Friday, September 16, 2016

The Real Change?

President ≠ Police Force
President ≠ Soldiers
President ≠ other Government officials
President ≠ other Government employees

ibig sabihin - hindi pare-parehas mag-isip at kumilos ang mga tao..
in worst cases, posibleng yung magaganda nga na agenda ng mga taong may ideolohiya at/o vision para sa bansa eh matabunan ng personal na interes ng ibang nasa hanay nila..
kaya hindi maging matagumpay ang ibang sistema...

kahit na pinaniniwalaan mo na maganda ang hangarin ng mga taong nasa tuktok..
it doesn't necessarily mean na magiging ganun din ang hangarin at panuntunan ng mga taong nasa ilalim nila..
sa bandang huli, sila-sila pa rin ang gagawa ng mga trabaho nila at hindi ang Presidente - kaya sariling mga desisyon pa rin nila ang mananaig - at minsan nga ay personal na interes ang naghahari..
kaya nga kailangan ng pagsasala, reporma, at sistema para ma-obserbahan ang mga ginagawa nila...

---o0o---


September 10, 2016...

well..
kaya nga andiyan ang history..
both yung magaganda at madidilim na bahagi..
pwede siyang gamitin na warning o guide tungkol sa mga bagay na hindi na dapat ulitin pa sa kasalukuyan..
kasi alam mo ng mali, na may masamang dulot - kaya dapat huwag nang gawin...

hindi siya yung tipo na kesyo..
let's hate Spain for this..
let's hate Japan for this..
let's hate America for this..
o let's hate any nation na nagkaroon ng barbaric past..
kasi kung ganun ang mindset ng mga tao - eh hindi na talaga mawawala ang hindi pagkakaintindihan at hindi pagkakaisa..
sa halip nagsisilbi silang leksyon, na kesyo ganito pala noon kaya hindi na yun dapat pang maulit para sa mga future generation...

at tsaka parang mali sa isang tao na gumamit ng mga ganung argument kung ikaw mismo ay may mga pinapalagpas na pagkakamali sa nakaraan..
eh wala namang kinalaman dun yung kakapulungin mo ih... :(

dapat mas nagpo-focus ang mga tao sa pagkakaisa..
ang pagbubuwal sa differences, at pagbubuwag sa racial boundaries...
feeling , para sa World Peace...
---o0o---


September 12, 2016...

ayos!
sana nga yung Rentangay group na yung napuruhan..
para hindi na ulit mangyari yung mga ganung ka-brutal na krimen laban sa mga tao sa ganung business..
sana mahuli rin yung mga nakatakas na miyembro..
at sana rin wala naman silang protektor na nagtutumba lang ng mga kakampi...

kapag nawala na yung mga ganung insidente sa balita..
then yun lang yung palatandaan na tinamaan nga yung dapat na tamaan...
feeling , some down...
>
putang ina, Obama! (ops, hindi ko siya minura dahil walang salitang "mo")

kasalanan mo yun ih..
1906..? so mga 110 years ago LANG yun..
buhay ka na nun, di ga..(?)
at nae-enjoy mo na nang HUSTO ang kalayaan ng mga Black Americans para makapasok ka sa mundo ng politika..(?)
kaya responsibilidad mo talaga yung nangyaring massacre noon sa panahon ng digmaan..
kaya mag-sorry ka dapat...


umalis na kayo dito sa bansa!
kasama ng lahat ng investments, support, at nilimos nyo..
yung mga mamamayan ng bansa namin na nandiyan sa inyo, ibalik nyo sa amin..
hindi kayo kailangan ng bansa!

kayang-kaya na ng mga nag-a-ROTC na makipaglaban sa mga Empire...
feeling , sorry World for the racism...
>
sino ba naman kasing tanga ang magse-celebrate pa ng birthday ng isang patay na diktador..?
mga taksil lang sa bayan ang magdiriwang sa araw ng kapanganakan ng isang diyablo...

pero mukhang bahagi nga 'to ng plano ng pamilya nila..
ang ibalik ang kanilang dangal, kasama ang dangal nung mismong diktador...

noon, i was actually okay with the other Marcos(es)..
siguro dahil iniisip ko noon na hindi na naman sila makakaulit pa - na kesyo natuto na ng leksyon ang taong bayan..
na kesyo hindi na nila hahayaang makabalik pa sa tuktok ang mga ito..
doon sa bruhang biyuda na nga lang ako may issue noon, dahil kilala siya sa pagmamanipula at pagiging maluho..
tapos naging makapal pa yung mukha niya na pumasok din sa pulitika..
yung iba sa kanila nagsipasok din sa pulitika..
yung iba sa showbiz..
i was even confident noong iboto ko noon si Bongbong bilang isang senador, for the sake ng balanse sa kapangyarihan..
iniisip ko na okay lang, hindi naman kasi sila yung diktador eh - may karapatan rin naman silang mabuhay..
this was despite the fact na pumapalag nga ang pamilya nila sa ginagawang pagbawi sa mga ninakaw nila sa bayan..
pero noon, hindi talaga pumasok sa isip ko yung totoong pakay nila...

at yung nagyayari sa ngayon ay parte ng objective nila..
it's probably the same reason kung bakit ayaw nilang pakawalan yung mga nakaw na yaman nila..
pilosopong approach lang yung pagsasabi na kesyo hindi naman lahat ng nakalibing sa lugar na yun ay mga bayani..
totoong hindi lahat ng nakalibing doon ay ganun nga - pero alam nila yung honor na kaakibat ng pagpapalibing doon..
sa pangalan pa lang eh ang lakas nang maka-bida..
yung essence na yun yung hinahabol nila..
hindi nila ilalagay sa freezer yung bangkay sa loob ng mahabang panahon kung hindi malinaw ang pakay nila..
at kinailangan lang nila ng kakampi para muling subukan ang suwerte nila...
feeling , rewriting history...
---o0o---


September 13, 2016...

in a way, maganda yung plano ni Bato..
tama lang na disarmahan ang mga pulis na hindi marurunong gumamit ng baril...
feeling , bodycams na lang ang kulang para wala nang tanungan...

 ---o0o---


September 14, 2016...

foul yun..
mukhang ginagamit niya yung hatred ng mga tao sa dilaw para sa isa na namang mind conditioning..
mukhang balak niyang palabasin na kulay lang ang dahilan if ever magkaroon ng tangkang patalsikin siya sa puwesto..
na halos imposible namang mangyari dahil bumalimbing na sa kampo nila ang maraming mambabatas, unless mag-declare nga siya ng pilit o scripted na Martial Law...

parang tanga lang na sinasabi niyang kasalanan ng kulay kung bakit niya binabastos yung mga taong gustong kapulungin siya..?
ibig bang sabihin na dilaw ang nag-suggest sa USA at UN na payuhan siya na maghinay-hinay..?
if ever na may ganun ngang instance, may masama ba dun..?
dapat niyang malaman na hindi sasama ang reputasyon niya kung hindi niya inuna ang pambabastos sa ibang nasyon..
eh kung nakinig muna sana siya..? tapos hindi na lang umimik ng masama..? tutal hindi rin naman talaga mapapakialaman ng ibang bansa yung sistema unless makita na nagko-commit na ang gobyerno ng genocide..
hindi ba kasalanan yun ng pagiging padalos-dalos niya parati at pagiging bastos ng kanyang bibig...?

tapos current generation ng America yung sisisihin sa isang produkto ng digmaan na hindi na nga inabutan ng bagong henerasyon ng lahi nila...?

tapos nabubuking pa ngayon na nagsisinungaling na ang mga tagapagsalita niya para lang pagtakpan siya..
nakakaawa lang yung mga tagapagsalita niya, dahil siya rin mismo yung nagbubuko sa mga kasinungalingan nila - sila tuloy yung napapahiya...
feeling , self-control muna tutal lider ka naman.. hindi yung nagpo-provoke ka lalo ng hindi pagkakaisa...
>
nakakalungkot..
kasi alam naman pala ni Bato lahat yung mga possibilities na related sa War on Drugs nila..
(inisa-isa niya sa news kanina, ayoko nang ulit-ulitin pa dahil parati ko rin namang isinusulat)..
pero iginigiit pa rin nila na magiging successful yung giyera na 'to kahit na hindi nila kayang kontrolin yung factor na nasa labas na ng bansa...

sa totoo lang maganda naman yung main idea eh..
takutin ang mga tao para umiwas na sila sa paggawa ng masama..
kaso nagkamali sila ng paraan..
the war against drugs is really necessary, pero hindi sana at the expense of innocent people - kasi sila nga yung pinoprotektahan kaya pinupuksa ang isa sa mga sanhi ng kriminalidad eh...

ang nakakatakot bukod sa kung saan-saan na lang posibleng manggaling yung mga pag-atake..
eh yung fact na pwede kang mamatay na lang ngayon nang basta-basta..
na lalagyan ka na lang ng karatula na kesyo drug related personality ka, tatamnan ng ebidensya sa bangkay mong katawan - at huhusgahan ka na ng mga tao sa pagkamatay mo...

pero it was inevitable simula noong nanalo yung Presidente..
dahil matagal nang alam ng ibang tao na nangyayari na nga yung mga ganun sa Davao..
sa campaign period pa lang puros na ang pangako ng madugong giyera..
at bago pa man siya naupo, nagsimula nang magtumbahan ang mga tao..
at noong makaupo, nag-umpisa na naman ang lahat sa pagbabanta tungkol sa kamatayan..
kaya heto ang bansa ngayon - araw-araw may patayan..
wala namang problema kung sila-sila na lang na mga masasama yung nagtutumbahan eh..
kaso may mga biktima ng old records, may mga biktima na mga bata, may mga biktima hindi naman daw drug-related...

at lahat ng 'to nagsimula ng dahil sa banta tungkol sa kamatayan...
feeling , responsibilidad niya 'to dahil siya mismo yung naglagay ng butas sa sistema na gusto sana nilang ipatupad...
>
grabe na ang mga kabataan ngayon..
nananaksak at pumapatay na ng teacher nang dahil lang sa cellphone...

ganung mga tao ang pwede nang patayin..
yung may kakayanang maging threat para sa iba...
feeling , wala na dapat kinikilalang edad ang batas...
---o0o---


September 15, 2016...

the only way para maresolba ang problema sa trapiko...?

edi limitahan ang karapatan ng mga tao sa pagmamay-ari ng mga sasakyan (maliban sa mga bisikleta na walang sidecar)..
pagkitil nga ng buhay eh kaagad nilang napagdedesisyunan eh - sa karapatan sa pagmamay-ari ng mga bagay na sumasakop sa pampublikong daanan pa ba sila magdadalawang isip...?

tutal meron na sa taas na someone na willing baguhin ang lahat..
edi suportahan na dapat siya ng mga mamamayan pagdating sa ganitong bagay...

1) pero siyempre dapat mauna yung pagbuo ng mga maaasahan na public transportation (mga train o ferry system para tipid sa lane)
2) ang issue ng public transportation ay hindi na dapat tingnan bilang isang market na source of income para sa kahit na sinong gustong magkaroon ng related na negosyo - pero dapat itrato na siya bilang bahagi ng public service
3) gawing maka-masa ang presyo ng pagsakay sa mga pampublikong sasakyan
4) gawing reliable at komportable ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan
5) public utility vehicle eh dapat nang gawin na pangmaramihan ang concept (like buses and jeepneys), kasi kung mga taxi o Grab-type eh parang umaarkila ka rin lang nun ng personal mong sasakyan so sasabayan lang nila ng pagpapadami ng unit yung bilang ng demand ng mga pasahero
6) public utility vehicle ay dapat ma-regulate ang bilang, dapat laging proportional lang sa populasyon ng mga mananakay at hindi basta-basta ina-approve dahil lang sa may gusto ng ganun na klaseng trabaho
7) ang mga cargo vehicles na nagde-deliver sa malayuang mga destinasyon, dapat may sarili na rin silang point-to-point na cargo-dedicated train system para hindi natatadtad ng malalaking sasakyan ang mga national highway
8) discourage people sa pagbili ng private vehicle nila, gawing 100% ang ipapatong na buwis sa presyo ng bawat sasakyan tapos patawan pa ng mataas na regular registration fee
9) ganun din sa mga companies, dapat i-discourage sila na bigyan ng mga personal na sasakyan yung mga empleyado nila
10) dapat ang kakayahan ng pagma-may-ari ay naka-base sa kakayahan na mag-provide ng sariling parking space, hindi pwedeng sa pampublikong mga lugar ipaparada yung sasakyan
11) dapat limitahan ang bilang ng pwedeng ariin na sasakyan, mahirap kasi kung sabay-sabay ring inilalabas yung mga yun
12) dahil inaabuso yung kakayahan sa pagmamay-ari ng multiple vehicles para ma-counter ang epekto ng Number Coding System, dapat gawing same digit na yung ending ng mga sasakyan na may common na may-ari o pagmamay-ari ng isang common household
13) limitahan na rin ang bilang ng taon sa paggamit ng mga sasakyan, yung mga talagang matatanda na para dumaan pa sa mga highway ay ipakilo na
14) automatic na alisin at ipakilo na lahat ng mga hindi rehistradong mga sasakyan at mga colorum
15) alisin ang mga tao at/o ang mga negosyo ng mga tao sa mga daanan ng sasakyan
16) kailangan ng mga tao ng displina sa paggamit ng mga pampublikong transportasyon para mas mapahaba yung lifespan ng mga yun at hindi maging masyadong magastos ang maintenance

kaso sa #1 pa lang eh malaking problema na..
walang papayag na papatayin mo ang daloy ng trapiko for a very long period of time para lang subukang bumuo ng isang panibagong transportation system..
hindi rin basta-basta papayag ang mga business establishments na babawiin mo yung mga lote nila for road widening projects...

so basically..
ang mga mamamayan rin ang gumagawa ng sarili nilang mga bangungot...
feeling , tsk, tsk.. kailangan nyo talagang mag-give up ng rights para sa kaayusan...
>
this doesn't look good...

it's either totoong miyembro ng Death Squad yung tao..
o paid actor, pero from whose side...?

baka kasi may nagpi-feed ng maling information to favor their side and to provoke people to commit mistake..
worst case - to make it look like na may tangkang pagpapabagsak sa gobyerno...

kung ginawa lang yung witness para mapababa yung Presidente, then that means na magiging mahina lang yung mga ebidensya nila at mauuwi lang sa wala at pagkapahiya yung reklamo..
pero kung ginawa yung witness to make it look like na may tangkang pagpapababa sa puwesto - then malakas na maka-bida yun at hindi pa mapapatunayan...

remember yung mga naunang kaso..?
- about the rice smuggling
- about sa mga undeclared bank accounts
i'm not sure what happened to that smuggling case..
pero as for the bank accounts, they were really there - pero mukhang they only served as traps
kaya sa bandang huli, yung idol lang yung nakinabang sa lahat ng naging paratang - na parang inapi siya...
feeling , circus na kung circus sa pulitika.. basta walang gagawa ng scripted na Martial Law...
 ---o0o---


September 17, 2016...

"Pro-[Surname] ba ako o Anti-[Surname]?
Depende sa ginagawa niya. Ano 'to, fans club?"

isa 'to sa pinaka-matalinong post na nabasa ko sa social media..
ang isa kasing mamamayan na totoong concerned para sa ikabubuti ng buong bansa ay kailangang maging matalinong mapanuri..
hindi pwedeng sunud-sunuran lang parati..
hindi pwedeng nagbubulag-bulagan lang sa kasamaan o kahinaan ng sistema..
hindi pwedeng pumipili lang ng base sa kulay..
o nagdedesisyon lang ng base sa apelyido...


hindi nga naman dapat fans club ang trato sa at takbo ng gobyerno - though ganun nga yung takbo ngayon ng pulitika..
hindi naman kasi best love team ang pinagbotohan ng mga tao noong nakaraang eleksiyon..
hindi pwede yung mentality na kesyo idol ko si ano dahil astig siya, o si ano dahil disente siya, kaya parati ko lang siyang paniniwalaan - dahil hindi naman equivalent yung pagiging idol sa pagiging parating tama ng isang tao...

kapakanan ng buong bansa at ng mga mamamayan nito ang nakasalalay sa bawat desisyon na gagawin ng mga tao na nailuklok sa katungkulan..
suportahan yung mga tamang sistema..
at batikusin at iwasto yung mga mali..
kahit pa wala naman talagang boses yung mga ordinaryong tao para mapakinggan sila ng pamahalaan..
halos yun lang talaga ang magagawa ng mga mamamayan just to let them know na may nagbabantay sa bawat galaw ng gobyerno...
feeling , nakakita rin ng matalinong halimbawa...

No comments:

Post a Comment