yung binigyan ka ng pag-asa..
na kesyo posibleng maabot ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagsisikap at determinasyon...
pero matapos ang mahabang panahon..
eh bigla na lang isasampal sa'yo ang realidad ng buhay.. :(
na kesyo parating may iba na mangingibabaw..
na may mga pagkakataon sa buhay ng tao na kahit na anong gawin niyang effort, eh mauuwi at mauuwi lang siya sa pagiging talunan...
masyado nang mabigat sa loob ang realidad..
tutal eh nasa field na rin tayo kung saan pwedeng mamayani ang imagination at fantasy, eh sana naman ay nilubos na lang..
naman, George Morikawa..
kung pakiramdam mo na dapat mong igaya si Ippo sa'yo na bumibigay na ang kalusugan..
dapat naisip mo na may kakayahan ka pa rin para pagandahin man lamang yung istorya niya..
hindi yung masyadong miserable yung mga huling pinagdaanan niya..
bakit mo pa siya pinakalakas kung ipapatalo mo lang siya, at wawakasan mo pa yung career niya..?
lahat ng mga previous plot nung kuwento eh nawalan na ng saysay sa ngayon... :(
---o0o---
November 25, 2017...
[Online Marketing]
nadamay sa bentahan ng mga turkey yung mga projects ko..
Black Friday Sale mode..
so may ganun palang kakayahan yung website para magsagawa ng sarili nitong sale gamit yung mga items namin...
okay lang sa akin..
ang iniisip ko lang naman eh yung mga nakakabili sa mas mahal na halaga..
pero siyempre, pabor sa akin ang pagpasok ng kahit na anong benta...
wala akong sahod for October dahil kinapos ako sa requirement..
pero yung November ko eh malapit nang ma-beat yung kinita nung ginawa kong sale noong September, kahit na 1 item lang yung naka-sale...
was feeling , pwede bang pa-request ng $600 na putal..? magso-sorry lang ako...
---o0o---
November 26, 2017...
[Lottery]
bakit nga ganun..
may minus 1% na ba yung mga jackpot..?
kapansin-pansin lang yung sa 6/55 dahil matagal nang hindi nagalaw eh, may bawas na Php 300,000..
pero parang hindi naman buwis yun dahil alanganin yung porsyento..
kanino kaya napupunta yung 1% nun...??
was feeling , ano kayang kababalaghan yun...?
---o0o---
November 27, 2017...
na-Lunes-an na naman...
hindi maganda ang simula ng umaga..
kakaiwas ng provincial channel sa oras ng balita nila..
ayun tuloy..
oras ng Goblin ang kinain nareng Miss Universe...
hindi na naman makakangiti at makakatawa... :(
was feeling , already missed 3 local episodes.. sayang naman ang internet sa streaming...
>
pumili nga ng English-era, hindi naman nakaabot sa tanungan..
hanggang ngayon eh mga nagpapakapanatiko sa paglalakad at binibinyagan pa nga yun ng pangalan..
mga mamamayan talaga ng bansa na 'to o'...
so alam nyo na ang bagong teknik..?
dapat may istorya..
sa susunod, rumenta kaagad kayo ng mga Maute o NPA terrorists..
tapos ipa-kidnap ninyo yung magiging representative..
mag-hire rin kayo ng makeup artist para sa prosthetics..
tapos kunwari eh na-torture nang husto yung representative..
tapos saka siya ire-rescue ng pamunuan..
after that, magiging mas matatag siya sa buhay bilang isang survivor..
at magsasagawa rin siya ng humanitarian missions...
pero siyempre eh dapat nga ay may angking talino at magaling sa mga usaping panlipunan...
was feeling , masyado kasi kayong nagse-sensationalize.. sayang tuloy ang time slot ng Goblin...
---o0o---
November 28, 2017...
lagot na..
may monthly budget nga para sa pandesal..
para masigurado na may makakain man lamang sa agahan...
kaso eh pinipitik na rin pala yun nung matandang lalaki..
nakakahiya na nga doon sa tindahan dahil araw-araw na niyang inuutangan ng mga kapritso niya (itlog, sigarilyo, junk food, at mga candy)..
ayaw na lang kasing pagkasyahin kung anuman yung ibinibigay na allowance para sa kanya..
tapos kahapon ko lang nalaman na yung naka-prepare na pambayad para dun sa magpapandesal eh pinatos na rin..
at nagsabi dun sa kawawang mama na utang na muna...
pati ba naman pera para sa magpapandesal eh kailangan ko na ring bantayan ngayon...???
was feeling , nakakahiyang maging kadugo mo.. kaso eh ang tagal talaga ng buhay mo...
>
Grocery Day..
pero wala si Emoji-Girl..
as in wala akong nakitang supervisor kanina...
was feeling , natapos na yung mahabang streak niya...
>
[Lottery]
naman!
sobrang rare nun na mangyari..
5 out of the top 11 recurring numbers..
parang 6/11 na lang noon ang laban ko sa 6/55..
2nd prize na sana yun eh...
kaso pang- mid at max yung teknik na gamit ko eh... :(
was feeling , hindi na talaga gumagalaw yung prize nung 6/55.. baka ginagatasan na...?
---o0o---
November 30, 2017...
[Gadget-Related]
nasayang na naman ang araw ko..
nadale na naman ng unstoppable na download ng Windows 10..
sumuko na nga yung Windows Update..
pero tuluy-tuloy pa rin nang pangangain ng bandwidth yung Service Host: Delivery Optimization...
at talagang tumapat na naman kung kailan maraming kailangang gawin online...
was feeling , putang inang anti-poor ka, Windows 10!
---o0o---
December 1, 2017...
[Gadget-Related]
wala..
tuluy-tuloy pa rin ang pakikipaglaban..
ewan ko, pero sobrang kulit nitong NVIDIA update from October..
hindi ko mapigil-pigil yung Service Host: Delivery Optimization..
kahit na sumuko na yung system sa pag-a-update, eh nagre-restart ulit nang kusa...
at Biyernes pa ngayon, kaya maraming trabaho online...
was feeling , siguraduhin mo lang na mas pagagandahin mo yang performance niyan sa 3D software ko...
>
[TV Series / K-ture]
Goblin
LOL!
yung Grim Reaper na nagkagusto sa isang mortal na babae na may gusto rin sa kanya..
pero wala naman siyang alam sa panliligaw..
at ni hindi nga niya maibigay yung pangalan niya dun sa babae, dahil hindi na niya ito naaalala...
tapos yung Goblin na gusto nang mamatay bago pa man ulit niya naisin na mabuhay nang dahil sa pagmamahal..
sa bagay, hinahabol rin nga kasi ng kamatayan yung bride niya kaya may punto siya...
tapos yung mga demi-god na hindi alam yung passcode sa pinto ng bahay na tinitirhan nila dahil hindi naman nila ginagamit yung pinto, LOL!
at ichi-cheer pa ngayon nung Grim Reaper yung Goblin's Bride sa paghugot nito sa isinumpang espada ng Goblin, para lang mawala na yung may-ari ng inuupahan niyang bahay... XD
was feeling , ganun dapat ang mga umaga.. tamang-kulit lang...
>
[Manga]
Hajime no Ippo
ang sakit ng naging ending ni Ippo..
oo, sabihin na natin na realistic lang naman yun..
pero base sa naging development nung kuwento mula umpisa eh masasabi na hindi talaga naging maganda yung ending ng character niya..
kumbaga eh parang naging paasa lang siya..
considering na rin na sa kanya naman talaga nakapangalan yung manga...
sa anime ko unang nalaman yung tungkol kay Ippo..
istorya siya tungkol sa isang binata na inaapi at binu-bully noong estudiyante pa lang siya..
so inakala ko talaga na istorya siya tungkol sa pag-asa mula noon...
lagi nga siyang ginugulpi ng ibang classmates niya noon..
hanggang nakilala niya si Takamura at na-inspire siya para mag-boxing..
eventually naging boksingero na nga siya, pero nanatili siyang mapagpakumbaba at hindi ginagamit ang kanyang lakas para mang-api ng kanyang kapwa...
malakas na boxer si Ippo, isang Knock Out type..
kaso parang yung pagiging malakas rin niya na yun yung naging sariling mitsa ng career niya..
in a way parang nagkamali rin sila ni Coach Kamogawa na nagmadali sila sa pag-akyat sa tuktok..
dahil dun eh kinailangan rin niyang humarap sa malalakas rin na mga kalaban, thus mas malalakas rin yung mga natamo niyang damages habang nagpo-progress sya..
sa professional level, una siyang natalo sa Japanese Champion at ang naging World Ranker rin na si Date..
sunod naman siyang natalo noong harapin na niya ang World's Rank #2 na si Gonzalez..
pero mukhang siya na rin yung tumapos sa career nung bata..
at huli ngang natalo si Ippo laban sa isang hindi naman kalakasan na Filipino Champion boxer, at yun na nga yung tumapos sa pagiging boksingero niya...
masakit yung naging ending dahil marami rin itong sinira na goals doon sa istorya..
una, hindi na nila nagawa ni Miyata na muling magharap pa sa loob ng ring, at ni hindi nga nila nagawa na magharap sa isang official match kahit na kailan..
lumalabas naman na ipinasa ni Date yung goal niya na matalo ang World Champion na si Martinez sa isang tao na hindi yun kayang tuparin..
maging ang anak ni Date ay nabigyan ng maling pag-asa na magagawa yun ni Ippo balang araw..
noong ipinasok yung istorya ng pagiging Punch Drunk ni Tandang Nekota, eh hindi ko naman inasahan na ganun rin mismo ang kahihinatnan ni Ippo..
nawalan ng sense yung pangako ni Coach Kamogawa dun sa minahal niyang babae na makahuhubog siya ng isang magaling na boksingero..
hindi niya kasi itinuturing na protege si Takamura dahil likas na ang lakas at galing nito sa pakikipaglaban bago pa man ito napasok sa mundo ng boxing..
maging yung pagpapalakas kay Ippo ay nawalan rin ng sense..
oo lumakas siya, at tila maganda yung na-develop niyang bagong Dempsey Roll..
pero hindi naman niya totoong naipakita yung buong potensyal nun hanggang sa huli..
kung tutuusin nga ay mukhang mas okay pa yung ginamit niya noon kay Sendo eh; yung may Feint, Gazelle Punch, tapos ay saka Dempsey Roll..
hindi gaya ng ginamit niya ngayon na naghahabol siya na makasuntok kaagad gamit yun, at siya pa nga yung naka-Counter Punch..
hindi na rin nga niya mababawian pa si Gonzalez..
at lahat ng 'to ay dahil lang sa napaagang harapin ni Ippo ang isang World Rank #2...?
kung ang pakay nung author ay pukawin ang damdamin ng mga readers - ay talagang nagtagumpay siya sa bagay na yun..
pero hindi na niya maaasahan na papanoorin ko pa yung anime ng tragic story niya..
sobrang sama nung ginamit niyang ending kay Ippo..
mas okay pa sana kung nanalo naman si Ippo, pero mag-a-announce siya ng early retirement kasi nga ay aminado na siya na Punch Drunk siya..
yung nag-comeback para lang matalo ay napakasakit na ending...
was feeling , isa kang paasa, Ippo! lumakas ka lang para masira ang katawan mo...
---o0o---
December 2, 2017...
last month na...
kailangan ko na ng desisyon regarding sa SSS at PhilHealth...
matagal na dapat akong merong desisyon eh..
yun eh kung nanatiling consistent ang lahat..
kaso biglang suggest naman ng pamunuan na taasan ang lahat kung kailan ako nag-iisip...
is feeling , pati presyo ng mga hinuhulugan eh may CHANGE...
No comments:
Post a Comment