Friday, March 23, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of March 2018 (In A Relationship)

Loveless Story


March 18, 2018...

after 22 days..
sinubukan ko na ulit na humingi ng appointment sa kanya..
pero hindi na niya sinagot yung tawag ko..
hindi na rin siya sumagot sa text...

hindi ko tuloy alam kung active pa ba talaga siya..
o kung nandun na lang ba siya para gumawa ng mga referral to help their group...?

pero no choice rin naman ako eh..
kailangan kong subukan hangga't nandun siya..
kailangan kong malaman kung ano na ang nangyayari sa kanya..
at kailangan ko siyang mahanap sa totoong mundo...

is feeling , 13 days left.. parang wala ng pag-asa 'to...

---o0o---


March 21, 2018...

ang sakit naman nun... :(

t-in-ext ko sila..
kunwari lang eh plan ko na lumabas ng grupo nila..
pero ang totoo, gusto ko lang naman malaman kung ano yung magiging reaksyon niya...

tapos ayun..
siya pa yung kauna-unahan at mabilis na nag-reply sa akin na okay lang daw..
sure daw...

is feeling , pinagtabuyan na ako...

---o0o---


March 23, 2018...

mukhang may boyfriend na si Miss H..
yun pa talagang lalaki yung naunang mag-update ng relationship status niya eh...

bad news yun for me dahil baka mahirapan na akong makalapit sa kanila in the future..
sa tantsa ko 3 out of 4 na yung in a relationship sa kanila...

is feeling , imposible na yung Sorry Project ko this March, naubusan na ako ng oras.. ang sunod kong tsansa ay hanggang sa katapusan ng July...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 2)


March 17, 2018...

UP versus UST

3-1..
panalo ang UST..
nabasag na rin yung theory regarding UP..
nakakuha kasi sila ng 1 set, pero hindi nila naipanalo yung match...

mukhang mahihirapan na ang Adamson sa susunod nilang pagharap laban sa UST...


ADMU versus NU

3-0..
talo na naman ang NU..
parehas nang nakabawi laban sa kanila ang La Salle at Ateneo..
bale natalo na sila ng lahat ng team na kasama nila sa current Top 4..
sumama na nang sumama ang record nila..
at mas lumiliit na ang tsansa nila na maging champion this season..
kulang na kulang talaga kung si Jaja lang ang maganda ang laro...

is feeling , habang nagdidikit-dikit yung record sa bandang itaas eh mas humihirap rin para sa Lady Falcons na makapasok sa Top 4...

---o0o---


March 18, 2018...

AdU versus UE

delikado na naman yung naging match..
pero wala ng experiment this time..
kaso wala si Permentilla dahil na-injure sa practice...

maganda ang naging start ng Adamson sa Set 1 dahil sa offense nila..
kaso mula sa kanilang 11th point eh nabaliktad ng UE yung laban gamit ang kanilang makulit na depensa, at nakuha ng UE ang Set 1..
maganda naman ang itinakbo ng Set 2 para sa Lady Falcons, 25-11, at medyo nasaktan pa si Arado..
sa Set 3, unang nakalayo ang UE dahil na rin sa dami ng errors ng Adamson, at kasama yung service aces at blocks nila ay nakuha nila yung set..
Lady Falcons naman ang muling nakakuha ng Set 4, maganda yung stats nila, yun nga lang eh namigay na naman sila ng 8 errors..
sa Set 5, may dalawang beses yata na naghabol ang UE, pero mabuti na lang at natapos ng Adamson yung set sa score na 15-12...

11th 5-setter match sa Season 80..
sa wakas, nabawian rin nila ang UE this season, at hopefully eh hindi na muna ulit sila magharap..
Player of the Game rin si #8 Galanza with 22 points...

sayang, 7 Wins - 2 Losses na sana yung record nila sa ngayon eh... :(


DLSU versus FEU

maganda talagang addition si Domingo para sa FEU, nagmana sa UE yung blocking niya..
si Carandang naman eh parang Palma Jr. na...

ito naman ang 12th 5-setter match for the season...

maganda ang naging start ng DLSU gamit ang offense nila..
huli namang nag-init ang FEU, naghabol sila, pero hindi na kinaya at nakuha ng La Salle ang Set 1..
maganda naman ang Set 2 at 3 for FEU at parang balewala na sa kanila ang La Salle..
ang ginamit nilang technique ay ang iiwas kay Macandili ang first ball..
halos dikitan yung laban sa Set 4, kaso eh nakarami ng errors ang FEU sa bandang dulo..
sa Set 5 naman eh muling naghari ang La Salle, at in-overkill na nila ang FEU...

may makakapag-ambag na sana ulit ng talo para sa champion team, kaso eh naudlot pa.. :(
nawala na rin ang chance ng FEU na dungisan ang record ng DLSU..
ang lesson..?
huwag ninyong ipapahiya ang La Salle kung hindi ninyo kayang ipanalo yung match...

is feeling , #8 is LOVE.. pero sayang naman yun FEU...

---o0o---


March 21, 2018...

ADMU versus UE

3-1..
panalo ang Ateneo..
pero nakuha pa rin ng UE ang Set 2...


AdU versus NU

3-1 din..
at tinalo ng Adamson ang NU..
sa Set 1, lamang na ang Lady Falcons mula sa 16th point nila..
pero dahil na rin yun sa mga error ng NU, 13 as compared sa 5 lamang na pinakawalan ng Adamson..
sa Set 2 naman, panalo ulit ang Lady Falcons, with 14 attacks at 10 errors mula sa NU as compared sa 4 lamang na na-commit nila..
nagkalat naman ang opensa ni Soyud sa Set 3, halos patas yung stats maliban sa umakyat sa 13 ang errors ng Adamson kumpara sa 7 na nagawa ng NU..
dahil dun ay nakuha ng NU yung set..
thankfully, naging maganda na ang Set 4 para sa attackers ng Lady Falcons, maging kay Soyud..
natapos nila yung set sa score na 25-13, at may mga errors pa rin ang NU...

mataas yung score ni Galanza, pero si Emnas ang Player of the Game..
bukod kasi sa magandang distribution niya ng bola, eh marami rin talaga siyang puntos mula sa kanyang sariling offense..
si Paat naman eh mataas na lately ang consistency, at bonus pa na lefty siya...

ewan ko sa inyo Adamson..
ang gugulo ninyo..
8 Wins - 2 Losses na sana eh...

is feeling , #8 is LOVE.. yung team na kayang talunin yung malalakas na team, pero tinatalo naman nung mga team na may disadvantage na...

-----o0o-----


March 18, 2018...

depende kung ano yung nature nung Autism..
pwedeng maging maaksaya sa oras yung bata..
at pwede ring maging maaksaya sa pera...

sana lang talaga doon na lang sila manatili parati sa bahay nila..
nakakapanghinayang lang kasi na makita na nasisira yung mga kagamitan sa bahay..
tapos sasabihin na okay lang, pero ang totoo eh wala naman talagang pambili ng kapalit...

is feeling , maluhong depekto...

---o0o---


March 19, 2018...

done with the base renders...

puros double render na lang..
at mabilis ako this time..
nasa 1 hour na lang per scene..
pero medyo marami-rami pa rin...

is feeling , 12 days left...

---o0o---


March 20, 2018...

hindi maganda ang labas ko ngayong araw..
naubusan ng supply ng mantika eh... :(

is feeling , lalabas pa ulit tuloy sa ibang araw...


>
natapos din..
took me 46 days..
tapos na muna ulit sa auto-pilot mode...

gusto ko na sanang dumiretso sa postwork..
kaso eh natabunan naman ako ng mga gawain para sa iba ko pang mga raket...

is feeling , 11 days left.. may himala kaya na mangyayari mamaya...??

---o0o---


March 23, 2018...

isang taon na mula noong nakabalik ako sa DAZ...

marami na akong natutunan..
pero marami pa rin akong pwedeng matutunan sa hinaharap...

is feeling , 8 days left.. ambilis na naubos ng mga araw nitong March...

---o0o---


March 24, 2018...

[TV Series]

The Good Son

okay, nagkamali ako..
hindi siya family-friendly na programa..
naging istorya na siya ng mga trahedya...

4 na katao na ang namamatay..
nandun pa rin yung mystery, na parang lalo pang nababaon nang dahil sa mga karagdagang krimen..
si Victor may lihim pa sa likod nung lupa na binili niya..
si Anthony eh dinala na rin sa hukay yung lihim niyang nagawang kasalanan laban sa kapatid niyang si Victor..
pati yung tungkol sa nawawalang pera nung kompanya eh naging misteryo nang dahil sa pagkamatay niya..
si Arthur eh nagkaroon rin ng lihim matapos niyang pasukin noon yung bahay ni Anthony..
at si Dado ay may mga sinasabi pa rin na mga sikretong pinaggagawa ni Olivia, though posibleng yung tungkol lang sa sabwatan na ginawa nila para protektahan si Calvin yung tinutukoy ni Dado...

siguro kaya The Good Son yung title nung programa eh kasi isang tao lang ang matitira sa katapusan..
baka magpapatayan na lang silang lahat nang dahil sa galit nila sa isa't isa..
Good, kasi magaling siya para matakasan ang kamatayan..
at Son, kasi isang anak na lalaki lang ang matitira..
LOL!

is feeling , ang lesson..? huwag na huwag tatakas nang papunta sa rooftop...


>
[Game]

PlayerUnknown's Battlegrounds

putris na PUBG yan..
pasado 12:00 AM na eh bukas pa rin ang ilaw..
tapos eh puros daldalan pa sa mic...

okay lang sana kung patay yung ilaw at walang usapan eh... :(

is feeling , iba-block ko sa bahay ang IP address ng server niyan eh...


No comments:

Post a Comment