Friday, September 28, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2018 (Patreon)

Loveless Story


September 26, 2018...

[Gadget-Related]

dumagdag pa sa kamalasan ko yung pinapagawang rooftop sa kalapit-bahay..
puros metal works..
maya't maya tuloy ang switch ng UPS ko sa AC at battery-mode sa tuwing nagwe-welding na sila..
5 araw na yatang ganito ang sitwasyon..
sa lunch break lang ng mga trabahador at sa mismong break time ng computer ko nakakaiwas yung UPS sa parusa ng unstable na kuryente...

is feeling , halos Php 2,500 din yung bata pang UPS na yun eh...


>
naka-launch na sa wakas yung Patreon page ko...

kaso wala pa ngang content..
malaking problema pa rin yung PDF conversion..
kapag naubusan ako ng option, mapipilitan akong paisa-isang mag-attach ng mga JPEG...

is feeling , last 4 days para sa September...

---o0o---


September 28, 2018...

naiinggit ako dun sa ibang artists na nasa 500 or more yung international supporters..
eh kasi naman..
kahit sa USD 1.00 lang na contribution nila per month, kapalit ang makita yung content at updates mo..
eh halos katumbas na yun ng isang buwan na sweldo ng isang stable na single...

kaso..
hindi ko naman pwedeng ipangalandakan sa mga kakilala ko sa totoong buhay na kesyo nasa linya ako ng dark arts... :(

is feeling , gusto kong sumikat...

---o0o---


September 29, 2018...

at talagang sinisilip ninyo ang oras ng pagtatrabaho ko...??

putang ina, hindi ako ang sperm donor ng mga batang yan..
yung mga magulang nila, kailan ninyo sinilip yung oras nila sa pagtatrabaho..?
may punto ba sa mga lecheng buhay nila na direkta ninyong sinabi na kailangan ninyo ng tulong dahil sobrang hirap i-manage ng 2 aktibong bata, na may depekto pa ang isa...??

bakit parati na lang akong nagtatrabaho..?
sino nga ulit yung may kailangan pang bayaran na computer..?
sino nga yung hindi naman regular ang kita at inabala ng iresponsableng kantutan nila para lang maranasan ang battle for survival sa lecheng mundo na 'to...??

mga putang ina ninyo..
samantalang yung taong pinag-invest-an ninyo ng maraming tuition, nang walang scholarship na katulong..
yung ipinangutang ninyo ng 2 laptop in a very short period of time..
yung nakaka-3 ng above Jelly Bean na smartphone..
yung ilang lilibuhing salamin na sa mata ang nasisira..
nasaan yung putang inang yun..?
parati lang nagge-games at nanonood ng anime sa mamahalin niyang laptop..
subukan ninyong utusan, at tiyak pa na may masisirang gamit sa bahay..
at malapit na siyang mag-board exam sa lagay na yun...

isa pa yung demonyong matandang lalaki na yun..
sino ba yung parati niyang pinauulanan ng pera na pang-games sa computer shop noong mga panahon na napakayabang niya dahil nagpapatakbo siya ng isang pasugalan..?
hindi ba't yung paborito nilang bunso at yung mga apo niya sa bayan..?
tapos panay oras ko ang sisilipin ninyo ngayon..?
kesyo tumulong ako sa pag-aalaga ng mga bata...

wala akong pakialam kung pera nila ang ipinambibili nung mga espesyal na ulam..
ang putang inang punto, walang oras para sa mga ganung klase ng kapritso..
gusto nila ng espesyal na mga ulam sa tuwing nauwi sila..?
edi matuto silang magbayad ng oras ng ibang taong inaabala nila..
pero ano, ayun at inutil yung isa nilang binabayaran na bantay..
kung ayaw nilang bumili ng oras ng ibang tao, edi matuto naman silang kumain nung mga easy to prepare na pagkain o di kaya eh mga de-lata..
hindi yung putang ina, kesyo pagod kayo galing sa pagtatrabaho kaya gusto ninyo na ipag-prepare kayo ng masasarap na pagkain pag-uwi ninyo habang inaalagaan rin ang mga anak ninyo...

tapos ano..?
tingin ninyo na responsable na kayong mga magulang dahil malalaki ang kinikita ninyo...??

is feeling , kung ako lang ang pinapili sa simula.. hindi ko na nanaisin na magkaroon pa ng oras sa pesteng mundo na 'to...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 1)


September 22, 2018...

double round-robin ang elimination...


Angels versus Fighting Warays

3-0, panalo ang Angels..
Set 1, 25-22..
Set 2, 25-14..
Set 3, 26-24...

nakuha ng Angels si De Leon from UST, and according to her August last year pa siya huling nakalaro..
Mercado with 14 points..
Mendrez naman with 11 points, from 8 attacks and 3 service aces..
si Guino-o lang ang nagdala sa Warays with 9 points...


BanKo versus Iriga Oragons

balik BanKo si Bersola..
3-1, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-14..
Set 2, 19-25, nakabawi pa ang Oragons..
Set 3, 25-17..
Set 4, 25-9, overkill ng BanKo...

Player of the Game si Dacoron..
ang tumambay sa service area sa Set 4..
15 points ang na-deliver niya, from 5 attacks, 5 kill blocks, at 5 service aces...

is feeling , sasaluhin muna nung ibang teams ang mga dapat na schedule ng Creamline...

---o0o---


September 23, 2018...

Pocari-Air Force versus ADMU-Motolite

umalis na pala si Maraguinot sa Ateneo..
hindi na niya gagamitin yung 5th Year niya..
hindi na masamang desisyon dahil hindi naman niya kayang maging Ace Player...

balik Air Force na pala si Cases..
so nagkaroon ng medyo malakas na veteran na kakampi si Pablo...

3-1, panalo ang ADMU-Motolite..
Set 1, 23-25..
Set 2, 25-17..
Set 3, 20-25..
Set 4, 28-30, at kinapos nga ang Pocari-Air...

Player of the Game si Tolentino..
19 points, from 13 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
BDL naman with 12 points..
para sa side ng Pocari-Air..
Pablo scored a massive 30 points..
at si Panaga with 16 points...


BanKo versus Angels

back-to-back games kaagad para sa kanilang 2...

3-1, panalo ang BanKo..
Set 1, 25-22..
Set 2, 25-17..
Set 3, 22-25..
Set 4, 25-17...

Player of the Game si Villanueva..
hindi na siya Service Specialist lang ngayong wala ng mga import..
15 points, from 10 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces...
Tiamzon with 16 points, purong atake lang..
Gervacio with 14 points...

saglit ding mawawala ang BanKo dahil may sasalihan silang tournament sa Vietnam...

is feeling , 2 teams na lang ang hindi pa nakakalaro...

---o0o---


September 26, 2018...

Fighting Warays versus Iriga Oragons

3-0, panalo ang Tacloban Fighting Warays..
Set 1, 25-17..
Set 2, 25-17..
Set 3, 25-19...

sina Guino-o at Prado ang nagdala sa Warays with 13 points each, at 11 digs each para naman sa depensa..
si Bombita lang naman ang umabot sa double-digit para sa Iriga with 12 points..
mahihirapan talaga ngayon ang Iriga lalo't wala ng import...


Pocari-Air Force versus Angels

may AFP Olympics pa pala na nilalaro ang Air Force yata...

ang unang 5-setter match ng conference..
Pablo versus Pablo..
3-2, panalo ang Pocari-Air..
Set 1, 25-20..
Set 2, 29-31..
Set 3, 25-15..
Set 4, 17-25..
Set 5, 15-5 na overkill...

Player of the Game si Pablo..
22 points, from 19 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Panaga with 11 points..
Palomata with 10 points..
para naman sa Angels, Sabete with 17 points, siya yung kahawig ni Nabor..
14 points naman ang pinagsamang score nina Mercado and Marites Pablo...

is feeling , napagkaitan na ulit ng S+A...

-----o0o-----


2018 Asian Women's Volleyball Cup - Battle for 9th Place


September 22, 2018...

Philippines versus Kazakhstan

panibagong 5-setter match para sa National Team..
3-2, panalo ulit ang Philippines laban sa Kazakhstan..
minalas sa errors ang Kazakhstan..
25-13..
23-25..
25-22..
17-25..
15-8..
so sila ang nakakuha ng 9th Place, out of 10 teams...

maganda talagang addition sa National Team si Paat, kahit na 5'11" lang siya..
si Cruz naman ang mas nagdala sa team sa final set...

tama na nga yan..
ibalik na ang mga players ng Creamline para sa laban nila next week...

is feeling , pero posibleng mas mataas pa sana sila sa 9th Place kung ganap na National Team yung naisali nila...

-----o0o-----


September 23, 2018...

bagsak na ekonomiya..
nagtataasang halaga ng mga bilihin..
luho sa sigarilyo..
luho sa junk food..
libreng allowance, pero nami-mismanage naman... :(

wala na..
bumalik na ulit yung kalikutan ng kamay nung sperm donor..
basta may nabakante na kuwarto, eh maghahalungkat at maghahalungkat...

tapos bumabalik yung mga alaala noong pinabalik nila ako sa bahay..
kesyo hindi naman daw pagnanakaw yung mga ginagawa niya..
so kapag Php 500 ang kinuha, eh hindi yun classified na pagnanakaw..?
so kapag Php 5 to 20 ang regular na kinukuha sa iba't ibang araw, eh hindi rin yun classified na pagnanakaw..?
so kapag pagnanakaw ang kaso, eh talagang malakihang halaga dapat ang involved...??

is feeling , ang alam ko.. basta patraydor kang nanguha ng pera o ari-arian ng iba.. yung palihim o walang paalam.. at yung wala nang saulian.. pagnanakaw na yun...


>
lintik na ang mga kabataan sa panahon ngayon... :(

kaninang tanghaling-tapat lang..
may dumaan na 3 bata sa tapat ng bahay namin..
sa tantsa ko eh puros below 10 y/o pa sila..
bale magkaka-share sila sa 2 bike..
lumilipat-lipat kasi yung 1 bata nang inaangkasan niya..
nang biglang tumigil sila sa tapat ng bahay namin at biglang nag-usap-usap..
ipinarada nila yung mga bike nila..
at talagang malalakas pa ang kanilang mga boses...

hindi ko masyadong naintindihan lahat ng mga pinag-uusapan nila..
basta ang malinaw lang sa narinig ko ay yung noong nagtatanungan na sila..
"aakyat-bahay na natin..?"..
yun ang putang inang tanungan nung mga bata sa isa't isa...

noong una ay inoobserbahan ko lang sila..
nagtago lang ako sa bandang gilid nung screen na pintuan namin sa harap..
baka naman kako tamang usapan lang yun..
baka naman kako hindi ang bahay namin ang kanilang tinutukoy...

pero halong pagkamangha at takot ang naramdaman ko noong nagsimula na silang pumuwesto..
nagsiakyatan na sila doon sa nakaangat na lupa nung halaman sa tapat mismo ng aming pader sa harapan..
nahaharangan naman sila doon nung nakaparadang sasakyan ng aming kapitbahay..
namangha ako, eh kasi naman ay tanghaling-tapat nga pero ang lalakas ng loob nila na gawin ang plano nila..
at natakot, dahil nga ang liliit pa nila pero handa na silang bastusin ang seguridad ng ibang tao...

naisip ko noong una kung yung rambutan pa rin ba ang tinutukoy nila..?
pero nagduda ako dahil wala naman ng bunga yung puno, maliban dun sa mga nanuyot na sa mga tuktok na bahagi..
baka naman kako may gamit lang sila na napadpad sa loob ng bakuran namin..?
pero noong sinilip ko na eh wala naman..
kaya naman mas napaisip ako..
ano ba ang pakay nila..?
yun bang bahay namin..?
o yun bang bahay ng kapitbahay namin, dahil saktong walang tao doon ngayong araw...?

takot akong pumatay ng mga bata..
eh kasi naman pinoprotektahan ng batas ang mga batang kriminal..
bukod pa dun yung takot na baka bigla ka na lang balikan nang ni hindi mo kakilala na mga kaanak nila..
pero wala akong kakayahan na magbasa ng utak ng ibang tao..
hindi ako tanga para maghintay at manood na lang kung ano ba ang pinakamalala nilang kayang gawin, at saka pa aaksyon at idadaan pa ang lahat sa mga pulis...

pero para lang bigyan sila ng babala..
naglakas-loob ako na lumabas sa harapan ng bahay namin..
pasimple ang naging pag-alis nung mga bata..
yung 2 ay nag-bike, samantalang hindi naman patakbo na umalis yung 1 naiwan nila..
parang naglakad lang nang natural...

is feeling , batas sa trespassing.. sana ay ikaw ang manaig.. handa akong pumatay kapag pinasok na ulit ang aming bahay...

---o0o---


September 26, 2018...

ang bangis ng Europe..
ang US hanggang income tax lang kung sakaling ma-reach yung malaking amount..
pero sa Europe, pati pag-subscribe sa Patreon eh may kaakibat na VAT...

is feeling , nakakatakot maging mahirap sa continent nila...

---o0o---


September 27, 2018...

handa na..
may hardcopy na ulit ng SSS with PRN...

pero kailangang mag-revise ng schedule sa pagtatapos ng September..
September 30, day off..
October 1, SSS at PhilHealth..
October 2, general cleaning..
October 4, grocery day...

is feeling , adjust...


No comments:

Post a Comment