i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
[Movies / Video]
Peppermint
sinong nakaka-relate...??
credit for the video goes to the original creators and uploader...
— feeling , we need someone like her...
---o0o---
September 26, 2018...
Listahan ng mga dapat kong iwasan na dagdagan ang tally:
- Cosplayer - dahil sa mga unresolved na kaso ng mga nawawalang gatas sa panahon nila, at dahil sa pagko-Cosplay
- Dictator's Daughter - dahil wala pang pinagbabayaran ang angkan nila, dahil sa pagkain ng galing sa nakaw, dahil sa pagiging historical revisionist, at dahil na rin sa mga kasalukuyang katiwalian niya
- Sarah ang Matabang Prinsesa - dahil sa manipulasyon ng malaking bahagi ng isang independent kuno na Branch
- Kape - dahil sa pagiging promotor ng mga FAKE news, pag-abuso sa kanyang posisyon, at kawalan ng delikadesa
- MRT Man - dahil sa kawalan ng prinsipyo para lang makasipsip ng kapangyarihan
- Patilya - dahil sa paggamit sa kanyang pangalan at propesyon para lang ipagtanggol ang mali, at dahil protektor siya ng mga sikat na illegal drug users
- Playgirls' Client - dahil sa pagpapauso ng Balik-Nakaw technique
- Proceed - dahil sa premature technique
- Meme Queen - dahil sa pagkain ng galing sa nakaw
- Kalbo - dahil lang sa pagiging tuta
is feeling , may bakante pang 10 slots...
-----o0o-----
lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
update ulit (503 + 49 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
- yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
- yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
- yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
- yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
- yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
- sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
- sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
- yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
- sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
- sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
- yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
- sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
- sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
- sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
- sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
- yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- (none as of the moment)
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
- yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
- yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
- yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
- yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
- yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
- yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
- yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
- yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
- yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
- yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
- yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
- yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
- yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
- yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
- yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
- yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
- yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
- yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
- yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
- yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
- yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
- sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
- yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
- yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
- yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
- yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
- yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
- yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
- yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
- yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
-----o0o-----
September 22, 2018...
sa Bocaue, Bulacan..
yung hepe ng mga pulis..
yung hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect...
hindi daw kasama sa inventory yung mga sinasamsam na mga sasakyan..
at ginagamit daw yun ng suspek sa mga personal niyang lakad..
bukod pa dun ay nanghihingi daw ito ng smartphone bilang kapalit, para makuha ulit ng mga nabiktima niya yung kinuha sa kanila na mga sasakyan...
is feeling , at ang sabi ng ibang tao na tanggapin na lang na ganito na talaga ang mundo...?
---o0o---
September 23, 2018...
okay..
absuwelto na naman ang Dictator's Widow... :(
may documents tungkol sa mga foreign bank accounts na nakita daw sa palasyo noon..
may totoong mga bank accounts na na-freeze sa ibang bansa..
pero dahil walang testigo kung kanino nga talaga yung mga accounts, eh parang balewala lang yung kaso...
ano bang gusto nilang palabasin..?
na may tangang nag-ambagan ng ganung kalaking halaga, para lang may maisisi dun sa angkan na yun...?
para rin yang yung mga year 2000 plus na mga kaso eh..
nakikita sa mga audit na may mga nawawalang pera..
pero walang pinarurusahan, kasi walang makapagsabi kung saan o kanino mismo napunta yung mga ninakaw... :(
is feeling , thank you, M.A.D. alliance.. unti-unti nang nababago ang history...
>
[Pets / Pests]
sa Bulakan, Bulacan..
yung 67 y/o na lalaking tricycle driver na kinagat ng nakakawalang aso..
base sa video eh mukhang hindi naman sinaktan nung matanda yung aso..
parang sinita lang niya dahil nasunod sa kanya..
matapos yun ay kinagat na nga siya nung bayolenteng nilalang...
is feeling , thank you sa pagprotekta sa posibleng dahilan ng panganib...
---o0o---
September 24, 2018...
gawin na daw Php 12.00 ang pamasahe sa jeep... :(
salamat sa mga bobong transport group na kapwa ordinaryong mga mamamayan ang pinupuntirya..
sa bagay, mga tuta nga rin pala kayo ng idol..
sa halip na labis-labis na panggagatas ang puntiryahin ninyo, eh talagang yung wala ng ibang mapagkukunan ang bibiktimahin ninyo...
is feeling , from Php 1.50...
>
napakatuso ng plano na 'to...
kahirapan..
bagsak na ekomoniya..
pinagsabay-sabay lahat ng mga projects na lalong nagpapabagsak sa ekonomiya, bukod pa yung abalang dulot nila..
nagkataon lang naman yung impact ng ibang nasyon..
pinalakas na gatasan..
palpak na pamamalakad sa mga supplies..
at mga pekeng rebelde...
tapos anong ginagawa nila ngayon..?
pinapalabas nila na lahat ng nagrereklamo eh nahahaluan ng mga rebelde..
na lahat ng nangyayari ngayon sa bayan ay dahil sa manipulasyon ng mga rebelde..
seriously..??
yung ayaw pakawalan ang gatas eh kasalanan ng mga rebelde..?
yung tinaasan nang tinaasan ang gatasan sa mga key items eh nasa desisyon ng mga rebelde..?
yung palpak na management ng mga basic supplies eh saklaw ng mga rebelde..?
yung maluluho at sabay-sabay na pagpapatayo ng mga malalaking projects eh kagustuhan rin ng mga rebelde...??
eh baka yun ang dahilan kung bakit ayaw nilang makipag-ayos sa mga rebelde..?
dahil kailangan parati nila ng masisisi..
at mukhang tama yung istorya nung ibang mga sumuko na lang, na masarap ang mga buhay ng mga rebelde kuno na nagdedesisyon para sa kanila...
sa punto na 'to..
mukhang ginagamit nila ang mga pekeng rebelde para mangmanipula..
sinasadya nilang patamaan ng lumulubhang kahirapan ang ibang mga mamamayan..
sinasadya nilang mang-provoke, para may magreklamo..
bakit walang pumapayag na gamitin na option ang pag-aalis ng gatas..?
bakit sila mas nagpo-focus sa mga isyu na hindi naman makatutugon sa problema sa ekonomiya..?
dahil wala talaga silang balak na solusyunan ang mga problema..
naghihintay sila ng mga personalidad na kikilos para palabasin na may kumakalaban sa kanila..
at hindi na ako magtataka kung mga pekeng rebelde ang sumusubok na makipag-ugnayan at mag-provoke sa mga kilalang tao..
hindi na rin ako magtataka kung yung mga pekeng rebelde rin mismo ang nagbibigay ng intel kuno na may niluluto sila...
tungkol lang 'to sa kapangyarihan..
kung paano nila ibabalik ang kadiliman..
at kung paano nila itatama ang history ng mga apelyido nila...
is feeling , kailangan lang nila ng convincing na script para maisakatuparan ang deal sa loob ng alyansa nila...
---o0o---
September 25, 2018...
[Pets / Pests]
sa Bacarra, Ilocos Norte..
yung 1 y/o na bata na kinagat at pinagkakalmot pa daw ng nakataling aso..
not sure, pero sa kanila naman yata yung aso...
according rin sa statistics eh umabot na sa 2,000 mahigit ang bilang ng mga nakagat ng mga aso't pusa sa Ilocos Norte pa lamang ngayong taon na ito..
at hindi pa tapos ang taon...
is feeling , tapos gusto nila na ipatupad rin ang hustisya maging para dun sa mga palaboy na mga hayop.. samantalang tatamad-tamad silang manghuli...
>
rebelyon..?
pero iisang tao lang talaga ang pinag-initan...??
sabi na nga ba eh..
namamanipula ang records sa base..
the same reason kung bakit hindi nila ina-acknowledge ang version ng history ng America at ng kapwa mamamayan nila...
basurang Branch..
well-trained dogs..
nakakaruming isipin na hawak ng Branch na yun ang lahat ng mahahalagang desisyon para sa bayan..
mukhang mula sa isinumpang panahon na ito eh puros pabor na lang sa M.A.D. alliance ang gagawin nilang mga desisyon...
is feeling , we're doomed...
>
kalimutan na ang kaso ng pagnanakaw ng Dictator Clan..
ano ngayon kung may mga na-freeze kayong Swiss bank accounts, wala naman kayong pruweba..
kalimutan na ang kaso ng lahat ng mga umabusong sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary..
kalimutan na ang mga kaso ng pagnanakaw sa panahon ng Cosplayer..
kalimutan na ang mga kaso ng pagnanakaw sa panahon ng alyansa ng NGO Queen..
okay na yung kaso ni Playgirls' Client, dahil ibinalik naman niya yung ninakaw nila matapos silang mabuking..
kalimutan na ang kaso ng lahat ng mga pinalulusot na supply ng ilegal na droga...
mag-focus tayo sa mas makabuluhang kaso..
yung sobrang importante para sa bayan..
yung nagpapahirap sa mga mamamayan..
mag-focus tayo sa rebelyon noon ng iisang tao..
huwag nang isali yung iba, dahil baka makakuha pa ng simpatiya..
kailangan siyang maparusahan dahil sa paglaban niya dati sa isang tiwaling pamunuan...
is feeling , masama na labanan ang katiwalian...
---o0o---
September 26, 2018...
yan ang isa sa mga magandang pagtuunan ng pansin..
age of criminal liability...
dapat magpa-research tungkol diyan, para medyo mas accurate ang maging desisyon..
noong nasa elementary school pa lang ako, nasa Grade 4 pa lang ako eh uso na yung mga bully na naghahamon ng suntukan..
dati ang edad ng mga Grade 4 student ay 10 y/o na or turning 10 during that academic year..
noong nasa Grade 5 naman ako, uso na noon yung bigla ka na lang tatamaan ng flying kick sa likod mo kapag napag-initan ka ng mga siga sa school..
well, para sa akin yun yung mga edad na pamilyar ako, kung kailan posible nang magkaroon ng kagustuhan na manakit ng kapwa ang mga kabataan...
pero bukod sa pananakit, iba-iba pa naman kasi ang forms ng krimen..
though pinaka-concerned talaga ako sa mga bagay na may kinalaman sa pisikal na pananakit or worst eh sa pagpatay...
is feeling , siguro pwede ngang ibaba pa sa 10 y/o...
>
ano ba yan...?
mang-aagaw na nga ng mga teritoryo..
mang-aagaw pa ng hanapbuhay... :(
is feeling , bestfriends forever...??
>
nagpo-produce na ng mga ebidensya kuno para sa October Pest..
nagtuturo na rin sila ng kung sinu-sino..
mukhang dadanas na ng impiyerno ang bayan pagdating ng buwan ng October...
so ang role pala ng Cosplayer ay bilang support sa kung anuman ang gusto nilang ideklara sa October Pest..
kaya siguro malakas ang loob nilang magbalasa ng posisyon kahit na konting panahon na lang ang nalalabi para sa Cosplayer...
hindi ko pa rin maintindihan kung paano nila balak kumbinsihin ang lahat sa plano nila..
totoong 3 Branch na ang sakop nila..
malaki ang bilang ng mga tutang Chunin..
pero kahit papaano ay hindi nila tuluyang mapagharian ang hanay ng mga Jonin..
2 Jonin na ang nadungisan nila..
1 ang walang kakayahan na mag-isip at sunud-sunuran lang..
5 ang may bias para sa Hokage na Mahilig..
1 ang pwede pang alukin ng malinis na record para sa angkan niya..
hindi ko naman masabi ang bilang ng mga nagpe-play safe lang...
ang worst case sa October Pest plan..?
yung maloko nila ang marami or at least 16 Million na Panatikong Zombies na kesyo may naganap ngang pag-atake laban sa pamunuan nila..
at mahihiya na lang kumontra sa kanila ang karamihan ng mga Jonin...
is feeling , sa sobrang sigurado na ng non-intelligence, pati title eh alam na nila...
---o0o---
September 28, 2018...
yung umamin na na gawain nga niya ang extrajudicial killings..
pero siyempre walang kaso yun para sa tutang J Branch (as in hindi naman lahat, pero dominated na ng mga tuta)..
kasi malamang maghanap na naman ang mga yun ng firsthand na mga ebidensya..
at hindi nila para i-honor ang pag-amin...
besides, base sa binuong personality nung taong yun..
malaya niyang sabihin ang kahit na anong gusto niya..
kahit na gaano pa yun kabastos o kasama..
at kapag may naghabol sa kanya ng dahil dun, pwedeng-pwedeng sabihin ng kampo nila na kesyo joke lang yun...
pero ang isyu kasi regarding sa extrajudicial killings ay..?
gaano ba sila naging ka-accurate sa pagtutumba nila...??
is feeling , or posibleng trap pa din yun para mang-provoke ng mga tututol sa kanya, then kapag may kumagat, eh saka magrereklamo na kesyo gusto siyang patalsikin...
>
ang gulo nung kaso nung Intsik...
hindi ba raket yung pagiging hired killer..?
tapos sasabihin nila na naging witness yung hired killer, dahil medyo related siya dun sa target niya, kaya siya tinubuan ng konsensya..?
so matapos na umamin na hired killer siya, pakakawalan na lang ba siya ng mga awtoridad...??
pero ang masama dun sa kaso..
nauna nang iniugnay yung mastermind DAW sa October Pest..
tapos ngayon eh kumakambiyo sila na kesyo wala daw silang matibay na ebidensya...??
is feeling , ano na namang non-intelligence yun..? bakit binabawi-bawi...??
>
yung iniimbestigahan na kaso ng nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters..
yung nawawala DAW...
4 na pulis ang itinuturo ng PDEA bilang mga suspek, na posibleng nakipagsabwatan daw para maipuslit yung ilegal na droga...
is feeling , may nagpadaan na naman ng supply...
No comments:
Post a Comment