Friday, December 8, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of December 2017 (The Dead Front)

December 2, 2017...

[Movies / Video]

Avengers: Infinity War


anak ng partida..?
susugod si Thanos nang hindi kumpleto ang Infinity Stones...??

— feeling , lagot, durog na yung DVD player sa bahay...

>
eh yung after so many years eh ngayon na lang ulit ako nasabihan ng mga salitang yun...

"Mahal out knb?"

kaso eh na-wrong send lang yung tao..
ni wala nga sa contacts ko..
wala sa Viber..
at wala rin naman sa Facebook...

was feeling , kinilig ako dun.. leche.. hahaha!

>
sa wakas..
naabot ko na yung quota ko sa Google..
tamang-tama lang yun for December...

was feeling , medyo nakabawi na sa ginastos ko sa huling labas ko...

---o0o---


December 3, 2017...

done sa monthly general cleaning..
maaksaya sa oras..
pero ayos na rin yun, at least eh medyo regular ko nang nache-check kung meron bang nababahayan at nasisira ang iba't ibang klase ng mga peste sa mga gamit ko...

was feeling , number of days in a month minus one...

>
ngayon ko lang naalala..
December na nga pala..
ang peak month, dahil sa mga bonus...

pero hindi pa rin siya bumabalik..
ano na bang pinagkakaabalahan niya ngayon...?

was feeling , hindi ba pwedeng regalo mo na sa akin yun FATE - yung mahanap ko siya...?

---o0o---


December 4, 2017...

[Public Interest]

regarding Globe...

December na pero wala pa rin.. :(
naalala ko pa yung unang punta ko noon for that shitty SIM card upgrade..
ang paliwanag eh kadarating lang DAW ng stock kahapon, pero naubos din that same day...

so ganun talaga ako kamalas..?
na parang sadya na akong iniiwasan nung stock hanggang ngayon...??

ano bang gusto nila, na lumuwas pa ako sa ibang probinsiya para lang i-check kung may stock sila doon...??

nakaka-miss tuloy yung mga panahon kung kailan hindi naman kailangang mag-link ng mobile number sa mga online accounts..
yung panahon na hindi kailangang i-verify yung identity mo by calling or texting you with some codes..
yung mga panahon na hanggang cellphone lang talaga yung silbi ng SIM card, at madali lang siyang palit-palitan...

hindi ako tanga para ulitin lahat nung mga verification process para sa mga accounts ko...

was feeling , sa papabulok.. sa papagahaman...

>
lagot na yung Autistic..
mukhang humihina na yung utak nung matandang babae...

kanina kasi..
napansin ko na ang tagal na nakabukas nung gate kahit na nasa poder namin yung Autistic..
kaya sinilip ko, at nandun lang naman pala sa garden niya sa labas ng bakuran yung matanda..
pero ang problema ay nakalimutan niya na naiwan pala niyang bukas na bukas yung gate...

after some time, eh bigla siyang napasigaw..
mula rin doon sa labas..
nagulat kasi siya na nakalabas nang mag-isa yung Autistic, kahit na sa pagkakatanda niya ay inilagay na niya yung pangsabit nung gate namin..
pero noong i-check ko yun ay parang hindi naman niya talaga naisara, kasi nasa maling lugar yung cable wire na ginagamit naming pangsabit...

nakaka-miss yung mga panahon kung kailan ligtas yung mga gamit namin sa bahay..
nakaka-miss yung mga panahon kung kailan pwede kaming mag-lock naman ng pintuan tuwing tanghali for security, dahil wala namang mga nagpapalipat-lipat ng bahay..
nakaka-miss yung mga panahon na malinis naman yung harapan ng bahay namin..
yung mga panahon kung kailan mukhang garden pa talaga kahit papaano yung garden namin..
yung mga panahon kung kailan may guide yung mga kliyente ko kung magkano o kung out of stock na ba yung binibili nila..
yung mga panahon na hindi ko kailangang magbantay ng buhay sa tuwing may kliyente ako..
yung mga panahon na normal lang yung ayos ng bahay namin, hindi gaya ngayon na lahat na lang ng areas kung saan may posibleng masira o mabasag eh parating may mga nakaharang na mga upuan...

sabi ko nga..
pwede namang doon na lang sila sa bahay nila..
pero wala eh..
mas priority nila na protektahan yung mga nandun, kaya dito sila sa bahay nagdadala ng threat...

was feeling , sa bagay.. wala rin namang kaso sa akin kung gusto nila na sa ospital na sila magbantayan sa susunod...

>
[TV Series]

Wild Flower

yung babaeng nagmo-motor ng Ducati..
nang naka-heels..
minus yung bangs..
tapos eh tumatayo pa sa gilid ng umaandar na helicopter...

was feeling , naman.. ganun dapat ang mga babae paminsan-minsan...

---o0o---


December 5, 2017...

nakaka-frustrate yung ganito..
na parang naghahabol ka ng isang love story na ni hindi mo naman magagawang simulan, at hindi mo rin magagawang wakasan o tuldukan...

ito yung patunay na hindi naman lahat eh naidadaan sa pagpupursige..
dahil depende pa rin ang lahat sa kung nasaang level ka ng society...

at nakakaasar talagang maging mahirap..
yung wala kang kakayahan na pagsalitain ang ibang tao gamit ang pera..
yung wala kang resources para galugarin ang isang buong probinsiya para lang mahanap yung taong gusto mong makita...

FATE naman..
2 lang yan eh..
either paganahin mo yung facial recognition at hayaan mo yung sistema na mag-suggest sa akin..?
o paulanan mo ako ng pera ASAP..?
o pwede rin pala tayong magsimula sa mas simple, hayaan mong gawin ng Globe yung trabaho nila para makapag-SIM upgrade na ako...?

was feeling , tapos eh hindi pa lumalaki yung jackpot prize sa lotto lately dahil may milagrong nangyayari...

>
ayoko talaga sa Pasko..
at sa mga bata na tinuruan ng mga magulang nila na gawing piggy bank ang mga tao..
lalo na yung mga hindi naman nila kamag-anak...

una, November pa lang eh gahamang-gahaman na sila sa pera at nagka-caroling na..
matapos pa lang ang Araw ng mga Kaluluwa eh automatic na kaagad na nagka-caroling..
samantalang noon eh pwede lang kaming mag-caroling sa simula ng Simbang Gabi hanggang sa 24, since yung 25 eh para na sa mga kamag-anak..
tang ina, ganito na ba talaga yung epekto ng kahirapan sa mga tao dito sa bansa...?

kokontratahin pa ako ng Php 20 daw a day..?
anak ng lintik..
Php 18 to Php 24 lang ang average na binibili ng pamilya nila sa akin sa araw-araw..
Php 1 per 3 Milo lang yung tubo ko..
tapos gagatasan nila ako ng Php 20 a day..?
kailan ba ako nakabenta ng 60 na piraso ng Milo 22 grams sa loob lamang ng iisang araw..?
tang ina!
parang namimigay na ako ng produkto, tapos magdadagdag pa ako ng pera...?

sana man lamang eh naa-appreciate nila yung araw-araw kong itinutulong sa mga pamilya nila...

sinabi na ngang magsisimula akong magbigay sa umpisa ng Simbang Gabi..
pero pepresyuhan pa talaga nila ako ng Php 20 a day..?
ang kakapal...

was feeling , okay, buwisan pa natin yung mga produktong pangmahihirap.. para mas sumaya pa ang mga tao...

---o0o---


December 6, 2017...

ano bang tawag kapag napatay ng isang 4 year old ang isang months old na sanggol...?

kanina kasi..
untikan na daw tapakan nung Autistic yung baby niyang kapatid..
dahil may gusto siyang gawin na hindi basta-basta masunod nung matandang lalaki..
delikado talagang deperensya yung Autism..
at delikado rin talaga na walang nakatutok sa may ganung kondisyon...

was feeling , dahil sa agawan sa pera.. pero hindi rin naman ako papayag na sa bahay namin titira yung Life Maid Easy...

>
may 32 scenes na ako..
na-render na yung marami sa mga yun..
kulang pa ako ng at least 19...

pero minsan hindi maiwasan na mag-experiment para sa mga future projects..
medyo na-test ko na yung beach setting para sa summer vacation next year...

was feeling , ambilis ko noong simula, pero bigla na naman akong bumagal...

---o0o---


December 7, 2017...

medyo nakakakilabot...

biruin mo nga naman..
sa lahat ng mapipiloto kong drone..
eh sa isang patay pa talaga yung nagamit ko...

if i'm not mistaken, ngayong taon rin lang na 'to namatay yung taong yun nang dahil sa isang aksidente...

was feeling , within 2 months ko lang magagawa yun.. pero sumablay pa talaga...

>
[Public Interest]

dahil sa sobrang nadala ako sa Globe..
yung 30-day load validity eh itinuturing ko na lang ngayon na 29-day..
sayang nga yung isang araw, pero mas sayang yung prepaid load kung mananakaw lang yun sa'yo nung kompanya...

at 2 ang napatunayan ko hanggang sa araw na 'to:
  • una, na totoong naiipon at hindi pa rin nae-expire yung mga hindi nagagamit na dating load basta ba makapagre-reload ka bago yung scheduled expiration
  • ikalawa, na nagsinungaling lang talaga sa akin yung bobong taga-chat ng Globe sa Facebook kasi hindi niya alam kung paano sasagutin yung tanong ko, dahil hindi totoo yung naging palusot niya na automatic nang magiging 12:00 AM ang oras ng expiration ng lahat ng prepaid load regardless kung anong oras nag-reload yung consumer

was feeling , mahirap na nga, pero kailangan pang umiwas sa mga kompanyang nagpapahirap...

---o0o---


December 8, 2017...

ngayon ko lang na-realize..
3 times a week lang pala talaga ako nakakapag-full-time sa trabaho..
buong akala ko eh konting araw lang yung nababawas sa akin...

was feeling , hala!?

>
[TV-Series / K-ture]

Goblin

yung taong naghahanap ng sarili niyang kamatayan..
pero nakakita pa ng rason para mabuhay noong akala niya ay handang-handa na siyang mawala sa mundo...

was feeling , sana hindi maging ganun ang istorya ko...

---o0o---


December 9, 2017...

nga pala..
may 46th retirement na...

noong una eh magbabakasyon lang daw..
pero eventually eh p-in-ull out na rin nga yung profile niya..
ang weird lang dahil ginawa niya yun kung kailan panahon na ng 13th month pay..
i guess iba-iba talaga ang takbo ng isip ng mga babae..
kung yung iba eh mapagsamantala..
may iba rin naman na hindi lang pera ang iniisip...

3rd time ko na siyang nakita sa roster..
hindi ko lang alam kung bakit at paanong nakakalabas-masok siya..
based sa photo na ipinakita sa akin noon ni Miss V, i am assuming na maimpluwensiya siyang miyembro na nagsisilbing filler sa tuwing nakukulangan sila ng tao...

is feeling , nandoon pa rin naman yung sa kanya...


No comments:

Post a Comment