Loveless Story
October 1, 2018...
naman...
ang dami kong kailangang gawin ngayong Monday..
pero talagang ngayon pa ako nakakita ng panibagong source..
27 + 4 na ang sources ko..
sigurado ako dito sa bago, hindi ko lang ma-verify yung identity niya...
dahil dun..
kailangan ko munang gumawa ng extraction..
hopefully may makita na akong clue tungkol dun sa babaeng hinahanap ko...
is feeling , bingo!
>
ano ba yan..?
wala pa rin..
akala ko pa naman eh babawiin na yung negative karma ko dahil sa SSS, at mahahanap ko na siya sa wakas...
dahil dun sa bago kong nahanap, nakapag-verify ako ng 3 chini-check kong mga tao..
2 ang na-promote sa named..
3 ang nadagdag sa verified pero unnamed..
at 1 ang naalis dahil sa kakulangan ng match..
so umakyat na sa 29 + 5 yung sources ko...
nakakaasar..
nagawa kong ma-recognize yung bago ng dahil lang sa itsura ng mga mata niya..
andun yung pakiramdam na may angking galing rin talaga ako sa paghahanap ng mga taong pamilyar sa akin ang itsura..
pero bakit yung babaeng hinahanap ko eh hinding-hindi ko mai-spot-an sa kahit saan...? :(
is feeling , will be asking those users later.. bahala na yung pang-front kong drone...
>
kanina naisip ko na kausapin na yung lalaking link ko sa kanila..
i was hoping na dahil lalaki siya, na baka maiintindihan niya ako..
na baka mas maiintindihan niya kung bakit ko kailangang hanapin ang babaeng yun...
kaso hindi ko itinuloy..
open source yung sa kanya..
at hindi ko pa kaya na i-risk na mawala yun...
sa ngayon, out of 34 links, 7 na yung natanong ko..
at 4 dun sa 7 ang nang-block na sa drone ko..
for now susubukan ko muna ulit ang 2 pa...
is feeling , kailangan ko lang ng isang taklesa...
---o0o---
October 3, 2018...
noong nag-start akong magplano sa mga huling buwan ng 2016..
nasa Php 4,500 lang ang target kong income per month..
sapat na halaga para mairaos ang bawat buwan sa pamamagitan nang pag-asa sa survival method..
kaso, hindi kasali sa budget yung pagkakaroon ng kakayahan para mapagpundar ng sarili at payapang tahanan... :(
by the start of 2017..
pumalo kaagad yung monthly requirement sa Php 4,730..
eh kasi naman nagtaasan rin yung mga hulog sa SSS at PhilHealth...
pero sa panahon ngayong 2018 eh sala na ulit yung budget..
yung sa internet eh pinalaki ng mga kasama ko sa bahay (hindi naman siya naapektuhan ng lagay ng ekonomiya)..
lumolobo yung budget para sa bigas..
yung sa kuryente pumapalo na rin nang bahagya..
ganun din ang sa gasul dahil sa pagmahal ng mga petroleum products..
yung pamasahe na hindi kasama sa monthly budget eh sumipa na rin at gusto pang mas pasipain ng mga transport group..
yung shortcut na lotto eh dinagdagan pa ng documentary stamp tax, sa kabila ng 20% na kaltas sa mga major prizes...
pero yung sa non-rice at non-bread na pagkain ang talagang nararamdaman ko lately..
yung sa pang-ulam..
well, nandun pa din naman yung mga mamisong junk food..
yung chicharon naman eh tumaas na ng Php 1.00..
ang mga instant canton eh nagtaasan rin ang presyo sa mga sari-sari store..
pero doon talaga ako nalungkot sa pagkawala ng tig-Php 10.00 na lumpiang gulay..
yun na kasi yung pinakamasustansiyang survival food na alam ko eh..
pero dahil nagmahalan ang mga ingredients nun sa isinumpang panahon na ito, eh nag-decide yung magka-karinderya na hindi na lamang magbenta ng lumpiang gulay..
sa ngayon, adobong sitaw na lang yung pinaka-alternative sa lumpiang gulay..
mabuti na nga lang at kahit papaano eh namumunga pa yung sitaw namin sa bakuran..
toyo na lang ang kailangan, at may adobong sitaw na...
at tinamaan rin nga ako ng bayolenteng piracy kasabay ng pagbagsak ng ekonomiya..
at kasabay ng tila frozen na bank account ko...
ano ba talaga ang hinayupak na atraso ko sa inyong mga diyos..?
bakit ninyo ako tinatadtad ng mga kamalasan..?
o gusto ba ninyong sa mga demonyo ko isisi lahat ng mga pahirap na dinadanas ko ngayon..?
ganun ba kalaking kasalanan laban sa inyo ang hindi pagpunta sa mga istruktura ninyo, na mga tao rin lang naman ang gumawa..?
samantalang ang daming mga kriminal diyan na sumusuway sa mga kautusan ninyo, na ano..?
mayayaman ngayon at patuloy na nagnanakaw sa pamamagitan nang pamimilosopo..
mga mamamatay tao na hindi naman nahuhuli..
mga taong libang na libang sa paggi-giyera nila..
hindi ba sila yung mas deserving na mamatay sa paraan na tila pinauulanan ng sunud-sunod na mga kamalasan..??
o talagang mas masama pa ang classification ko kumpara sa mga ganung klase ng mga kriminal...??
is feeling , pagod na pagod na akong labanan ang pesteng existence na 'to...
---o0o---
October 4, 2018...
simula pagkabata mali na yung hobby na minahal ko..
visual arts..
ang pinakapatok na piratahin sa mundo ng Piracy..
kesyo video, photography, o non-animated graphics..
lahat na lang ng pwedeng pagkakitaan ng mga pirata through download commissions eh papatusin nila...
simula't sapul, hindi na feasible na gawing career ang libangan na yun...
is feeling , nilason ko ang sarili ko...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Open Conference - Preliminary (Round 1)
September 29, 2018...
likas talaga na masasama ang maraming Filipino..
yung pati mga players na naglalaro lamang ng Volleyball..
yung wala namang ginagawang masama sa kanila at sa bayan..
pero yung Youtube Channel eh flooded ng mga bashing statements...
is feeling , makiki-genocide nga please...
>
mas gala ang PVL this conference...
Pocari-Air Force versus Iriga Oragons
3-0, panalo ang Pocari-Air..
Set 1, 25-18..
Set 2, 25-18..
Set 3, 25-20...
Pablo with 11 points, 17 digs, and 8 excellent receptions..
Pantino with 12 points..
at si Palomata naman eh naka-8 points, pero sa loob lamang ng 2 sets..
yung Eguia lang naman ang nag-double-digit para sa Iriga, with 11 points...
Creamline versus Angels
kawawa naman ang PetroGazz, babad na sa laro..
2 magkasunod na back-to-back weekend games..
samantalang ang Adamson eh hindi pa naglalaro...
okay na naman ang ticket sales..
nasa Creamline na si Cainglet..
pero madami ang injured, sina Gohing, Soriano, at ganun pa din si Vargas..
naglalaro pa rin si Gumabao..
at key player na nga si Galanza, medyo mahaba na ulit ang buhok niya..
si Morado naman eh nag-a-arm sleeves na ngayon...
ang 2nd 5-setter match ng conference..
at padalawa na kaagad para sa Angels...
3-2, panalo ang Angels..
talo ang mga taga-National Team..
Set 1, 25-27, naagaw ng Angels..
Set 2, 25-17, gumanda ang laro ng Creamline..
Set 3, 23-25, dikitan ang laban..
Set 4, 25-19, nakakalas ang Creamline sa pagpasok sa 20th point..
Set 5, 5-15, overkill, 15-1 run ang ginawa na paglaban ng Angels...
Player of the Game si Nunag with 13 points, from 10 attacks and 3 kill blocks..
13 points din naman si Sabete with 14 digs at 11 excellent receptions..
Baloaloa with 11 points..
Mercado with 10 points..
bale combination ng mga attacks at 13 kill blocks ang nagpapanalo sa Angels..
sa Creamline naman..
Baldo with 26 points..
Galanza with 14 points..
at Gumabao with 12 points..
pero madalas talagang mahuli ang mga palo ni Galanza sa commercial league..
is feeling , mukhang malaki talaga ang nawala sa depensa ng Creamline sa likod nang mawala si Kaewpin...
---o0o---
September 30, 2018...
AdU-Akari versus Fighting Warays
mawawala si Soyud for 6 to 8 weeks dahil dumaan sa surgery yung left knee niya..
si Dacoron naman eh sa BanKo muna maglalaro for this conference...
3-0, panalo ang Tacloban Fighting Warays..
Set 1, 21-25..
Set 2, 12-25..
Set 3, 22-25...
Prado with 18 points from 15 attacks and 3 kill blocks, plus 10 digs..
Guino-o with 13 points..
para naman sa sa Adamson-Akari, Permentilla with 11 points...
Angels versus Iriga Oragons
3-1, umubra ang malalim na rotation ng Angels..
Set 1, 25-19..
Set 2, 25-20..
Set 3, 23-25..
Set 4, 28-26...
Mercado with 12 points mula sa purong atake..
Musa with 11 points, from 8 attacks and 3 kill blocks..
Baloaloa, Saet, and Nunag with 9 points each..
ang lakas maglaro ni Baloaloa ngayong nagagamit na siya nang madalas..
para naman sa Iriga..
Bombita with 21 points..
Madulid with 17 points..
Equia with 14 points...
is feeling , ang tindi ng PetroGazz Angels, 5 matches within 9 days...
---o0o---
October 3, 2018...
for some reason mas maganda mag-stream sa YouTube kesa sa website ng ABS-CBN..
mas maingay nga lang kumpara sa Twitter feeds sa sports website nila...
Pocari-Air Force versus AdU-Akari
nagagamit si Roque dahil sa pagkawala ni Soyud...
3-0, panalo ang Pocari-Air Force..
Set 1, 25-23..
Set 2, 25-22..
Set 3, 25-16, kinapos na ang Adamson...
Pablo with 13 points with 11 attacks, plus 13 digs..
Yongco with 12 points from 9 attacks, 2 service aces, and 1 kill block..
Panaga at Palomata naman with 9 points each, at gumawa sa 10 out of 13 kill blocks na nagawa ng Pocari-Air..
para naman sa Adamson-Akari..
Permentilla with 12 points..
Flora with 11 points...
Creamline versus Fighting Warays
rotation-mode ang Creamline...
3-0, panalo ang Creamline..
Set 1, 25-15..
Set 2, 25-21..
Set 3, 25-15...
quality time for Bravo..
kulang pa sa accuracy si Galanza, hindi pa pwedeng ikumpara kay Baldo..
Player of the Game si Baldo with 20 points from 15 attacks and 5 service aces..
meron din pala siyang 12 digs at 6 excellent receptions..
Sato naman with 9 points..
wala man lamang umabot sa double-digit para sa Tacloban...
is feeling , kulang pa sa parehong offensive at defensive power ang Creamline...
-----o0o-----
September 29, 2018...
[TV]
ang lupit nung istorya ngayon sa MMK..
kahit ano na lang papatulan..
una, pinag-interesan ang sariling anak, edi nagka-apo sa sariling anak..
tapos pati yung apo na anak eh pinag-iinteresan rin..
at kapag walang-wala, kahit aso eh papatusin...
is feeling , hindi lang yun incest eh.. zoophilia na rin...
---o0o---
September 30, 2018...
[Piracy]
ayun..
nasaktan na naman ako kagabi.. :(
sinilip ko kasi ulit kung gaano na kalaki yung damage ng piracy laban sa akin...
medyo sumikat nga ako..
eh abot pa nga sa Twitter yung mga gawa ko eh..
to think na tino-tolerate rin pala sa Twitter yung pagse-share ng links ng mga pirate websites at pirate file hosts..
medyo sumikat nga, kaso sa mga mata naman ng mga taong sumusuporta sa piracy...
Twitter..
Cloudflare..
Keep2Share..
FileBoom..
mga kasabwat ng mga pirata...
masakit dahil wala naman ako sa mainstream na industriya..
masakit dahil hindi naman ako kumikita ng milyong dolyares bago ako maatake ng piracy..
masakit isipin na nasa Php 5,000 pa lang yung nabebenta ko, tapos biglang libre nang makukuha ng mas marami yung kopya nila.. :(
at yung mga pirata pa talaga ang kikita dahil sa komisyon nila sa kanilang mga download links..
sa ganun kasing rate, eh mas okay na magpasa na lang nga ng 5 pages weekly kapalit ng fixed na Php 5,000 din naman, kahit na mawala na sa'yo yung copyright..
at least ay weekly basis yung kita...
ang sakit isipin na nagko-comment nga yung iba na maganda daw yung istoryang ginagawa ko..
pero wala silang pakialam kung matitigil yung series kapag namatay na ako sa gutom dahil wala na akong kinikita.. :(
ang worst case kasi..?
eh yung pirata na lang ang bibili nung original na kopya gamit ang perang ninakaw nila mula sa credit card ng ibang tao..
after that ay wala na ngang ibang bibili...
nagkamali talaga ako sa propesyon na pinili ko..
mas gusto ko na ngayong maging tagatumba na lang ng mga masasamang tao..
kung magkakaroon lang ako ng ability na makabasa ng memorya ng mga tao, ng stealth, at ng teleport, eh ipu-pursue ko yung pangarap ko na yun..
tapos uubusin ko yung mga tao na namirata laban sa akin..
kahit walang bayad, ang kukunin ko na lang eh yung mga pera na mare-recover ko sa mga base at sa mga katawan nila...
is feeling , meron lang akong 7 months para mag-experiment sa Patreon.. kapag pumalya yun, katapusan ko na...
---o0o---
October 1, 2018...
malas talaga...
for the 2nd time, eh purong nagsayang na naman ng oras sa SSS... :(
ang good news..?
inilipat na ang opisina ng SSS sa tabi ng latest na opisina ng PhilHealth..
inuna ko yung pagkuha ng numero sa SSS, pero natapos na ako't lahat sa pagbabayad sa PhilHealth eh hindi pa rin umuusad yung pila sa SSS...
ang bad news..?
pambobo lang talaga yung sistema nila eh..
una, mukhang ngayong araw lang sila nag-aayos doon sa bagong opisina nila..
kung matalino sila, edi sana naisip nila na hindi muna mag-operate today at ayusin na muna lahat ng mga dapat nilang ayusin..
kung tutuusin pwede naman silang mag-iwan ng note doon sa dati nilang opisina na kesyo lumipat na sila sa ganitong lugar pero sa kung anong araw pa sila magiging operational ulit...
pero sa halip, anong ginawa nila..?
nag-iwan lang ng note na lumipat na sila..
yun namang mga tusong tricycle driver eh sinamantala yung pagkakataon para maisakay lahat ng nagdadatingan papunta doon sa bagong SSS office..
tapos anong nangyari noong andun na..?
"surprise, hindi pa kami operational"... :(
tapos may bobo na namang security guard..
naglalapitan yung mga tao sa kanya dahil nagtatanong at humihingi ng mga form..
tapos eh nakaimik-imik na, "huwag po nating harangan ang daan, doon po muna kayo sa likod, tatawagin na lang po kayo kapag pwede na"..
una, wala namang space na doon sa tinutukoy niyang likod dahil ang dami ng tao sa opisina nila..
ikalawa, guwardiya siya doon kaya dapat i-expect niya na may mga tao rin nga na magtatanong sa kanya, eh saan ba siya nakakita na tatanungin siya pero doon niya papupuwestuhin sa malayo sa kanya..
ikatlo, paano hihingi sa kanya ng form kung itinataboy niya...?
is feeling , na-timing-an na naman ako ng SSS...
>
[Online Marketing]
kailangan ko siguro ng Twitter account para sa marketing..
hindi pwedeng isakripisyo ang mga drone ko eh...
kung yung mga pirata eh pinapayagan sa Twitter na piratahin yung copyright ko..
ibig sabihin eh mas madaling makita yung mga ganun doon sa platform na yun..
at ibig sabihin na pwede ko ring gawin yun...
is feeling , pero busy pa...
---o0o---
October 2, 2018...
[Online Marketing]
okay na..
may Twitter account na yung comics creator..
pinasadahan na kaagad kanina kapalit ng oras sana para sa general cleaning...
is feeling , sumipa ka.. hanggang lagpas 500...
>
kawawa naman yung normal na bata kanina..
nasaktan na naman nung Autistic..
medyo pumaga ang pisngi, at nakagat at nagdugo pa ang labi...
siguro isa yun sa delikadong level ng Autism..
yung walang malasakit sa safety ng ibang tao, maging sa mismong sarili niya...
one time nakita ko silang magkapatid..
mukhang tinuturuan nung Autistic yung mas bata na mag-pindot ng laruan..
kaso sa kagustuhan niya na yung pointer na finger lang ang gamitin nung kapatid niya, eh sinubukan niyang i-fold yung 3 pang mga daliri nung bata (maliban sa hinlalaki) paitaas sa ibabaw ng kamay at hindi sa direksyon na papasok sa palad..
hindi pa nakakalakad noong mga panahon na yun yung baby..
pero dahil sa sakit..
umiyak na lang siya habang sinusubukang makawala sa kuya niya...
ilang beses na rin nga daw nabato nung Autistic yung mas bata..
at may mga pagkakataon na basta-basta na lang itinutulak kahit na matumba pa yung isa...
is feeling , pero hindi dapat mapuruhan yung ulo nung normal na bata.. or else...
>
[Online Marketing]
bad news na naman..
hindi pala pwede yung plano ko sa Patreon... :(
limited yung kakayahan ng system nila..
bale, inuuna na nilang alamin kung magkano yung kayang i-pledge ng isang tao, kahit na hindi naman sigurado kung ano ang kayang i-deliver nung creator...
hindi pala kaya sa sistema nila yung magde-declare ka ng price para sa bawat post mo..
sa paraan nila, regardless kung maliit o malaki yung pledge ng kliyente, eh automatic na makakaltasan siya ng pera basta't may charge ang isang post..
logically speaking, parating lugi yung nagbabayad ng malaki sa ganung paraan, at parang kliyente na ang nagdidikta kung magkano lang sa tingin ng bawat isa sa kanila yung creation mo...
sinabi pa nila na per creation..?
eh parang monthly pa rin yung scheme na yun kung hindi naman
makakapag-decide yung creator kung magkano yung mga post niya na may charge eh..
ang silbi lang nung mga tier eh classification para sa mga bonus...
is feeling , na-check na naman ako...
>
[Piracy]
kanina ko lang napansin..
may download stats pala yung pirate website..
at hindi ko maiwasan na mainggit... :(
eh kasi naman..
pumapalo mula 2,600 hanggang 3,400 yung mga nagda-download nung gawa ko..
ang average ay mga nasa 2,800...
so sa 2,800 na yun na supporters ko sa mundo ng Piracy..
katumbas na sana yun ng nasa USD 14,000, sa 50-50 na kontrata ko..
at pumapalo yun ng mahigit sa Php 700,000..
at per issue pa yun..
so umabot na dapat ang kita ko sa Php 4,900,000 just for 7 issues...
is feeling , kaso hindi nga sila bahagi ng market ko...
---o0o---
October 4, 2018...
injured, isang araw matapos ang general cleaning..
grocery day sana..
kaso hindi talaga kakayanin na magbuhat ng kahon ng mga mantika..
titingnan kung makaka-recover bukas...
sa ngayon..
magba-backup na lang muna ng mga files...
is feeling , adjust na naman...
---o0o---
October 5, 2018...
[Manga]
One Piece
kung mula pa sa ancient time si Lady Toki..
edi ibig sabihin na posibleng may kinalaman ang lahi niya sa parusa ni Zunisha..?
at posibleng yun ang dahilan kung bakit pwedeng pasunurin ni Momonosuke si Zunisha, dahil kadugo niya si Lady Toki...?
is feeling , ano nga ba ang lihim ni Zunisha...??
---o0o---
October 6, 2018...
may klase ng Autism na patraydor ang paraan ng pagkatuto..
yung kunwari eh wala siyang pakialam sa ginagawa ng ibang tao..
na akala mo madalas ay nag-oobserba lang at walang balak na gayahin yung mga nakikita niya..
pero magugulat ka na lang kapag ipinamalas na niya yung level niya ng pagmi-mimic..
at ia-apply yung mga natutunan niya sa kanyang mga laro...
ang problema pa nun..?
eh kapag mali na yung ginagawa nung Autistic at nakakaperwisyo na..
magaling siyang mag-mimic..
pero kapag oras na ng pagdidisiplina eh hinding-hindi pumapasok sa kakaibang pag-iisip niya kung anu-ano yung mga bawal gawin...
is feeling , pangmayaman na depekto...
No comments:
Post a Comment