Friday, February 23, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of February 2018 (Lost Connection)

Loveless Story


February 19, 2018...

found another one..
but lost an important one... :(

lagot na..
mukhang nag-relocate siya pabalik sa main..
at akala ko pa naman na iniiwasan na niya ang mga alaala ng ex- niya...?

is feeling , bawas na naman ang drone ko...

---o0o---


February 22, 2018...

[Medical Condition]

after more than a year..
parang nagsasara na yung butas sa balat ko..
mas bad news siya para sa akin kung tutuusin..
kasi tuluy-tuloy pa rin ang production nung cyst nung mass..
ibig sabihin, hindi magtatagal at magkakabukol na ulit ang hita ko..
hindi na naman ako magiging presentable para sa mga tao...

is feeling , kailangan ko siyang ma-meet bago ulit lumala ang cyst ko...

---o0o---


February 23, 2018...

so hindi pala talaga nawala si Miss Y..
nag-change alias lang...

mas mahal..
pero baka ito na rin lang yung pagkakataon para makatrabaho ko naman siya...

is feeling , last 5 and 36 days...


>
nakausap ko na ulit siya..
hindi makasagot ng tawag, kaya sa text na lang...

in-extend ko na yung proposal ko hanggang March at April..
patapos na kasi ang February eh..
nagbabakasakali lang na makulitan siya...

mukhang busy pa rin eh..
o baka naman umiiwas na lang talaga..
pero wala akong balak na i-countercheck siya..
hahayaan ko siyang magdesisyon para sa bagay na 'to...

parang matamlay na nga yung mga sagot niya sa akin lately..
ni hindi na niya ako ina-address like the usual..
parang ordinaryong conversation na lang...

is feeling , susubukan ko pa rin...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 1)


February 17, 2018...

ADMU versus UE

3-1..
panalo naman ang Ateneo...


UP versus FEU

3-0..
maganda naman ang naging start ng UP, nag-e-enjoy naman sila..
kaso nawalan na naman sila ng loob matapos na maagaw pa sa kanila ang Set 1...

medyo nakakahiya lang sa coach ng UP..
kasi naman eh expert yun at talagang nagre-research pa tungkol sa volleyball...

is feeling , UP naman.. sayang sina Caloy at Molde...

---o0o---


February 18, 2018...

DLSU versus NU

basagan na ng record..
5 setter match na naman..
naging pabaya ang NU, tapos na sana sa Set 4 kung hindi nila pinakawalan ang Set 3 eh..
pero NU pa rin naman ang nanalo..
at sila pa talaga ang naghabol sa Set 5..
sa wakas, basag na ulit ang dynasty..
at least wala nang magiging thrice-to-beat advantage ang La Salle sa dulo..
nakakatuwa talagang makita na nawawalan ng composure si Coach Ramil... :D

eh yung bininyagan na ni Coach Babes lahat ng players niya, puros National University na ang apelyido nila, LOL..
ang galing na Coach, halos puros positive lang ang paraan ng pagmo-motivate niya...

La Salle talaga yung team na walang kinikilalang advantage ng kalaban..
basta may oras pa para maglaro, lalaban sila at lalaban...


AdU versus UST

lagot na si Milena, na-injure na rin pala siya..
puros injury na rin ang UST...

3-0 eh..
overkill ang Set 1 kontra sa Adamson..
ang UST naman eh naagaw pa ang Set 2..
at maaga rin silang nakalamang at nakalayo sa Set 3..
parang hindi nabawasan ang players ng kalaban sa ipinakita nilang laro... :(

disappointed kasi pagkakataon na sana ng AdU para umabante sa 3rd seat dahil nga depleted ang lineup ng UST..
pero talagang na-3-0 pa sila..
at dahil sa trahedya ngayong araw eh 4 na teams pa tuloy ang nag-aagawan sa 3rd at 4th place..
mukhang sa 3 wins - 4 losses magtatapos ang record ng Adamson para sa Round 1, kapag minalas-malas pa sila eh baka maging 2-5 yun...

is feeling , masaya ako para sa NU.. pero kailangang madala ng Adamson si Galanza kahit na sa Top 4 man lang...

---o0o---


February 21, 2018...

AdU versus ADMU

5 setter na naman..
maganda ang Set 2 para sa Adamson..
maayos rin naman ang itinakbo ng Set 3, hanggang sa biglang na-check ng blocking ng Ateneo ang opensa ni Soyud..
parang 7 attacks ni Soyud ang halos sunud-sunod na-check nun eh, at hindi nakabuti na nag-stick sa kanya si Emnas..
si Maraguinot naman ang nasira ang laro sa Set 4, kaya madali lang ulit nakuha ng Adamson yung set na yun...

maganda naman ang ginawa ng Adamson sa kabuuan, may contribution nga lahat ng key players nila eh..
parang mas naging factor pa nga ang Ateneo dahil nag-on and off yung laro ng ilang players nila..
naging consistent at alerto nga lang ulit sila sa Set 5, at sa huli ay sila nga ang nanalo...


DLSU versus UE

3-0..
as expected...

is feeling , ano bang meron sa Season na 'to..? sulit na sulit ang mga ticket eh...

-----o0o-----


February 18, 2018...

alam ko na kung bakit kinukulang ako sa pahinga lately...

madalas na nga pala akong gising sa mga oras na hindi ko kinagawian dati..
tuwing weekdays, dahil sa The Good Son..
tuwing weekends naman, dahil sa I Can See Your Voice...

hindi na 'to gaya noong mga panahon kung kailan madalas na natutulog na ako pagkatapos pa lang ng Ang Probinsiyano, at gumigising ng 4:00 AM..
ngayon, hindi ko na magawang magising nang may sapat na pahinga tuwing 5:00 AM...

is feeling , kailangan nang mawala ang mga palabas na yun...


>
[Movie / Anime]

Your Name

kindly check this image's watermark, for proper crediting...

hindi na bago yung concept, pero ang cool..
at may time twist din...

yung lalaking parati na lang hinahawakan yung boobs nung bidang babae sa tuwing nasa katawan siya nito, LOL...

yung babaeng tinulungan na mapalapit yung lalaking kapalitan niya ng katawan sa babaeng crush nito..
umubra naman, umabot pa sa pagde-date nung dalawa..
kaso nagsimulang ma-realize nung mga bida na parang nagkakagusto na sila sa isa't isa..
hanggang sa natigil na yung body switching nila..
at sinimulan nung lalaki na hanapin na yung babae, kasabay na rin sa pagkadiskubre niya sa katotohanan...

tungkol sa kakaibang klase ng pagmamahalan na dini-defy maging ang oras o panahon..
tungkol sa 2nd chance sa buhay, at paglaban sa FATE..
parating nagpe-fade ang mga alaala nila tungkol sa isa't isa..
walang natitira sa kanila sa tuwing nakakabalik na sila sa mga totoo nilang katawan, maliban dun sa pakiramdam ng pangungulila..
isang hanapan na tumagal nang halos 8 years (3 tapos 5 years)..
matapos yun ay saka pa natuloy yung kanilang love story...

— feeling , ang galing...

---o0o---


February 19, 2018...

[TV Series]

Sana Dalawa Ang Puso

haha, ang cute talaga..
pampa-good vibes lang sa araw-araw..
though, hindi gaya ng Be Careful With My Heart, eh may patayan na at mga sindikatong involved sa istorya nito (parang Blood Sisters na rin)..
perpekto na nga sana eh, kung wala lang yung isang Zombiefier na racist dun sa programa...

ang galing talagang mag-portray ni Jodi..
si Mona, parang tomboyin lang na version ni Maya..
si Lisa naman eh Amor Powers na ulit...

is feeling , yung istorya talaga ng mga 'itinakda' ang inaabangan ko dun eh...

---o0o---


February 21, 2018...

[Online Marketing]

unfortunately, bukod sa hindi automatic yung handling nung isa pang store sa mga niri-release na products..
eh hindi rin nga intelligent yung automatic na paraan nila ng pagha-handle ng mga promos... :(

nakakalungkot lang isipin na namimigay na nga ako ng 20% discount..
tapos eh mag-o-overlap pa yun dun sa 30% discount nung store, when supposedly eh automatic na pina-prioritize lang yung mas malaking discount...

8 oportunista na yung nakapagsamantala dun sa overlapping promos..
nasa USD 19.20 na rin yung nawawala sa akin nang dahil sa kapalpakan na yun..
at halos nasa Php 1,000 na yun kung iko-covert..
pambayad na rin sana yun sa SSS ko for 3 months... :(

is feeling , hindi naman sa nagdadamot ako.. pero yung discount combo eh kalabisan na...

---o0o---


February 22, 2018...

[TV Series]

The Good Son

maganda yung pagkakasulat nung istorya, hindi siya nagmamalinis..
ultimo naghahangad silang lahat ng katarungan o justification para sa kanya-kanya nilang mga motibo..
ipinapakita pa rin nung istorya na halos bawat isa sa mga characters ay may bad side rin naman, na hindi sila perpectfly na mabubuting mga tao..
magmula sa mismong naging biktima hanggang sa kanyang mga anak, halos lahat sila eh nagkaroon ng pagkukulang...

mukhang tapos na yung palabas sa crime mystery na genre niya..
mukhang magiging istorya na siya tungkol sa healing at pagpapatawad...

is feeling , magaling din...


The Imperial Province

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


hindi yun joke..
dahil unti-unti na ngang nagaganap ang pagbibigay ng access sa mananakop..
parang ginagawa nilang puta ang bayan, at sila naman ang gumaganap na mga bugaw..
na sila na mismo ang nagbubukaka dito para magahasa ng Imperyo na nagbibigay sa kanila ng benepisyo...

---o0o---


update ulit (294 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
  • yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
  • yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
  • eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
  • yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
  • yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
  • yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
  • yung sila na mismo ang nagsisimula ng ideya at usapan tungkol sa pagbalewala sa konstitusyon
  • yung shoot to kill ang gusto laban sa mga idineklarang terorista, considering na nili-label-an rin nila yung mga hindi armadong grupo bilang bahagi nung mga rebelde
  • ang fusion ng Hokage na Mahilig, at ng mga Jonin at Chunin para muling makapa ang Dictator's Law
  • yung biglang naging pabor na rin siya sa same sex marriage, kasabay ng kagustuhan nilang baguhin na ang konstitusyon
  • yung idinidiin yung mga piling tao na madalas mag-travel, samantalang hindi naman pinarurusahan yung mga taong nag-a-approve nung mga official trip
  • yung mga piling tao lang ang kayang patalsikin sa puwesto, samantalang nananatiling untouchable yung iba
  • yung nangsususpinde ng tao na kini-claim nila na nagpakalat ng maling impormasyon, samantalang ganun rin naman ang lantarang ginawa niya noon laban sa isang Jonin
  • yung kagustuhan na busalan ang mga estudyante na may kakayahan na mag-isip, samantalang hindi naman nila pera ang ipinapampaaral sa mga yun, at considering na rin na kasalanan rin naman nila kung bakit may mga nais na magparating ng kanilang mga mensahe
  • yung hilig na magbakasyon at magpabakasyon sa Hong Kong
  • yung pro-prostitution na nga, tapos pro- pa sa pagpapalaganap ng HIV at STDs
  • yung hindi nila naiintindihan kung gaano ba talaga kalawak at sinu-sino ba ang mga nabangga ng TRAIN
  • yung tila yung mga lugar na madali lang makita at maobserbahan ng mga tao, o yung accessible sa marami, ang kayang i-regulate para sa pagpapanatili ng likas na yaman at ng kalinisan
  • yung ASAP parati ang pagtatanggol sa kanyang mga kaibigan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • sa Makati City, yung army reservist na namaril at nakapatay ng kapwa niya driver ng dahil daw sa away sa utang
  • sa North Cotabato, yung CAFGU na namaril at nakapatay ng kapwa niya CAFGU nang dahil lamang sa agawan sa videoke yata yun
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
  • sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
  • sa Makati, yung pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay at nanutok pa daw ng baril, at sinabi pa ng kapwa niya pulis na dati na siyang natanggal sa tungkulin dahil sa naging involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung pulis na nagwala at naglabas ng kanyang baril
  • sa Mandaluyong, yung mga tanod at mga pulis na nagkamali ng pinagbabaril na AUV, kung saan 2 ang namatay at 2 ang nasugatan
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • sa iba't ibang lugar sa NCR, yung mga pulis, kasama na rin ang mga opisyal nila, na nahuli during inspection na nag-iinuman o di kaya ay natutulog sa mismong istasyon sa oras ng duty nila
  • sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
  • sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
  • sa Parañaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
  • sa General Santos City, yung pulis na nanutok ng baril at nanuntok ng isang guard matapos DAW itong matalo sa pagsusugal
  • sa Davao City, yung 2 pulis na nang-abuso at nanakit ng 4 na menor de edad na nahuli nang dahil sa curfew
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
  • yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force na nagsimula DAW sa pag-iinuman
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Montalban, Rizal, yung PO1 na nasangkot sa indiscriminate firing
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung kaso sa Caloocan, yung naka-AWOL na pulis na napatay sa pananaksak ng isa pang naka-AWOL na pulis na nasangkot na daw noon sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung naka-AWOL daw na pulis na nabangga at napatay matapos na pagtangkaan ng grupo nila ang buhay ng isang abugado 
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • sa Cebu at/o Lapu-Lapu City rin yata, yung pulis at konsehal na nahuli na nasa loob ng casino
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung hepe ng Sasmuan na hinuli dahil sa pangingikil daw laban sa isang peryahan
  • sa Nueva Ecija, yung nasa 6 (o hanggang 8 yata) na mga pulis na hinuli rin dahil sa pangongotong
  • yung 5 o 15 na pulis (kung alinman ang tama) na under ng Southern Police District na nangikil sa pamilya ng isang babae na nahuli nila nang dahil sa paglo-loteng
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa may Cubao, yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
  • sa Calamba, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • yung 2 pulis na natakasan daw ng binabantayan nilang illegal recruiter sa ospital

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • yung nagbebenta at nagpaparenta na ang ibang miyembro ng Kadamay ng mga bahay na sapilitan lang nilang kinuha
  • sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
  • yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
  • yung sa mga naghihirap na mananakay rin pala balak ipapasan ang magiging gastusin para sa pagbili ng mga kapritsosong PUV na ipapalit sa mga jeepney
  • yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
  • yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
  • sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
  • yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
  • yung VIP ang trato nila sa mga problema patungkol sa MRT, pero halos wala silang pakialam sa mga problema ng mga pangmahihirap lang na PUV
  • yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
  • yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
  • yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
  • regarding sa mga road accidents, yung parati na lang kinakasuhan yung nagmamaneho nung sasakyan na nakadisgrasya o nakapatay, na hindi na kino-consider kung may kasalanan ba o naging kapabayaan yung taong nadisgrasya
  • yung 1% na nawawala ngayon sa mga jackpot prize sa Lotto at yung hindi pagtaas ng jackpot prize kahit na may tumataya naman dun sa mga partikular na Lotto game
  • yung kagustuhan ng DSWD na taasan pa ang limos para sa mga piling mamamayan sa kabila nang posibleng pagtataas ng iba't ibang klase ng mga buwis
  • yung halos wala namang mga kwenta at walang solid proof yung mga testimonya ng mismong mga taga-justice branch
  • yung akala mo eh pagka-Hokage yung napanalunang posisyon ni Representative Boss kung makapag-utos siya sa iba
  • yung mas malaki pa yung ulo nung Hokage na Mahilig kesa sa mukha nung magmamay-ari nung ID
  • sa PCUP, yung aprubado naman na mga international na lakad na biglang na-convert bilang mga alegasyon
  • yung mga perang walang mukha na naisama pa talaga ng BSP sa sirkulasyon
  • yung laya na yung miyembro ng Gwapings kahit na drug-related yung kaso niya, at yung minor na kaso na lang daw niya ang kailangan niyang harapin
  • yung may bago pang ibinigay na posisyon sa dating pinuno ng customs kahit na nahaharap pa ito sa maraming akusasyon
  • eh yung pati isang mahalagang assembly eh pinaspasan na ng mga Chunin
  • yung lantarang nananakot ang Representative Boss ng zero budget para sa mga Chunin na hindi magpapadikta sa kanila
  • yung hinayaan na palang mapasok at mapag-aralan ang Benham Rise ng mang-aagaw at certified na mapanirang Imperyo
  • yung huli na yung ginawang pagpapatigil sa mga research na ginagawa ng mga dayuhan sa Benham Rise
  • yung pati sistema ng pag-iipon eh nabangga ng TRAIN
  • yung pamunuan ang gustong magdikta kung ilang porsyento ba ng kita ang dapat itabi ng mga mamamayan sa kanilang pangangalaga
  • yung nabangga na rin ng TRAIN ang mga in demand na documents mula sa PSA
  • yung pati basic need na kuryente ay binangga pa rin ng TRAIN ang transmission charge
  • yung may access sina Bobong sa kini-claim nilang mga ebidensya, samantalang dapat ay na-secure ang mga yun sa mga box kung totoo ngang nabilang ang mga yun
  • yung hindi kaagad ni-regulate ang industriya ng TNVS mula sa umpisa, tapos biglang maglilimita ng bilang at magba-ban ng maliliit na klase ng sasakyan para dun sa serbisyo kung kailan nakapangutang na yung iba na gustong maging TNVS driver
  • yung nauna yung panggagatas, samantalang wala pa namang nakahandang pang-ayuda
  • yung February 2018 na pero wala pa rin yung sinasabi na 1-year validity ng mga prepaid load na makakatulong sana kahit na papaano sa lalo pang naghihirap na mga mamamayan
  • yung palpak na management ng NFA sa murang bigas
  • yung nagsira ng mga mamahaling sasakyan sa halip na pakinabangan ang mga yun sa mabuting paraan
  • yung gustong damay-damay na ang lahat, at alisan ng hanapbuhay maging yung mga OFW na wala namang problema sa kanilang mga pinagtatrabahuhan
  • yung palakihin lang ang contribution ng mga members ang tanging alam na paraan ng SSS para mapalago yung perang mina-manage nila
  • yung gusto nilang padaliin ang paghihiwalay ng mga iresponsableng nag-aasawa

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
  • yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
  • yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
  • ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
  • yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
  • yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
  • yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
  • yung mas inuuna pang kuwestiyunin parati ni Kalbo yung motibo sa pagre-report tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain ng mga tauhan niya, kesa kuwestiyunin kung bakit nga ba ganun yung kinahihinatnan ng ibang mga nagiging operasyon nila
  • yung special treatment para sa mga may HIV in general, na hindi na kino-consider kung sino ba yung posibleng attacker
  • yung mga balimbing na pulitiko na sumasang-ayon lamang sa mga may kapangyarihan at impluwensiya
  • yung kabobohan ng mga nasa itaas, na akala eh lahat ng mga mamamayan ay may regular na suweldo
  • eh yung nasa Php 6,000,000 (to 10,000,000 according naman sa nagrereklamo) daw yung nagastos para sa christmas party ng PCSO para sa nasa 1,500 na katao
  • yung lumilitaw na yung mga planong MAS multiple at unli-term
  • eh yung ang mga teacher na hindi naman gaanong kadelikado laban sa mga mamamayan ang sila pang hindi mabigyan ng priority para sa increase ng suweldo
  • yung gusto rin nila na makalibre sa pagbabayad ng buwis at mabalasa ang justice branch
  • yung planong magbawas ng posisyon para lang makapagpatalsik ng mga hindi kaalyado
  • ang pananahimik ng mga kilalang personalidad kung kailan ang mga ordinaryong tao na ang inaatake ng panggagatas
  • yung mga bobong PUV operator at driver na sa mga ordinaryong mananakay rin gustong ipapasan ang mga dagdag sa gastusin nila, sa halip na hilingin sa pamunuan na gawing patas ang panggagatas
  • yung ipinagkalkal pa ng lumang kaso ang Rappler
  • yung mga taong nagpapalaganap ng impormasyon, na kesyo bababa daw ang gastusin ng mga negosyante sa kabila ng reporma sa pagbubuwis, despite the fact na patuloy na nga ang pagtaas ng presyo ng basic need na petrolyo
  • yung pati Geography ng bayan eh pinakikialaman na ng Kape at nagbibigay na naman siya ng maling impormasyon
  • yung mga nagpapanggap na mapagkakatiwalaan at hindi bias na media, pero yung grupo nila eh nakapangalan sa kanilang idolo
---o0o---


February 19, 2018...

tama rin nga naman yung mga nagpo-protesta..
yung MRT na limitado lang ang populasyon na nabibigyan ng serbisyo..
na limitado lang ang area na sakop ng serbisyo..
eh nagagawang bigyan ng pamunuan ng limpak-limpak at tuluy-tuloy na subsidy..
bukod pa yung VIP treatment para sa mga pasahero nila sa kalsada sa tuwing inililipat sila sa mga bus, na pinabababa rin ang pamasahe...

samantalang yung mga kawawang jeepney operators at drivers..
na di hamak na iba't ibang area sa bayan ang sakop ng serbisyo..
eh inaalisan na nga ng kabuhayan..
pinipilit na ngang bumili ng mamahalin at kapritsosong mga sasakyan, nang may kakaunti lang na pinansyal na tulong..
ginugulpi na nga ng maya't mayang pagtataas ng presyo ng petrolyo..
tapos eh ipinapabundol pa sila sa train kapalit ng gatas...

mga tanga!
mga mahihirap rin na mga mananakay ang nabibiktima ng maluluho ninyong proyekto...

is feeling , may sipa pabalik yata eh...??

---o0o---


February 20, 2018...

itinumba na yung abugado nung nakababatang Espinosa...

ano kaya yun..?
siya ba talaga ang target dahil sa mga propesyon niya..?
o babala ba yun para dun sa Espinosa para hindi na 'to magsalita pa...??

is feeling , kani-kanino pa kayang mga pangalan ang pinoprotektahan...??


>
hindi kaya yung taong yun ang totoong nagpapatakbo sa pamunuan..?
na kunwari lang eh sidekick siya...??

is feeling , ano ba yung pangalan na yun..? pang-masasamang tao yata yun eh...??


>
pandisdis na naman sa pagtatanggol sa kaibigan..
mas matindi pa kesa sa paspas eh...

basta talaga kakampi eh A.S.A.P. ang galawan..
kesyo mapa-ex-convict..
kesyo mapa-mayor slayers..
o di kaya eh mga Jonin na lumalabag sa mga patakaran...

is feeling , sana kaibigan mo ang buong sambayanan - para paspasang VIP treatment para sa lahat...


>
tuwang-tuwa kayo sa mga joke..
mamaya niyan eh naibenta na pala tayong lahat sa mga Bestfriend nila...

sino ba siya..?
ang batang sumigaw ng lobo..?
kahilig magloko eh...

is feeling , parang mga 6-months promises at jet ski statements.. puros joke lang...

---o0o---


February 21, 2018...

andami pang OFW ang gustong tanggalan ng mga hanapbuhay.. :(
eh paano naman yung okay ang mga amo, at yung mga professional..?
damay-damay na lang...?

tapos ano ang ipangtutustos nila para sa mga mawawalan ng hanapbuhay..?
yung kita nila mula sa train na para sana sa mga projects...??

ano bang gusto niya..?
na yung mga OFW na ang dapat na ituring na amo ng mga employer nila..?
na dapat ang pakikitungo sa mga kababayan niya eh parang nagbabakasyon na lang sila sa ibang bansa habang kumikita ng malaking halaga...?

tama lang naman na mag-demand ng respeto mula sa kapwa tao eh, pero hindi VIP treatment..
eh maging sa sarili naman nating bayan eh; may mga amo na hindi maganda ang pakikitungo sa mga kasambahay, pero may mga kasambahay rin na likas na masasama at ginagawan ng krimen ang mga amo nila..
so ang punto ay - hindi puwerket kababayan mo sila ay sila na lang parati ang paniniwalaan mo..
dahil iba-iba ang ugali ng mga tao, at ni hindi yun 100% na naka-base lamang sa lahing pinagmulan niya..
nagiging racist ang isang tao sa tuwing nag-ge-generalize siya laban sa ibang lahi, o kapag pinapamukha niya na ang lahi niya ang dapat na maging standard...

sa halip, dapat pagbutihin na lang ng mga ahensiya ang pagmo-monitor sa mga kababayan nila..
yung tipong nade-detect kaagad in case na napupunta sa iba o hindi naka-register na employer yung mga OFW..
yung tipong nakukumusta sila tuwing day off nila..
yung tipong pwede silang maka-live chat araw-araw after work..
o kung maaari eh bigyan yung mga OFW nung mga device na pwedeng pang-monitor ng vital signs kahit na remotely..
at yung tipo siyempre ng pamamalakad na hindi naman tino-tolerate yung mga TNT o yung mga ilegal na trabahador, dahil pambabastos naman yun sa patakaran ng ibang bansa...

is feeling , nagpapa-VIP ka sa ibang bansa.. samantalang sa Bestfriend Empire eh para kang tuta...

---o0o---


February 22, 2018...

kapag babae ang topic ng statements regarding sex, eh pambabastos at imoral daw kaagad..?
pero kapag mga lalaki ang target ng mahahalay na statements ng mga bakla eh joke lang at tinatawanan pa nila...??

mga babae lang ba talaga ang biktima ng pambabastos sa mundo na 'to..?
alam ko na madalas na sila nga ang biktima, dahil sa mapang-abusong nature ng maraming mga lalaki..
pero hindi naman tama na sabihin na sila lang parati ang nababastos...

kapag tungkol sa ibang bagay ang topic, eh igigiit na kesyo kaya nilang makipagsabayan sa mga lalaki..?
pero kapag tungkol na sa sex at sa sexual abuse ang usapan, eh automatic na mga mahihinang biktima lang sila..?
eh saan ba talaga nila gustong lumugar...??

samantalang yung putang inang Hokage na Mahilig ninyo..?
bakit noong pinagnasahan niya sa joke niya (DAW) yung foreigner na biktima ng rape at pagpatay, eh tinawanan at pinalakpakan nyo pa rin siya...??

kung makapagmalinis 'tong mga Zombie na 'to...

is feeling , marunong ba talaga kayong kumilatis ng joke at ng hindi...?


>
kaduda-duda talaga ang balak ng pamunuan ng SSS...

kasi kung savings nga ang trato nila sa contributions ng mga tao..
kung hindi rin naman nalulugi yung ahensya..
eh walang dahilan para pilitin pa nila ang mga tao na dagdagan pa yung mga puwersahang kontribusyon nila...

siguradong may kakaibang nangyayari sa loob nun ngayon kaya kating-kati sila para sa increase...

is feeling , baka balak ring pitikin yung pera...??


>
Aso Bill..
para mapag-eksperimentuhan ang pag-aasawa..
para madaling mapalitan ang sinumang pinagsawaan o natikman na..
para mapakinabangan pa ang lahat ng pinag-iinteresan pang asawahin...

at siyempre, para sa kapakinabangan na rin ng mga pinunong mahihilig na mambabae...

yung ugali ng mga asong lalaki, lalo na yung mga asong gala (though may season naman yata yun)..
yung aamoy-amuyin yung likuran ng sinumang makita nila na babaeng aso, o di kaya eh maging kapwa lalaking aso in some cases..
tapos kapag na-confirm na nila na babae yun eh susubukan na nilang babahan para torjack-in..
after that eh bahala na yung babaeng aso kung mabubuntis man siya at kung ilan man ang maisisilang niyang buhay na tuta..
yung lalaking aso naman eh bahala na kung sinuman ang mato-torjack sa susunod na pag-atake ng instinct niya...

is feeling , samantalang pagdating sa mga batas na makatutulong sana sa mga mahihirap na mga mamamayan, eh ni wala silang mai-propose...

---o0o---


February 23, 2018...

Boracay cosplay..
yung buong puwersa ang pagkilos nila para dun sa isla..
yung kunwari eh concern na concern sila para sa kalikasan kaya sila naghihigpit...

bakit hindi ninyo gawin yan sa mga lugar na nasira na ng mga kaibigan ninyong mga minero..?
puwersahin ninyo silang linisin yung mga ikinalat nilang mga chemicals...

kahanga-hanga na sana eh, kaso pili lang naman ang tinatrabaho...

is feeling , siguro plano nilang magpasok ng sarili nilang mga kaibigang investors, kaya tatanggalan nila ng hanapbuhay yung iba...??


Friday, February 16, 2018

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of February 2018 (Date-less Valentine)

Loveless Story


February 14, 2018...

so ayun..
wala na nga ulit ka-date..
tapos saktong malamig pa ang panahon... :(

walang text eh..
walang go signal..
masyadong busy siguro...

ang tagal ko nang hindi nayayakap yung isang yun... :(

pero sa bagay..
naparating ko na naman sa kanya yung mensahe eh..
maghihintay ako para sa kanya hangga't nasa loob siya...

is feeling , 14 days left for February.. 45 days left until the end of March...

---o0o---


February 16, 2018...

lagot na..
mukhang nauubusan na lalo ako ng oras ah...?

hindi ko pa sigurado..
pero mukhang may boylet na ulit si Miss H eh..
ewan ko lang kung manliligaw pa lang, o kung sila na ba...

mas mahihirapan kasi akong makalapit sa kanila para magawa yung sorry ko, kung mababakuran na sila... :(

is feeling , 12 and 43 days left...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 80 - Women's Volleyball (Round 1)


February 10, 2018...

AdU versus FEU

5 setter..
sa wakas, nanalo na ulit ang Adamson laban sa isang non-UE team sa isang UAAP match..
Player of the Game si #8 Galanza..
masaya na ulit neto si Coach Padda...

hindi masyadong nagagamit si Malabanan sa FEU, di tulad kapag ang kasapi niya eh sina Nabor...


DLSU versus UP

3-0..
lagot na..
unti-unti nang nagiging delikadong player si Cobb..
binaliktad ang 3rd Set eh..
matino na ang service, tapos eh pumapasok na rin yung mga smart attack niya, hindi tulad noong first game nila...

pero nakaka-badtrip yung tawag kanina laban sa UP..
untik na ngang madisgrasya yung player ng UP dahil sa ginawa ni Miss Everywhere, Macandili..
tapos eh ibinigay pa sa La Salle yung puntos..
okay lang sana kung deliberate yung blocking eh, pero yung kitang-kita naman na sa pa-out na bola nakatingin yung player, eh lokohan na..
sino namang tangang player ang gugustuhin na banggain nang ganun ni Macandili..?
dapat ipagbawal na sa volleyball yung pagdaan sa court ng kalaban, kung maghahabol sila ng outside nang bola eh sa labas rin lang sila ng court pwedeng dumaan...

is feeling , nice one.. narinig na ulit na ma-interview si Lady Galanza...

---o0o---


February 11, 2018...

NU versus UE

3-1..
nakuhanan pa rin ng 1 set ang NU...


ADMU versus UST

3-1 din..
sinuwerte lang ang Ateneo sa Set 2..
pero mas napatino na nga ni Ravena kahit papaano ang floor defense nila...

is feeling , wanted: taga-sira ng dynasty...

---o0o---


February 14, 2018...

AdU versus UP

3-0..
na-overkill pa ang Set 1, 25-9 ang score...

maganda ang distribution ng attack kanina, nababawasan nga lang ng playing time si Soyud..
pinaganda pa ni Uy ang depensa sa likod..
kaya pala wala sina Emnas at Paat last season, sinadya pala nilang hindi maglaro para sa university nila...


DLSU versus FEU

5 setter..
maganda ang ginawang paghahabol ng FEU sa Set 3 and 4..
pinahirapan at pinakaba rin nga nila ang La Salle..
kaso eh kinapos na ang FEU sa Set 5..
hindi pa rin mabasag ang dynasty...

wala na akong masabi kay Macandili..
finest Libero talaga ng bansa eh...

is feeling , konti pa, Team Galanza...

-----o0o-----


February 11, 2018...

sobrang cute naman ni Raine Salamante para maging kontrabida...

si Coraleen Waddell naman, ginawa lang babae na nakilala sa bar...

is feeling , sayang naman...

---o0o---


February 14, 2018...

[Online Marketing]

up na sa bagong store yung ilang lumang projects ko...

yun nga lang..
medyo disappointed ako..
ang dami kasi nilang pinakialaman eh..
yung sarili kong format at date eh iniba..
yung mga hindi kailangang linawin nang maige, eh halos ipamigay na..
tapos yung mga totoong kailangan na linawin para walang malito, eh hindi ginawa...

eh bakit pa ako nag-fill up nung form kung hindi rin naman pala nila yun susundin...?

is feeling , anyway, sana nga eh makatulong.. kung maaari eh sana eh maka-doble...

---o0o---


February 15, 2018...

medyo nagkakaroon ng difficulties doon sa isa sa mga settings..
unfortunately, yun pa naman yung main o mas gagamitin ko na environment para sa latest project ko..
hirap yung engine na mag-handle ng maraming texture ng mga characters eh, siguro dahil na rin sa mismong texture nung environment...

mataas naman yung percentage ng output..
kaso eh hirap sa pagpo-produce ng shadow...

kailangan ko pa tuloy ng mga panibagong test..
siguro 3-hours, o di kaya eh double render ulit...

is feeling , 13 days left for February.. 44 days until the end of March...

---o0o---


February 16, 2018...

[TV Series]

Blood Sisters

natawa naman ako dun sa plot...

bale may mayamang mag-asawa ang naisipang umupa sa sinapupunan ng isa nilang kasambahay para ito ang magbuntis para sa magiging anak nila..
kaso nagkataon na may gusto rin sa isa't isa yung among lalaki at yung kasambahay, pero mas pinipili nung lalaki yung asawa niya..
unfortunately, nalaglag yung batang inilagay sa sinapupunan nung kasambahay...

pero hindi pumayag yung lalaki na mamatay yung bata..
kaya naisip niya na sila na lang nung kasambahay ang bubuo ng batang kapalit nung nawala..
at bumuo nga sila ng baby sa natural na paraan...

kaya wala na talagang in vitro fertilization na sumunod..
at anak talaga nung among lalaki at nung kasambahay yung triplets...

is feeling , para-paraan yung lalaki.. naka-torjack na nang totoo dun sa kasambahay, at natupad pa yung pangarap nilang mag-asawa na magka-anak...

---o0o---


February 17, 2018...

nice one [Name of Electric Cooperative]!

so requirement na ngayon para sa lahat ng miyembro na mag-Facebook para lang malaman kung kailan may schedule ng brownout..?
requirement na para sa lahat ang data o internet connection para c-um-onnect sa lintik na page ninyo..?
ititigil na ang pagsasagawa ng announcement sa mga maaapektuhang area...??

yun na nga lang ang maaasahan para maiwasan naman na ma-torture nang ma-torture yung UPS eh, tapos ipagkakait pa...

putang ina..
anong klaseng siyudad are at maya't maya ang unscheduled na mga power interruption..?
tuwang-tuwa kayo na manira ng mga electronic device eh...

is feeling , February pa lang pero naka-6 na kaagad.. bukod pa yung mga naka-schedule...


LIVE Penetration

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


LIVE penetration..
para daw masarap..
parang ganun na nga ang nararanasan ng bayan sa ngayon, o ng mga mamamayan..
pero yung nangto-torjack lang ang masasaya..
parang ginawa ng puta..
pinagpapasasaan para magatasan ng pera - ng easy money...

---o0o---


update ulit (289 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
  • yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
  • yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
  • yung pahiwatig na gusto niyang ipatupad yung Martial Law na katulad nung sa Dictator Clan
  • ang paulit-ulit na pagre-relate ng mga tao sa kanyang mga rape comments na para bang ginagawa pang katatawanan ang bagay na yun
  • ang pambabastos sa lider ng isang bansa na mahilig sa mga delikadong armas, kahit na hindi naman kaya ng bansa na lumaban in case na mapikon ang mga yun
  • yung pati kaso ng pagnanakaw sa bayan ay gustong iareglo para lang sa Dictator Clan kahit na pang-bobo yung alibi ng tagapamagitan nila
  • yung statement tungkol sa kagustuhang bombahin ang mga Lumad schools
  • yung pag-iimbento ng bank accounts at kuwento na rin tungkol dun at pagre-relate nun sa hindi nila kakamping opisyales, na inilabas pa sa publiko
  • yung 16 million lang ang gusto niyang i-consider, kumpara sa mahigit 100 million na mamamayan ng bansa
  • yung atat na magdeklara ng kalayaan kahit na may mga labanan pa, may mga terorista pa, at may mga bihag pa
  • eh yung lahat na lang ng mamamayan na may reklamo tungkol sa maling pamumuno eh gusto kaagad na i-classify bilang rebelyon
  • yung nagse-set ng ultimatum na ni hindi rin nga feasible ayon dun sa mismong ahensiya
  • yung ang pagkalkal ng history ay tila base lamang sa nakukuhang pabor
  • yung nainsulto sa mga sinabi ni Justin Trudeau kahit na totoo naman ang mga nangyayaring pagmamalabis, tapos patalikod pa ang pag-atake
  • yung sila na mismo ang nagsisimula ng ideya at usapan tungkol sa pagbalewala sa konstitusyon
  • yung shoot to kill ang gusto laban sa mga idineklarang terorista, considering na nili-label-an rin nila yung mga hindi armadong grupo bilang bahagi nung mga rebelde
  • ang fusion ng Hokage na Mahilig, at ng mga Jonin at Chunin para muling makapa ang Dictator's Law
  • yung biglang naging pabor na rin siya sa same sex marriage, kasabay ng kagustuhan nilang baguhin na ang konstitusyon
  • yung idinidiin yung mga piling tao na madalas mag-travel, samantalang hindi naman pinarurusahan yung mga taong nag-a-approve nung mga official trip
  • yung mga piling tao lang ang kayang patalsikin sa puwesto, samantalang nananatiling untouchable yung iba
  • yung nangsususpinde ng tao na kini-claim nila na nagpakalat ng maling impormasyon, samantalang ganun rin naman ang lantarang ginawa niya noon laban sa isang Jonin
  • yung kagustuhan na busalan ang mga estudyante na may kakayahan na mag-isip, samantalang hindi naman nila pera ang ipinapampaaral sa mga yun, at considering na rin na kasalanan rin naman nila kung bakit may mga nais na magparating ng kanilang mga mensahe
  • yung hilig na magbakasyon at magpabakasyon sa Hong Kong
  • yung pro-prostitution na nga, tapos pro- pa sa pagpapalaganap ng HIV at STDs
  • yung hindi nila naiintindihan kung gaano ba talaga kalawak at sinu-sino ba ang mga nabangga ng TRAIN
  • yung tila yung mga lugar na madali lang makita at maobserbahan ng mga tao, o yung accessible sa marami, ang kayang i-regulate para sa pagpapanatili ng likas na yaman at ng kalinisan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
  • yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
  • yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
  • sa Lanao del Norte, yung mag-ina, kasama na rin yung bata sa sinapupunan, na nadamay sa pagkapatay ng mga pulis sa nanlaban daw na kapatid ng suspek nila
  • yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
  • sa Makati City, yung army reservist na namaril at nakapatay ng kapwa niya driver ng dahil daw sa away sa utang
  • sa North Cotabato, yung CAFGU na namaril at nakapatay ng kapwa niya CAFGU nang dahil lamang sa agawan sa videoke yata yun
  • yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
  • yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
  • yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
  • yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
  • sa Caloocan, yung bahay ng matandang babae na nilooban at pinagnakawan ng mga pulis at ng iba pa nilang kasamahan na hindi naman mga pulis
  • sa Maragondon, Cavite, yung miyembro ng SOCO na sangkot sa nakaw-ebidensya regarding sa kaso ng pagpatay sa mag-asawang matanda
  • sa Olongapo, yung 2 pulis na nasangkot sa robbery extortion matapos pagnakawan ng higit daw sa Php 100,000 ang mag-asawang drug suspect
  • sa Zambales, yung nag-AWOL daw na pulis na sangkot sa rentangay modus
  • sa Makati, yung pulis na nagnakaw daw ng motorsiklo ng kanyang kapitbahay at nanutok pa daw ng baril, at sinabi pa ng kapwa niya pulis na dati na siyang natanggal sa tungkulin dahil sa naging involvement niya sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung pulis na nagwala at naglabas ng kanyang baril
  • sa Mandaluyong, yung mga tanod at mga pulis na nagkamali ng pinagbabaril na AUV, kung saan 2 ang namatay at 2 ang nasugatan
  • yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
  • sa Zamboanga del Sur, yung nakunan sa CCTV na sundalo na pinagbabaril ng 2 na-identify bilang mga pulis
  • yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
  • sa Ozamiz City, yung pagpatay o pagtumba daw ng mga pulis sa grupo ng mga suspek, at tila i-d-in-isplay pa ang mga bangkay nila sa harap ng munisipyo
  • yung kaduda-dudang raid laban sa mga Parojinog sa Ozamiz
  • sa Tondo, yung pulis na nakunan ng ibang CCTV na ipinaling sa ibang direksyon ang isa pang CCTV camera habang may police operation daw ang mga ito
  • yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
  • yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
  • yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
  • yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
  • yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
  • sa Tondo, yung 2 lalaki na napatay ng mga pulis dahil nanlaban daw, at tila binutas-butas pa daw yung katawan, pero nakunan naman ng CCTV yung maayos nilang pagsama sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung ginawang pagtumba ng mga pulis sa 17 y/o na Grade 11 student na pinalabas nila na nanlaban
  • yung hinihinalang pagtumba dun sa 19 y/o na UP Passer
  • yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera  
  • yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao 
  • yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
  • sa iba't ibang lugar sa NCR, yung mga pulis, kasama na rin ang mga opisyal nila, na nahuli during inspection na nag-iinuman o di kaya ay natutulog sa mismong istasyon sa oras ng duty nila
  • sa Davao del Sur, yung hepe ng pulis na nagwala sa isang tindahan o bar dahil nakainom daw ito
  • yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
  • sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
  • yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
  • sa Ozamiz, yung nakunan ng video na pananakit ng isang police chief inspector sa isang nahuling suspek
  • sa Quezon City, yung pulis na dati nang nasuspinde, na inaresto dahil sa pambubugbog daw sa kanyang stepson
  • sa Baguio, yung traffic enforcer na nakunan ng CCTV na pinagsusuntok ang isang taxi driver mula sa labas ng sasakyan nito
  • sa Pasay, yung pulis na nanakit ng bata, na gumamit pa daw ng tabo sa pananakit
  • sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
  • sa Bacolod City, yung babaeng pulis na nanutok ng baril sa nakaalitan niya sa bar
  • sa Parañaque, yung pulis na hindi nagbayad ng mga nakuha niya sa isang karinderya, na nanutok ng baril, at nanuntok pa ng isang customer
  • sa General Santos City, yung pulis na nanutok ng baril at nanuntok ng isang guard matapos DAW itong matalo sa pagsusugal
  • sa Davao City, yung 2 pulis na nang-abuso at nanakit ng 4 na menor de edad na nahuli nang dahil sa curfew
  • yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
  • yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
  • yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
  • sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
  • yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
  • sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
  • sa Caloocan, yung 2 pulis na nagbarilan ng dahil lang DAW sa toothpick
  • yung pulis na nang-rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
  • sa Olongapo, yung 6 na pulis na nasangkot sa pag-rape at pagpapa-rape sa isang babaeng drug suspect at sa isang lalaking bilanggo
  • yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
  • yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
  • sa Angeles, Pampanga, yung 16 y/o na nagmomotor na aksidente daw na nabaril ng 1 sa mga pulis na sumita sa kanya
  • sa Manila, yung pulis na namaril sa isang bar, na napatigil gamit ang phaser gun
  • sa Agoncillo, Batangas, yung pulis na pumatay ng isang municipal nurse nang dahil lang sa away-pag-ibig
  • yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
  • sa Camarines Norte, yung binata na pinagbabaril daw ng isang pulis
  • yung nangyaring pamamaril ng tauhan ng Air Force sa kapwa tauhan ng Air Force na nagsimula DAW sa pag-iinuman
  • sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
  • yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
  • sa Mandaluyong, yung 2 lalaki na hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalye, pero nakunan ng cellphone video na pinagpapapalo ng kahoy ng isang pulis
  • yung sa General Trias, Cavite, yung 3 pulis na nang-torture rin daw ng 2 preso at pinilit pa yung 2 na maghalikan habang nanonood sila
  • sa Norzagaray, Bulacan, yung 6 na preso na biktima ng pag-torture, mainly sa pamamagitan ng paggamit ng paddle, na ang unang itinurong promotor ay ang Warrants Officer, pero biglang nagpaiba-iba na yung istorya
  • sa Tondo, yung pulis na pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing, na posibleng handa lang daw para sa birthday yung pinag-ugatan
  • sa Montalban, Rizal, yung PO1 na nasangkot sa indiscriminate firing
  • sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
  • sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
  • yung nakunan sa CCTV na police escort na nakabundol ng batang estudyante, pero itinanggi daw na siya yung nakabundol at tinakasan pa yung biktima
  • yung pulis na nakabangga ng nasa pedestrian lane
  • sa Rodriguez, Rizal, yung road rage na nauwi sa barilan sa pagitan ng isang pulis at isang retired US navy, dahil dun ay nadamay at nabaril yung pasahero nung US navy 
  • sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
  • yung kaso sa Caloocan, yung naka-AWOL na pulis na napatay sa pananaksak ng isa pang naka-AWOL na pulis na nasangkot na daw noon sa ilegal na droga
  • sa Quezon City, yung naka-AWOL daw na pulis na nabangga at napatay matapos na pagtangkaan ng grupo nila ang buhay ng isang abugado 
  • yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
  • yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
  • yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
  • sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
  • sa Taguig, yung magkakasabwat na mga barangay officials at isang pulis sa pangingikil sa mga taong hinuhuli nila
  • sa Quezon City, yung pulis na nangingikil daw sa isang bus company na nahuli sa entrapment operation
  • sa Laguna, yung Kagawad at ang mga kasamahan niya na nangingikil daw ng mga dayuhan at mga kilalang personalidad bilang pangsuporta daw sa adhikain ng Hokage na Mahilig
  • sa Antipolo City, yung 4 na pulis na inaresto dahil sa pangingikil daw sa isang PWD, mukhang may mga props rin sila na mga baril at ilegal na droga
  • sa Cebu at/o Lapu-Lapu City rin yata, yung pulis at konsehal na nahuli na nasa loob ng casino
  • yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
  • yung hepe ng Sasmuan na hinuli dahil sa pangingikil daw laban sa isang peryahan
  • sa Nueva Ecija, yung nasa 6 (o hanggang 8 yata) na mga pulis na hinuli rin dahil sa pangongotong
  • yung 5 o 15 na pulis (kung alinman ang tama) na under ng Southern Police District na nangikil sa pamilya ng isang babae na nahuli nila nang dahil sa paglo-loteng
  • yung nasa 200 pulis daw na mukhang nandaya sa kanilang entrance exam
  • sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
  • sa malapit sa lugar ng giyera, yung kaso ng harassment ng isang sundalo yata yun laban sa mga estudiyante
  • ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test  (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
  • sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
  • yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
  • yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
  • yung nasa 160 pa na mga pulis na inire-recommend ng PNP-IAS na pagsisibakin na dahil sa involvement nila sa ilegal na droga
  • sa Bacolod, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa may Cubao, yung dating pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
  • sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
  • sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
  • yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
  • yung New Bilibid prison guard na sinubukang magpuslit ng hinihinalang ilegal na droga sa pamamagitan ng pagtatago nito sa loob ng kanyang brief
  • sa Cainta, Rizal, yung dating military intelligence officer na nahuling nagtutulak ng ilegal na droga
  • sa Pagadian City, yung bahay ng nag-AWOL na pulis na nakunan ng nasa Php 89,000 worth daw ng ilegal na droga
  • sa Calamba, yung naka-AWOL na pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • yung 2 pulis na natakasan daw ng binabantayan nilang illegal recruiter sa ospital

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
  • yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
  • yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
  • yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
  • yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
  • yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
  • yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril  ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
  • yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
  • sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
  • yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
  • sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
  • hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
  • sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
  • sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
  • yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
  • sa Tondo, yung taxi driver, na kolektor daw na asset ng mga pulis, na itinumba ng riding-in-tandem, kaso ay tumagos pa yung bala sa ulo nito kaya may babaeng nadamay at natamaan din
  • yung pagtumba sa foreigner na sangkot daw sa ATM skimming
  • sa Caloocan, yung tricycle driver na itinumba sa hindi pa malamang dahilan dahil wala naman ang pangalan niya sa listahan ng mga drug-related personalities, at may nadamay at natamaan pa na ibang tao sa pamamaril na yun
  • yung pagpatay sa 14 y/o na supposedly ay kasama nung pinatay ng mga pulis na 19 y/o UP Passer, na sa Nueva Ecija na natagpuan

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
  • sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan 
  • regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
  • sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
  • in general, ang pagiging maluwag ng batas laban sa mga menor de edad na mga kriminal
  • yung kung sino pa yung mga aminado sa mga krimen na paulit-ulit na ginagawa nila o yung may solid na ebidensya regarding sa ginawa nilang krimen, eh sila pa talaga yung nananatiling buhay
  • sa Baguio, yung mga nahuling sangkot sa Basag-Kotse pero pinalaya rin naman kaagad matapos makapagpiyansa
  • regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
  • dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
  • yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
  • ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
  • yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
  • yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
  • sa Maynila, yung nakunan sa CCTV na matanda na tinutukan ng baril ng 2 naka-sibilyan na mga pulis dahil napagkamalan daw siyang magnanakaw 
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
  • sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
  • yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
  • eh yung pagtutumba sa mga persons of interest na iniuugnay sa Bulacan Massacre, gayung dapat ay pinoprotektahan na sila ng mga pulis para naman mapalabas talaga yung totoo tungkol doon sa kaso
  • yung kapabayaan ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang pageant winner sa Samal Island na nauwi sa panlalaban DAW nito at sa pagpatay sa kanya
  • yung kapabayaan rin ng mga awtoridad sa pag-handle sa suspek sa pangre-rape at pagpatay sa isang 8 y/o na bata sa Nueva Ecija, na dahilan kung kaya't nagawa DAW nitong mang-agaw ng baril at makapagpakamatay
  • yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
  • yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
  • ang hindi pagtupad ng PHLPost sa kini-claim nilang bilis ng paggawa at pagde-deliver ng Postal ID, at ang kahinaan ng support center nila
  • yung mali at mapanlinlang na paraan ng evaluation ng Department of Tourism sa performance ng kasalukuyan at nakaraang administrasyon
  • yung mga isyu na lumalabas ngayon tungkol sa BOC at sa mga mambabatas dahil sa ginagawang pananabon ngayon sa Customs
  • yung problema sa mamahaling elevator para sa pedestrian overpass sa Lipa City
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
  • yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Taguiwalo bilang secretary ng DSWD dahil DAW hindi magagamit na gatasan yung ahensya sa ilalim ng pamumuno niya
  • yung pagri-reveal ni Attorney Anderson sa tangka ng isang mataas na opisyales na mag-promote ng isang hindi qualified na tao para sa Bureau of Customs
  • ang kabulukan ng hustisya, yung ginawan na nga ng grupo nina Failon ng pabor ang buong bansa, pero talagang sila pa yung kinasuhan dahil lang sa binayaran na yung obvious na ninakaw na pera ng gobyerno noon
  • yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
  • yung nagbebenta at nagpaparenta na ang ibang miyembro ng Kadamay ng mga bahay na sapilitan lang nilang kinuha
  • sa Alfonso, Cavite, yung 2 preso na nakatakas at nadala pa yung police mobile, matapos na maisipan na kumain na muna nung 4 na police escort nila
  • ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
  • yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
  • sa Pandacan, yung 7 buwan na sanggol na nagtamo ng 3 tama ng baril dahil sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa kanilang lugar
  • follow up para sa 7 months old na sanggol news, hindi pala nagkusa yung mga pulis na imbestigahan kung sinu-sino nga ang totoong nakabaril doon sa bata, at may claim pa na diniktahan lang daw para pumirma sa affidavit yung lola nito
  • sa Pasay, yung pulis na naglabas at nag-display ng kanyang baril habang nakikipagtalo sa 2 binatilyo
  • sa Pasay, yung itinumba na negosyante na may-ari ng furniture shop na hindi daw kaagad hinayaan ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung 73 y/o na lalaki na nakaladkad at nagulungan pa daw ng bus, na hindi na naman hinayaan kaagad ng mga pulis na maisugod sa ospital
  • yung hindi magkatulad na magkahiwalay na statements nung taxi driver na hinoldap daw nung 19 y/o UP Passer, na hindi rin tugma sa report ng mga pulis, at tila nagtatago na yung driver ngayon
  • yung kuwestiyonable at kusang pagpapa-DNA test ng mga pulis sa bangkay nung 14 y/o na kasama ni UP Passer kahit na wala namang nagre-request nito, at yung pagdedeklara na hindi naman dun sa 14 y/o yung bangkay na yun
  • yung hinihinalang bagong kaso ng paglabag sa Anti-Hazing Law kung saan napatay yung isang UST Law Student
  • yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
  • yung pagkatumba sa 4 na suspected na miyembro ng Maute habang ibinabiyahe sila, ito ay sa kabila nang may ipinapatupad ng Martial Law sa region na yun
  • yung lalaking napagkamalan daw na miyembro ng Maute at hinihinalang t-in-orture ng mga sundalo
  • yung may mga nangyayari pa rin daw na nakawan sa mga lugar sa Marawi na kontrolado na ng mga militar
  • yung posibilidad daw na nakatakas na yung mga lider ng mga terorista sa lugar ng digmaan, gayung may claim rin ang mga awtoridad na kesyo natunugan naman daw nila yung tungkol sa pagtakas
  • yung pagpapadala ng mga tiwaling pulis sa lugar ng digmaan, sa halip na sibakin na sila sa trabaho at hindi na pasuwelduhin pa ng mga mamamayan
  • yung mukhang may nakapasok na daw ulit na mga armadong grupo sa lugar ng giyera
  • yung hindi muna lubusang siguraduhin ang kaligtasan sa Marawi bago palipatin ang mga mamamayan
  • yung pagpapababa daw ng DOJ sa kaso ng Marcos Police Group
  • kasali pala yung Dictator Clan sa problema ngayon sa Norte
  • ang pag-amin ng miyembro ng Dictator Clan na binalewala nga nila ang proseso ng bidding sa kanilang pamimili
  • yung VIP treatment sa isang opisyales, kahit alam naman nila yung patakaran na nagbabawal nga sa kanila na pumunta sa mga casino
  • yung Representative na gusto ng VIP treatment para sa kanilang hanay regarding traffic violations
  • yung pagbibigay ng mga naluklok sa katungkulan ng Php 1,000 lamang na budget para sa CHR, at iba pang ahensya ng gobyerno para lang ipakita ang kakayahan nila na manggipit
  • yung hindi masusing pinag-aralan na mamahaling modernization plan para sa mga jeep
  • yung sa mga naghihirap na mananakay rin pala balak ipapasan ang magiging gastusin para sa pagbili ng mga kapritsosong PUV na ipapalit sa mga jeepney
  • yung ginamit ang Data Privacy Act para itago ang ilang detalye sa mga SALN at SOCE
  • yung babaeng abugado na nanuhol sa NBI para aregluhin yung kaso nung kaanak niya na nagpanggap na doktor
  • sa Davao City, yung 2 traffic enforcer na magkasabay pa talagang gumamit ng kambal plaka
  • yung mga pulitiko na gusto pa ring ipagpatuloy ang operasyon ng MRT kahit na mapanganib na ito para sa mga mananakay
  • yung hindi pala reliable yung tagasulong nung impeachment complaint laban sa Chief Justice, at pwede palang base lamang sa mga balita yung mga reklamo
  • yung itutuloy pa rin ang planong impeachment laban sa Chief Justice kahit na kuwestiyonable na yung mga reklamo
  • yung inabsuwelto ng DOJ si Faeldon sa kaso nung shipment ng droga sa BOC, kahit na ito nga yung ginigisa noon
  • regarding sa mga road accidents, yung parati na lang kinakasuhan yung nagmamaneho nung sasakyan na nakadisgrasya o nakapatay, na hindi na kino-consider kung may kasalanan ba o naging kapabayaan yung taong nadisgrasya
  • yung 1% na nawawala ngayon sa mga jackpot prize sa Lotto at yung hindi pagtaas ng jackpot prize kahit na may tumataya naman dun sa mga partikular na Lotto game
  • yung kagustuhan ng DSWD na taasan pa ang limos para sa mga piling mamamayan sa kabila nang posibleng pagtataas ng iba't ibang klase ng mga buwis
  • yung halos wala namang mga kwenta at walang solid proof yung mga testimonya ng mismong mga taga-justice branch
  • yung akala mo eh pagka-Hokage yung napanalunang posisyon ni Representative Boss kung makapag-utos siya sa iba
  • yung mas malaki pa yung ulo nung Hokage na Mahilig kesa sa mukha nung magmamay-ari nung ID
  • sa PCUP, yung aprubado naman na mga international na lakad na biglang na-convert bilang mga alegasyon
  • yung mga perang walang mukha na naisama pa talaga ng BSP sa sirkulasyon
  • yung laya na yung miyembro ng Gwapings kahit na drug-related yung kaso niya, at yung minor na kaso na lang daw niya ang kailangan niyang harapin
  • yung may bago pang ibinigay na posisyon sa dating pinuno ng customs kahit na nahaharap pa ito sa maraming akusasyon
  • eh yung pati isang mahalagang assembly eh pinaspasan na ng mga Chunin
  • yung lantarang nananakot ang Representative Boss ng zero budget para sa mga Chunin na hindi magpapadikta sa kanila
  • yung hinayaan na palang mapasok at mapag-aralan ang Benham Rise ng mang-aagaw at certified na mapanirang Imperyo
  • yung huli na yung ginawang pagpapatigil sa mga research na ginagawa ng mga dayuhan sa Benham Rise
  • yung pati sistema ng pag-iipon eh nabangga ng TRAIN
  • yung pamunuan ang gustong magdikta kung ilang porsyento ba ng kita ang dapat itabi ng mga mamamayan sa kanilang pangangalaga
  • yung nabangga na rin ng TRAIN ang mga in demand na documents mula sa PSA
  • yung pati basic need na kuryente ay binangga pa rin ng TRAIN ang transmission charge
  • yung may access sina Bobong sa kini-claim nilang mga ebidensya, samantalang dapat ay na-secure ang mga yun sa mga box kung totoo ngang nabilang ang mga yun
  • yung hindi kaagad ni-regulate ang industriya ng TNVS mula sa umpisa, tapos biglang maglilimita ng bilang at magba-ban ng maliliit na klase ng sasakyan para dun sa serbisyo kung kailan nakapangutang na yung iba na gustong maging TNVS driver
  • yung nauna yung panggagatas, samantalang wala pa namang nakahandang pang-ayuda
  • yung February 2018 na pero wala pa rin yung sinasabi na 1-year validity ng mga prepaid load na makakatulong sana kahit na papaano sa lalo pang naghihirap na mga mamamayan
  • yung palpak na management ng NFA sa murang bigas
  • yung nagsira ng mga mamahaling sasakyan sa halip na pakinabangan ang mga yun sa mabuting paraan

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
  • yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
  • isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
  • ang maya't mayang pagpapalabas ng fake news o mind-conditioning news ng mismong mga nasa katungkulan
  • yung mali-maling listahan na inilabas ng Napolcom
  • yung Oplan Cyber Tokhang
  • yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
  • yung isa pang air strike na sa labas naman daw ng Marawi nangyari
  • yung isa na namang air strike na nakapatay sa sariling mga kakampi, pangalawa yata yun na nakapatay at ikatlo ng error
  • ang maya't mayang pag-target ng gobyerno sa basic needs para gawing gatasan ng buwis
  • yung kagustuhan na patawan ng malaking buwis ang papremyo sa Lotto
  • yung naaprubahan na 24% increase sa cargo handling tariff
  • eh yung pati pagkanta sa Pambansang Awit ay balak nang lagyan ng limpak-limpak na halaga ng penalty
  • yung pahayag ng ilang kabilang sa Bilibid 19 na babaliktarin nila ang kanilang nakaraang mga statements kung ililipat sila ng piitan
  • yung paggamit ng PNA sa logo ng kompanya ng agricultural products para sa Department of Labor and Employment
  • yung naparangalan ang isang pulis na posibleng may ginawang iregularidad sa pagpapatupad ng batas 
  • yung ayaw mag-imbestiga nang husto puwerket may kilalang apelyido na nadadamay, di tulad sa kaso ng ibang mga tao na paspas ang mga pagpapahiya at panghuhusga
  • yung kapag nasa tuktok ang nagsasalita ng kung anu-anong masasama ay hindi nila kinokontra, pero kapag hindi na nila kakampi sa pulitika yung nagsasalita ng hindi kanais-nais para sa pananaw nila eh idinadaan nila sa sistema
  • ang pag-tolerate ng ibang mga mamamayan sa mga pinuno na obvious na mga magnanakaw
  • yung pakikilinis ng One Social Family Credit Cooperative sa pangalan ng Dictator Clan
  • yung sinasabing hacking daw ng mga e-mail address ng mga tauhan ng mga kalaban sa pulitika
  • yung tila mind-conditioning na ginagawa sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-a-announce na may kinalaman sa kinamumuhian nilang ilegal na droga ang ilang mga pinuno, kahit na wala namang maipakitang solid proof
  • ang paglalabas ng commemorative stamp para sa isang Diktador
  • yung "welcome to the Philppines" na mga tarpaulin na talagang umabot pa sa punto ng pagkakabit
  • yung nangyaring mismanagement ng crowd sa ASEAN Music Festival nitong 2017
  • yung kinokondisyon na at pinakikiramdaman ang magiging pulso ng mga mamamayan para sa mga ipapambato nila para sa 2019, kagaya rin nung commercial noon nung nagmo-motor na wala daw balak tumakbo sa eleksyon
  • yung mas inuuna pang kuwestiyunin parati ni Kalbo yung motibo sa pagre-report tungkol sa mga kuwestiyonableng gawain ng mga tauhan niya, kesa kuwestiyunin kung bakit nga ba ganun yung kinahihinatnan ng ibang mga nagiging operasyon nila
  • yung special treatment para sa mga may HIV in general, na hindi na kino-consider kung sino ba yung posibleng attacker
  • yung mga balimbing na pulitiko na sumasang-ayon lamang sa mga may kapangyarihan at impluwensiya
  • yung kabobohan ng mga nasa itaas, na akala eh lahat ng mga mamamayan ay may regular na suweldo
  • eh yung nasa Php 6,000,000 (to 10,000,000 according naman sa nagrereklamo) daw yung nagastos para sa christmas party ng PCSO para sa nasa 1,500 na katao
  • yung lumilitaw na yung mga planong MAS multiple at unli-term
  • eh yung ang mga teacher na hindi naman gaanong kadelikado laban sa mga mamamayan ang sila pang hindi mabigyan ng priority para sa increase ng suweldo
  • yung gusto rin nila na makalibre sa pagbabayad ng buwis at mabalasa ang justice branch
  • yung planong magbawas ng posisyon para lang makapagpatalsik ng mga hindi kaalyado
  • ang pananahimik ng mga kilalang personalidad kung kailan ang mga ordinaryong tao na ang inaatake ng panggagatas
  • yung mga bobong PUV operator at driver na sa mga ordinaryong mananakay rin gustong ipapasan ang mga dagdag sa gastusin nila, sa halip na hilingin sa pamunuan na gawing patas ang panggagatas
  • yung ipinagkalkal pa ng lumang kaso ang Rappler
  • yung mga taong nagpapalaganap ng impormasyon, na kesyo bababa daw ang gastusin ng mga negosyante sa kabila ng reporma sa pagbubuwis, despite the fact na patuloy na nga ang pagtaas ng presyo ng basic need na petrolyo
  • yung pati Geography ng bayan eh pinakikialaman na ng Kape at nagbibigay na naman siya ng maling impormasyon
  • yung mga nagpapanggap na mapagkakatiwalaan at hindi bias na media, pero yung grupo nila eh nakapangalan sa kanilang idolo
---o0o---


February 10, 2018...

[Heroes]

sa Tondo..
yung 1 sa 2 murder suspect na napatay ng mga pulis...

nakunan ng CCTV camera kung paanong basta-basta lang naglalakad sa kalye yung 2 habang may dalang mga baril..
matapos yun ay 1 na nga sa mga kapitbahay nila ang napatay...

is feeling , thank you po sa pagbawas sa mga kriminal.. ganun dapat ang trabahong worth almost Php 30,000 or up...

---o0o---


February 12, 2018...

mahirap namang masabi kung ano ang mismong tumaas sa singilan ng tubig..
hindi kasi detalyado yung bill nun, hindi tulad sa bill ng kuryente..
madali lang siyang makita kapag nasa minimum o base consumption ka, na nasa 10 cubic meters...

dati kasi nasa Php 150 lang yung base charge, regardless kung ilang cubic meters pa ang nagamit ninyo, basta't nasa 10 and below lang ang konsumo..
tapos may dagdag yun na Php 10 na consistent pa naman so far for the past few years..
so bale Php 160 ang total nun...

pero sa panahon ngayon..
yung dating base rate na Php 150 lamang eh nasa Php 172.50 na..
bale Php 22.50 na kaagad ang itinaas nun..
at hindi ko nga masabi kung may additional charge(s) din yun sa bawat cubic meter na lalampas sa 10...?

is feeling , babalik ba ang lahat sa dati kapag naipatayo na nila lahat ng gusto nilang ipatayo...??

---o0o---


February 13, 2018...

[Hero]

sa Quezon City..
yung isang abogado na tinangkang patayin ng 3 daw na suspek..
pero sa halip na matakot ay hinabol pa niya yung mga taga-tumba at ibinuwis ang kanyang sasakyan para mabangga yung 2 motor..
1 ang napatay niya nang dahil dun, at nakuhanan yun ng ID ng isang pulis..
at nasa ospital naman daw yung 1 pa, samantalang 1 ang nakatakas...

EDIT: naka-AWOL naman daw pala yung pulis...

at matapang nga yung abugado..
eh may mga kasama daw pala siya noong ginawa niya yung mala-action-star move na yun eh...

is feeling , sayang yung sasakyan, pero mahusay.. sideline ng mga kumikita ng almost Php 30,000 or up...


>
sa Makati City..
yung driver na army reservist..
na namaril at nakapatay ng kapwa niya driver..
wala ring kaukulang dokumento yung baril na ginamit niya..
nag-ugat daw sa utang yung hindi nila pagkakaunawaan eh...

is feeling , nag-practice sigurong mamaril...

---o0o---


February 14, 2018...

ano kayang balak dun sa naging balasahan sa SSS...?

para kaya yun sa pagpapabuti at pagiging patas nung sistema..?
o para mas mapabilis yung pagpapataas ng porsyentuhan, para lalong maging bida sa mata nung mga tumatanggap na ng kanilang mga pension...??

is feeling , o baka naman gusto na rin nilang gatasan maging ang mga pension...??


>
o', yung katataas-taasang Hokage na Mahilig na ang nagsabi ha..
wala nang gamitan ng goma para masarap...

napakatangang suggestion from someone na may pamilyang nagkukunsinti sa prostitution sa Safest City..
gunggong..
alam niya rin sa sarili niya na marami ang hirap na mag-stick-to-one (lalo na pagdating sa mga kalalakihan), ni hindi na kailangang maglalayo pa para makahanap ng ilang magandang halimbawa..
tapos mang-e-engganyo siya na huwag nang gumamit ng mga goma at magpakasarap na lang sa LIVE na torjack-an...?

ano ka, tagapagsulong nang pagpapalaganap ng HIV at STDs or STIs...??

tang ina..
nagsasayang kayo ng pera ng bayan sa panlilibre ninyo ng mga contraceptives..
samantalang torjack-an pa rin naman nang torjack-an yang mga pinakamamahal ninyong mga dependent na parang mga kuneho..
eh kung gumaya na lang kaya kayo sa mga lumang sibilisasyon..?
kapunin na lang lahat ng mga lalaking walang kontrol sa sarili pero pabigat naman sa bayan (na parang mga eunuch), sa makalumang paraan para hindi rin magastos - matalim na kutsilyo lang ang puhunan...

is feeling , hala! pro-prostitution na nga, tapos pro-HIV at pro-STD din siya...??

---o0o---


February 15, 2018...

sa North Cotabato..
yung CAFGU na namaril at nakapatay ng kapwa niya CAFGU..
sa agawan lang daw sa videoke nagsimula yung patayan eh...

is feeling , dahil pa lang sa kanta yun...


>
nanggatas nang malaki..
tapos ngayon naman eh gustong gamitin yung ibang gatas para tustusan yung ibang nabundol ng train...

pero hindi pa rin patas yun..
dahil mga piling mga tao na naman ang balak nilang tustusan, bukod pa sa mga dati nang dependent ng 4Ps..
basically, yung mga trabahador na may employer lang ang madaling target nila, para may proof na mga empleyado nga sila na kumikita ng mababa..
pero paano naman yung mga mamamayan na wala namang employer; gaya nung mga paraket-raket lang sa kung sinuman ang nag-aalok ng trabaho, o di kaya eh may sariling maliit na negosyo o palako-lako lang ng kung anu-anong produkto o serbisyo...??

is feeling , pandisdis kasi sa pagpapatupad.. pero hindi naman pala alam ang epekto nun sa lahat.. hindi puwerket nagkukulambo ka o di kaya eh kumakain ng monggo eh mauunawaan mo na ang ibig sabihin ng kahirapan...


>
sa ngayon parang kalabisan rin nga yung ginagawang panghuhusga ng iba dun sa Dengue vaccine..
yung matinding conviction nila na kesyo masama lang ang idinulot nung vaccine...

kung vaccine ang may kasalanan, edi vaccine ang sisihin..
kung kapabayaan ng mga taong nagturok, edi tao ang sisihin...

kasi kung totoong kamatayan lang ang epekto nun..
at kung totoong libu-libo ang naturukan nun..
edi sana eh libu-libo na ring mga kabataan ang pinaglalamayan ngayon...??

is feeling , parang masyado pang maaga para maghusga...


>
yung isyu naman laban sa Kuwait...?

parang kalabisan rin yung naging reaksiyon dun..
kasi kung totoong lahat ng mga taga-doon eh mga mala-demonyo, edi sana eh patay na lahat ng mga OFW na naipadala sa bayan nila..
pero hindi naman eh...

parang masyadong mapanghusga yung ginawang desisyon..
parang masyadong mapagmalinis..
samantalang marami na rin namang mga banyaga ang napatay at nabiktima ng mga kriminal (maging ng mga mismong awtoridad) dito sa Pilipinas..
so ano yun, dapat ba na may kaibahan pa ang pagtrato para sa mga kasambahay kumpara sa pagtrato sa mga turista...??

totoong masama ang pumatay ng taong walang kasalanan..
at tama lang na maghabol ng hustisya para sa kanila..
pero yung idadamay mo pa yung mga maaayos naman ang kalagayan at yung mga employer na mababait naman - eh masyado ka nang nagpapa-importante...

is feeling , counter-racism is still racism...


>
hala naman yung Religious Friend...

labis-labis yung perang ibabiyahe sana..
tapos may dala pang mga parts ng baril...

nadamay lang nga kaya siya sa kasabay niya sa private plane, o ano...??

is feeling , sino kayang pinopondohan nun...??


>
sa Calamba..
yung naka-AWOL na pulis kasama ng iba pa, na nahuli sa buy-bust operation...

is feeling , palagi na lang silang kasali...

---o0o---


February 16, 2018...

parang pabida rin lang yung plano tungkol sa Boracay...

sa dami na ng mga natural na lugar na nasira na ng mga kaibigang mining companies..
sa dami na ng natural na lugar na naagaw at nasira ng Bestfriend Empire..
eh nasaan ang pangil ng pamunuan para subukang ma-preserve o mai-rehabilitate ang mga lugar na yun..?
tapos minsan na nga lang magkaroon ng pangil, eh hinayaan pa nilang mabungi...

ano, puwerket marami ang nakakakita doon sa isla dahil tourist spot ang purpose nun eh bigla silang magpapakita ng malasakit..?
samantalang mas maraming lugar dito sa bayan ang mas malala pa ang kalagayan kumpara sa Boracay, nang dahil nga sa paghahabol sa pera...

pero sa totoo lang, sayang talaga yung environmental fee na binabayaran ng mga turista kung hindi mapapabuti ang pagpapanatili ng kalinisan at kalikasan doon sa isla...

is feeling , ano kayo, naghihintay rin ng padulas na gaya ng mula sa mga minero...?


>
sa Pasig..
yung pulis na itinumba sa may motel..
ang masama pa nun eh nalaman ng buong bayan na may kasama siyang estudyante sa pagmo-motel niya...

hindi naman menor de edad yung babae..
kaso eh hindi yun kakilala nung misis nung napatay na pulis...

is feeling , ang hatian sa almost Php 30,000 or up...


>
eh bakit nga ba ayaw bilhin ang palay ng mga lokal na magsasaka...?

alin ba ang totoo..?
a) mahal ang turing ng mga magsasaka sa kanilang mga palay kumpara sa totoong worth nito kung kaya't mga negosyante lang ang kayang bumili sa kanila..?
b) o binabarat lang talaga sila ng pamunuan para may dahilan para mag-import...?

is feeling , kung mas mura kasi ang mag-import..? eh bakit palay ng mga lokal na magsasaka ang binibili ng mga rice trader sa bansa...??