PVL Season 2 - Reinforced Conference (Finals)
July 8, 2018...
1st ever game daw ng PVL sa MOA Arena..
ang nakakapanghinayang dahil sa pagkalaglag ng BanKo sa Finals ay dahil hindi na sila muling magkakalaban ng Creamline for this conference..
kaya mananatiling hindi sila natatalo ng Creamline... :(
BanKo versus Pocari-Air Force (Battle for Third)
ang 14th 5-setter match ng conference..
at 7th 5-setter match naman yun na nilaro ng BanKo...
Set 1, nagsimula yung laban sa pagitan nina Bright at Love, lamang nang malaki ang BanKo pero nagawang baliktarin ng Pocari-Air yung set sa 25-22..
Set 2, maganda ang ipinakita ni Emnas at sobrang aggressive din niya, nakuha ng BanKo yung set sa 25-17..
Set 3, patuloy ang magandang performance ng BanKo, inilabas na rin ng Pocari-Air si Love sa mga huling bahagi nung set, muling nanaig ang BanKo sa 25-16..
Set 4, sa huling bahagi na lang ng set ipinasok si Love na pinalitan ni Yongco, pero nagawa pa ring manalo ng Pocari-Air, 26-24..
Set 5, hanggang sa kinapos na nga ang BanKo sa huling set, tinapos yun ng Pocari-Air sa 15-11...
3-2, panalo ang Pocari-Air Force kahit na wala na si Pablo..
panibagong upset loss yun para sa BanKo..
nanaig sina Love at Palmer laban kina Montripila at Bright..
ang nakakatuwa kay Montripila, laging high ball ang bigay niya ng 3rd ball sa tuwing imposible nang umatake..
again, sayang na naman ang sobrang laking na-score ni Bright..
Player of the Game si Palmer with 24 points...
Creamline versus PayMaya
Baldo versus Soltones..
Morado versus Nabor..
Sato versus NU...
Set 1, kay Gumabao ang unang set, samantalang na-check ng mga blockers si Baldo..
si Schaudt naman ay nakailang kill blocks kaagad laban kay Rountree..
8-5 sa 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-10 sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Creamline..
hanggang sa tinapos na nila yung set sa 25-21...
Set 2, parang na-off na kaagad sina Schaudt at Gumabao sa 2nd set..
more on Rountree naman ang opensa ng kalaban, habang mas nakatuon si Soltones sa reception..
8-5 sa 1st technical time-out, in favor of PayMaya..
16-14 sa 2nd technical time-out, in favor pa rin sa PayMaya..
at nagawa nga nilang itawid yun hanggang sa 25-22...
Set 3, maganda ang naging simula ng mga opensa ni Soltones..
pero wala na rin yung check ng mga blockers ng PayMaya laban kay Baldo..
8-5 sa 1st technical time-out, in favor of PayMaya..
16-13 sa 2nd technical time-out, pabor na sa Creamline..
at nagawa ngang makuha ng Creamline yung set sa 25-20...
Set 4, nanatili sa Creamline ang momentum nung laro..
8-6 sa 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-13 sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Creamline..
after ng time-out eh si Galanza na ang nag-serve, at nagtagal siya sa service line..
hanggang sa tinapos na ng Creamline yung laban sa 25-19...
3-1, panalo ang Creamline..
nanaig sina Kaewpin at Schaudt laban kina Rountree at Sullivan..
medyo nakakatakot lang yung laro ngayon ni Schaudt dahil hindi pulido yung koneksyon niya kay Morado, at marami siyang nagawang attack error..
naka-13 points si Schaudt na may 4 kill blocks..
18 points naman ang kay Baldo na may 11 digs pa..
si Morado naman ay may 32 excellent sets..
Player of the Game si Kaewpin with 19 points na may 2 kill blocks at 2 service aces..
bonus pa yung 15 excellent receptions at 11 digs niya...
is feeling , isa na lang team, para kina Morado, Galanza, at Kaewpin...
---o0o---
July 11, 2018...
marami na namang nasayang..
hindi na naman naipakita ng liga yung full potential ng mga labanan..
nagbago yung sitwasyon noong nagkasakit si Love..
at noong na-injure si Pablo...
pero ganun talaga sa mundo ng sports eh..
nangyari na rin naman yun sa iba..
gaya noong hinugot ng national team si Baldo, na ikinahina ng Creamline sa Open Conference noong 2017..
at noong na-injure si Galanza, na ikinahina ng Adamson noong Collegiate Conference noong 2017 rin...
also, naiba-iba siguro ang resulta ng Finals kung BanKo ang nakapasok..
but then, wala namang excuse ang BanKo dahil hindi nila sinapit yung kapalaran na gaya ng sa Pocari-Air Force..
so the fact na tinalo sila ng PayMaya means na sapat rin talaga ang kakayahan ng PayMaya para lumaban sa Finals...
BanKo versus Pocari-Air Force (Battle for Third)
Set 1, dikitan ang laban, pero nakuha ng Pocari-Air ang set sa 25-23..
Set 2, kaagad na nabaligtad ang momentum, na-overkill ng BanKo ang Pocari-Air sa score na 25-10..
Set 3, parang humina na nga ang Pocari-Air, muling nanaig ang BanKo sa score na 25-14..
Set 4, medyo nagpakita pa ng paghabol ang Pocari-Air, pero muling bumalik sa BanKo ang momentum at tinapos na nila yung laban sa 25-17...
3-1, panalo ang BanKo..
2-2 ang standing nila ng Pocari-Air Force..
nanaig sina Montripila at Bright laban kina Love at Palmer..
si Love eh pinaglalabas na naman sa laban..
Player of the Game si Bright with 27 points...
dahil nakuha ng BanKo ang panalo nila within 4 sets, kumpara sa panalo ng Pocari-Air Force sa laban na umabot ng 5 sets..
eh automatic na BanKo ang makakakuha ng 3rd place kung mananalo ang Creamline sa Game 2...
Creamline versus PayMaya
nice, Best Setter si Morado sa awarding..
Best Setter, Best Outside Spiker, at Best Opposite Spiker versus Best Foreign Guest Player at Best Libero..
birthday pa man din daw ni Nabor ngayong araw...
Set 1, ayos lang naman ang naging simula nung match..
8-6 sa 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-12 sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Creamline..
hanggang sa nadala na yun ng Creamline hanggang dulo, 25-19..
the usual naman ang laro ng Creamline, pero bonus na naka-3 kill blocks sila...
Set 2, dikitan ang umpisa ng ikalawang set..
8-7 sa 1st technical time-out, in favor of PayMaya..
16-14 sa 2nd technical time-out, pabor na sa Creamline..
at muling nanaig ang Creamline, 25-20, meron na naman silang 3 kill blocks...
Set 3, parang nawalan na ng loob ang PayMaya..
8-2 sa 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-8 sa 2nd technical time-out, in favor of Creamline..
at halos overkill nilang tinapos yung set at match sa 25-11 (ang overkill para sa akin ay 10 and below)...
3-0, panalo ang Creamline..
at hindi na talaga nanalo laban sa kanila ang PayMaya sa buong conference..
nanaig sina Kaewpin at Schaudt laban kina Rountree at Sullivan...
19 points ang ambag ni Baldo, na may 1 kill block at 3 service aces..
12 points ang kay Kaewpin (last stat na nakita ko sa kanya eh may 4 blocks na siya)..
12 points rin si Binibining Gumabao..
maganda ang performance nina Schaudt at Sato both in offense and net defense..
si Galanza naman ay hindi nababad sa laro matapos ang service error pagkapasok niya..
at si Morado ay nagtala ng 29 excellent sets...
pero ang kamangha-mangha..?
6 blocks ang naitala ng Creamline hanggang sa pagkatapos ng Set 2..
pero umakyat pa pala ang kill blocks nila sa 12 hanggang sa katapusan nung match..
nalimitahan rin nila nang husto sina Rountree with 12 points, Sullivan with 5 points, at Soltones with 6 points...
Finals MVP si Morado dahil sa balanseng distribution ng bola sa mga attackers niya..
though tingin ko ay deserving rin si Kaewpin na maging Finals MVP dahil sa ganda ng reception niya..
idagdag pa yung contribution niya sa attacks at blocking...
is feeling , eh yung magkakasamang naging champion sina #12 Morado, Galanza, at Kaewpin.. thank you Creamline Team...
---o0o---
ang good news..?
uunahin na muna ng PVL ang Collegiate Conference..
so wala na munang mga sasaling club teams..
at this July na rin daw ang simula nun...
mabuti yun dahil kabilang nga ngayon sina Baldo at Morado sa National Team..
may Asian Games sila na naka-schedule sa August 2018 daw..
at meron ding Asian Women's Volleyball Cup na naka-schedule naman sa September 2018 daw...
pabor yung ganung scheduling ng mga PVL conference para sa mga players ng mga club teams, dahil nabibigyan sila ng break..
parang hindi kasi maganda na tuluy-tuloy lang ang mga labanan dahil nabubugbog maging sa training ang mga players...
so for now, pahinga muna para kina Galanza at sa Creamline Team... :)
No comments:
Post a Comment