Loveless Story
March 4, 2018...
24 days na lang..
birthday na ni Miss H...
pero hindi pa rin ako makaipon ng Php 200,000 na pang-sorry...
is feeling , aabot pa kaya...?
---o0o---
March 6, 2018...
naalala ko noon..
iniwasan ko yung Anatomy Teacher ko..
akala ko kasi noong una na single mother lang siya..
napaniwala niya ako na not in a relationship siya noon..
kaya ayun, natuloy yung klase namin...
after that, saka niya inamin sa akin na may lalaki na pala na umako sa anak niya at pinakasalan na siya..
naging long distance relationship nga lang yung sa kanila..
sa sobrang guilty ko, hiniling ko sa kanya na putulin na lahat ng komunikasyon niya sa akin...
well, given naman na na maraming mga lalaki ang talaga namang likas na mga babaero..
pero wala namang direktang dalang panganib para sa akin ang kapwa ko mga lalaki..
kaya siyempre, babae ang kinatatakutan ko..
bilang lalaki kasi (kahit na sabihin pa na halos wala na akong pag-asa sa larangan ng pag-ibig), eh hindi ko rin pangarap na malagay ako sa isang sitwasyon kung saan iiputan ako ng babaeng mamahalin ko..
kaya naman ayoko rin na maging dahilan ako para maiputan ng isang babae yung lalaking nagmamahal sa kanya...
pero na-realize ko lately na dahil sa maling assumption ko at dahil sa mga misleading na information, eh ilang beses ko na nga ulit na na-commit yung pagkakamali na yun...
is feeling , parang ibang tao sila habang suot nila ang kanilang mga maskara...
>
managed to find 4 new units..
kaya distracted na naman ako..
extraction mode muna..
tapos iche-check ko rin yung sariling mga network nung 3 pang natitira...
minsan hindi ko talaga alam kung ituturing ko ba na biyaya o sumpa 'tong god's eye na 'to...
sa ngayon may 18 units na ako na nadi-discover..
pero kung sino pa yung taong pinaka-hinahanap-hanap ko, eh siya pa talaga yung hinding-hindi ko makita...
is feeling , bakit ba ayaw mong mahanap ko siya...?
---o0o---
March 7, 2018...
umabot pa sa 22 + 3 yung nahanap kong units..
3 yung unverified so far...
pero..
hindi ko talaga siya makita... :(
FATE, bakit ba ayaw mong mahanap ko siya..?
gunggong ka ba..?
kasi kung totoong in-edit rin niya yung kuwento ng love life niya to her advantage, katulad ng ginawa ng iba pa niyang mga kasamahan..
eh wala namang magiging masyadong pagkakaiba kung maaga o huli ko na yun malalaman..
in fact, siguro mas okay nga kung malalaman ko na kung ano yung totoo habang nababalanse ko pa kahit papaano yung nararamdaman ko...
is feeling , 24 days left...
---o0o---
March 8, 2018...
ang suwerte talaga ng ibang lalaki...
yung iba..
hindi naman kagwapuhan..
hindi rin naman mayaman..
pero nakakapagpaibig ng babae..
ang mas malupit pa nun..?
eh kahit na magkaanak na sila, eh madali pa rin para sa kanila na iwanan yung babae kapag ginusto na nila..
at madali pa rin para sa kanila na makapagpasagot ng iba pang babae, kahit pa kasama na yung anak nila sa package...
ano bang meron sa mga photographer...??
yung iba naman eh nakakainggit yung yaman..
yung parang tumatae sila ng pera kung makagastos..
kaya naman mas madali para sa kanila na magawa o makuha yung mga gusto nila..
kahit pa ang kapalit ay yung panloloko nila sa mga pamilya nila...
kung ako lang sana yung may ganung kakayahan..
wala nang isip-isip pa..
hahanapin at liligawan ko na kaagad yung babaeng gustung-gusto ko... :(
is feeling , edi kayo na...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 1)
March 3, 2018...
FEU versus UST
3-0..
talo na ulit ang UST..
bale La Salle at Adamson lang ang hindi nagawang talunin ng FEU sa Round 1...
ADMU versus DLSU
wala si Coach Tai dahil yata sa isang death anniversary..
si Sherwin Meneses na muna ang magha-handle sa Ateneo..
andami na naman palang nawalang players sa Lady Eagles, kasama na rin ngayon sina Gaston at Ravena eh...
untik nang maging kahiya-hiya ang Set 3..
mula sa 9 points na kalamangan ng Ateneo, eh nauna pang nakalapit ang La Salle sa set point at match point sana nila..
pero nabawi rin naman ng Ateneo yung set na yun...
natapos yung match sa 3-1..
panalo ang DLSU..
wala, hindi talaga kaya ng kasalukuyang Ateneo ang La Salle...
is feeling , pwede nang Ateneo ang malaglag sa Top 4 ngayong season.. pero kailangan munang manalo ng Adamson laban sa UE bukas...
---o0o---
March 4, 2018...
NU versus UP
3-0..
panalo na ulit ang NU..
naging palaban naman ang UP sa Set 1 and 2, pero nababawian rin nga lang sila ng sariling mga errors nila...
at ang napansin ko sa UP..
sa lahat ng matches na natalo sila, eh puros 3-0 yung kinalabasan...
Poisoned
AdU versus UE
at nangyari na nga yung kinatatakutan ko... :(
maganda naman yung purpose ni Coach Padda, na bigyan ng playing time yung bench nila..
pero minaliit rin nga niya ang UE noong ginawa nilang experimental ang Set 1..
at natalo sila ng sarili nilang mga attack errors...
hindi kaagad ginamit sina Galanza, Soyud, at Permentilla sa Set 1..
dun pa lang eh tinalo na yung team ng errors nila..
for Set 2 and 3 naman eh ipinakita ng Adamson na offensive team na sila..
pero naging sobrang pabaya ng Lady Falcons sa Set 4, na parang nawalan sila ng killer instinct..
yun ang worst set nila, probably for the entire Round 1..
maganda rin nga ang depensa ng UE para madalas na maibalik ang bola sa side ng Adamson, na eventually eh nagtutulak nga sa kanila para mag-commit ng mga attack errors..
naging maganda naman ang simula ng UE sa Set 5 in terms of offense at naiwanan nila ang Lady Falcons..
palaban ang ginawang paghabol ng Adamson, kaso eh napalapit na masyado ang UE sa match point...
isa na namang 5 setter match..
panalo ang UE, 3-2..
nakuha nila ang unang panalo nila for this season..
at nasira pa nila ang record ng Adamson... :(
kung noon eh pang-Player of the Game na laro ni Soyud yung sinayang nila..
this time naman eh effort ni Paat yung nabalewala..
nakakatuwa naman si Uy..
mala-Galanza kasi yung laro niya sa likod..
lagi niyang ibinababa sa may dulo yung depensa niya, at pinapag-practice na rin siya sa kanyang backrow attacks...
haaay..
yung team na kayang talunin ang DLSU at FEU na parehas na nasa itaas ng standings..
pero nagpapatalo naman sa UE at UST na nasa bandang ilalim...
well, base sa tantsa ko simula noong natalo ng UST ang Adamson..
eh parang wala rin namang nawala sa Lady Falcons sa nangyari kanina..
in-assume ko kasi na matatalo sila ng La Salle, at na matatalo naman nila ang UE..
so parang nabaliktad lang yung resulta, pero 3 wins - 4 losses pa din..
though, sayang rin nga na pinakawalan nila yung unang laban nila against UE, investment na kasi yun eh..
kasi sa bandang huli eh yung dami pa rin ng panalo ang tanging magdadala sa kanila sa Top 4..
basically, back to zero sila, at kailangan nilang mag-doble-kayod na sa Round 2 since cumulative yung scoring nun with that of Round 1...
is feeling , naman team o'.. Top 4 ang goal para sa last year Galanza, hindi yung basta tumalo lang ng malalakas na team...
---o0o---
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)
March 7, 2018...
UST versus UE
3-1..
panalo na ulit ang UE..
2 pang set ang umabot ng beyond 25, parehas na naagaw mula sa UST...
ADMU versus FEU
dahil nawala si Ravena, eh pinagli-Libero na rin si Gaston ngayon...
3-0..
nakabawi na ang Ateneo sa naging talo nila sa FEU sa Round 1..
pero nandyan pa rin ang threat ng FEU para sa Semifinals...
is feeling , sa tantsa ko, kailangan ng Adamson na makatalo ng at least 5 teams para makahabol sila sa Top 4.. pero 6 to 7 ang kailangan para mas makasigurado...
-----o0o-----
March 4, 2018...
minsan ang weird rin nga ng judgment ng mga tao...
so kapag European burlesque yung approach eh artistic, since popular at classic na yung entertainment form na yun..?
pero kapag mala-sexy MTV music video yung performance eh automatic na bastos na...??
pero sa bagay..
base sa online marketing nung naunang grupo eh adult-oriented nga naman talaga sila..
i'm not sure kung related sila dun sa grupong na-hire noon nina Playgirls-Client...
is feeling , lahat naman ng sexy ay arts.. kung bastos ang pagpapakita ng skin, eh napakabastos ng origin ng lahat ng tao kung ganun..? sa tingin ko nangyayari lang naman yung 'bastos' kapag walang consent...
---o0o---
March 8, 2018...
[Business]
anak ng..?
lampas 2 araw na yung mga ice pop sa freezer..
pero 2 pa lang yung nabubuo, at isa lang yung flavor nila..
tapos yung isa eh pumutok pa noong nagyelo na...
paano ko ibebenta yung mga yun...?? :(
is feeling , ano bang freezing point ng mga 'to...??
>
[Online Marketing]
ayun..
wala akong sasahurin ngayong March..
hindi kasi ako umabot sa quota doon sa first store eh...
pero dahil sa second store eh hindi rin naman ako mawawalan..
dahil 1 month yung delay sa sahuran sa kanila, eh sa April ko pa matatanggap yung kinita ko for February..
bale guaranteed na ang April ko..
at guranteed na rin ang May ko...
sana rin ay magkaroon ng Easter Sale yung 2 store...
is feeling , trabaho lang nang trabaho habang nabubuhay...
>
[Gadget-Related]
ayun..
malapit na ngang mag-1 year ang hiniram kong computer...
kaso kung kailan naman mawawalan na siya ng mga warranty, eh for some reason eh saka siya parang nagpaparamdam..
parang may nagra-rattle siyang fan..
malakas ang tunog at malakas rin ang vibrate nung buong unit..
hindi ko lang alam kung alin yun dun sa 5 fan...
medyo okay lang kung yung sa case eh..
pero problema yun kung maalin sa power supply, graphics card, o processor yung masisira...
naman!
ayoko nang maranasan ulit yung bangungot ng masiraan nang masiraan ng power supply... :(
is feeling , hindi ko kaya ang annual na investment...
---o0o---
March 9, 2018...
[Business]
lagot na..
hindi uubra yung ice pop.. :(
sayang lang yung pera ko..
3 days nang nasa freezer pero 6 lang yung nabuo..
samantalang yung mga yelo ko eh tigas na tigas naman..
pinakamabilis na mabuo yung pink..
sunod naman yung violet..
pero leche, hinding-hindi nabubuo yung mga yellow, ewan ko kung anong ingredient nun...
wala naman nang masyadong nabili ng mga juice..
tang ina!
Php 10 pa rin nga lang yung sa akin dahil hindi naman nahagip ng train ang mga yun..
pero natakot na yatang bumili ang mga tao dahil sa mga balita kung gaano na ang iminahal ng mga yun..
yung isa kong nabasang reklamo, eh kesyo Php 19 daw yung presyuhan sa sari-sari store mula sa Php 16.50 na bentahan sa grocery..
lecheng train yan!
mamatay na kayong mga train supporters kapag na-expire-an ako ng mga powdered juice...
is feeling , nagmahal na nga ang mga bilihin, tapos eh malulugi pa ngayon...
---o0o---
March 10, 2018...
[K-ture / TV Series]
Black
so tama nga yung hinala ko..
simula noong lumabas yung idea na hindi purong Grim Reaper si 444..
at noong lumabas yung idea na may kapatid pa na lalaki yung first love ni Sarah, at na patay na yung totoong first love niya..
na posibleng si 444 rin nga ang first love ni Sarah...
pero mas higit pa dun yung naging takbo nung kuwento...
may pagka-brutal yung kuwento..
at tila pilit, na parang masyadong maliit lang yung mundong ginagalawan nila, in the sense na nangyari lahat ng mga key events sa paligid lang ng mga bida na naging dahilan para ma-solve nila yung mystery tungkol sa mga katauhan nila..
istorya siya tungkol kay Sarah na isang mortal na may Grim Reaper's Eyes..
and it turned out na anak pala siya ng isang Grim Reaper na tumira sa katawan ng isang bangkay, para maging tao ito..
may first love si Sarah noong bata pa siya, na nakakaalam ng tungkol sa kakayahan ng mga mata niya..
may nakababata naman na kapatid si first love, na isa ring lalaki, si Marlon..
hindi ko alam kung purong magkapatid ba sila, o kung sa ama lamang (hindi ko kasi sinubaybayan yung kuwento eh)..
o kung sadyang mas paborito lang si Marlon ng ina nila(?)..
basta ang nangyari ay nagkaroon ng problema sa puso si Marlon, at kinailangan ng transplant para mabuhay siya..
at sa isa sa pinaka-brutal na pamamaraan (sa script writing), eh naisip nung ina na ilipat yung puso ng kuya ni Marlon kay Marlon mismo, kahit na buhay pa naman ito..
i'm not sure, pero matapos yung operation ay parang nakatanggap pa ng tawag yung ina, na kesyo may nakitang compatible na heart donor, na dahilan naman para manlumo siya sa kanyang nagawa...
sa concept ng Black..
pwedeng maging Grim Reaper yung mga kaluluwa na hindi makatawid sa kanilang paroroonan..
at isa sa dahilan ay kung hindi nailibing nang tama yung katawan nila..
dahil dito ay tila nagiging faceless yung Grim Reaper (hindi literal, pero nag-a-assume sila ng mukha na hindi naman talaga sa kanila)..
wala silang alaala tungkol sa nakaraang buhay nila bilang tao, kaya naman wala rin silang alam kung nasaan ba ang mga bangkay nila..
itinapon lang sa dagat ang katawan ng kuya ni Marlon para mapagtakpan yung naging krimen..
dahil dun ay nag-qualify siya para maging isang Grim Reaper..
at naging si 444 nga siya...
si Marlon naman ay naging isang detective nang tumanda na ito..
hanggang sa nakilala nga niya si Sarah..
eventually, namatay naman ang detective, at coincidentally ay saktong bangkay nito ang p-in-ossess ni 444..
naging interesante yung love story kasi dahil original na puso ni 444 yung nasa katawan ni Marlon ay parang nagkaroon nga ito ng link sa kanyang kaluluwa..
at si Sarah naman ay parang na-inlove lang sa iisang lalaki the whole time...
sa ending..
ginustong bigyan ni 444 ng maganda at normal na buhay si Sarah, kaya gumawa siya ng malaking sakripisyo para dito..
nabigyan nga ang babae ng panibagong pagkakataon para mabuhay, nang wala na ang kanyang Grim Reaper's Eyes, pero wala na rin siyang alaala tungkol kay 444..
hanggang sa tumanda na siya at nalapit sa kanyang kamatayan..
may nagbigay sa kanya ng regalo na naging dahilan para tila maalala niya si 444..
at sa pagkamatay nga niya ay masaya siya na si 444 ang sumundo (not sure kung bilang isang Grim Reaper) sa kanyang kaluluwa..
at bilang kaluluwa, nagbalik nga rin noon sa kanya ang lahat ng alaala niya tungkol kay 444...
is feeling , ang brutal...
No comments:
Post a Comment