Sunday, November 18, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of November 2018 (A Maria Follosco)

Loveless Story


November 11, 2018...

medyo good news..
okay na daw yung PayPal accreditation ng PSBank..
may panibago na ring bank code...

pero ibe-verify ko rin muna kung okay na rin ba sa side ng PayPal..
at kung accurate yung bank code na naibigay sa akin..
sayang naman kasi ang Php 250 kung makakaltasan na naman ng dahil lang sa error...

magandang timing 'to kung saka-sakali dahil may imi-meet nga akong Eyeglass Girl...

is feeling , please naman.. umayon ka...

---o0o---


November 12, 2018...

sobrang magiging busy ng week na 'to:
- mag-aayos ng paglilipat ng pera
- grocery
- mamimili ng mga paraphernalia
- pupunta sa banko
- gagawa ng sulat
- magkakahon
- mag-aaral ng ruta sa Google Map
- ihahanda ang sarili
- magba-blind date
- pupunta sa event

is feeling , hindi dapat magka-pimples...


>
okay na..
nai-set na yung updated link para sa PayPal at banko ko..
napa-check ko na rin today, at nabigyan na rin ako ng go signal para mag-try...

bale kailangan na lang ng initial test ulit..
Php 250 ang amount ng risk..
para lang makita kung pulido na ang lahat for future withdrawals...

is feeling , tama na ang kaltas sa akin ha...

---o0o---


November 13, 2018...

saw a photo update from YAM..
magaling, fit pa rin siya..
at maganda pa rin..
nakakabilib talaga yung mga babae na nasa late 20's and above na magaling sa weight management... <3

nakakapanghinayang tuloy na hindi ko siya pwedeng i-meet this time dahil puno ang schedule this week..
at wala ring masyadong excess na kita for November... :(

is feeling , sana umabot kapag pwede nang mag-beach...

---o0o---


November 14, 2018...

done:
- Google Map (ang problema na lang eh kapag wala ng diretsong biyahe papunta sa Alabang)
- withdrawal slip
- costume
- box
- letter

is feeling , masusubukan ng 5 to 6 establishments bukas...

---o0o---


November 15, 2018...

ano ba yan..?
pati presyo ng lubricant eh patuloy sa pagtaas..
overpriced na nga yung Php 30 sa isang easy access na bilihan eh..
tapos ginawang Php 31..
tapos ngayon eh nasa Php 34 na...??

is feeling , ano na bang nangyayari sa mundo...??


>
good news..
after 3 months of inactivity..
eh okay na ulit yung withdrawal mula sa PayPal papunta sa banko ko..
kanina ko lang na-confirm, at sa banko pa mismo..
nakita ko nga na nag-reflect na yung transfer sa passbook ko...

is feeling , wala na nga si Anne Curtis.. pero sana tuluy-tuloy na lang ang okay na performance...

---o0o---


November 16, 2018...

[Video]



dayum!
yung mga babaeng may ganung skill..
tapos may turbo pa... <3

anyway, hindi yun ang totoong istorya..
today, may nakita akong nag-share ng kaparehong video ni Maria Follosco sa social media..
and since magaling nga yung babae, na-curious ako at nag-Google..
surprisingly, ilan sa mga images na lumabas ay nag-match sa ilang pictures na ginagamit ni Eyeglass Girl..
merong complete match, merong nag-match ang outfit, merong nag-match ang phone, at merong nag-match din ang location..
so ayun, bigla tuloy akong kinabahan..
pero sigurado akong hindi si Maria Follosco yung Eyeglass Girl..
sa ngayon yung mismong mga matching photos na lang ni Eyeglass Girl ang hindi ko mahanapan ng source online...

at bigla ngang tumaas pa ang risk..
untikan na akong madale kay Maria Follosco..
plus, natanggap ko na yung YES niya..
pero no more holdap this time...

credit for the video goes to the original creators..
pero thank you na rin sa nag-share... :)

— feeling , kapag scam, hindi ka makakapasok sa loob ng kuwarto...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 2)


November 10, 2018...

biglang pinagpalit ang schedule ng mga laban today..
Bulacan daw ang venue..
mukhang Ateneo na naman ang malakas ang hatak sa live audience...


Angels versus Fighting Warays

ang 13th 5-setter match ng conference..
4th para sa Tacloban..
5th na para sa Angels...

3-2, panalo ang Fighting Warays..
Set 1, 25-15, hindi pa maganda ang laro ng Tacloban..
Set 2, 23-25, naunang makalayo ang Tacloban..
Set 3, 25-22, pumanig ulit sa Angels ang laban..
Set 4, 20-25, mas madalas na lamang ang Tacloban hanggang dulo, ang daming errors ng Angels..
Set 5, 13-15, dikitan ang laban sa paglagpas sa 10 points, pero nilamon ng sarili nilang errors ang Angels...

upset loss na naman para sa Angels..
4 out of 5 na ang talo nila sa mga 5-setter match..
mukhang endurance ang problema nila..
Player of the Game si Prado with 14 points from 13 attacks and 1 kill block..
may plus 12 digs at 10 excellent receptions pa siya..
Pacres scored 17 points from 15 attacks and 2 service aces..
Guino-o with 11 points..
para naman sa Angels..
Sabete scored 23 points..
Mercado with 16 points...


BanKo versus ADMU-Motolite

naglalaro rin pala si BDL sa PSL habang may PVL pa..
nakabalik na rin si Ferrer...

3-0, panalo ang BanKo..
Set 1, 26-24, untikan nang maagawan ang BanKo..
Set 2, 25-22, nagalit na si Coach Almadro kay Wong, lamang na sa attacks ang BanKo..
Set 3, 25-16, inalis na sa laro si Wong...

hindi pa mabasa ng Ateneo ang laro ng BanKo..
wala pa rin silang nakukuha na ni isang set laban sa BanKo..
maganda naman ang laro ng BanKo tuwing maganda ang mood ni Gervacio..
Player of the Game si Ferrer with 20 excellent sets..
Gervacio scored 14 points fron 12 attacks and 2 kill blocks..
Bersola with 13 points, at talagang ganadong-ganado siya this conference..
Villanueva with 11 points from 9 attacks and 2 service aces, plus 11 digs and 5 excellent receptions..
para naman sa Ateneo..
si Tolentino lang ang naka-double-digit with 13 points...

dahil dun, laglag na ang Ateneo sa #3 dahil sa 3 talo nila...

is feeling , nice game, BanKo...

---o0o---


November 11, 2018...

triple schedule Sunday..
sa Albay sina Baldo..
3 teams ang may back-to-back weekend games...


Creamline versus Pocari-Air Force

madami rin ang sumuporta sa Albay..
nasabotahe ang livestream ng match..
mas magaling pa yung isang account sa social media kesa sa ABS...

ang 14th 5-setter match ng conference..
4th para sa Creamline..
7th naman na para sa Pocari-Air...

3-2, panalo ang Creamline..
Set 1, 23-25..
Set 2, 25-21..
Set 3, 25-20..
Set 4, 22-25..
Set 5, 15-9...

Baldo and Galanza contributed 37 attacks..
Gumabao scored 16 points..
Sato scored 13 points..
para naman sa Pocari-Air..
Pablo with 22 points..
Palomata and Panaga combined for 28 points..
nakagawa rin ng 13 kill blocks ang buong team ng Pocari-Air..
pero bukod sa attacks ay lumalang din ang Creamline sa service aces, delivering 14...

at hindi rin nga nakabawi ang Pocari-Air laban kina Baldo...


ADMU-Motolite versus AdU-Akari

UAAP preview..
ang dami na naman ng live audience para sa Ateneo..
nakabalik na nga si Perez..
hindi pa rin pwede si Soyud...

3-1, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 25-23, nakabawi ang Adamson nang ipinasok si Igao bilang Setter, dikitan na kaagad ang laban..
Set 2, 16-25, maagang lumamang ang Adamson..
Set 3, 25-14..
Set 4, 25-20, ipinasok na rin si Genesis kaso lason siya...

Player of the Game si Madayag with 15 points from 8 attacks, 4 kill blocks, and 3 service aces..
Tolentino scored 12 points..
Gandler also scored 12 points, plus 18 digs and 10 excellent receptions..
para naman sa Lady Falcons..
Flora scored 17 points..
Permentilla with 12 points..
pero as usual, hirap silang magbawas ng errors nila, at nagpakawala ng 29 this time...


BanKo versus Angels

nalagas ang live audience..
patas lang, parehas naglaro kahapon...

3-0, panalo ang Angels..
Set 1, 11-25, off pa ang attacks ng karamihan sa players ng BanKo..
Set 2, 23-25, madami ang attacks ng BanKo kaso marami din ang errors..
Set 3, 18-25, wala talaga ngayon sa sarili nila ang BanKo...

Player of the Game si Nunag with 12 points from 9 attacks and 3 service aces..
Baloaloa scored 11 points..
si Gervacio lang ang nag-double-digit para sa BanKo kahit na medyo pasira-sira din ang laro niya..
bukod dun ay nagpakawala ang BanKo ng 32 errors..

at nabawian nga ng Angels ang BanKo..
3 top teams na ang natatalo nila...

is feeling , Angels, pa-request nang pagtalo sa Ateneo ha...

---o0o---


November 14, 2018...

konti lang ang live audience..
siguro kasi weekday...


BanKo versus Pocari-Air Force

3-1, panalo ang BanKo..
Set 1, 27-25, naagaw pa ng BanKo ang set, off ang laro ni Gervacio, pero si Villanueva naman ang maganda ang laro ngayon...
Set 2, 19-25, napangalagaan ng Pocari-Air ang kalamangan nila..
Set 3, 25-16..
Set 4, 25-20...

may finger injury pala si Tiamzon..
Player of the Game si Villanueva with 22 points from 17 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
may plus 15 excellent receptions pa siya..
para naman sa Pocari-Air..
Pablo with 23 points, plus 13 digs and 11 excellent receptions..
Panaga scored 11 points..
Palomata with 10 points...

at nabawian nga ng BanKo ang Pocari-Air Force..
isa pang consistent na Outside o Opposite Hitter pala ang kulang sa kanila...


Creamline versus Iriga Oragons

the Army veterans' test...

3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-12, nilaro ng bench ang last 5 points..
Set 2, 25-13, nilaro ulit ng bench after ng 20 plus points, ngayon ko lang napanood na maglaro si Maninang...
Set 3, 26-24, inilabas si Baldo sa simula, lumakas ang loob ng Iriga dahil hindi first 6 ang kalaban nila, at first 6 din nga ang tumapos sa laban...

Player of the Game si Baldo with 13 points from 11 attacks and 2 service aces..
may plus 15 digs din siya..
Galanza scored 12 points..
Gumabao with 11 points..
wala namang naka-double digit para sa Oragons...

is feeling , delikado, BanKo na ang sunod na kalaban.. at sa Cagayan de Oro ang digmaan...

-----o0o-----


November 13, 2018...

[Movies]

wala na si Stan Lee..
ni hindi nakatanggap ng Centenarian money...

sino nang magka-cameo nyan sa mga Marvel movies..?
siya pa naman ang totoong tatalo dapat kay Thanos... :(

is feeling , RIP...


>
naman, mga kliyente..
totoong kailangang-kailangan ko ng pera..
pero huwag nyo namang sabayan yung lakad ko nang pag-uubos ng mga mantika at asukal..
hindi rin pwedeng sairin yung pang-load ko...

hindi pwedeng manakit ang mga kalamnan ko for this weekend..
kaya hindi pa ako pwedeng mamili ng kilo-kilong mantika at asukal..
nasa 6 na establishments na ang kailangan kong puntahan sa isang araw, kaya hindi ako pwedeng maglakad nang maglakad nang napakabigat ng mga dala...

is feeling , saka kayo magpakitang-gilas kapag hindi ako busy...

---o0o---


November 14, 2018...

mukhang hindi na ako makakapagtrabaho nito hanggang Friday..
at may Manga Friday pa nga pala ako sa schedule...

sa ngayon may 11 pa akong ready-to-render..
plus may 2 pang kailangan ng fix..
bale nasa 26 hours rin yun ng auto-pilot...

is feeling , auto-pilot muna...

---o0o---


November 15, 2018...

sa lahat ng mga PUJ driver sa [Name of City] na hindi pa rin naniningil ng Php 10, maraming salamat po..
5 jeep na yung nasasakyan ko since last week, pero puros Php 9 lang ang sinisingil nila sa akin..
mabuti naman at may mga tao pa rin na hindi mapang-abuso, lalo na sa bulok na sistema...

is feeling , Heroes...


>
eh yung may buwisit na tawag nang tawag sa isang phone sa bahay..
09222993234..
ang numero ng siraulo...

noong una, siya daw si Wil, tumawag daw siya dahil may ibibigay siya na mga kamatis..
kasunod naman niyang sinabi na kesyo nakapasa daw yung tinatawagan niya (ako in this case) sa Star Hunt..
sa ikalawang beses niyang pagtawag, kaagad niyang sinabi na taga-Lazada daw siya..
tumawag daw siya dahil ipapadala niya ang bangkay ng papa...

after nung tawag na yun, eh puros TV na lang ang nakausap niya..
basta sa tuwing natawag siya eh sinasagot ko kaagad..
tapos eh inilalagay ko lang yung phone sa tabi ng speaker ng TV para makausap naman niya yung palabas na movie...

is feeling , akala mo siguro na ikaw lang ang maalam mang-trip ha...


No comments:

Post a Comment