Loveless Story
December 23, 2017...
sa survival formula ko na per month..
pasok ang bayarin sa bigas..
pasok ang bayarin sa iba pang pagkain..
pasok ang bayarin sa tubig..
pasok ang bayarin sa kuryente..
pasok ang bayarin para sa gasul..
pasok ang bayarin para sa internet (pero hindi yung upgraded na plan)..
pasok rin ang bayarin sa SSS (kaso yung early 2017 pa na rate)..
pasok ang bayarin sa PhilHealth (pero yung early 2017 rin ang rate)..
siyempre pasok rin ang Lotto allowance...
ang hindi kasali sa kuwentahan ay bahay..
at budget para sa panliligaw... :(
was feeling , ang kulit ko kasi.. sinabi nang bawal eh...
>
at dahil down NA NAMAN ako..
hindi ko maiwasan na isipin...
nasaan kaya ako ngayon kung tinulungan lang ako ng mga kadugo ko sa plano ko noong 2013..?
yung kasing bilis kung paano sila bumili ng mamahalin na laptop within just 2 weeks, na ginagamit lang naman ngayon para sa Arena of Valor...??
was feeling , posible ba na kaya ko na sanang i-pursue si Miss C sa panahon ngayon...?
>
sa 5 na alternative LIKE button sa Facebook..
yung puso ang hinding-hindi ko pa nagagamit...
siguro dahil hindi ako maka-relate...
was feeling , zero stat...
-----o0o-----
December 24, 2017...
ayun..
desperado na eh..
kaya nang-holdap na sa mall..
sa money remittance center... XD
let's see..
Php 50.10 to USD 1.00 yung palitan today..
tapos nasa Php 49.85 yung sa kanila na exchange rate..
hindi na masama..
mas mababa rin ngayon yung binayaran kong buwis...
konting ipon pa at makakapagbukas na ako ng bank account para sa PayPal ko..
yun ay kung hindi nila ako pahihirapan gaya ng ginagawa sa akin ngayon ng Globe...
speaking of Globe..
ayun..
wala pa rin sa 4th attempt ko..
bale 6th yun, kung isasama pa yung attempt nung kasama ko sa bahay..
at since November pa yun..
priority yata nila yung mga naka-postpaid eh..
ang rason naman sa akin kanina eh kesyo holiday na daw, kaya wala na daw muna silang SIM upgrade service..
wala na yata talaga akong maaasahan sa kompanya na yun... :(
was feeling , konti pa at magagatasan ko na yang PayPal ko...
---o0o---
December 25, 2017...
ito talaga yung pinakaayaw kong bahagi ng modernong pasko sa bansa na 'to eh...
yung kung sinu-sino pang mga hindi naman mga kakilala ang nanghihingi ng pera (ni hindi na caroling eh)..
respeto naman sa mga kamag-anak at mga kakilala nung mga taong hinihingan ninyo..
sila nga yung dapat na priority sa mismong araw eh..
samantalang yung mga basurang yun eh November pa lang eh nagka-caroling na... :(
matuto naman kayong kumapa sa buhay ng ibang tao...
was feeling , parating na ang mala-impiyernong tax reform.. tama na ang panggagatas sa kapwa...
>
kasalanan talaga 'to ni Saint Nicholas eh..
nagpauso pa ng pagreregalo..
akala tuloy ng mga bobong tao na dapat na compulsory yun...
was feeling , tinuruan nyo lang yung mga tao na mangikil...
>
napakamapanghusga naman nitong Facebook..
alukin ba naman ako ng holiday offer ng Trike Patrol...?
huy, may taste naman ako..
hindi ko linya ang exotic..
hindi ako banyaga...
was feeling , bakit may ganun na rin sa Facebook...??
>
done with all the basic renders..
yung mga fix naman ngayon..
double render mode..
kaso nasa 11 pages rin yun...
2 days pa...
was feeling , kailangan ng project para sa January...
---o0o---
December 26, 2017...
[TV Series / K-ture]
Goblin
so sa ganun pala nagsimula yung trahedya sa buhay nila sa nakaraan..
isang batang hari na naging biktima ng manipulasyon ng isang ganid na tagapaglingkod..
at isang love story na naudlot at nabahiran ng pulitika...
eh yung kaibigan ng Mama ni Missing Soul..
na maagang namatay, at hindi nakatupad sa pangako nilang magkaibigan sa isa't isa..
kaya naman binantayan na lang niya si Missing Soul hanggang sa pagdadalaga nito..
at matagal niya ring pinrotektahan yung savings ng kanyang kaibigan para sa future ng anak nito... :)
was feeling , sobrang ang tatalino ng scriptwriter neto...
---o0o---
December 27, 2017...
sa wakas..
natapos na rin sa lahat ng render..
took me 36 days para matapos lahat ng scenes..
tapos 6 days para i-render yung mga natira..
bale inabot ako ng 42 days...
nakakapanghinayang na 6 days akong idle..
may iba pa sana akong nagawa sa mga panahon na yun..
pero ganun talaga eh, hindi pwedeng istorbohin yung engine habang siya lang mag-isa ang nagta-trabaho...
last 4 days..
wala na ulit pahinga...
was feeling , photoshop-mode na ulit...
---o0o---
December 28, 2017...
last day of white hoarding..
wala ng masyadong pera at space para makapag-imbak pa...
hindi rin kagandahang araw..
iba ang supervisor for today...
at hindi na naman maganda ang timing ko..
alanganing araw natapos ang mga render ko..
sinundan ng grocery day..
tapos manga Friday bukas..
at trabaho na naman sa Sabado...
was feeling , mukhang 2018 na rin nga ako matatapos neto...
---o0o---
December 30, 2017...
[Gadget-Related]
para ma-preserve ang power button ng tablet ko..
(na maagang nasira dahil sa kaka-screenshot)..
eh charger na ang ginagamit ko para mag-wake up yung tablet...
mahirap na..
mas malaking problema kapag tuluyan na yung bumigay..
ewan ko lang kung anong epekto nung teknik ko sa battery...
is feeling , dapat kasi mala-pang-Sony game controllers ang button ng mga gadget, para pang-matagalan...
>
39 plus pages pa ang ie-edit..
last 2 days..
sigurado nang sa 2018 ako matatapos nito...
is feeling , alanganin na naman...
No comments:
Post a Comment