Loveless Story
March 11, 2018...
noong isang araw may nag-request sa akin na mag-anak na daw ako..
kanina naman eh may nag-request na mag-asawa na ako...
unang-una..
yung mga ganung klase ng bagay ay hindi nire-request..
kaya yata marami ang nag-aasal daga eh, dahil may mga nagre-request...
ikalawa..
hindi puwerket narating nyo yung ganung punto ng mga buhay ninyo, eh nangangahulugan na kayang-kaya na rin yung magawa ng ibang tao...
kesyo kailangan ko daw ng makakaramay sa pagtanda ko..
pero hindi naman ako para manggamit ng babae, para lang masabi ko na may makakasama ako sa pagtanda ko..
oo, alam kong mahirap mabubay..
pero alam ko rin na mahirap na mamatay..
at lalong alam ko na mas mahirap na unti-unting mamatay, halimbawa eh nang dahil sa sakit..
kaya nga hangga't maaari eh pinaplano ko na ang mga bagay-bagay eh..
kaya nga ako naghahanap ng posibleng maging source ng sleeping pills eh, just in case umabot ako sa worst case scenario kung saan mahihirapan pa ako at mapapagastos nang lubos bago ako tuluyang mamatay...
gusto nyo bang ipagsasampal ko pa sa mga mukha ninyo na wala akong kakayahan na magmahal..?
anong gusto ninyo..?
na magmahal ako ng babae, tapos gugutumin ko lang sa bawat araw na dadaan..?
o gusto nyo ba na umasa ako na somewhere out there, merong isang babae na pasok sa preference ko, at na okay sa kanya yung KKB (kanya-kanyang bayad) na klase ng buhay..?
gusto nyo ba na bumuo ako ng bata, tapos hindi ko rin naman magagawang buhayin nang ayos..?
o gusto nyo ba na bumuo ako ng bata, tapos eh iaasa ko na lang siya sa pambili ng boto program, este sa 4Ps pala...??
madali lang subukang gumawa ng bata..
siguro may challenge sa aspeto ng pagbuo..
pero pinakamahirap pa rin at dapat na mabusising i-consider yung hirap nang pagbuhay at pagpapalaki sa isang anak..
hindi ako kagaya nung ibang lalaki na bibilugin lang yung ulo ng mga babae kapalit ng LIVE na torjack-an, tapos kapag nakabuo na ng bata eh basta na lang sila iiwanan, at saka maghahanap ng iba pang putahe...
besides, panahon na ngayon ng evil train..
mas pinahirap pa ang buhay ngayon, hindi gaya noong mga panahon kung kailan Php 1.50 pa lang ang minimum na pamasahe sa jeep at Php 5.00 pa lang ang pancit canton...
is feeling , huwag nyong i-apply sa iba yung klase ng buhay ninyo, lalo na kung kayo yung nakaaangat...
>
at dahil narito na rin lang 'tong namumuong pakiramdam na 'to..
eh wala na akong magagawa but to embrace it..
hindi ko rin naman siya matatakasan nang walang sapat na basehan eh...
so ang pinakamaganda ko lang na option sa ngayon, habang hinahanap ko pa yung mga sagot sa tanong ko..
eh ang ihanda ang sarili ko sa pinakamalala na posibleng kahinatnan ng nararamdaman kong ito..
tutal eh may trend naman eh..
tutal eh nasanay na rin ako...
parati akong malas..
parati akong palpak..
parati akong bigo..
kaya dapat ikondisyon ko ang isip ko sa ganun..
na malamang na ganun rin ang kahinatnan ng kasalukuyan kong sitwasyon..
kaya hindi ako dapat umasa...
is feeling , mindset...
---o0o---
March 12, 2018...
ano ba yan..?
sa tuwing may pumapasok na message sa phone ko..
parati ko na lang hinihiling na sana siya na yun...
kaso parati rin namang hindi... :(
is feeling , mahigit 2 buwan na akong naghihintay...
---o0o---
March 13, 2018...
"..De-de-de there's so many b****es in the club
There's so many sexy babies ba't hindi ka maghanap?
Iinom nalang natin kasi yan
Bawal ang malungkot pare, hindi pwede yan..."
tama si Skusta Clee eh..
dapat iinom na lang...
is feeling , eh hindi ko naman pwedeng kantahin yung Hayaan Mo Sila.. hindi naman kasi ako mapera, ni hindi rin naman ako kasing gwapo ni Flow G.. kaya sino namang babae ang maghahabol sa akin...?
---o0o---
March 15, 2018...
1 year old na si Unit 02...
ang gulo ng panahon..
parang ambilis nang takbo..
na parang mabagal rin naman...
gumagawa ako ng paraan para maging karapat-dapat para sa babaeng gusto ko..
well, siguro nga eh hindi naman talaga yun yung best ko..
pero yun talaga yung linya ko eh..
magtu-2 years na na hindi ko siya nakikita..
parang kailan lang yung magagandang mga alaala na kasama ko siya, pero medyo matagal na rin pala...
ibig sabihin..
magti-3 years ko na siyang hinahanap sa totoong mundo..
pero hindi ko pa rin siya makita...
is feeling , 4 years left para sa kontrata ko...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)
March 10, 2018...
AdU versus UP
off na naman ang laro ni Soyud, talo sila sa Set 1..
okay naman ang Set 2 ng Lady Falcons, though namigay pa rin sila ng ilang error kung kailan malapit na nilang matapos yung set..
bumulusok kaagad ang UP sa Set 3, pero maganda naman ang naging paghabol ng Adamson kahit na papaano, kahit na masyado nang late para mabaliktad pa yung resulta ng set na yun..
dikitan ang laban sa Set 4, pero medyo nakalayo na ang Lady Falcons sa pagpasok ng 2nd technical timeout, hanggang sa nakuha na nga nila yung set na yun...
kaso pagdating sa Set 5..
habol yung ginawa ng Lady Falcons para mauna pang makarating sa match point nila kontra sa UP..
unfortunately, nag-resort si Soyud sa pagtulak lang sa bola para sa 2 atake niya, na madali namang nabasa ng UP, na naging dahilan pa para yung mga atake nila yung mapaganda...
yun na ang 10th 5-setter match para sa Season 80..
panalo ang UP..
so far tama pa yung observation, na nananalo ang UP sa match sa tuwing nakakapanalo sila ng set..
vengeance #1 rin yun against Adamson, meaning nabawian sila ng team na natalo nila sa Round 1, kaya naman kailangan nilang bawiin yun laban sa iba pang team...
this time, effort naman ni Galanza yung nabalewala..
ang lesson..?
huwag nang ipasok si Soyud kung hindi maganda ang laro niya...
hindi pa naman sigurado..
pero paliit na nang paliit ang tsansa ng Adamson na makapasok sa Semifinals dahil sa mga kapabayaan nila..
at mukhang yung pagtalo na lang nila sa La Salle yung maiiwan nilang accomplishment at magandang alaala for Season 80...
NU versus DLSU
3-0..
nabawian na nila ang NU sa kahanga-hangang paraan..
sa Set 1, nagawa pang baliktarin ng DLSU yung 21-14 na kalamangan ng NU..
ilang beses pa silang nag-agawan sa set point, pero La Salle ang nanaig sa dulo..
mas maaga naman ang ginawang paghabol ng DLSU sa Set 2 mula sa 17-10 na score..
unang nakalapit sa set point ang NU, pero binaliktad ulit ng La Salle yung resulta nung set..
at sa Set 3 ay naging dominant na ang DLSU...
saan ka naman nakakita ng team na minamani lang ang 7 points na kalamangan..
at hindi rin sinasanto ang set point ng kalaban..
mula sa panahon ni Fajardo, La Salle na talaga yung team na pinaka-consistent sa paggawa nung mga ganung klase ng comeback...
mukhang nagwakas na rin ang pagbasag sa record ng La Salle.. :(
kulang sa killer instinct ang NU..
kulang rin sa backup attackers..
kaya mukhang malabo pa sa ngayon na makuha nga nila ang championship...
inverted na ang itsura ng team standings..
pares-pares, na baliktaran rin...
is feeling , WANTED: yung team na kayang bumasag sa 3-peat attempt...
---o0o---
March 14, 2018...
DLSU versus UP
3-0..
panalo ang La Salle..
may trash-talk daw eh.. :(
so far, accurate pa rin yung 3-0 trend ng UP, na hindi sila mananalo sa match kung wala silang maipapanalo na set...
FEU versus UST
3-0 din..
panalo ang FEU..
hindi naman impressive ang laro ng UST..
ang dami nga nilang errors eh; sa service, sa attack, at sa reception..
pero for some reason eh lagi nilang nagagawa na makipagdikitan ng laban sa FEU hanggang bago umabot sa 20 yung points..
yun nga lang, hinding-hindi nila magawa na tapusin ang isang set..
frustrated na naman si Rondina-papagod...
is feeling , wala ng chance ang UP na basagin pa ang record ng La Salle.. 5 teams na lang ang may pagkakataon pa na gawin yun...
-----o0o-----
March 12, 2018...
naabot ko na yung requirement na 50 pages..
pero hindi pa rin ako pwedeng tumigil..
kailangan pa rin ng ending para dun sa script...
is feeling , 19 days left.. at yung 2 weeks na lang yung palugit ko...
>
[Video]
Class B..
Gayahin Mo Sila..
para lang purong patawa, pero maganda yung mensahe nung parody..
yun nga lang, ganun na talaga yung isang paraan ng pagsikat sa panahon ngayon eh...
credit goes to the original creator(s) and publisher(s) of the video...
PS:
yung Ex Battalion bumalik na kaagad sa explicit lyrics style sa latest nilang kanta..
kaya hindi na naman yun pwedeng i-feature sa mga regular TV shows...
— feeling , ang kulit nung tawa...
---o0o---
March 14, 2018...
ano bang nangyayari sa mata ko..?
sa talukap..
kapag nangangati eh automatic na pamamaga na ang kasunod kapag naitulog...
is feeling , unang quarter pa lang ng 2018, pero nakaka-3 na...
>
sa wakas..
tapos na sa pagse-set ng lahat ng scenes..
render mode na naman..
pwede na ulit mag-autopilot...
17 items pa..
mga 4 days ang itatakbo nun..
pero kapag minalas-malas, eh baka umabot ng hanggang 10 days...
is feeling , 17 days left...
>
[TV Series]
Ang Probinsiyano
pabor naman ako sa pagpatay sa mga manipulista at masasamang tauhan ng gobyerno...
pero yung pagpapa-apid ni Alyana..?
napakasamang impluwensiya sa mga tao..
hindi ako pabor dun sa male version nung kantang Hayaan Mo Sila, pero sapul na sapul si Alyana dun..
buhay pa yung asawa..
mabuti naman ang ipinaglalaban nung asawa..
pero ayun at kating-kati na magka-active na love life...
hindi maganda ang development nung character niya..
parang pro-aso bill ang dating, este divorce bill pala...
is feeling , masuwerte na ang babae kapag nakatagpo ng loyal na lalaki.. kaya hindi tama na iputan sa ulo yung mababait na lalaki...
---o0o---
March 16, 2018...
nasita pa... :(
is feeling , sayang ang oras...
---o0o---
March 17, 2018...
2 violation na..
same item..
kaagaw pa sa oras, kung kailan malapit na akong matapos..
pero kailangan munang remedyuhan eh...
is feeling , anak ng malisyoso...
No comments:
Post a Comment