Loveless Story
July 9, 2018...
yung number na lang na yun ang meron ako na mula sa kanya..
pero hindi ko na masabi ngayon kung sino ba ang piloto nun..
kung siya nga ba..?
o kung pang-double-phone strategy ba yun...?
kailangan ko pang maghintay hanggang sa July 15..
kapag tumigil na sa pagiging active yung number..
ang possibility ay..?
either sponsored phone yun..
o di kaya eh pinalitan na lang niya talaga yung SIM...
is feeling , huwag naman please...
---o0o---
July 11, 2018...
hindi ko na tuloy namalayan ang pagdaan ng mga araw...
birthday na niya ngayon..
nung TOTGA..
ibig sabihin..?
pumalpak na naman ako..
hindi ko na naman nagawa yung mga dapat kong gawin... :(
ni hindi ko siya magawang batiin nang hindi pa ako nakakapag-apologize..
baka kasi mamaya eh i-block pa nila yung drone ko...
is feeling , reset ng war clock.. 1 year ulit...
---o0o---
July 12, 2018...
lagot na...
so naging active naman ulit yung contact na ibinigay niya sa akin..
pero sa totoo lang, yung more than 24 hours na yun eh sobrang tagal na para sa pakiramdam ko...
pero bumalik din naman siya..
o kung sinuman ang piloto nun..
yun nga lang..?
naka-stealth mode na siya...
anyway..
i still have 3 days..
kung active pa yung number sa panahon na yun..
edi tuloy ang plano..
kung hindi naman..
edi back to zero...
is feeling , ang matindi nun..? eh nakisawsaw pa ang pamunuan sa lalong pagpapahirap nung paraan ng transportasyon...
---o0o---
July 14, 2018...
lahat ng bagay may katapusan..
so ang goal ay sulitin yung panahon..
ang samantalahin ang pagkakataon habang naroroon pa ang mga bagay na yun..
maging ano pa man ang mga yun...
is feeling , magaling sana kung kagaya ko si Tito Nathan na may mayaman na ina...
-----o0o-----
July 10, 2018...
may nahuli na akong nagre-request ng mga gawa ko..
sa forum ng isang popular na sharing site...
ang good news so far..?
eh wala namang tumutugon sa request niya..
so wala pang bumabastos sa copyright ko... :D
tama yan..
respeto lang..
lalo na ngayong nagtataasan na ang mga presyo ng mga produkto at serbisyo dito sa bansa namin... :(
is feeling , respeto.. kailangan ko pa ng bagong graphics card eh...
---o0o---
July 11, 2018...
[Business]
ano pa bang legal na business yung malakas pero konti lang yung kailangan na effort...??
tipong Php 10,000 to 20,000 lang yung puhunan..
yung halos naka-auto-pilot lang..
yung parang ice raket; na gagawa lang ng ice water, hahayaan ang freezer na gawin yung yelo, tapos benta na..
basta yung tipo na hindi kailangan na tutukan na parang palakihing bata...
is feeling , kailangan ko pa ng backup na source of income...
---o0o---
July 13, 2018...
[Online Marketing]
may nakita akong artist na kalinya ko sa trabaho..
i assume na gross yung ipinapakitang kita niya..
at nasurpresa ako na umaabot yung sa kanya ng USD 1,800..
bale lagpas Php 90,000 yun monthly...
grabe!
ganun ang pangarap ko eh..
may pambayad utang na..
may allowance pa para sa edukasyon..
at eventually eh kaya nang pangsuporta ng pamilya...
pero bago yun..
kailangan ko munang gumaling..
at magkaroon ng mas mabilis at mas reliable na partner na computer...
is feeling , pangarap...
>
[Online Marketing]
surprisingly, mas maganda ang performance ngayon nung 2nd store..
nalampasan na nga niya yung sa 1st store eh..
hindi pa naabot sa quota yung isa, dahil nahati yung sales nun sa June..
at ang maganda pa sa 2nd store ay may putal pa yung kita for June rin..
though September pa ang release ng mga yun...
mabuti na lang at hindi pa ako nagri-release ng bundle doon..
kundi eh hindi ko na-maximize yung komisyon ko...
wala naman yun sa level nung idol ko na USD 1,800 per month..
pero lagpas na sa kailangan kong monthly budget...
is feeling , tumuloy ka pa please...
---o0o---
July 14, 2018...
[TV Series]
hala!
ambilis naman..?
patapos na yung Since I Found You...
hindi na ako makakapanood ng galawang Master Empoy at Morissette.. :(
tawang-tawa pa naman ako parati sa mga kalokohan ni Empoy...
LOL!
ngayon ko lang nalaman..
ang buong pangalan pala ni Empoy doon ay James Ribs... XD
is feeling , paano na idol...?
No comments:
Post a Comment