okay..
from 22 municipalities, eh napababa ko na sa 5..
pero estimate pa rin lang yun..
ang hirap pa rin masabi kung nasaan siya...
siguro i'll start with the nearer towns...
was feeling , wala bang cheat para dito...??
[Gadget-Related]
hindi 'to maganda..
talagang may binago ang Windows sa paraan ng paggana nung NVIDIA Iray ko...
dati naman eh matataas yung percentage na nakukuha ko using the same setting..
madalas eh more than 20%, pumapalo pa hanggang 70%..
pero lately, eh suwerte na kung aabot man lamang sa 5%...
technically speaking, eh low level na graphics card lang yung gamit ko..
tapos dinalihan pa nga ng panggugulo ng updates ng Windows 10..
nasasakripisyo tuloy lalo yung quality ng end product ko..
kaya sa halip na mas gumanda yung gawa ko, eh nagmumukha pa tuloy na masyado nang tinitipid... :(
problema rin ang internet..
dahil yun ang pangunahing kailangan para makahabol sa OS update at driver update...
was feeling , pinagtulung-tulungan nyo na ako, FATE...
---o0o---
December 11, 2017...
[Lottery]
lagot na sa PCSO..
mukhang sinira na nila ang sistema...
3 major na laro na ngayon ng Lotto ang hindi nagalaw ang jackpot prize..
bukod pa sa bawas na yun ng 1% sa umpisa pa lang...
bukod sa tanong kung saan ba napupunta yung 1% na yun..?
ang isa pang mahalagang tanong ay saan na ngayon napupunta yung mga pumapasok na taya...?
ganun na ba na-discouraged yung mga mananaya sa pagkawala nung 1% na yun..?
o wala na talagang balak ang sistema na pataasin pa yung mga jackpot prize na gaya ng dati..?
kasi nakailang taya ako dun sa isang laro, pero hinding-hindi gumalaw yung pot money nun, at napanalunan rin yun recently, meaning na hindi lang ako yung nananatiling tumataya...?
paano na ngayon niyan yung mga taong humihingi ng tulong sa PCSO...??
was feeling , tataas na nga ang presyo ng lahat simula sa 2018.. tapos gagawin na ring scam ang Lotto...??
---o0o---
December 12, 2017...
[Business]
pero ang totoong inaalala ko ngayon ay yung nano-store ko..
sa tantsa ko kasi eh baka magsasara yun kapag talagang iginiit ng pamunuan ang gusto nila...
ilan sa mabentang produkto ko ay yung mga sweetened drinks, yung mga powdered lang..
Milo, mga 3-in-1 na kape, juices, at tea..
at hindi ko ma-imagine kung paano pang magiging mabenta ang mga yun kung tataasan ang presyo nila ng Php 6.00 DAW at least...
kung ako kasi ang tatanungin eh hindi ako tanga para bumili pa ng Php 12.00 na kape na pang-isang serving lang...
at siyempre nandun rin nga yung threat sa enerhiya..
na kapag tinasaan na yung mga presyo ng mga produktong pang-enerhiya, eh malamang na may epekto na naman sila sa presyo ng mga produkto na umaasa naman ang operasyon sa mga ganung energy sources...
was feeling , ang pinakagahaman na pamunuan...
>
minsan parang okay lang na mabasted..
o kahit pala parati..
kahit na nakakalungkot, at kahit na masakit kapag na-attached ka na...
kapag may pagka-persistent ka kasi..
eh parang yun lang yung tuldok na maaasahan mo para mapatigil ka..
para masagot na yung mga "what if" mo..
at para hindi ka na umasa...
was feeling , FATE, hayaan mo na lang ako.. bahala na ako kung maba-basted man ako o hindi...
---o0o---
December 13, 2017...
[Lottery]
ang weird na talaga..
so napanalunan kagabi yung jackpot sa 6/42..
bale 3rd draw yun simula noong huling beses itong napanalunan..
pero ang nakakapagtaka ay hindi naman gumagalaw yung pot money nun para dun sa naunang 2 draw..
tapos bigla na lang tumaas yun ng halos 2 million sa pinakahuling draw, at kung kailan napanalunan nga ito...
paanong pumaltok ng nasa 2 million yun sa loob lamang ng isang araw eh nasa Php 5,940,000 lang naman ang starting nun...??
was feeling , mahiwaga...?
>
[TV Series / K-ture]
Goblin
LOL!
yung mga inggitan nang dahil lamang sa business card... XD
alam ko na ngayon kung bakit iba yung itsura nung original na asawa ng Goblin at nung original na pagkatao nung Grim Reaper kumpara sa mga naging reincarnation nila sa present time..
kasi hindi pa ganung ka-mature yung mga pagkatao nila dun sa na-feature na nakaraan...
Correction:
hindi pala yun dating asawa ng Goblin..
akala ko naman eh nagkaagawan sila sa gusto nilang babae noon..
sadya palang nakatadhana ang kapatid ng Goblin at ang dating katauhan ng Grim Reaper..
so that explains kung bakit mukhang malayo noon ang agwat nung edad nung babae dun sa mortal pang Goblin...
was feeling , business card is life...?
>
[TV Series]
The Good Son
sa hula ko..
bunga ng pagtataksil nina Dado at Olivia si Calvin..
na hindi pa alam nung bata na tatay niya yung driver nila..
at nagkataon lang na nagpangita yung 2 sa bahay ni Colmenares noong gabing napatay ito...
si Victor naman ay aksidenteng napatay ni Obet..
dahil sa Dyslexia ay lason pala ang naihalo ni Obet sa kape ni Victor sa halip na creamer..
kaya ayun, namatay ang tatay nina Joseph..
joke... XD
was feeling , bakit parehong may kondisyon sa utak yung ikalawang (iba pang) mga anak...??
---o0o---
December 14, 2017...
[TV Series / K-ture]
Goblin
yung ginamit yung yaman at impluwensiya ng kompanya..
idagdag pa yung memory-manipulation skill nung Grim Reaper..
para lang pagtakpan yung supernatural incident na aksidenteng nagawa ng Goblin... XD
was feeling , anlakas nilang magsayang ng mga sasakyan sa South Korea.. unless computer graphics lang yun...?
>
Grocery Day..
dahil masama ang panahon noong Tuesday...
matapos kong hindi makita si Emoji-Girl ng 2 magkasunod na beses..
eh nakita ko na ulit siya kanina..
hindi na masama for December...
hindi ko maalala nang malinaw yung itsura ng babaeng gusto ko..
kaya makikitingin na muna ako sa ibang babae..
para pampaganda lang ng araw...
was feeling , miss na miss na kita.. kaso hindi mo naman alam...
>
[Business]
iniisip ko kung dapat ba akong mag-hoard ng mga produkto na tatamaan ng mala-impiyernong pagtataas ng presyo ng mga bilihin..
habang normal pa yung presyo nila...
para pagdating nung mala-impiyernong panahon kung kailan iilan na lang ang makaka-survive dito sa bansa..
mga palamunin ng 4Ps..
mga mayayamang negosyante na mura lang ang binabayarang mga buwis dahil sa mga kaibigan nila..
mga may-kaya sa buhay..
at ang mga lintik na mga Jonin, Chunin, at iba pang mga pasuwelduhin ng buwis na kinokolekta mula sa mga mamamayan..
eh kahit papaano eh makakapagbenta pa rin ako sa kanila ng mga produkto sa tapat na halaga, kahit sa loob lamang ng ilang linggo...
was feeling , tapos pinaspasan pa pala nila yung sistema na magbibigay sa kanila ng mas maraming supply ng gatas...?
>
para na talagang si FPJ si Coco Martin..
halos pare-parehas lang kasi yung mga taong isinasali niya sa mga projects niya...
yung Ang Panday, pang-Ang Probinsiyano ang casting..
tapos parang pinaghalong Ang Panday, Juan dela Cruz, at Ang Probinsiyano ang mga konsepto...
was feeling , pero hindi yun magiging totoong Ang Panday kung walang mga kalaban na dumadaan sa ilalim ng buhangin...
---o0o---
December 15, 2017...
bad news muna...
gumawa na naman ng panibagong gastusin yung matandang babae..
in-upgrade ba naman yung internet plan namin mula Plan 1,099 to Plan 1,299..
eh ni hindi ako tinanong..
tapos akala pa niya eh Php 1,200 lang yung magiging bill..
anak ng round off, lumang sistema na na ginagamit sa marketing yung n99 na yun, bilang illusion, pero talagang nabiktima pa siya at inakala na Php 1,200 lang yun...
antagal ko nang sinabi..
kapag sinabi na LOYALTY reward, pero may bayad, eh mala-scam lang yun..
ang totoong reward ay FREE..
at madalas ang objective ng mga kompanya eh mas kumita pa..
tang ina..
ch-in-eck ko yung Plan 1,299, at wala namang ipinagkaiba yung ini-upgrade nila sa amin kumpara sa regular nilang Plan 1,299..
upgrade lang ng halaga ng bill ang nangyari eh...
kagaya rin 'to noong gumagamit pa siya ng mga credit eh..
tuwang-tuwa kapag sinasabi na OUTSTANDING siya sa pagbabayad ng utang niya..
pero ang totoong ibig sabihin nung kompanya ay "ang tanga naman ng taong 'to at hindi binabayaran yung lumulubong interes ng account niya"..
kaya naman okay lang siya nang okay kapag inaalok na palakihin pa yung credit limit niya...
matagal ko na ring ipinapaliwanag noon..
hindi problema yung internet speed..
hindi ko naman kasi kailangan ng sobrang bilis..
ang problema ay yung auto-download ng Windows Update..
at yung paggamit ng Service Host: Delivery Optimization ng bandwidth kahit na wala naman talaga itong dina-download..
kaso eh dahil mga bobo eh wala talaga silang maintindihan...
30 GB versus 400 GB..
oo, talagang malaki ang pagkakaiba kung titingnan lamang yung numero..
pero daily kasi ang reset nung Plan 1,099, so hindi ko kailangang problemahin ang kinabukasan kung sakaling kulangin ako sa bandwidth..
hindi gaya nung Plan 1,299 na delikadong maubos sa kalagitnaan ng buwan at kailangan mong pagtiyagaan yung matitirang bandwidth sa loob nung mga nalalabing araw..
2 pa naman kami na may Windows 10 dito sa bahay, tapos hundreds of MB pa ang kailangan nung isa sa pagpapapasok ng mga e-mail niya sa trabaho..
nag-o-online game pa yung paboritong anak at 2 ang leech engine sa laptop niya..
kaya kailangan ko pa ring i-regulate yung paggamit nila sa internet...
pero ang totoong seryosong problema..
additional na Php 200 na gastusin yun para sa amin..
eh Php 3,500 na nga lang per month yung natitira sa original na Php 7,000 namin na budget eh..
hindi na sila nakakabayad para sa mga load nila nang on time..
at madalas na utang na dun sa magpapandesal yung agahan namin for the first week ng bawat buwan..
magbo-board pa yung paboritong anak para sa review niya, eh yung accountant nga sa amin eh ni hindi kinailangan na kumuha ng review para lang makapasa eh..
siyempre may bayad rin yung review center...
malamang nare eh mapasangla na naman yung ATM niya para lang sa lahat ng kapritso na 'to...
was feeling , doomed.. doom-er...
>
[Online Marketing]
pumasok na yung pinakamalaki kong porsyento...
kaso..
ito pa talaga yung nagkaroon ng pinakamababang palitan ng USD to PHP...
was feeling , sounds bad, dahil nagbabanta nang tumaas ang presyo ng lahat ng bagay...
>
[TV Series / K-ture]
Goblin
yung babaeng nagseselos sa sarili niya dahil hindi niya alam na siya yung tinutukoy na first love nung Goblin...
tapos yung bangayan nang dahil lang sa coupon mula sa chicken restaurant nung babaeng pinopormahan nung Grim Reaper..
matapos yung business card, eh hiling-hili rin siya dahil binibigyan ni Missing Soul ng coupon yung first love nito...
pero pinakamalupet yung gusto na nilang gamitan ng unnatural death yung karibal na lalaki nung Goblin...
was feeling , ang kukulit ng lovelife nila...
>
[Anime]
A Super Saiyan Timeline Of Son Goku's Power Evolution
here's the full link (credit goes to them):
https://www.fhm.com.ph/lifestyle/entertainment/how-strong-is-son-goku-a129-20171007-lfrm2?utm_source=Facebook-FHM&utm_medium=Ownshare&utm_campaign=20171215-fbnp-lifestyle-how-strong-is-son-goku-a129-20171007-lfrm2-fbold
kalokohan 'to..
walang Gogeta..
walang Super Saiyan 4..
at lalong walang Super Saiyan 4 Gogeta...
hindi ko ino-honor yung Blue na Super Saiyan dahil sobrang cool na nung Super Saiyan 4, tapos bigla lang bumalik sa pagpapalit lang ng kulay ng buhok..
para kasing ginawa na lang nila yun para ma-extend pa yung storyline ng Dragon Ball, tapos digital na digital naman at hindi na artistic yung pagkagawa dun sa anime... :(
feeling , Super Saiyan 4 Gogeta ang pinaka-astig - tapos ang pulong!
>
simula na ng pagbibigay ng pera sa mga bata..
from 15 to 24...
pero pasensyahan lang..
Php 1 per household lang ang budget..
tutal eh maliit lang ang patubo ko sa nano-store ko, yun na yung araw-araw kong tulong para sa survival nila..
hindi ako naniniwala na dapat akong maglabas ng pera na mas malaki pa kumpara sa pumapasok sa akin...
yung mga hindi ko kliyente, eh siyempre hindi ko bibigyan..
eh wala naman akong pakinabang sa kanila eh..
yung matatanda na eh magbanat naman ng mga buto nila..
tapos yung mga taong-simbahan eh sa teritoryo na lang nila manghingi ng mga donasyon...
sa hirap na ng buhay ngayon..
tapos sumuporta pa ang marami sa mga demonyong promotor ng pagpapataas ng mga buwis..
eh tama lang naman siguro na paghandaan ang pagdating ng mas mala-impiyernong mga taon...
was feeling , itigil na nga yang tradisyon na yan...
>
[Gadget-Related]
may App nga para ma-monitor ang internet usage..
gamit ang smartphone and devices..
kaso eh gaya nung GCash App..
eh may discrimination na naman sa OS..
kaya useless rin..
inapi na naman yung mga Jelly Bean namin... :(
ang simple-simple nung function pero naghahanap pa ng bagong OS...?
was feeling , mga racist kayo...
---o0o---
December 16, 2017...
[Gadget-Related]
lagot na..
dinagdagan ko pa ang mga trabaho ko...
nag-update kasi ako ng tablet..
walang backup-backup..
delete lahat ng files..
pati yung files na siya lang ang meron..
akala ko kasi ang kasunod ng version 4.1 eh 4.2..
yun pala eh 4.1.2..
at yun na yung maximum na update na kaya nung OS ko...
pero mas malala pa yung phone..
dahil Ice Cream Sandwich lang pala ang Android nun... :(
back to zero tuloy ako sa pag-aayos ng settings nun..
sana lang eh hindi nawala yung kakayahan niya na mag-download from almost anywhere...
is feeling , okay.. huwag na akong kasali sa mundo...
No comments:
Post a Comment