Loveless Story
July 15, 2018...
at hindi pa rin natatapos..
may 53rd (logically 51st) retirement na..
wala na si Maja...
mukhang ito yung pinaka-pangit na buwan para sa kanila..
4 na kaagad ang nawala this July..
wala nang masyadong new blood na pumapasok..
samantalang umaalis na rin yung mga veteran...
well, hindi naman sa mahihina ang loob ng mga new blood..
sa totoo lang eh marami pa rin naman sila..
pero siguro mas gusto lang nila yung mga tipo na mababa lang ang operational costs...
is feeling , hindi na talaga feasible yung plano ko...
>
Cannot Be Reached
lagot na..
cannot be reached na yung number na ibinigay niya sa akin...
naman..
ni hindi ko siya magawang kumustahin... :(
hindi kaya itinigil na rin niya/nila yung paggamit nun matapos na mag-stealth mode...? :(
is feeling , sobrang lungkot naman na anniversary nito...
---o0o---
July 16, 2018...
wala na 'to..
hopeless na talaga 'tong buhay na 'to... :(
pinili kong hindi sumunod sa agos ng ilog..
pinili kong tahakin yung landas na gusto ko..
pero heto ako..
biktima ng biological family na hindi kayang sumuporta sa raket, pero willing na willing sumuporta sa mga luho ng iba..
tapos nabiktima pa ng bumabagsak na ekonomiya..
pati yung mga nano-raket ko eh nadamay sa pagbagsak ng ekonomiya at sa pagtataas ng rate ng gatasan eh... :(
nakakalungkot lang na ganito pala talaga ang anyo ng buhay..
wala ka kung wala kang pera..
oo, may mga tao naman na willing na tumulong..
at nagpapasalamat ako para sa kanila..
pero nakakalungkot isipin na hindi ka tutulungan nung iba kung wala kang mailalabas na pera..
and to think na may hawak silang mahahalagang impormasyon...
is feeling , edi maghihintay na lang ng katapusan...
>
at dahil napakalupit ng buhay sa akin... :(
Hokage Carolino..
susundin ko na yung payo mo noong nasa college pa ako..
collect and collect..
alam mo namang idol na idol din kita..
dahil kahit na ga-Empoy lang yung wangis ng itsura mo eh matinik ka sa mga babae..
pero wala na yung pick one para sa akin... :(
masyadong miserable ang buhay para maghanap pa ng babaeng magmamahal sa akin..
kaya magche-check na lang ako ng bucket list..
kung sinong game sa casual, edi siya..
masyado nang mahirap ang battle for survival, kaya hindi ko na sasamahan pa ng pag-struggle sa paghahanap ng babaeng kayang tumanggap sa akin...
kung kapalaran ko lang na maging Ninja habambuhay..
siya sige, edi yun na lang...
is feeling , sorry, graphics card.. pero itinuro sa akin ng kapalaran na mas mabilis na maglaho ang mga pangarap kesa sa graphics card.. kaya naman hindi na muna kita mapa-prioritize...
---o0o---
July 17, 2018...
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling pagkain..
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling inumin..
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling pang-gimik..
may ibang tao na mahihilig sa panonood ng mamahaling palabas..
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling kasuotan..
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling koleksyon ng kung anu-ano..
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling gadget..
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling sasakyan..
may ibang tao na mahihilig sa mamahaling pagbiyahe-biyahe..
may ibang tao na mahihilig gumastos para sa taong mahal nila...
pero wala namang permanente sa lahat ng yun..
yung iba eh idinudumi lang..
yung iba nasisira eventually..
yung iba hanggang memories lang ang dulot..
at ang tao eh namamatay din eventually..
kahit memories eh hindi naman permanente sa mundo na 'to...
wala ako ng kahit na anong luho na nabanggit sa itaas..
yung collection ko naman ng action figure ay naka-hiatus..
kaya gusto kong isipin na hindi naman masyadong impraktikal na mag-invest ako sa magagandang alaala at sa advanced studies..
eh kung yun na lang yung pwede kong makuha sa mundo na 'to eh..
kung yun yung nagpapasaya sa akin eh..
ipagdadamot ko pa ba yun sa sarili ko...??
is feeling , eh sa biglang lumitaw yung legend eh...
---o0o---
July 18, 2018...
lagot ako..
Tuesday pa lang kahapon pero wala na kaagad akong tulog..
ramdam na ramdam ng katawan ko ang antok, pero disturbed na disturbed naman ang isip ko... :(
was busy studying my supposed route kahapon..
habang nagtatrabaho at the same time..
luckily, may 2 naman akong nagawa...
Buendia to SM North EDSA..
kaso..
research ako nang research ng LRT station sa North EDSA, pero hanggang Roosevelt lang yung nakikita ko sa internet..
2019 pa daw ang bukas ng North Avenue Station..?
ang bad news..?
nasa 12 minutes walk daw ang Roosevelt Station hanggang sa pupuntahan ko..
so bukod sa malamang na inatake na ako ng hyperhidrosis ko sa LRT pa lang..
eh magiging problema rin para sa akin ang posibilidad ng pag-ulan... :(
sa pagkakaalam ko kayang dumiretso ng MRT from Pasay to TriNoma..
pero seriously, hindi ako pamilyar sa term na Taft, dahil Buendia yung ginagamit ko simula pa noong bata ako..
so hindi ko masabi yung distance nung 2 stations from one another..
besides, MRT is MRT tuwing umaga..
so hindi ko rin siya ma-consider... :(
tapos binangungot pa ako nung napanood ko sa YouTube..
malaking bag kasi lagi ang dala ko, kasi kailangan na pahiga ang ayos ng mga gamit ko - for a very important reason..
kaso doon sa isang video, sobrang siksikan sa LRT 1..
so parang nakakahiya naman kung pati bag ko eh makikipagsiksikan pa sa mga tao..
napapaisip tuloy ako kung anong oras kinunan yung isang video naman kung saan medyo maluwag lang yung LRT 1..
according sa mga online reviews, ang rush hour para sa LRT ay from 7:00 AM to 9:00 AM na lumalagpas pa hanggang 10:00 AM...
buwisit naman kasing ban yan laban sa mga provincial buses eh..
sa halip na magba-bus na lang ako from terminal to terminal..
at hindi makikisiksik sa mga dadaan lang na may mga sakay na..
eh kailangan ko pa talagang dumanas ng delubyo... :(
naman..
ito yung mga panahon na pangarap ko na sana kasing-yaman ko yung mga taong kayang mag-taxi... :(
ang plano..?
mukhang best option ko talaga ang LRT 1 to Roosevelt..
tapos lakad na lang para hindi na maligaw..
sabi sa official website, nasa Php 30.00 daw ang pamasahe from Gil Puyat..
tapos valid naman ang single journey ticket para sa buong araw..
so i guess that means na pwede akong maghintay doon sa station ng kahit na ilang train hanggang sa humupa-hupa naman ang mga tao...
is feeling , sounds like an adventure.. a sweaty one...
---o0o---
July 19, 2018...
madaming ginawa kaninang umaga...
South Star drugstore, kaso wala naman sila nung item ni Maria Ozawa..
7 Eleven, tapos naloko pa ako nung nasa cashier; wala daw tatluhan nung invisible, so dalawang box ng 003 na lang yung binili ko kahit na mas mahal, sayang naman kako kung hindi magagamit eh, tapos nung bayad na ako eh saka ko nakita na may invisible pala dun sa kabilang counter, sayang kasi first time ko sanang ita-try..
Rose Pharmacy, luckily meron sila nung item ni Maria Ozawa, noted na na mas reliable ang Rose Pharmacy kesa sa South Star..
Supermart, para sa mga pangbenta at para makamura sa iba pang adventure items..
at ang huli ay sa banko para maglabas ng pondo...
is feeling , para pahinga na lang ako sa mga susunod na mga araw...
---o0o---
July 20, 2018...
nagpaparamdam na naman ang kamalasan ko... :(
dahil sa sunud na sunod na sama ng panahon..
eh mukhang magkaka-conflict pa ako ngayon dun sa anak niya..
hindi na kasi maging regular yung pagpasok nung bata sa school eh, so hindi nila masabi kung kailan ang ganito-ganyan..
so ngayon eh may risk na mawala yung schedule ko... :(
nangyari na 'to sa akin noon..
na-cancel-an, at hindi na binawian pa..
lumabas pa ang beast mode ko..
nawala sa akin ang isang mahalagang pangarap in the process..
at hindi ko naisip na nagawan ko din ng mali yung mga kaibigan ni Miss Co...
3 years in the making 'to..
at hindi ko na pwedeng hayaan na mawala pati ang pangarap na 'to..
alam ko ang pakiramdam ng magkaroon ng regret..
at hindi yun nawawala para sa akin..
kaya naman kailangan kong tsagain ang isang 'to...
besides..
naka-ready na lahat ng war items..
lalo na yung item ni Maria Ozawa...
is feeling , Greek goddess Ate, huwag naman po please...
---o0o---
July 21, 2018...
ayun na nga..
tinamaan na ako...
nadagdagan pa ng 4 days nang paghihintay yung schedule ko dapat..
kailangan ko pang i-contain 'to nang mas matagal...
-----o0o-----
July 18, 2018...
[Online Marketing]
pumalo pa rin naman sa 2nd quota yung 2nd store..
kaso eh September pa nga ang release nun, so hindi rin kaagad yun makatutulong dun sa banko...
yung 1st store naman eh naabot na yung quota niya..
so that means na may makukuha na rin akong pera sa August...
may 13 to 14 days pa ang July, depende sa time zone..
hopefully may mga pumasok pang pera para mabawi ko rin naman kaagad yung ilalabas ko...
so far, mabilis naman ang itinatakbo ng project #8 ko..
though medyo distracted lang ako this week..
so siguro gagawin ko na ring outdoor ang setting nung project #9 ko for Halloween...
is feeling , bawi mode na kaagad...
---o0o---
July 20, 2018...
[Online Marketing / Piracy]
ayun..
may problema na... :(
after more than a year..
merong pirata ang nagsimulang magkalat ng initial product ko online..
sa mga forum at file hosting sites..
5 so far yung nahuli ko..
obviously, habol nila yung komisyon na nakukuha for every download...
matagal na 'tong problema sa internet..
pero mas mabigat 'to para sa pakiramdam ko..
una, dahil hindi naman ako kagaya nung ibang artist na kumikita ng USD 1,800 per month..
ni hindi ako taga-ibang bansa kung saan malakas ang purchasing power ng bawat piraso ng currency..
ikalawa, palala na nang palala ang ekonomiya sa bansa kung nasaan ako... :(
okay lang sana kung patay na ako eh..
pero buhay pa ako, eh nakikisawsaw na sila sa unti-unting pagpatay sa akin sa pamamagitan ng brutal na paraan ng kahirapan... :(
sana lang talaga may maka-develop ng virus attachment..
yung tipo ng virus na aatake lang kapag sinubukang pakialaman nung buyer yung file format..
para matapos na 'tong bastusan na 'to ng copyright... :(
is feeling , tang ina ninyo! si Luffy lang ang pwedeng maging Pirate King, hindi ang mga kagaya ninyong magnanakaw...
>
[Movie]
leche!
nabuwisit ako sa Marvel..
dinamay pala pati si Wasp sa atake ni Thanos..
inuna na nga nila si Scarlet Witch eh..
puros pananakit ng damdamin ng fans ang alam... :(
sino pang makakasamang chick ni Black Widow niyan..?
aasa kay Captain Marvel...??
is feeling , sobra na kayo...
---o0o---
July 21, 2018...
[Piracy]
leche!
naubos yung umaga ko sa pakikipaglaban sa mga pirata...
wala eh..
bulok ang sistema..
andaming requirements para lang maipatupad yung tama..
samantalang masyado silang maluwag, at nakikinabang rin sa gawain ng mga magnanakaw..
kung tutuusin eh pwede namang ituro na lang yung publicly available na link at yung sharing site, at obvious na yun na may ginagawang kalokohan yung user nila...
5 links pa lang yung natatrabaho ko..
may 2 pang natitira..
ang laking abala... :(
kung tutuusin eh kasalanan nila 'to eh..
kundangang binabayaran nila yung mga file uploader sa tuwing may nagda-download ng mga files na ini-upload ng mga ito..
dapat inaalis na yung ganung promo eh..
mga kasabwat ng mga magnanakaw... :(
is feeling , i-block nyo kasi yung user kahit na nagbabayad pa sila.. mga kunsintidor kasi...
No comments:
Post a Comment