Saturday, September 15, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2018 (Substitute Picture)

Loveless Story


September 10, 2018...

nakakita ako ng babaeng kahawig nung taong hinahanap ko..
pero may specific lang na anggulo na magkahawig sila...

mom na rin yung babae..
tsaka thick type siya...

kaya ayun..
yun na munang picture niya ang wallpaper ng phone ko... <3

is feeling , substitute muna...

---o0o---


September 12, 2018...

[Book]

Updated/Revised Casting Proposal (Incomplete):
• Empoy Marquez as me..
• Marian Rivera as Almeja
• Justine Battung as Jacqueline (yun pala yung public name niya)
• Bela Padilla as Anne
• Megu Fujiura as Emoji-Girl
• Ana Capri as Miss A (pinalitan para bigyan ng daan si Miss V)
• Jinri Park as Miss J
• Julia Barretto as Strawberry (aaminin ko na, yun talaga yung kawangis niya, but with less cheeks)
• Valentina Nappi as Miss C (dahil sa cleft chin)
• Ava Dalush as Miss Ab (dahil sa body type)
• Lucy Li as Miss D
• Coraleen Waddell as Miss Co (yung simple look ni Cora, tapos yung may kasamang ngiti)
• Abby Poblador as Miss H
• Kylie Page as Miss P (pero brunette)
• Anna Polina as Miss S (yung face, pero gawin mong Sensual Jane yung body)
• Maja Salvador as Miss V
• Juliana Palermo as Miss Al (ang totoo mas Isabella de Leon yung facial details niya, pero dahil bata ang tingin ko dun eh Juliana Palermo na lang)
• Julz Gotti as Love Burger (pero fair skin)
• Cristine Reyes as The Korean
• Connie Sison as YAM (yung fit version ni Connie Sison dati)
• Cassandra Calogera as Dime (yung matabang version, tapos gawin ding morena)

is feeling , revision.. may nakita lang ako na mas kahawig ulit...

---o0o---


September 15, 2019...

pero wala akong magagawa..
hangga't may bahagi ng sarili ko na umaasa na makikita ko pa siyang muli..
hindi ako pwedeng basta na lang sumuko..
kung yun lang yung paraan para makasigurado ako sa nararamdaman ko..
dahil alam ko na yun lang yung makapagbibigay ng tuldok sa istorya na iyon...

is feeling , tuldok...

-----o0o-----


[V-League]


PVL Season 2 - Collegiate Conference - Finals


September 9, 2018...

AdU versus UST

ang 7th 5-setter match ng conference..
3-2, panalo ang UST..
extended pa yung 5th Set hanggang 15-17..
malas lang ng Lady Falcons dahil mga error pa talaga ang tumapos sa laro nila..
si Alessandrini ang nagdala sa UST, 31 points with 24 attacks, 6 kill blocks, at 1 service ace..
bukod pa yung tulong niya sa depensa na naman na 13 digs at 11 excellent receptions..
Eya Laure with 21 points plus 15 digs..
para naman sa Adamson, Soyud with 22 points..
Dacoron and Permentilla both with 18 points...

at talagang nanganib pa nga na walang makuhang award ang Adamson...


FEU versus UP

live ang Finals - Game 1..
ang 8th 5-setter match ng conference..
at ang 6th 5-setter match na hinarap ng FEU..
3-2, panalo ang UP..
ang lakas ng comeback ng UP mula sa 2-0 na kalamangan ng FEU..
Molde with 16 points..
Rosier with 15 points, na may 13 attacks and 14 digs..
Buitre with 14 points, na may 13 attacks...

na-injure pa pala si Domingo noong 5th Set..
Guino-o with 17 points, from 11 attacks and 6 service aces..
Domingo with 16 points, from 9 attacks, 3 kill blocks, and 4 service aces..
Ebon with 14 points...

is feeling , UP, pagkakataon nyo na 'tong mag-champion.. at wala pa nito si Caloy...

---o0o---


September 12, 2018...

AdU versus UST

3-1, panalo ang Adamson..
4 sets lang..
at dahil umabot ng 5 sets ang Game 1 nila, at natapos naman kaagad ng UP ang laban nila sa Game 2, eh mas tumaas ang quotient ng Adamson para makuha ang 3rd Place...

Soyud with 14 points..
Flora with 12 points..
Dacoron with 11 points..
sa UST naman..
Alessandrini got 22 points, with 15 attacks, 6 kill blocks, and 1 service ace..
nakakalungkot lang na walang nakuhang award si Alessandrini..
Eya Laure naman with 10 points...

well, kahit papaano eh nakakuha na rin ng 3rd Place si Coach Padda...


FEU versus UP

ang 9th 5-setter match ng conference..
at ang 7th 5-setter match para sa team ng FEU..
pero 3-2, panalo ulit ang UP...

Molde with 22 points, purong galing lang sa atake..
Buitre and Layug with 12 points each..
Estranero with 28 excellent sets..
for FEU naman..
Ebon with 13 points..
Malabanan with 12 points..
and FEU with 40 big errors...

malaking bagay talaga na nawalan ang FEU ng Ace Player na Outside Spiker..
pero totoo rin nga, ito yung UP team na pinakagutom sa Championship..
dati napakadali nilang mawalan ng loob kapag naibababa sila ng mga katunggaling koponan, pero this time eh lumaban lang talaga sila nang lumaban gamit yung best nila..
good job para kay Coach Okumu, sa wakas napakita rin nila yung mga natutunan nila sa ibang bansa...


Awards

Molde (UP) - Finals & Conference MVP
Molde (UP) - 1st Best Outside Spiker
Flora (Adamson) - 2nd Best Outside Spiker
Domingo (FEU) - 1st Best Middle Blocker
Gannaban (UP) - 2nd Best Middle Blocker
Soyud (Adamson) - Best Opposite Spiker
Igao (Adamson) - Best (Rookie) Setter
Ponce (Adamson) - Best Libero

is feeling , congratulations, UP! sa wakas, nakakuha rin ng Championship.. kaya magpagaling na ang lahat ng injured, humanda na para sa panibagong digmaan sa UAAP...

---o0o---


PVL Season 2 - Open Conference


September 13, 2018...

parang lugi na naman ang Creamline..
nasa 2018 Asian Women's Volleyball Cup kasi sina Baldo, Morado, Galanza, Sato, at Gohing..
may labanan from September 16 to 23..
pero sa September 22 na daw ang simula ng Open Conference... :(

para sa lineup ng mga teams..
dahil NU na ang naglalaro para sa BaliPure, kagaya nang pag-atras at hindi pagdepensa ng NU sa title nila sa Collegiate Conference, eh hindi na rin daw dedepensahan ng BaliPure-NU ang title nila sa Open Conference..
pasok pa rin naman ang Pocari-Air Force, BanKo, Petro Gazz, Tacloban, at Iriga..
hindi rin nabanggit ang PayMaya (Smart Giga Hitters yung team nila sa PSL)..
pero sasali sa digmaan ang Adamson-Akari (makakalaban na nila si Galanza) at ang ADMU-Motolite...

is feeling , teka.. that means na mas maliit at mahinang National Team ang ihaharap nila sa AVC 2018...

-----o0o-----


September 10, 2018...

ano ba yan..?
ang bagal pala ng customer support ng Patreon..
sa halip na napapag-aralan ko na yung sistema eh... :(

yung PSBank wala pa rin...

yung Globe SIM wala pa rin...

is feeling , still stuck...

---o0o---


September 11, 2018...

[Business]

tumaas na rin ulit ang presyo ng Breeze..
Php 10.25 na from Php 10.00...

pero walang magagawa..
sacrifice..
hanggang Php 11.00 pa rin lang ang bentahan...

kaya kayong mga abusadong kliyente..
putang ina!
intindihin ninyo ang sitwasyon..
tutal nakarami na kayo ng mga nahinging bunga ng puno namin..
eh unawain nyo naman na wala nang pasko para sa akin, ang totoo - matagal na, pero lalo na ngayon...
kaya bawal nang mag-caroling sa bahay namin, tapos eh magde-demand pa na tig-Php 1.00 per head, per night..
yung mga siraulo eh sa sobrang abusado eh November pa lang eh nagsisimula nang manggatas ng kapwa nila... :(

is feeling , yung mas madalas na akong mag-grocery lately.. pero walang estimate ng patubo na pumapalo sa Php 100 pataas...


>
[Business]

nakalimutan ko palang i-record last month..
sa wakas napaabot ko na sa Php 20,000 yung income nung ice raket..
August 2014 noong napaabot ko yun sa Php 10,000, from year 2009..
at inabot nga ako hanggang August 2018 para maabot naman yung Php 20,000...

to think na nagsimula ako sa Php 1.00, then Php 1.50..
tapos hindi na kinaya at kinailangan nang gawing Php 2.00..
mas malaki pa dapat dun yung resulta kung naging gahaman lang ako katulad ng iba..
pero sa halip, pinili ko pa rin na mag-compute at maging patas...

is feeling , yun nga lang, gross yun at hindi net...


>
[Business]

ang bad news..?
hindi na magiging bahagi ang TM ng loading raket ko... :(

bakit..?
kasi titigil na ang GCash ng Globe sa pagbibigay ng rebate sa paglo-load ng TM through *143#..
para sa Messenger at sa GCash App na lang daw yung may rebate..
at nakakatampo yung ganung uri ng diskriminasyon...

ano ba 'tong nangyayaring kamalasan sa akin..?
una, napadpad ako sa PSBank dahil nga palpak yung SIM replacement service ng Globe, at dahil gustong pakialaman ng BDO yung personal e-mail ko..
sunod, PSBank naman yung pumalpak na sa pagwi-withdraw ng PayPal fund..
tapos ngayon ibinabalik na naman nila yung problema ko sa GCash...? :(

ang mas matindi pang kamalasan dun..?
nag-reload ako kaninang umaga lang ng nasa Php 1,000, kasi hindi ko naman ini-expect na mawawala na nga yung serbisyo..
tapos bigla ngang dumating nitong hapon yung advisory na kesyo hindi na daw kami saklaw nung rebate... :(

ang isang problema..
wala akong smartphone na pasado sa system requirements ng parehong Messenger at GCash App..
sa totoo lang, wala akong sapat na rason para bumili na ng smartphone na medyo latest yung OS..
bukod pa yung nanghihinayang akong bumili ng device na baka hindi naman magtatagal..
7 years ko nang ka-partner yung Nokia 2730c ko, at kung magpapalit man ako ng phone, siyempre dapat mas matagal pa dun yung maging lifespan..
pero ang pangunahin talagang problema..
luma na yung SIM card ko at hinding-hindi ko yun mapapalitan sa Globe..
standard size pa yun, at hindi ko naman maisugal na i-cut dahil lampas 7 years na yun..
delikado dahil kung anu-ano ng accounts ang naka-link dun..
meaning, kailangan ko munang mapapalitan ng tri-cut yung SIM ko, bago ako bumili ng smartphone...

is feeling , titigil na lang ako, kesa naman sa magpatubo...


No comments:

Post a Comment