala ni Coach Nes si Patcharee Sangmuang...
3-1, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-19, naka-check pa si Pacres..
Set 2, 25-21, hindi napangalagaan ng Tacloban ang kalamangan nila..
Set 3, 21-25, nakabawi ang Tacloban..
Set 4, 25-19, hindi ulit napangalagaan ng Tacloban ang kalamangan nila...
at hindi nga nakatulong sina Pacres sa pagsira sa record ng Ateneo..
Player of the Game si Samonte with 8 points from 7 attacks and 1 block, at off the bench yun..
Madayag scored 14 points..
BDL scored 13 points..
para naman sa Tacloban..
Guino-o with 16 points..
Pacres only scored 13 points...
Angels versus Iriga Oragons
3-0, panalo ang Angels..
Set 1, 25-21, nakalayo sa bandang dulo ang Angels..
Set 2, 25-19, mas nakakalayo na ang Angels sa kabuuan ng set..
Set 3, 25-17, at mas kinapos pa ang Oragons sa 3rd Set...
Player of the Game si Mercado with 20 points from 16 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Baloaloa scored 15 points..
para naman sa Oragons..
Bunag with 18 points..
Bombita with 11 points...
is feeling , konti na lang ang pwedeng sumira sa record ng Ateneo...
---o0o---
November 4, 2018...
BanKo versus AdU-Akari
3-0, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-17..
Set 2, 25-17..
Set 3, 25-18...
si Bersola ang nagdala sa BanKo with 13 points from 7 attacks, 2 kill blocks, and 4 service aces..
Gervacio and Tiamzon both scored 10 points..
si Flora lang ang naka-double-digit para sa Adamson with 11 points..
bukod dun ay nagpakawala pa ang Lady Falcons ng 24 errors...
ADMU-Motolite versus Iriga Oragons
back-to-back weekend games na naman para sa Ateneo at Iriga..
labanan ng mga wala pang pahinga...
3-0, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-17..
Set 2, 25-19, nakalayo ang Ateneo sa bandang dulo..
Set 3, 25-22, at kinapos pa rin ang Oragons kahit laban sa ilang bench players ng Ateneo..
Player of the Game si Gandler with 12 points from 10 attacks and 2 service aces..
para naman sa Oragons..
Bautista and Bombita scored 11 points each...
at hindi na rin nga nakatulong ang Iriga Oragons sa pagdungis sa record ng Ateneo...
is feeling , kailangang durugin ng BanKo at Angels ang ADMU-Motolite...
---o0o---
November 7, 2018...
medyo madami lang ang live audience...
Pocari-Air Force versus Angels
ang 12th 5-setter match ng conference..
4th para sa Angels..
at 6th na para sa Pocari-Air...
3-2, panalo ang Pocari-Air Force..
Set 1, 17-25, iwan na iwan ang Pocari-Air..
Set 2, 27-29, dikitan ang laban..
Set 3, 25-16..
Set 4, 25-23, pero talagang naghabol ang Angels, sa blocking lang lumamang ang Pocari-Air..
Set 5, 15-13, service error pa ang tumapos sa laro...
at hindi nga nakabawi ang Angels laban sa Pocari-Air..
Player of the Game si Pablo with 22 points from 20 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 17 excellent receptions pa siya..
Yongco scored 17 points..
Palomata scored 11 points..
Panaga and Cases with 10 points each..
para naman sa Angels..
Mercado and Sabete both scored 15 points..
Baloaloa with 11 points..
Nunag with 10 points...
Creamline versus Fighting Warays
the Pacres test for Creamline..
balik na rin si Sato...
3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-16, maganda ang start ng Warays, pero parang nawalan sila ng loob ng manlaban na ang Creamline..
Set 2, 25-16, laging lamang sa atake ang Creamline, nakatulong pa si Cainglet kapalit ng nasaktan na si Baldo..
Set 3, 26-24, pinilit ipasok si Baldo, leche naglalaro nang papilay-pilay..
mas nagkakaroon na ng power ngayon ang mga palo ni Galanza..
activated naman ulit si Soriano..
Player of the Game si Gumabao with 9 points from 8 attacks and 1 kill block..
Baldo scored 17 points from 10 attacks, 2 kill blocks, and 5 service aces..
si Pacres lang naman ang nanguna para sa Tacloban with only 9 points...
is feeling , salamat sa sakripisyo, Baldo.. pero may laban kontra sa Pocari-Air Force sa Sunday, kaya hindi dapat lumala ang injury...
-----o0o-----
November 3, 2018...
laging nagbababad sa laptop tuwing gising..
puros games at video streaming..
tapos biglang o-order ng massager online dahil nananakit daw parati ang leeg..?
at yung nanay pa rin niya ang pagbabayarin nun...
bukod pa dun lahat ng magiging gastos para sa pagre-review para sa board exam niya..
na as usual, idinaan na sa loan...
samantalang yung 2 kapatid niya..
parehas na nagtrabaho muna para pag-ipunan yung mga gagastusin para sa mga exams nila na work-related...
is feeling , lokohan na kapag pati review para sa board exam eh iri-repeat at gagastusan ulit nang malaki...
---o0o---
November 5, 2018...
[Lottery]
17-7-47-32-30-38
nanalo na ulit sa lotto..
kaso 3 numbers lang ulit..
bale talo pa pala ako ng Php 4.00 na buwis... :(
is feeling , hindi ba talaga pwede kahit 2nd prize minus 20% tax..? pang-year-end gift lang habang naka-freeze ang pera ko...
>
yung pakiramdam na makakita ka ng kaparehas mo ang propesyon..
stills lang..
walang animation..
pero mahigit 700 yung supporters niya..
at mahigit USD 4,000 ang monthly income niya...
is feeling , f*cking 6 digits...
>
nagkaproblema pa..
nagkaroon yung ibang files ko ng content na hindi nadi-delete..
hindi ko rin alam kung saan originally nanggaling yung 3 items na yun..
at may kakayahan siya na palakihin nang palakihin ang size ng isang file tuwing name-merge siya sa mga files na may kaparehas na content...
is feeling , repair-mode muna...
---o0o---
November 6, 2018...
naubos yung oras ko kagabi sa pag-aayos ng 2 characters..
umabot pa ako ng hanggang 10:00 PM nang walang nagagawang panibagong eksena..
mabuti na lang at malinis yung mga lumang files nila, kaya na-restore pa sa panahon kung kailan wala pa sila nung hindi nadi-delete na content...
kaso 2 characters ang pahirapan na ang solusyon..
pwede rin naman, kaso magsisimula from zero..
ang problema kasi, na-create yung mga files na nakasama na talaga yung hindi nadi-delete na content...
is feeling , okay lang basta't malimitahan sa 4 to 8 KB...
---o0o---
November 7, 2018...
[Gadget-Related]
lagot na naman..
mukhang naghahanap na ng kapalit yung Jelly Bean kong smartphone..
panay low battery temperature warning na... :(
yun pa naman ang gamit ko sa dating... :(
is feeling , wala pa akong tri-cut na SIM replacement.. at PayPal payment lang ang kaya kong gawin...
---o0o---
November 8, 2018...
[Lottery]
malas talaga... :(
panalo nga ng Php 20..
talo ng Php 4.00 na buwis..
tapos pagpunta sa outlet eh pinitik pa ng bantay yung tama ko...
nakita kong bukas yung device nung unang outlet na pinuntahan ko..
so nag-decide ako na ipa-double-check kung tumama nga yung ticket ko, at para maitaya ko rin iyon ulit..
i-p-in-unch nung operator yung ticket, pero after that eh sinabi niya sa akin na offline pa daw at saka ibinalik sa akin yung ticket ko...
matapos akong makapag-grocery, sinubukan ko ulit na ipa-double-check yung ticket sa outlet na malapit naman sa sakayan ko..
at doon ko nga nalaman na invalid na yung ticket..
at ngayon ko lang din nalaman na ganun pala ang teknolohiya ng lotto..
na-scan na daw yung ticket na yun, at yung premyo eh doon ko lang pwedeng i-claim sa outlet na nakapag-scan na dun..
akala ko noon na maiiwasan lang ang pagkubra ulit ng papremyo sa pamamagitan nang pagkuha nung outlet dun sa winning ticket..
pero kaya rin pala yung ma-detect kahit nung device lang...
ang ending..?
eh binayaran ko rin yung panibago kong taya... :(
is feeling , pahingi naman ng konting suwerte.. pang year-end gift lang.. yung tipong mararamdaman ko na parang anak rin naman ako ng diyos...
>
[Business]
nagmahal na rin ang kape ng Nescafe..
bale bawas na naman ng Php 0.25 sa kita ko... :(
ganun din ang toyo..
Php 0.15 naman ang itinaas..
at kaltas na naman yun sa kita ko...
is feeling , paano ba sasabayan ang kahirapan na 'to...??
---o0o---
November 9, 2018...
[Gadget-Related]
nabalikan kaagad ako ng kamalasan... :(
ayun nga..
ayaw nang mag-charge ng Jelly Bean na smartphone ko..
dahil dun sa low battery temperature na issue, sira na siguro ang sensor ng temperature..
ibig sabihin..?
wala akong magagamit na Viber for communication..
at wala rin akong magagamit na camera for documentation...
is feeling , sige pa.. gawin nyo pa akong miserable sa ganitong perpektong timing...
No comments:
Post a Comment