Friday, December 22, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of December 2017 (Ignored)

Loveless Story


December 21, 2017...

ewan ko kung good news ba yun o hindi...

nakabalik na siya..
up na lahat ng hidden profile niya..
matapos ang maraming buwan..
at kung kailan patapos na rin ang December...

hindi ko pa alam ang plano niya..
hindi ko pa siya nakakausap eh..
sana naman eh hindi yun yung tipo na hanggang the end of December na lang...

titingnan ko kung magagawa ko siyang makita sa January...

was feeling , sumagot ka na, please...

>
so tinanong ko si Miss V kung totoo ba na nakabalik na si Miss C..
kung nasa Manila na ba ulit siya...?

luckily, sinagot naman ni Miss V yung tanong ko..
totoo nga daw...

pero bakit ganun..?
bakit hindi siya sumasagot sa akin..?
galit ba siya sa akin...??

ano ba yan, kinakampihan na ba niya ang FATE..?
siya na ba mismo ang ayaw na makita pa ako..??
mahigit isang taon ko na siyang hindi nakikita eh... :(

was feeling , idaan natin 'to sa formality, FATE...

---o0o---


December 22, 2017...

kaninang madaling araw ko lang napansin..
hindi na pala active yung huling number na ginamit niya..
hindi ko alam kung nagpalit lang ba siya dahil kino-contact ko siya..?
o kung talagang naging inactive na yung number na yun dahil matagal niyang hindi ginamit...?

3:00 AM noon..
basta kinutuban lang ako..
at naisip ko nga na pa-ring-in yung phone niya..
tapos sinabi nga na "not in use" na yung number na yun..
so binuksan ko yung router para mag-internet saglit..
at nakita ko nga na bago na yung number niya...

ni-resend ko yung mga messages na una ko nang s-in-end sa kanya kahapon..
kahit na 3:00 AM pa lang noon..
kasi umaasa ako na yun yung kauna-unahan niyang mababasa pagkagising niya...

pero talagang hindi pa rin siya sumasagot hanggang ngayon... :(

was feeling , ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya...??

>
kapag sarili ko lang ang iniisip ko..
parang okay na lang ang lahat..
na parang sapat na yung ginagawa ko..
na okay na ang buhay, basta matapos ko lang yung One Piece..
mamatay lang ako nang sa hindi masakit na paraan, eh sapat na...

pero sa tuwing nagkakagusto ako sa babae..
parati pa akong naghahangad na umangat sa buhay..
parati akong nagmumukhang pera..
parati kong ginugusto na patunayan pa yung sarili ko..
parati kong pinagsisisihan kung bakit hindi ko pinili yung normal na buhay..
parati akong naaasar sa sarili ko...

pakiramdam ko wala akong kasuwerte-suwerte sa buhay..
ultimo timing na nga lang eh mali-mali pa ako..
sa tuwing may ginagawa akong desisyon, kinabukasan pa lang eh may pagbabago na kaagad na nangyayari..
parang parati na lang akong naghahabol ng bagay na hindi ko naman magagawang maabot kahit na ano pang gawin ko... :(

was feeling , napakadamot mo, FATE...

>
lagot na..
mukhang ayaw na talaga niya akong kausapin eh..
baka nagalit dahil nasira ko yung lovelife nila nung si Happily Married Rich Old Client last year...? :(

hindi naman ako makagawa ng follow-up dahil baka mamaya eh mapasubo na naman ako...

paano ko pa siya makikita kung ayaw na niya akong makita..?
malas pa dahil wala pa nga akong nahahanap na matinong clue na magtuturo kung nasaan nga ba siya sa totoong mundo..
ni hindi pa nga ako nakakahingi ng picture sa kanya eh...

naman!
yung mga nasa itaas diyan..
kahit isang beses lang..
kahit isang suwerte lang..
wala ba talagang himala na nakalaan para sa akin..?
parang parati na lang yung ibang mga tao ang nakakaramdam na anak sila ng diyos eh..?
hindi ako hihintayin ng pagkakataon..
kailangan ko ng mabilis na paraan para magawa 'to... :(

was feeling , kahit pa masaktan ako.. ang mahalaga makakuha ako ng picture para maalala ko yung mukha niya hanggang sa mga huling sandali ng buhay ko...

---o0o---


December 23, 2017...

i guess wala na ngang better me..
kahit paano ko pa subukan..
lahat ng nasa paligid ko, either masisira nang dahil sa akin o sisirain ako...

wala na siguro talagang option kundi maghintay na lang ng katapusan..
at siguro yun na yung magiging best me..
yung wala na..
unless may kasumpa-sumpa pa rin na existence matapos ang kamatayan...

is feeling , bakit ba talaga ako pa...?

-----o0o-----


December 16, 2017...

according dun sa website..
256 Kbps yung magiging bandwidth for the rest of the month kapag nasaid na yung limit..
ewan ko lang kung updated yung policy na yun..?
masama yun, dahil mas mabagal na yun sa 384 Kbps na natatamasa ko noon...

sinubukan ko na rin yung online monitoring..
kaso eh alamat lang yata yun...

ang sunod na problema ay kung tama ba ang pagkuwenta ng Globe sa internet usage..?
eh yung sa daily na 1 GB pa nga lang eh duda na ako na nauubos ko yun within 2 hours eh..
kaya paano kung doktorin nila ang data nila...?

hindi pa naman detailed yung internet usage sa computer ko..
pero below 1 GB per day yung average nun..
pati yung router eh wala ng information tungkol sa internet usage..
pero siyempre eh labas sa kuwentahan yung iba pang gadgets dito sa bahay...

basta nasa 12.9 GB a day ang dapat na budget for 31 days..
sounds big para sa mga non-video streamers at non-downloaders..
pero pandaraya ang totoong kalaban kapag nagkataon...

was feeling , lokohan na kapag nakaubos kami ng 400 GB...

---o0o---


December 17, 2017...

[Gadget-Related]

ayun..
sa Marshmallow gumana...

5.4 GB in 3 days..
bale 1.8 GB per day yun..
pero wala pa dun yung daan-daang e-mails at yung Arena of Valor game nung isa..
wala pa ring OS update at leech engine nito...

bukas magkakaalaman kung anong totoong average dito sa bahay..
dun talaga ako natatakot sa pagli-leech ng mga bagong hollywood movies at hentai anime eh... :(

was feeling , aksaya-mode...

---o0o---


December 18, 2017...

[Gadget-Related]

okay..
may tantsa na ako ng regular usage namin ng internet..
nasa 1.4 GB per day..
yun ay kung walang video download at system update...

yun nga lang..
noong malaman nung paboritong anak yung tungkol sa naging upgrade ay binanatan na nga ng download..
mahigit 1 GB pa naman ang isang hollywood na movie..
kesyo 10 GB naman daw ang budget per day eh...

pero ang problema dito ay yung mga user na hindi alam ang ginagawa ng mga device nila..
gaya ng auto-update sa mga app, kahit na sa mga hindi naman nila kailangan..
at lalong-lalo na yung OS update at yung automatic na paggamit ng Service Host: Delivery Optimization ng bandwidth kahit na wala naman itong ginagawa..
sa tingin ko eh yun yung nakakaubos sa monthly allowance ng ibang user na nagrereklamo doon sa website...

regarding system update..
sinubukan ko kanina kung makakapag-browse ba ako kahit na ginagamit niya halos yung buong bandwidth..
at gumana naman..
yun nga lang, napatunayan ko na hindi rin sapat na basehan yung bandwidth at available internet allowance para ma-guarantee na magiging successful ang pag-download at pag-install ng update..
gaya kanina, andami pa rin nung nag-fail, kaya automatic na nasayang lang yung ginamit nun na internet allowance..
at problema kung uulit-ulitin yun nung sistema..
isa 'tong hindi naman siguro sinasadyang benefit ng Microsoft para sa Globe...

dahil sa ginawa ko ay na-update na rin yung NVIDIA ko..
bale nasa pang-October na yung nakuha kong update..
pero hindi pa yung pinaka-latest..
at bukas ko pa makikita kung mag-i-improve ba yung performance ng Iray engine ko, o kung lalala pa sa kalagitnaan ng project ko...

ang totoo, may kakayahan naman akong i-regulate yung paggamit nung iba nung internet dito sa bahay..
papatayin ko lang yung wireless signal o iba-block yung mga device nila, at tapos na kaagad ang problema..
kaso eh unfair naman yun, dahil hindi ko rin naman para ma-maximize yung paggamit nung 400 GB in a month...

was feeling , under observation...

>
[V-League]

PVL on Tour

holy crap!
nakabalik na sa court ang Queen Falcon..
at SSC-R with Soltones pa talaga ang tinalo nila...

JeMa Galanza is love... 

PS: sa February 3, 2018 pa daw ang first match nila sa UAAP Season 80..
at NU pa talaga kaagad ang makakalaban nila...

— feeling , iwas na lang parati sa paa ng mga kalaban...

---o0o---


December 19, 2017...

wrong move..
maganda pala ang araw ngayon..
kaso hindi ako nakapaghanda na umalis...

anyway..
3.4 GB yung nakain kahapon..
leche..
update failed yung malalaking files..
ibig sabihin pwede yung maulit-ulit pa...

tapos..
halos wala ring pinagbago sa performance ng Iray engine ko... :(

was feeling , aabutin pa yata ako ng January...

>
[Online Marketing]

kahit papaano..
secured na ang January ko..
sigurado nang may sasahurin na porsyento dahil sa tulong ng mga foreigner...

was feeling , nakaka-discouraged na tuloy mag-SSS at PhilHealth.. bumalik na lang kaya ako sa sleeping pills at cremation plan...

---o0o---


December 20, 2017...

3 scenes na lang..
bale 2 lang pala, at yung cover..
makakapasok na ulit sa auto-pilot mode...

was feeling , dapat umabot sa 2017 ang copyright...

>
natapos na sa wakas sa lahat ng scenes..
inabot ako ng 57..
tapos na ang 39..
meron pang 18 na kailangang i-render..
at 5 plus na kailangan ng double render...

was feeling , auto-pilot na umpisa kanina.. sana hindi maulan bukas ng umaga at magho-hoarding na ako...

---o0o---


December 21, 2017...

[Gadget-Related]

ayun na nga ang sinasabi..
kahahabol ko sa lecheng GCash app na yan..
nasira ko yung tablet ko..
wala na tuloy siyang kakayahan na mag-download from anywhere, nang hindi kailangan ng mga account(s) o password(s)...

hindi gumana ang restore factory settings..
kailangan kong subukang maibalik yung dati... :(

was feeling , malas...

>
[Business]

kahit malakas ang ulan eh namili na rin..
naubusan na rin kasi ng pang-load sa mga tao eh...

okay naman..
basa..
pero andun naman si Emoji-Girl eh...

nag-hoard na rin ng mga kayang bilhin ng pera..
siguro 1 month lang ang itatagal nun..
pero wala eh..
hanggang dun lang ang kaya kong tulong para sa mahihirap na lalo pang pinahihirapan...

after that..
baka magsara na lang ako kapag naging pang-mayaman na lang ang presyo ng mga bilihin...

was feeling , nakakatamad nang lumaban sa buhay...

---o0o---


December 22, 2017...

[Gadget-Related]

medyo naayos ko na yung tablet..
hindi gumana yung basic na restore factory settings..
kaya dun ko idinaan sa hard reset na restore factory settings...

well..
hindi ko na siya naibalik sa dati..
kung noon eh isang bukod tanging website lang yung hindi niya kayang kuhanan ng content..
ngayon eh sa mga piling website na lang pwede...

pero at least ay medyo naibalik ko yung kakayahan niya...

was feeling , nakikialam pa kasi eh...

>
naka-ready na yung isa kong sahod..
yung cash na..
susunduin ko na lang kapag nagka-oras ako...

was feeling , parang kulang pa na mas galingan, kapag ekonomiya na mismo ang humahadlang sa'yo...

---o0o---


December 23, 2017...

[Gadget-Related]

okay..
UPS demolition time na ulit..
kahapon pa..
maya't maya ang switching nung UPS..
tang inang power source yan...

putang ina!
kung kailan patapos na ako sa ginagawa ko..
sisirain nyo pa yung UPS ko...

is feeling , putang ina! sirain nyo na lahat!


No comments:

Post a Comment