i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
malapit na ang SauNA..
pero patuloy pa rin talaga yung kalokohan nung iba... :(
is feeling , hindi ba pwedeng COA na lang ang ihalal sa mahahalagang katungkulan..? ang gagaling nila dun eh...
-----o0o-----
update ulit (458 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
- yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
- ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
- ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
- yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
- yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
- yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
- yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
- yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
- eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
- yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
- yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
- yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
- yung sila na mismo ang nagsisimula ng ideya at usapan tungkol sa pagbalewala sa konstitusyon
- yung shoot to kill ang gusto laban sa mga idineklarang terorista, considering na nili-label-an rin nila yung mga hindi armadong grupo bilang bahagi nung mga rebelde
- ang fusion ng Hokage na Mahilig, at ng mga Jonin at Chunin para muling makapa ang Dictator's Law
- yung biglang naging pabor na rin siya sa same sex marriage, kasabay ng kagustuhan nilang baguhin na ang konstitusyon
- yung idinidiin yung mga piling tao na madalas mag-travel, samantalang hindi naman pinarurusahan yung mga taong nag-a-approve nung mga official trip
- yung mga piling tao lang ang kayang patalsikin sa puwesto, samantalang nananatiling untouchable yung iba
- yung nangsususpinde ng tao na kini-claim nila na nagpakalat ng maling impormasyon, samantalang ganun rin naman ang lantarang ginawa niya noon laban sa isang Jonin
- yung kagustuhan na busalan ang mga estudyante na may kakayahan na mag-isip, samantalang hindi naman nila pera ang ipinapampaaral sa mga yun, at considering na rin na kasalanan rin naman nila kung bakit may mga nais na magparating ng kanilang mga mensahe
- yung hilig na magbakasyon at magpabakasyon sa Hong Kong
- yung pro-prostitution na nga, tapos pro- pa sa pagpapalaganap ng HIV at STDs
- yung hindi nila naiintindihan kung gaano ba talaga kalawak at sinu-sino ba ang mga nabangga ng TRAIN
- yung tila yung mga lugar na madali lang makita at maobserbahan ng mga tao, o yung accessible sa marami, ang kayang i-regulate para sa pagpapanatili ng likas na yaman at ng kalinisan
- yung ASAP parati ang pagtatanggol sa kanyang mga kaibigan
- yung kagustuhan na gawin pang lehitimo ang pananakop ng mga teritoryo ng Bestfriend Empire sa pamamagitan ng joint exploration kuno
- yung siya na lang ang nasunod na kesyo ayaw na niyang maging bahagi ang bansa ng International Criminal Court
- yung panghihikayat sa iba pang mga bansa para kumalas na rin sa International Criminal Court
- yung damay-damay na sa parusa yung ilang libong empleyado ng MIASCOR
- yung sinukuan na niya ang pangako niya laban sa contractualization, kesyo ibang branch daw ang may kayang labanan iyon
- yung matandang Australian missionary, na inaresto at d-in-etain ng Bureau of Immigration, at tinakot pa na ipade-deport
- yung gusto nang kunin lahat ng mga kababayan mula sa hindi mamanduhang bayan sa Middle East
- yung pati history ng mga naging Comfort Women eh gusto na ring i-edit
- yung paninisi sa iba patungkol sa nangyayaring pananakop ng Imperyo at ang FAKE claim niya na kesyo wala daw ginawang effort noon para maawat ang pananakop
- ang napakadali na tila pagpapatawad at pag-a-absuwelto, at ang VIP treamtment para sa mga sumukong terorista
- yung balak na gawin na lang na Land Reform Area ang isla ng Boracay gayong marami pang natural resources ng bansa ang totoong mas nasira ng mga mining companies, pero hindi nare-rehabilitate
- yung hindi naman artista, pero nanghahalik ng babaeng may asawa habang present ang seal niya
- yung kagustuhan niyang armasan ang mga Barangay Chairman at hayaan silang pumatay ng mga manlalaban DAW, kahit na alam naman ng lahat ang tendency na magmalabis ng mga taong nagkakaroon ng access sa mga baril
- yung iginiit pa na barter daw kuno yung ginagawa ng mga bestfriend niya kahit na may reklamo ang mga mangingisda na hindi naman daw patas yung ginagawang sapilitang palitan
- yung hinusgahan na niya kaagad yung pinatay na Mayor ng Tanauan City
- yung pambabastos sa diyos at sa relihiyon ng ibang mamamayan sa harap ng publiko
- yung naghahanap na siya ng selfie kung saan kasama ang diyos
- yung pati pagkain ng kanin ay gustong kontrolin
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- sa Makati City, yung army reservist na namaril at nakapatay ng kapwa niya driver ng dahil daw sa away sa utang
- sa North Cotabato, yung CAFGU na namaril at nakapatay ng kapwa niya CAFGU nang dahil lamang sa agawan sa videoke yata yun
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
- sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
- sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
- sa Ermita, Manila, yung 3 pulis na nagkunwari pa daw na mga taga-PDEA na nahuli dahil sa pangingikil sa mga hinuli nilang mga drug suspect
- yung team nung naka-AWOL na pulis, dating PDEA agent, MMDA constable, at isa pa nilang kasabwat, na hinuli dahil sa mga kasong robbery extortion, kidnapping, at carnapping laban sa ilang Chinese
- sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
- sa Makati, yung pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay at nanutok pa daw ng baril, at sinabi pa ng kapwa niya pulis na dati na siyang natanggal sa tungkulin dahil sa naging involvement niya sa ilegal na droga
- sa Tagaytay City, yung pulis na nahuli dahil sa kasong carnapping, kesyo nakitaan daw ng mga chop-chop na sasakyan yung lugar niya
- sa Quezon City, yung pulis na nagwala at naglabas ng kanyang baril
- sa Mandaluyong, yung mga tanod at mga pulis na nagkamali ng pinagbabaril na AUV, kung saan 2 ang namatay at 2 ang nasugatan
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- sa Occidental Mindoro, yung pagpatay sa tauhan ng money lending company na posible daw na nag-ugat sa pautang, kung saan pulis yung isa sa mga suspek
- sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
- yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
- yung double-edged na kaso sa Palawan, yung bagong upo na Barangay Chairman na napatay sa operasyon laban sa ilegal na droga, pero may mga nagsasabi na hindi naman DAW siya nanlaban
- yung double-edged na kaso sa Bohol, yung pulis na dawit DAW sa ilegal na droga na napatay sa buy-bust operation, pero may claim na naman yung ibang mga tao na hindi naman DAW siya involved sa ilegal na droga
- sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
- sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
- yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- sa iba't ibang lugar sa NCR, yung mga pulis, kasama na rin ang mga opisyal nila, na nahuli during inspection na nag-iinuman o di kaya ay natutulog sa mismong istasyon sa oras ng duty nila
- sa Cavite, yung mga pulis na nahuling natutulog, o kagagaling lang sa tulog, o may kasama pang babae habang nasa duty pa sila
- sa NCR, yung panibagong kaso ng 3 pulis na nahuli sa surprise inspection, mga natutulog habang nasa duty nila, at meron pang hindi naka-uniform
- sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
- sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
- sa San Mateo, Rizal, yung pulis na nambugbog ng 18 y/o na binatilyo nang dahil lang sa naharangan nito ang kanyang motor
- sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
- sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
- sa Pasay City, yung rider na guro na walang helmet na hinuli at ginulpi ng 6 daw na pulis
- sa Caloocan City, yung bagong halal na Kagawad na basta na lang DAW nang-atake at nanakit ng isang kabarangay na hindi daw bumoto sa kanya
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
- sa Parañaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
- sa General Santos City, yung pulis na nanutok ng baril at nanuntok ng isang guard matapos DAW itong matalo sa pagsusugal
- sa Parañaque City, yung pulis na basta na lang daw nanakit ng senior citizen na lalaki nang walang dahilan, at tinutukan pa daw niya ito ng baril
- sa San Pablo City, Laguna, yung babaeng tinutukan ng baril at binugbog ng isang outgoing na Kapitan dahil sa isyu ng pera
- sa Caloocan City, yung 3 magkakapatid na mga pulis na nanugod ng dahil sa away-trapiko habang may dalang mga baril
- sa Davao City, yung 2 pulis na nang-abuso at nanakit ng 4 na menor de edad na nahuli nang dahil sa curfew
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
- sa Davao City, yung napatay na pulis matapos na mag-amok at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis
- sa Caloocan City, yung school teacher na napatay sa pamamaril ng dati niyang kasintahan na isang pulis
- sa Sampaloc, yung 11 y/o na dalagita na hinipuan DAW ng mga pulis, yung kinapkapan nang walang present na representative ng barangay
- sa Ilagan City, Isabela, yung sundalo na hinuli dahil sa sextortion laban sa dati niyang kasintahan
- sa Makati, yung mga isiniwalat na pangyayari na noong 2017 pa daw, yung mga pulis na nagpapahubad ng mga drug suspect na babae at lalaki sa hindi naman private na room
- sa Hagonoy, Bulacan, yung babaeng inmate na inilalabas ng selda tapos saka inuutusan na masahehin yung lalaking Hepe na pulis, may kasama na ring rape yung kaso
- yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
- yung dalagita na bagong luwas daw sa NCR, na ginahasa DAW ng isang MMDA enforcer, at ginahasa rin DAW nung kaibigan na napaghabilinan sa kanya
- sa Malolos, Bulacan, yung SK Kagawad na nasangkot sa kaso ng gang rape
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
- sa Taguig, yung pulis na aksidente daw na nabaril sa dibdib at napatay ng kanyang kapwa pulis
- sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
- sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita dahil sa nagawa niyang traffic violation
- sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
- yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force na nagsimula DAW sa pag-iinuman
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
- yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
- sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
- sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
- sa Montalban, Rizal, yung PO1 na nasangkot sa indiscriminate firing
- sa Bauan, Batangas, yung lasing na pulis na nagpaputok ng kanyang baril dahil daw sa hindi pagkakaunawaan habang nasa inuman
- sa Tanauan City, Batangas, yung job order na empleyado ng city hall, na hinuli dahil sa pagpapaputok ng baril habang nasa inuman sila
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
- yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
- sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy
- sa Marikina City, yung negosyante na napatay sa pamamaril, pulis daw yung suspek at nag-ugat yung krimen dahil sa road rage
- sa Leyte, yung guro na napatay ng isang pulis nang dahil na naman sa road rage
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung kaso sa Caloocan, yung naka-AWOL na pulis na napatay sa pananaksak ng isa pang naka-AWOL na pulis na nasangkot na daw noon sa ilegal na droga
- sa Quezon City, yung naka-AWOL daw na pulis na nabangga at napatay matapos na pagtangkaan ng grupo nila ang buhay ng isang abugado
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- sa Muntinlupa City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa hulidap, kung saan nakunan ng video yung naging operasyon laban sa kanila
- sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
- sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
- sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
- sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
- sa Cebu at/o Lapu-Lapu City rin yata, yung pulis at konsehal na nahuli na nasa loob ng casino
- sa Baliuag, Bulacan, yung konsehal, sundalo, dismissed at active na mga pulis, at iba pang tauhan ng LGU na nahuli sa isang retaurant kung saan lantaran ang pagsasagawa ng ilegal na online sabong
- yung police superintendent, na hinuli dahil sa pagsusugal sa isang casino, na nasa Php 600,000 DAW yung worth nung chips
- sa San Jose Del Monte, Bulacan, yung 3 pulis na nahuling nagsasagawa daw ng ilegal na tupada
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- yung hepe ng Sasmuan na hinuli dahil sa pangingikil daw laban sa isang peryahan
- sa Nueva Ecija, yung nasa 6 (o hanggang 8 yata) na mga pulis na hinuli rin dahil sa pangongotong
- yung 5 o 15 na pulis (kung alinman ang tama) na under ng Southern Police District na nangikil sa pamilya ng isang babae na nahuli nila nang dahil sa paglo-loteng
- yung nangyari sa isang police station sa Tondo, yung 1 pulis at 2 kasamahan DAW niya na hinuli sa entrapment operation dahil sa extortion laban sa isang doktor, kesyo tinatakot daw yung doktor na kakasuhan ng rape
- sa Malate, yung Egyptian national na kinikilan daw ng nasa Php 50,000 ng mga pulis, na pinagbintangan daw siyang tumanggap ng ilegal na droga
- sa Quezon City, yung mga inirereklamo na SDEU personnel ng Galas Police Station ng dahil daw sa pangingikil, kesyo pabababain daw yung kaso na kaugnay ng ilegal na droga kapalit ng pera
- sa Bulacan, yung 10 pulis na pinag-aalis na sa puwesto dahil nahuling nangongotong daw
- sa Manila, yung 2 pulis na inaresto dahil sa pangingikil laban sa mga hinuli nilang sangkot daw sa human trafficking
- sa Pasig City, yung traffic police na hinuli dahil sa regular na pangongotong daw sa isang terminal ng UV Express
- sa Quezon City, yung non-uniformed personnel ng AFP, na nahuling nangingikil sa biyuda ng isang sundalo kapalit ng pag-aayos ng mga dapat na benepisyo nito
- sa Agusan del Sur, yung opisyales ng LTO na hinuli ng NBI sa entrapment operation dahil sa pangingikil kapalit ng mabilis na paglabas ng driver's license
- yung 3 empleyado ng BIR na inaresto sa entrapment operation na isinagawa ng NBI dahil daw sinubukang mangikil kapalit ng pag-aareglo ng obligasyon sa buwis ng isang restaurant
- sa Manila, yung traffic enforcer ng MTPB na nakunan sa video habang nangongotong ng worth Php 2,000 laban sa isang dayuhan na driver
- yung naka-AWOL na pulis, na kinasuhan ng syndicated estafa dahil sa investment scam
- yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
- sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa San Jose, Occidental Mindoro, yung naka-AWOL na pulis at ang kanyang kalaguyo daw na naaresto sa buy-bust operation
- sa Rodriguez, Rizal, yung 2 naka-AWOL na pulis CALABARZON na nahuli sa buy-bust operation
- sa may Cubao, yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Marikina City, yung 1 pulis at 2 pa niyang kasama na nahuli sa buy-bust operation
- sa Cebu, yung pulis na nasangkot DAW sa ilegal na droga, na napatay sa buy-bust operation dahil nanlaban DAW siya
- sa Quezon City, yung 2nd Lieutenant na sundalo at 2 kasamahan niya na nahuli sa buy-bust operation
- sa Lipa City, yung retiradong PAF member na nakitaan ng hinihinalang ilegal na droga sa bahay nito
- sa Quezon City, yung dating corporal na sundalo na nahuli sa buy-bust operation
- sa Quezon City, yung pulis na kasama sa mga nahuli sa drug den sa may Payatas
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
- yung 7 PDEA agent na ipinatatanggal na sa serbisyo dahil daw sa pagtatanim ng mga ebidensya at pangingikil
- yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
- sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
- sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
- sa Calamba, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
- sa Taguig City, yung tanod na nakuhanan ng nasa Php 10,000,000 worth ng ilegal na droga, at maging ng ilang armas
- sa Cavite City, yung Barangay Chairman na nahulihan ng ilegal na droga sa kanyang bahay, na nag-positibo na rin daw noong isang taon sa random drug test
- sa Calauan, Laguna, yung nanalong Barangay Kagawad na naaresto sa buy-bust operation, kesyo tipong wholesaler daw siya ng ilegal na droga sa probinsiya
- sa Manila, yung Barangay Ex-O at ang kinakasama niya na nahuli sa buy-bust operation, naka-uniform pa daw yung opisyales habang nagbebenta
- yung 2 pulis na natakasan daw ng binabantayan nilang illegal recruiter sa ospital
- sa Quezon City, yung pulis na nahuling namamasada ng colorum na sasakyan, na meron pang dala na hindi lisensyadong baril
- sa Cavite, yung konsehal na nahuli dahil sa pagtatago ng mga baril na wala daw kaukulang mga dokumento
- sa Ilocos Norte, yung bahay ng Mayor, Vice Mayor, at Kapitan kung saan may nakitang iba't ibang klase ng mga baril at bala
- sa Sto. Tomas, Batangas, yung Barangay Chairman na nahulihan ng iba't ibang klase ng mga hindi lisensyadong baril
- sa Tondo, Manila, yung empleyado ng city hall na naglabas ng baril sa isang restobar
- sa Quezon City, yung retiradong pulis na nahulihan ng baril sa checkpoint sa kabila ng umiiral na gun ban dahil sa nalalapit na eleksyon
- yung mga dating opisyales ng Special Action Forces na pinagsisibak na, na mga nakasuhan ng plunder sa Ombudsman
- sa Novaliches, Quezon City, yung nakunan ng CCTV camera na lalaking sumilip lang saglit sa labas ng kanilang bahay nang nakahubad, na hinuli kaagad ng mga dumaang pulis
- sa San Jose del Monte, Bulacan, yung lalaking inutusan lang daw na bumili, na hinuli DAW dahil sa pagtambay, pero napatay DAW ng mga pulis sa buy-bust operation
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
- sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
- yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
- sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
- yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan
- sa Makati, yung 1 y/o na sanggol na nadamay at nabaril sa ginawang pagtumba sa isang lalaki na nasa barangay drugs watchlist
- sa Cebu City, yung 4 y/o na bata na nadamay at napatay sa anti-illegal drugs operation, na hindi pa matukoy kung sino ang nakatama
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
- yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
- sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- yung madaming mga kareristang driver na hindi alam ang patakaran sa mga pedestrian lane ang nakakalusot sa mga taga-approve ng lisensya
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- sa Mandaue City Jail sa Cebu, yung drug lord na napatay matapos na barilin daw ng kapwa niya preso
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- sa MPD Station 11, yung lalaking nakulong dahil sa estafa na napatay DAW sa loob ng kulungan ng kapwa niya mga bilanggo
- sa Novaliches, Quezon City, yung lalaking nahuli sa Oplan Galugad ng QCPD, na wala naman DAW nagawang masama, pero napatay siya sa loob ng kulungan
- yung tila pinagtakpan pa ng mga pulis at nung physician yung ginawang pagpatay dun sa lalaking nahuli sa Oplan Galugad ng QCPD, na kesyo natural daw yung naging cause ng death nito
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
- yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
- yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung kagustuhan ng DTI na ipantay ang SRP para sa mga grocery, supermarket, at sari-sari store
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
- yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
- yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
- yung smuggling daw sa airport kung saan involved ang mga opisyales at empleyado ng iba't ibang sangay ng pamunuan
- yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
- yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
- ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- yung nagbebenta at nagpaparenta na ang ibang miyembro ng Kadamay ng mga bahay na sapilitan lang nilang kinuha
- sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
- follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
- sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
- sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
- yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
- yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
- yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
- yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
- yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
- yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
- yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
- yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
- yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
- yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
- yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
- kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
- ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
- yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
- yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
- yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
- yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
- yung sa mga naghihirap na mananakay rin pala balak ipapasan ang magiging gastusin para sa pagbili ng mga kapritsosong PUV na ipapalit sa mga jeepney
- yung Php 9.00 na ang pamasahe sa jeep dahil sa provisional fare hike
- yung may provisional fare hike na nga para sa mga jeepney driver, tapos ay may cash card pa para sa kanila, samantalang wala namang tulong ang pamunuan para sa mga hindi piling mamamayan
- yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
- yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
- sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
- yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
- yung VIP ang trato nila sa mga problema patungkol sa MRT, pero halos wala silang pakialam sa mga problema ng mga pangmahihirap lang na PUV
- yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
- yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
- yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
- regarding sa mga road accidents, yung parati na lang kinakasuhan yung nagmamaneho nung sasakyan na nakadisgrasya o nakapatay, na hindi na kino-consider kung may kasalanan ba o naging kapabayaan yung taong nadisgrasya
- yung 1% na nawawala ngayon sa mga jackpot prize sa Lotto at yung hindi pagtaas ng jackpot prize kahit na may tumataya naman dun sa mga partikular na Lotto game
- yung kagustuhan ng DSWD na taasan pa ang limos para sa mga piling mamamayan sa kabila nang posibleng pagtataas ng iba't ibang klase ng mga buwis
- yung halos wala namang mga kwenta at walang solid proof yung mga testimonya ng mismong mga taga-justice branch
- yung akala mo eh pagka-Hokage yung napanalunang posisyon ni Representative Boss kung makapag-utos siya sa iba
- yung mas malaki pa yung ulo nung Hokage na Mahilig kesa sa mukha nung magmamay-ari nung ID
- sa PCUP, yung aprubado naman na mga international na lakad na biglang na-convert bilang mga alegasyon
- yung mga perang walang mukha na naisama pa talaga ng BSP sa sirkulasyon
- yung laya na yung miyembro ng Gwapings kahit na drug-related yung kaso niya, at yung minor na kaso na lang daw niya ang kailangan niyang harapin
- yung may bago pang ibinigay na posisyon sa dating pinuno ng customs kahit na nahaharap pa ito sa maraming akusasyon
- eh yung pati isang mahalagang assembly eh pinaspasan na ng mga Chunin
- yung lantarang nananakot ang Representative Boss ng zero budget para sa mga Chunin na hindi magpapadikta sa kanila
- yung hinayaan na palang mapasok at mapag-aralan ang Benham Rise ng mang-aagaw at certified na mapanirang Imperyo
- yung huli na yung ginawang pagpapatigil sa mga research na ginagawa ng mga dayuhan sa Benham Rise
- yung pati sistema ng pag-iipon eh nabangga ng TRAIN
- yung pamunuan ang gustong magdikta kung ilang porsyento ba ng kita ang dapat itabi ng mga mamamayan sa kanilang pangangalaga
- yung nabangga na rin ng TRAIN ang mga in demand na documents mula sa PSA
- yung pati basic need na kuryente ay binangga pa rin ng TRAIN ang transmission charge
- yung nabundol na rin ng TRAIN ang presyuhan ng NBI clearance
- yung pati kita sa pag-a-assist sa barangay elections eh gagatasan pa rin nang malaki
- yung may mga klase pala ng panggagatas sa basic needs na lolobo pa sa paglipas ng mga taon
- yung may access sina Bobong sa kini-claim nilang mga ebidensya, samantalang dapat ay na-secure ang mga yun sa mga box kung totoo ngang nabilang ang mga yun
- yung hindi kaagad ni-regulate ang industriya ng TNVS mula sa umpisa, tapos biglang maglilimita ng bilang at magba-ban ng maliliit na klase ng sasakyan para dun sa serbisyo kung kailan nakapangutang na yung iba na gustong maging TNVS driver
- yung nauna yung panggagatas, samantalang wala pa namang nakahandang pang-ayuda
- yung February 2018 na pero wala pa rin yung sinasabi na 1-year validity ng mga prepaid load na makakatulong sana kahit na papaano sa lalo pang naghihirap na mga mamamayan
- yung palpak na management ng NFA sa murang bigas
- yung pati sa bidding para sa imported na bigas na gagawing NFA rice ay nagkakaproblema na rin
- yung mismanagement sa pagha-handle ng supply ng asukal na bunsod ng pagbabago daw sa dami ng produksyon at dahil na rin sa epekto dito ng TRAIN
- yung nagsira ng mga mamahaling sasakyan sa halip na pakinabangan ang mga yun sa mabuting paraan
- sa Tacloban, yung hinayaan lang ng mga kinauukulan na mabulok ang daan-daang sako ng mga kumpiskadong bigas sa halip na mapakinabangan ang mga yun
- yung gustong damay-damay na ang lahat, at alisan ng hanapbuhay maging yung mga OFW na wala namang problema sa kanilang mga pinagtatrabahuhan
- yung palakihin lang ang contribution ng mga members ang tanging alam na paraan ng SSS para mapalago yung perang mina-manage nila
- yung palpak na sistema ng SSS
- yung hindi naman gumagana nang ayos yung fill up form ng SSS para sa online registration
- yung gusto nilang padaliin ang paghihiwalay ng mga iresponsableng nag-aasawa
- yung halos wala rin naman palang maitutulong yung ipinangako nilang tulong sa mga PUV operators at drivers dahil nga maya't maya rin ang pagtataas ng presyo ng petrolyo
- yung may nakapasok daw na miyembro ng Maute sa NCR
- yung nag-convert na nga ng ibang pondo para mabigyan ng ayuda ang mga piling mahihirap, at isang bagsakan pa yung ibinigay na ayuda na para sa isang taon
- sa Biñan, Laguna, yung mga nagmarunong na pulis na kesyo hindi na daw kailangan ng SOCO dahil wala naman daw foul play, pero lumalabas sa imbestigasyon na pinatay nga yung babaeng biktima
- yung kagustuhan na magpabida sa isang sekta sa pamamagitan ng paglalaan ng nationwide holiday sa araw ng foundation day ng mga ito
- yung UN special rapporteur na inilista bilang isang communist terrorist
- yung ibinasura ng DOJ yung kaso laban sa mga sinasabi nila noon na mga drug lord, pero sa kabila nun ay valid pa rin yung ginawang pagtestigo noon nung iba sa kanila
- yung provisional na ang status nung NGO Queen para sa Witness Protection Program
- yung sobra-sobrang pagtatanggol sa mga hayop, maging dun sa mga nakakaperwisyo na sa ibang tao
- yung nag-suspend ng pasok dahil sa fake news na may threat daw dahil sa transport strike
- yung mga error sa napa-print na ID ng PCOO, na kesyo hindi daw dumaan sa tamang protocol
- yung mahabang 6 months ang inabot na parusa ng Boracay, kung ikukumpara sa mga land and water areas na nasira ng mga mining sites
- yung lumalabas na marami ngang establishment sa Boracay ang hinayaan ng local government na maitayo at mag-operate kahit na kulang-kulang naman ang mga requirements at permit
- yung pati supply ng tubig mula sa Angat Dam ay may problema sa hatian
- yung makakatipid na nga sana dahil walang gustong bumuo ng SK sa ibang lugar, pero ang gusto ng mga namamahala ay may magtatalaga na lang
- yung iginigiit yung Nose In, Nose Out Policy kahit na imposible na yun para dun sa ibang existing na bus terminals, kaya mga mananakay na naman ang pahihirapan
- yung pinutol na ang diretsong biyahe ng mga probinsiyanong mananakay papasok sa NCR
- yung mga nagmarunong habang nasa teritoryo ng iba, tapos eh saka hihingi ng paumanhin
- yung paggamit sa katungkulan para sa wais na placement ng ads
- yung Php 80,000,000 na advanced payment para sa food tourism programs
- yung opisina na related sa Department of Tourism na umamin na hindi sila dumadaan sa bidding process at na paspasan rin ang paglalabas nila ng full payment
- sa Tanauan City, Batangas, yung patay na napasali pa rin sa verified DAW na narco list ng PDEA
- yung mga idineklara na drug-free areas noon, tapos biglang may mga opisyales sila na napasama sa latest na narco list
- yung kinukuwestiyon ng COA na naging paggastos ng isang opisyales ng PhilHealth
- yung posibleng may nangyayari ngayon na financial mismanagement sa PhilHealth
- yung madami ng mga ospital ang gusto nang kumalas sa PhilHealth dahil daw sa hindi nito pagbabayad ng mga utang sa kanila
- yung sinasabi ng COA na 3 unauthorized na bank accounts na binuksan daw ng DOJ na nasa Php 65,000,000 yung involved na pera
- yung nasilip ng COA na kuwestiyonable daw na malalaking allowances ng 5 abogado ng Office of the Government Corporate Counsel
- yung nasilip ng COA na kuwestiyonableng paggamit ng PCOO sa pondo nito para sa pagho-host ng ASEAN 2017
- yung nasilip ng COA na excess honoraria and allowances ng Solicitor General na nasa mahigit Php 7,000,000 ang amount
- yung #4 sa Highest Paid Government Officials noong 2017 na may 351.8% na increase sa sahod mula 2016 to 2017
- yung nakita ng COA na unliquidated cash advances at fund transfers ng Office of the President
- yung nasilip na nasa Php 200,000,000 plus DAW na deal ng iba't ibang opisina ng gobyerno sa security firm ng asawa ng Solicitor General (na dati ring nagtatrabaho doon) na nangyari sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon
- yung DepEd razors na halos Php 2,000 kada piraso
- yung paspas ang pagtatanggol ng mga nasa administrasyon sa Solicitor General laban sa mga isyu na kinakaharap nito sa ngayon
- sa Quezon City, yung sasakyan na may plakang pang-Representative na nahuli dahil sa illegal parking, tapos eh kaanak lang pala ang nagmamaneho
- yung okay lang naman pala na magnakaw ang mga opisyales sa bayan, basta ba eh tila pinatawad ka ng mga mamamayan sa pamamagitan nang muli nilang pagboto sa'yo
- yung pa-mid-year bonus, kahit na wala namang matinong source of budget ang pamunuan, maliban sa mga gatasan
- yung ginawang pagluluto sa Supreme Court na lumabag sa mga sarili nilang alituntunin
- yung kagustuhan na buwagin na ang commission na naghahabol sa mga nakaw na yaman ng Dictator Clan, at ibigay ang kapangyarihan na iyon sa kakampi pa mismo ng Dictator Clan
- yung pati paglinang sa mga lokal na energy sources eh ipinapaubaya sa mga dayuhan
- yung Government Corporate Counsel na sinibak na sa puwesto dahil DAW may hinayaan itong casino deal ng mga dayuhan na hindi na dumaan sa bidding
- yung gusto pang pagkaabalahan na palitan ang disenyo ng watawat ng bansa, pero hindi rin naman kino-consider lahat ng nag-contribute sa paglaban sa mga mananakop noon
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
- yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
- yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
- yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
- sa Samar, yung may 6 na pulis na napatay dahil sa misencounter ng mga pulis at ng mga miyembro ng Philippine Army
- ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
- yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
- yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
- eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
- yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
- yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
- yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas
- yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
- yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
- ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
- yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
- yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
- yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
- ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
- yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
- yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
- yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
- yung mas inuuna pang kuwestiyunin parati ni Kalbo yung motibo sa pagre-report tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain ng mga tauhan niya, kesa kuwestiyunin kung bakit nga ba ganun yung kinahihinatnan ng ibang mga nagiging operasyon nila
- yung special treatment para sa mga may HIV in general, na hindi na kino-consider kung sino ba yung posibleng attacker
- yung mga balimbing na pulitiko na sumasang-ayon lamang sa mga may kapangyarihan at impluwensiya
- yung kabobohan ng mga nasa itaas, na akala eh lahat ng mga mamamayan ay may regular na suweldo
- eh yung nasa Php 6,000,000 (to 10,000,000 according naman sa nagrereklamo) daw yung nagastos para sa christmas party ng PCSO para sa nasa 1,500 na katao
- yung lumilitaw na yung mga planong MAS multiple at unli-term
- eh yung ang mga teacher na hindi naman gaanong kadelikado laban sa mga mamamayan ang sila pang hindi mabigyan ng priority para sa increase ng suweldo
- yung gusto rin nila na makalibre sa pagbabayad ng buwis at mabalasa ang justice branch
- yung planong magbawas ng posisyon para lang makapagpatalsik ng mga hindi kaalyado
- ang pananahimik ng mga kilalang personalidad kung kailan ang mga ordinaryong tao na ang inaatake ng panggagatas
- yung mga bobong PUV operator at driver na sa mga ordinaryong mananakay rin gustong ipapasan ang mga dagdag sa gastusin nila, sa halip na hilingin sa pamunuan na gawing patas ang panggagatas
- yung ipinagkalkal pa ng lumang kaso ang Rappler
- yung mga taong nagpapalaganap ng impormasyon, na kesyo bababa daw ang gastusin ng mga negosyante sa kabila ng reporma sa pagbubuwis, despite the fact na patuloy na nga ang pagtaas ng presyo ng basic need na petrolyo
- yung pati Geography ng bayan eh pinakikialaman na ng Kape at nagbibigay na naman siya ng maling impormasyon
- yung mga nagpapanggap na mapagkakatiwalaan at hindi bias na media, pero yung grupo nila eh nakapangalan sa kanilang idolo
- yung idinadamay pa yung reyna sa pagpapabango ng pangalan
- yung pagyurak nila sa essence ng matagumpay na People Power habang makakapal ang mukha nilang pinakikinabangan ang demokrasyang idinulot nito upang lasunin ang kaisipan ng iba pang mamamayan
- yung sadyang may nagpapakalat ng history o alamat nila sa online media
- yung pag-aagawan sa slot ng mga kaalyado na patunay kung gaano sila kauhaw sa kapangyarihan
- yung mga taong nagpapanggap na makakalikasan, yung ayaw kuno sa mapolusyon na mga petroleum products, pero habol naman nang habol sa paggamit ng mga air conditioner
- yung protektado na rin ngayon ng Bestfriend Empire ang trono ng Hokage na Mahilig
- sa Imus, Cavite, yung may gumuho na bahagi ng itinatayong flyover
- yung gusto na ring gumaya ng ibang PUV operators and drivers sa pagpapatupad ng surge rate sa antas ng pamasahe nila
- yung gusto na rin ng mga may-ari ng mga supermarket na magtaas ng presyo ng mga items nila dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo
- yung hindi kayang ipatupad kahit na sa mga waterways man lang sa NCR yung pagiging maka-environment na ipinapakita nila kuno with respect sa Boracay
- yung sunud-sunod na nangyayari recently na pagtumba sa mga paring katoliko
- yung utang na loob pa pala ng mga mamamayan ng bansa sa Bestfriend Empire yung oportunidad na makinabang rin naman sila sa teritoryo na sadya namang sa atin DAW
- yung pati naman mga larawan ng mga identified na mga kriminal eh pinipigilan ng CHR na maipakita sa publiko
- yung pandaraya nung contractor para sa Barangay Health Station Project
- yung mga obvious na premature campaigning
- yung mga lecheng PUV driver na hindi makuntento sa higit naman sa daily minimum wage, at gusto pang magtaas ng pamasahe para lang maipantay nila sa dati (libuhan) ang arawang kita nila
- yung repacking at paghahalo ng NFA rice sa mga mamahaling bigas ng mga mandarayang negosyante
- yung isinabay ang official trip daw ng maraming tao sa sports event sa kaparehong bansa
- yung ayaw ng ibang tao na tumanggap ng mga payo para makaiwas na mabiktima ng rape
-----o0o-----
July 14, 2018...
yung 4 na pulis na inaresto dahil sa hulidap...
totoo pala yung kasalanan nila..
umamin eh..
lalaki daw na sangkot sa ilegal na droga ang target nung operasyon nila..
pero isinama nila yung babae, at saka ipinatutubos..
may palit-ulo na sinasabi yung mga suspek eh...
base dun sa video nung ginawang operasyon laban sa mga suspek..
eh mukhang guilty na guilty nga sila dahil sinubukan talaga nilang hadlangan yung mga kapwa nila pulis..
at may sumubok rin na tumakas..
nakunan rin sa video yung pagkahanap dun sa mismong biktima ng hulidap...
bukod dun sa 4 eh may pinaghahanap pa na posibleng mga kasabwat...
is feeling , lugi na naman ng monthly na almost Php 30,000 or up sa bawat isa sa mga abusado na yun...
---o0o---
July 15, 2018...
[Sports]
Matthysse..
walang kuwenta..
na-TKO ng matanda..
ni hindi rin tumagal sa laban..
saan ba nun nakuha yung maganda niyang record, sa mga low level..?
wala man lang na-comatose..?
wala man lang naging punch drunk...?
bayad yata yun eh...?
is feeling , tapos gagamitin na naman sa pagsuporta sa kasamaan yung impluwensiya...??
>
ang galing ng teknik..
isinabay..
tapos na naman ang gatas na inipon ng mga mamamayan... :(
yung ibang gatas, nasa gumuguhong ipinapatayo..
yung ibang gatas, nagpataas ng suweldo ng mga tiwali..
yung ibang gatas, nasa honoraria and allowances..
yung ibang gatas, nasa kompanya ng mga kamag-anak..
at meron ring gatas na napupunta sa gala...
is feeling , yung mga luho napaplano nang maige.. pero yung pagma-manage ng bayan eh patanga-tanga...
---o0o---
July 18, 2018...
mga tao talaga o'... :(
logically speaking..
lahat ng proven na rapist eh dapat mabitay, o makulong habambuhay kung hindi pwede ang bitay..
pero ang mas magandang parusa talaga ay ang putulan sila, at hayaan na araw-araw nilang maisip kung ano yung nawala sa kanila...
pero paano ba nila masasabi na rapist ang isang lalaki kung wala pang nangyayaring rape o attempted rape..?
ano yun, kapag napatingin ang isang lalaki sa babaeng maganda eh masasabi na nilang may tendency yun na maging rapist..?
o kapag napatingin ang isang lalaki sa babaeng sexy eh masasabi na nilang may tendency yun na maging rapist..?
o kapag napatingin ang isang lalaki sa babaeng maiksi ang shorts o palda eh masasabi na nilang may tendency yun na maging rapist..?
o kapag napatingin ang isang lalaki sa cleavage o boobs ng babae eh masasabi na nilang may tendency yun na maging rapist..?
o kapag nag-cat call ba ang isang lalaki sa mga babaeng dumadaan eh masasabi na nilang may tendency yun na maging rapist...?
kaya paano nilang nasasabi sa mga awtoridad na dapat na sa mga may balak mang-rape na lang iparating yung mensahe..?
meron bang makapagsasabi kung sinu-sino nga ba ang may balak...??
parang mga hindi nag-iisip eh..
tutol sila na payuhan ang mga babae na huwag makipag-meet nang nag-iisa sa mga lalaking kakikilala pa lang nila..?
tutol sila na payuhan ang mga babae na huwag makipag-inuman nang nag-iisa kasama ang mga bagong kakikilala lang nila na mga lalaki..?
tutol sila na payuhan ang mga babae na huwag magsuot ng mga revealing na damit lalo na sa mga delikadong lugar..?
payo nga lang eh, tapos ayaw pa nila...?
masyadong idealistic yung pangarap nila na matuto ang bawat isang tao na irespeto ang puri ng isa't isa..
samantalang parang panghabambuhay na ang krimen sa mundo... :(
eh dito na lang sa bansa na 'to eh..
mga nakakulong na pero nakakatakbo pa rin sa mga halalan, at nananalo pa..
mukhang ganun ba ang lagay ng mga taong pinarurusahan...??
is feeling , bahala kayo kung ayaw ninyo...
>
sa Manila..
yung traffic enforcer ng MTPB na nakunan sa video habang nangongotong laban sa isang dayuhan na driver..
bale Php 2,000 yung hiningi nung enforcer para sa areglo...
bilang resulta eh 2 taga-MTPB ang tinanggal na sa trabaho..
may opisyal yata na nadamay...
is feeling , bakit nga ba nawala ang takot nila sa Hokage na Mahilig..? samantalang berdugo ang tingin nila doon noong panahon pa lang ng pagpapakilala...
---o0o---
July 19, 2018...
nagtataka sila ngayon kung bakit parang matagal ma-erect yung mga project na ipinangako...?
eh umubra lang naman yun noon dahil na rin sa hindi naman 4 or 6 years lang ang naging pananakop nung Diktador..
akala yata nung mga bobo eh 6 years lang naghari yung demonyong yun...
gusto lang nilang iparating na kailangan na mga kakampi nilang Diktador ang maupo sa tuktok para tuluy-tuloy na mabuo yung mga projects na isusumbat sa mga tao..
kagaya kung paano ipanumbat nung mga taga-sunod ng Dictator Family yung mga naging projects ng mga yun...
is feeling , it's a trap...
>
sa Manila..
yung 2 pulis na inaresto dahil sa pangingikil laban sa mga hinuli nilang sangkot daw sa human trafficking...
wala naman daw naging record yung ginawang operasyon kuno..
at may 4 pang kasabwat, na itinuro ng mga biktima, ang pinaghahanap...
is feeling , lugi sa gatas = almost Php 30,000 or up per month x 2 or more...
---o0o---
July 20, 2018...
yung nabuking rin ng COA..
yung kuwestiyonableng paggamit ng PCOO sa pondo nito para sa pagho-host ng ASEAN 2017..
nasa Php 38,000,000 plus yung pinag-uusapan na halaga eh...
tapos nag-rent pa daw ng mga overpriced na IT equipment..
gayong di hamak na mas nakatipid daw sana kung bumili na lang ng mga sariling equipment..
nagpalusot naman ang PCOO na kesyo wala silang kakayahan na mag-purchase...
tapos may tatanga-tanga din daw na paghahati-hati ng budget para sa iba't ibang supplier..
at lumabag daw yun sa Government Procurement Act..
gayong posible daw sana na nakatipid ito dahil sa bulk discount kung dumaan lang sana sila sa public bidding...
pucha!
baka nagbayad ng extra service fee para dun kay Kape ha...??
yung nabuking rin ng COA..
yung kuwestiyonableng paggamit ng PCOO sa pondo nito para sa pagho-host ng ASEAN 2017..
nasa Php 38,000,000 plus yung pinag-uusapan na halaga eh...
tapos nag-rent pa daw ng mga overpriced na IT equipment..
gayong di hamak na mas nakatipid daw sana kung bumili na lang ng mga sariling equipment..
nagpalusot naman ang PCOO na kesyo wala silang kakayahan na mag-purchase...
tapos may tatanga-tanga din daw na paghahati-hati ng budget para sa iba't ibang supplier..
at lumabag daw yun sa Government Procurement Act..
gayong posible daw sana na nakatipid ito dahil sa bulk discount kung dumaan lang sana sila sa public bidding...
pucha!
baka nagbayad ng extra service fee para dun kay Kape ha...??
is feeling , hindi ba pwedeng COA na lang ang ihalal sa mahahalagang katungkulan..? ang gagaling eh...
No comments:
Post a Comment