Loveless Story
July 1, 2018...
salamat para sa buwan ng June... :)
sa totoo lang, November 2016 pa noong huling beses akong naka-porsyento ng malaki mula sa remittance raket..
matapos yung eleksyon noong 2016, parang humina na siya during most months...
alam ko may mga pagkakataon na nai-stress ako..
lalo na tuwing naghahabol ako sa trabaho, tapos biglang pagche-check-in ako nang limpak-limpak na mga pera..
minsan eh tig-Php 20 bill pa..
sana lang sa susunod eh hindi masyadong tumitiyempo ang mga kliyente sa tuwing masyado akong busy...
at least nabawasan ko yung kailangan kong i-withdraw..
may pangsagot na ako para dun sa mga latest kong bayarin..
at may dagdag pa ako sa savings ko...
is feeling , not enough for July.. pero not bad...
>
may 50th (logically 48th) retirement na..
madalas halos saktuhan talaga sila kung mag-decide...
is feeling , anniversary month na...
---o0o---
July 5, 2018...
may 51st (logically 49th) retirement na... :(
iniwan na niya ako ulit.. :(
ang pang-2 beses sa loob ng 3 taon..
malungkot..
kasi malapit na ulit yung anniversary ng pagkakakilala ko sa kanya..
tapos bigla ngang nawala na ulit siya..
nakakalokong isipin na for the 3rd time, wala na naman siya sa buwan ng July...
akala ko pa naman mase-celebrate ko na yung 3rd anniversary with her..
kaso mabagal talaga ako eh.. :(
walang excess fund para magawa yung plano..
start pa lang naman kasi ng July, at halos kare-release lang nung latest project ko..
may balak pa naman akong ipa-fulfill sa kanya, kasama ng 2 pa niyang kaibigan..
pero ayun, naglaho na ulit na parang bula eh...
pero may nangyari rin naman na medyo maganda..
found 2 new sources..
mga batikan na posibleng maging link..
bale umakyat na sa 27 yung sources ko, plus 3 unverified..
pero hindi ko pa rin talaga mahanap yung taong hinahanap ko... :(
i texted her, hoping na makakabalita ako from her..
pero walang reply eh..
i can still see her..
kaso hindi ko alam kung sinong piloto nung number na yun...
is feeling , walang 3rd Anniversary...
---o0o---
July 6, 2018...
meron na rin kaagad 52nd (logically 50th) retirement...
mukhang 6 months yung usual na contract..
at 1st at 7th month yung madalas na panahon ng pagdedesisyon...
alam ko na kung saan yung lokasyon na ginagamit nila...
pero naaasar pa rin ako kung paanong madali kong nahahanap yung ibang mga bagay-bagay..
pero siya eh hinding-hindi ko makita...
is feeling , wala ba talagang suwerte...??
---o0o---
July 7, 2018...
ano bang nangyayari from 2:00 to 3:00 AM..?
tapos kaya pa niya kaagad na makabalik by 6:00 AM..
yun na yung naging routine niya recently..
bago pa man siya nawala ulit...
pumalpak na naman ako nang kainaman..
hindi na nga ulit ako umabot para sa anniversary namin..
tapos wala pa rin akong nahingi na picture niya..
hindi ko pa rin siya mailagay bilang wallpaper ng mga phone ko..
okay lang naman sa akin na mabigo na naman, basta ba maaalala ko siya sa mga nalalabing panahon ng buhay ko..
pero hindi ko pa rin siya maalala nang malinaw...
sa ngayon, nahahati na naman sa 3 ang atensyon ko..
yung mga obligasyon ko ba muna..?
yung pag-aaral ko ba..?
o yung alam ko naman na papalpak rin lang na paghahanap ko sa babaeng gusto ko...?
sobrang ikli lang ng buhay ng tao para mag-isip pa nang mag-isip..
tapos pinahirap pa nga ng kasalukuyang pamunuan ang battle for survival..
parang wala na tuloy kabuluhan ang bawat effort para lang subukang maging masaya...
is feeling , pa-approve na nga ng Euthanasia Bill...
-----o0o-----
[V-League]
PVL Season 2 - Reinforced Conference (Semifinals)
July 1, 2018...
andami na ulit live audience...
Creamline versus Pocari-Air Force
Baldo versus Pablo..
akala ko good news noong sinabi na nagpalit ng isang import ang Creamline..
naisip ko na baka kumuha sila ng outside spiker na all-around player na rin, gaya nina Love at Palmer..
pero puta naman o', yung di hamak na mas reliable na si Asceric eh bigla nilang pinalitan nung dati nilang mahinang import na si Schaudt..
eh mas mainam pa siguro kung si Lymareva o Ubben o Whyte na lang ang kinuha nila eh..
naghahabol sila ng championship, tapos bigla silang maglalason nang ganun..?
nakakainit lang ng ulo ang ginawa ng Creamline eh... :(
Set 1, maganda ang naging umpisa ng laro para sa Creamline..
halos lahat ng attackers eh nagko-contribute..
8-5 pagdating ng 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-11 naman sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Creamline..
pero biglang nag-init sina Love at inagaw na yung set sa 25-23..
dahil dun ay nadurog nila ang morale ng ibang main players ng Creamline...
Set 2, parang nawalan na kaagad ng confidence ang Creamline..
8-4 pagdating ng 1st technical time-out, in favor of Pocari-Air, at mahirap habulin sina Love kapag sila na ang lamang..
16-10 sa 2nd technical time-out, lamang pa rin ang Pocari-Air..
dito na nagbalasa ng mga players si Coach Tai, at blonde na si Galanza ngayon..
pero tinapos na ng Pocari-Air yung set sa 25-12...
Set 3, inilabas na sina Gumabao, Sato, at Schaudt, at saka pa nakalaban ulit ang Creamline..
si Baldo ang naging main attacker, dahil parehas na silang na-check ni Kaewpin..
pero reliable as usual si Kaepwin pagdating sa depensa sa floor..
8-6 pagdating ng 1st technical time-out, in favor of Pocari-Air..
16-12 pagdating ng 2nd technical time-out, in favor pa rin sa Pocari-Air..
pero medyo nagkaproblema si Love sa kanyang binti kaya matagal-tagal din siyang ipinahinga..
nag-contribute sina Galanza at Mandapat sa pagpuntos..
pero sa pagbabalik ni Love sa laro eh kinapos na talaga ang Creamline, at natapos yung set sa 25-23...
3-0, panalo ang Pocari-Air Force, at nakaganti pa sila sa Creamline..
sobrang lakas ng blocking ng Pocari-Air, at pinalakas pa ni Tempiatura ang kanilang floor defense..
na-check ang opensa ni Kaewpin, samantalang 1 point lang ang naitulong ng magaling na si Schaudt hanggang sa ibinangko na nga siya..
tang ina, import tapos bangko lang..
Middle/Opposite Hitter pala ang laro niya, pero wala naman siyang silbi tuwing nasa likod siya..
sobrang consistent naman nina Love at Palmer..
Player of the Game si Love with 19 points, na may 3 kill blocks at 1 service ace...
BanKo versus PayMaya
Set 1, 25-19, in favor of BanKo..
Set 2, lumaban ang PayMaya at nakuha yung set sa 28-26..
Set 3, 25-23, in favor na ulit sa BanKo..
Set 4, 25-23 ulit, at tinapos na ng BanKo ang laban...
3-1, panalo ang BanKo..
at hindi pa rin nakakabawi laban sa kanila ang PayMaya..
nanaig sina Montripila at Bright laban kina Rountree at Sullivan..
Player of the Game si Montripila with 31 points...
in terms of power, mas lamang si Montripila kumpara kay Kaewpin...
is feeling , tang ina, Creamline.. nilason nyo ang team.. idadamay nyo pa sina Morado at Galanza...
---o0o---
July 4, 2018...
BanKo versus PayMaya
ang 12th 5-setter match ng conference...
Set 1, 28-26, naagaw pa ng PayMaya ang set mula sa BanKo..
Set 2, 25-16, nasira ang laro ng BanKo at nakuha ulit ng PayMaya yung set, pero lumaban pa rin naman nang magaling si Bright..
Set 3, 27-25, BanKo naman ang nakaagaw ng set mula sa PayMaya, nag-adjust na ng laro niya si Montripila..
Set 4, 27-25, at muli pang naagaw ng BanKo yung set mula sa PayMaya..
Set 5, 15-12, mas naghabol pa rin ang BanKo sa huling set, pero hindi na sila pinadiskarte pa ng PayMaya...
3-1, panalo ang PayMaya..
nakabawi na sila sa wakas laban sa BanKo, at winakasan pa nila ang 8 winning streak ng mga ito..
nanaig sina Rountree at Sullivan laban kina Montripila at Bright..
Player of the Game si Soltones with 22 points, na may 1 kill block at 3 service aces...
dahil dun..
may sigurado ng digmaan para sa Friday...
Creamline versus Pocari-Air Force
na-injure daw si Asceric kaya kinailangang palitan...
Set 1, halatang maagang na-check si Kaewpin ng mga blockers ng Pocari-Air..
Middle Hitter naman ang laro ni Schaudt..
8-5 sa 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-9 sa 2nd technical time-out, in favor pa rin sa Creamline..
at nagawa nga nilang maitawid yung set sa very convincing na 25-16 na score...
Set 2, uminit naman na si Love..
8-2 sa 1st technical time-out, tambak ang Creamline..
16-12 sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Pocari-Air..
hanggang sa ipinasok na muna sina Galanza, Cabanos, at iba pa na nakatulong para mabaliktad yung laro..
natapos yung set sa 26-24, na parang ganti ng Creamline sa nangyari sa kanila noong Set 1 ng Game 1...
Set 3, patuloy ang magandang laro ng Pocari-Air at ang mga errors din ng Creamline..
8-4 sa 1st technical time-out, in favor of Pocari-Air..
16-11 sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Pocari-Air..
pero muling nabaliktad nina Cabanos ang momentum ng laban sa pagpasok nila..
inalis na rin si Love sa laro dahil may sakit pala siya since Monday daw..
kaya si Palmer na ang nagpatuloy para makuha ng Pocari-Air yung set, 25-22...
Set 4, muli pang ipinasok si Love kahit na maputla na siya..
pero mas malinis na yung laro ng Creamline sa bahagi na 'to nung laban..
8-6 sa technical time-out, in favor of Creamline..
16-10 sa 2nd technical time-out, in favor pa rin sa Creamline..
tapos talagang pinagpahinga na ng Pocari-Air si Love..
naipasok pa si Galanza sa huling bahagi nung laban, at nakuha nila ang set sa 25-17...
3-1, panalo ang Creamline..
kaya naman 2 na ang magiging Do or Die Game para sa Friday..
nanaig sina Kaewpin at Schaudt laban kina Love at Palmer sa tulong ng local players..
kumbaga eh hindi import quality yung ambag sa puntos, pero nakatulong pa rin sa team...
in a way parang sinuwerte ang Creamline na nawala sa match si Love, so parang nakontra lang yung mga errors nila..
sina Palomata at Panaga eh mas lumakas na rin sa laro dahil nga naging tuluy-tuloy lang yung mga matches ng Pocari-Air..
yun nga, delikado na andami pa ring nagiging errors ng Creamline..
pero maganda yung naging team effort nila this time..
sa simula ay sina Baldo at Gumabao lang..
stable naman si Sato..
pero parang nakatulong rin kay Schaudt na hindi naging pamilyar ang Pocari-Air sa laro niya..
oo, parati siyang inilalabas kapag nasa back row na siya, pero 10 points ang naiambag niya para sa laro na 'to..
sina Galanza, Cabanos, at Mandapat naman eh naging reliable bilang support, at twice eh nakatulong nga sila sa pagbaliktad ng momentum..
dahil dumami ang nakaka-atake para sa Creamline, parang nakatulong rin yun para malito ang mga kalaban at para makaatake na rin si Kaewpin..
umabot pa si Kaewpin sa 14 points sa pagtatapos nung match..
16 points ang naging ambag ni Baldo, na naging maganda rin ang depensa sa floor..
Player of the Game si Gumabao with 18 points na may 2 kill blocks at 2 service aces...
is feeling , thank you team sa pagtulong kina Morado at Galanza para makakapit pa sa tsansa para sa Finals.. pero next time, eh bawas-bawase naman ang errors please...
---o0o---
July 6, 2018...
Do or Die Matches..
pero pinagmalupitan ng S+A yung laban ng BanKo at PayMaya... :(
Creamline versus Pocari-Air Force
malas ng Pocari-Air Force..
naka-uniform si Bagyong Pablo, pero biglang nagka-injury sa lower back niya habang nasa warm up pa lang..
hindi na rin siya palalaruin para sa Battle for Third nila...
Set 1, the usual, maganda na kaagad ang laro ng Creamline sa simula pa lang, lalo na't nakapag-adjust na si Morado sa lahat ng attackers niya..
8-3 sa 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-7 sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Creamline..
pagdating ng 20th point nila, binigyan na ni Coach Tai ng playing time sina Galanza, Cabanos, at Mandapat..
tapos nanigurado na si Coach Tai sa set point, at nakuha nila yung unang set, 25-15..
lumakas nga si Schaudt sa tulong ni Morado, hindi ganun ang mga palo niya noon para kay Cabanos eh...
Set 2, pinakamagandang laro 'to ni Kaewpin para sa Semifinals..
hindi siya masyadong ma-block ngayon at nagba-vary pa ang mga attacks niya mula sa kung saan-saan..
8-7 sa 1st technical time-out, in favor of Creamline..
16-9 sa 2nd technical time-out, pabor pa rin sa Creamline..
at tinapos nila yung set sa 25-18...
Set 3, maganda naman ang naging simula ng Pocari-Air..
8-6 sa 1st technical time-out, pabor sa Pocari-Air..
16-14 sa 2nd technical time-out, nakuha na ng Creamline ang kalamangan..
after that, nagtagal si Galanza sa service line, na naka-2 pang service aces..
tapos nag-double setter pa si Coach Tai sa huling bahagi nung set..
nakuha nila yung set sa 25-16...
3-0, panalo ang Creamline..
at sa wakas makakatawid na sila sa Finals..
nanaig sina Kaewpin at Schaudt laban kina Love at Palmer..
15 points para kay Baldo..
15 points para kay Kaewpin..
10 points para kay Sato..
8 points para kay Gumabao..
Player of the Game si Morado with 29 excellent sets...
BanKo versus PayMaya
ang 13th 5-setter match ng conference..
Rountree versus Bright...
Set 1, dikitan sa unang set, pero nakuha ng BanKo sa 25-22..
Set 2, malakihan na ang lamang ng BanKo, natapos nila yung set sa 25-14..
Set 3, bumawi ang PayMaya at binaliktad lang nila ang resulta ng Set 2, 25-14..
Set 4, muling nanaig ang PayMaya, 25-23..
nagbago ang laro ni Bright dahil sa isang bagsak..
nakatulong rin naman sina Urdas at Sta. Rita kapalit nina Domingo at Malabanan..
Set 5, napanatili ng PayMaya ang kalamangan mula sa umpisa, at nakuha nila yung set sa 15-12...
3-2, panalo ang PayMaya..
kinapos na naman ang BanKo sa pagpasok sa Finals..
nanaig ang mga Team Pahinga..
nanaig sina Rountree at Sullivan laban kina Montripila at Bright..
Player of the Game si Rountree with 35 points...
is feeling , thank you Morado at Galanza para sa magandang laro.. pagkakataon nyo na 'tong 3 nina Baldo para makapag-champion sa commercial league...
-----o0o-----
June 30, 2018...
heto naman ang ilang videos..
pang-cheer up..
lalo na ngayong panahon ng matinding kalungkutan... :(
[Video / Cuties]
ngayon ko lang napanood 'tong mga 'to..
ang sipag ng mga Koreano sa paggawa ng mga ganito...
pasaway si Yeonwoo... <3
— feeling , fancam #1...
>
[Video / Cuties]
sobrang cute talaga ng labi nitong si Jane...
— feeling , fancam #2...
>
[K-ture / Music]
Momoland - Wonderful Love
may maganda na palang kanta ang Momoland noong 2017 pa man eh..
ang cute, parang positive na positive yung dating nung kanta...
mas simple nga lang yung look dito ni Jane...
— feeling , i will be always on your side...
credits for all the featured videos go to their respective creators and uploaders...
---o0o---
July 2, 2018...
[Business]
mga tao talaga..
parang likas na maging mga abusado eh..
kahit pa pakitaan mo ng pagiging patas...
putang ina..
Php 6.75 na ang puhunan ngayon sa bawat sachet ng Milo..
hindi ko alam kung bakit tumaas yung presyuhan nun, basta kasabayan rin yun ng pesteng bumubulusok na train..
kaya naman Php 7.00 na ang benta ko dun ngayon...
pero anong ginagawa sa akin ng mga puta..?
madalas akong bayaran ng Php 6.00 lang kahit na matagal nang may nakapaskil na presyo..
at ang tingin nila dun eh kesyo Php 1.00 lang naman ang kulang..?
mga putang ina..
ano yun, wala na nga akong tubo tapos sagot ko pa yung kulang na Php 0.75 para sa puhunan...?
tapos ngayon babayaran pa ako ng Php 5.00 na lamang..?
gawin nyo nang gawin yan at ipapasugod ko talaga yang mga bahay ninyo..
ipapahiya ko kayo sa harap ng kahit na sino..
sa hirap ng buhay ngayon, tatarantaduhin nyo pa yung gumagawa ng patas...??
is feeling , minamaliit nyo yung piso, pero ang kakapal ng mukha ninyong bumili kung saan mura...?
>
sabay-sabay na naman ang mga gawain ko, at hiwa-hiwalay ang mga establishments nila..
- grocery (dahil biglang ambilis na nagdelikado ng stock ng ilang items ko)
- electronic money (dahil biglang lumakas rin ang konsumo sa load ng mga tao)
- SSS contribution
- PhilHealth contribution
para sa electronic money, may option naman ako na gumamit na lang ng bank transfer na may Php 10 fee per transaction..
kaso sayang yung naiipong interes sa banko kung gagamitin lang sa ganung paraan..
kaya naman isinasabay ko na lang yung pagre-reload sa tuwing naggo-grocery ako...
Php 16 nga ang pasamahe sa jeep, pero may iba pa naman akong mga nagagawa sa ganung paraan...
para sa SSS at PhilHealth naman..
oo, may option nga para magbayad sa mga payment center, at meron na rin nga through electronic money..
pero considering the quality of the government, lalo na in terms of record-keeping, eh wala talaga akong tiwala sa mga non-paper receipt o sa mga resibo ng mga payment center na ilang buwan lang eh burado na..
ayoko nang maulit yung nangyari sa amin noon sa Globe kung saan may SOA naman kami na makapagsasabi na may over payment kami, pero iginiit nila na makita pa yung resibo, na logically ay dapat nag-reflect rin sa system nila..
kaya naman nag-i-stick ako dun sa mga actual payment forms at receipt ng mga official na bayaran...
is feeling , hindi ko ipa-prioritize ang convenience.. tutal eh kulang rin naman ako sa exercise eh...
---o0o---
July 3, 2018...
[Sports]
ang masama sa ganung klase ng away..?
gumagana ang adrenaline ng halos lahat ng apektadong tao..
kaya kahit yung mga mabubuting player na hindi naman umaatake at nang-aawat lang eh nababanatan dahil sa bilis at sa kainitan ng sitwasyon...
is feeling , ang titindi ng mga ninja moves...
>
[Sports]
seryoso ba sila..?
kung nasa ganung sitwasyon ba sila..?
tapos nakita nila na inatake sa delikadong paraan yung kasamahan nila..?
magre-relax lang ba sila, at hihintayin na tawagan ng foul yung attacker...??
sa leeg at panga tinamaan yung local player sa pamamagitan nang lantaran na pag-atake..
kung ordinaryong tao lang yun, posibleng namatay yun..
so sa ganung sitwasyon ba eh magagawa pang igalang yung attacker..?
in the event ba na napuruhan yung player na unang inatake nang lantaran, masasabi ba ng mga tao na okay lang yun dahil sports yun...??
oo, mali na nakuyog at nasaktan yung mga maling tao..
at tama lang na humingi ng tawad sa kanila..
pero hindi mo masisisi ang adrenaline kapag kumikilos na ang lahat nang sabay-sabay..
oo, sports yung basketball..
pero hindi na yun sports noong nagsimula na yung lantarang sakitan...
kasalanan yun nung unang nagwaksi ng sportsmanship niya..
dahil nag-react lang naman yung iba base sa naging killer instinct niya..
malas lang ng mga lokal, dahil mali yung taong nakuyog nila...
is feeling , interesado akong makita yung mga taong yun na malagay sa kaparehong sitwasyon...
>
nakaraos na sa mga gawain ko kaninang umaga...
as usual, sa SSS ako nagtagal..
nabuwisit pa ako dun sa lady guard..
kundangan namang inuuna pa ang pakikipagtalo at pakikipagtalakan sa mga kasamahan niya..
tapos noong turn ko na para humingi ng number para sa teller..
malinaw kong sinabi na may PRN na ako, ni hindi ko na nga kailangan ng form..
ang sabi ko number na lang para sa pagpila sa teller ang kailangan ko..
pero binigyan pa rin niya ako ng form, tapos yung number pala na ibinigay niya sa akin eh para sa pagkuha pa ng PRN..
sa pag-aakala ko na tamang number na yung nakuha ko, eh pumasok na ako sa loob..
tapos sigaw siya nang sigaw sa akin na kesyo mag-fill-up muna daw ako, kesyo hindi daw yun tatanggapin doon..
sa sobrang buwisit ko eh pinagsisigawan ko na yung lady guard sa harap ng mga tao dun..
sinabi ko na hindi ko nga kailangan na mag-fill-up ng form dahil meron na ako na galing online..
so ipinakita ko na yung online form ng SSS sa kanya..
pero halatang hindi niya rin na-recognize yun..
so nagpaliwanag pa ako..
sinabi ko na yun yung form na nage-generate online kapag nag-request ng PRN..
tapos bigla niyang sinabi na hindi daw pala yung hawak kong number ang kailangan ko..
kaya pasigaw ko ulit siyang tinanong, eh ano ga ho dapat yung kunin kong number..?
pinalitan niya yung number ko, tapos umalis na ako, sabay mura...
alam kong contractual lang sila at walang direktang kinalaman sa SSS..
pero putang ina, ilang buwan na na ini-implement yun kaya trabaho nila na maging pamilyar dun..
besides, ilang buwan ko na rin siyang nakikita doon eh...
pero sige..
ako na ang mag-a-adjust next time, since pamilyar na ako sa bagong sistemang idinulot ng PRN..
sa susunod, ipe-present ko na kaagad yung form para hindi na natatanga ang mga guard...
after that eh naging pulido na yung lakad ko dun sa 4 pang establishments na kinailangan kong puntahan..
at nakita ko na nga ulit si Emoji Girl sa grocery..
yun nga lang, medyo malaki na yung tiyan niya..
ewan ko lang kung buntis na siya, o kung taba lang yun...?
is feeling , trabaho lang kung oras ng trabaho, saka na yung bangayan...
---o0o---
July 4, 2018...
[Scams]
panibagong scam ng Globe..
yung Plan 1299..
tapos biglang lumagpas ang bill namin sa Php 1,300 kahit na wala naman kaming naging paggamit na may extra charge..
basta may nawala lang na adjustment dun sa bill, na regular naman na nandun, na bigla na lang nawala sa latest bill...
ano sila, parang mga hotel at mga resort na rin ngayon..?
na may hidden na mga service charge...?
sa hirap na ng buhay ngayon..
tapos Plan 1,299 for the price of Php 1,399..??
false advertising na yun eh... :(
is feeling , 2 years ang lock-in, pero 6 months pa lang eh nag-a-adjust na pataas...??
No comments:
Post a Comment