Friday, September 16, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of September 2016 (Looks Normal)

September 11, 2016...

[Medical Condition]

i can still feel it..
pero lumiit na siya..
parang naglabas ng kung anong non-blood na fluid overnight...
feeling , magti-3 days na pero buhay pa rin.. kulang yata sa buhol...
>
nag-snap na naman ako kagabi..
sinabi na naman nung magaling kong biological mother yung mga salitang yun...

"parati ka na lang nagmamadali, parati ka na lang naghahabol sa oras, wala namang kailangang ipagmadali..
nai-stress ka lang..
wala ka naman yatang napapala diyan sa ginagawa mo...?"


bilang kapalit, ibinato ko yung cellphone niya sa bagong gawa niyang tiles..
durog - bali pa yung battery..
ilang beses ko na ring nagagawa yun..
3 cellphone na niya ang nadudurog ko dahil sa pagkapoot ko sa kanya, bukod pa yung ibang gamit sa bahay..
alam niyang trigger yung bunganga niya para sa galit ko - pero hinding-hindi siya nagtatanda...

isang palamunin lang yung demonic father ko..
tapos yung kaisa-isa kong biological parent na supposedly siya yung hindi man makakaunawa - eh susuporta sana sa mga pangarap ko..
eh siya pa yung numero unong detractor ko...

kung tutuusin, wala namang problema kung wala ni isa man sa kanila yung susuporta sa akin eh..
i'm willing to die on my own, basta ba mabilis eh..
pero kahit bigyan man lang sana nila ako ng katahimikan habang nag-e-exist pa ako..
frustrated na frustrated na nga ako eh..
andun na eh, pero binawi pa just for the sake of DOTA 2..
tapos ano..?
maya't maya pa akong bubungangaan na kesyo walang silbi yung isang bagay na ni hindi ko nga magawa..
kaya nga ako gumagawa ng paraan eh..
weekend na nga lang nakakahawak ng typing-unit eh..
pero parati pang ipapamukha sa akin na basura lang lahat ng ginagawa ko...
feeling , i might lose myself to this inner demon...
>
351 MB left..
found a new speed booster...

still has a room for 21750...
feeling , still waiting...
>
[Medical Condition]

if it doesn't die tomorrow, kakailanganin ko nang magpalit ng procedure..
taena, antagal mabulok eh...

will try to dissolve it..
hindi ako sigurado sa solution, milligrams versus milliliters eh (weight versus volume)..
pero base sa experience ko dati, 5% solution should be enough to burn some skin..
may naka-ready ng Salicylic Acid..
sana lang yun nga yung tamang percentage...
feeling , self-medication.. iko-convert ko yang medical fund sa ibang fund...
---o0o---


September 12, 2016...

[Medical Condition]

halos wala na yung flesh..
parang langib na lang..
at yung thread rin..
pero hindi pa rin sapat yung pagkamatay para madaan na lang siya sa hila..
kailangang mag-ingat, baka kasi dumugo..
wouldn't want that fluid flowing everywhere...


besides, may stalk pa rin siya..
inumpisahan ko nang banatan ng asido..
pati yung isang maliit...
feeling , loose skin yung isa sa mga condition niya, loose skin na frequent sa friction.. eh kasalanan ko bang grower-type ako...
>
another account has been talking to me lately..
ewan..
but he is starting to sound like that Happily Married Rich Old Client...

ang problema..?
it's a verified account..
meaning, kung totoo yung hinala ko, eh ganung karami ang pera niya para magpiloto ng napakaraming accounts...


isa siyang hustler...
feeling , what is he up to...?
>
[Medical Condition]

natanggal na yung langib at thread..
hindi naman nagdugo..
at buo nga yung stalk..
will let it relax overnight..
tapos bubugbugin na ulit ng asido bukas...

feeling , burning flesh...
>
[V-League]

Pizza League Finals 

nakapasok pala sa Finals ang ADMU..
not their best lineup though, walang masyadong attack variation, walang masyadong power, at bawas sila sa height..
walang powerful left(s) at malawak na attack zone..
pero mabuti at marami silang players ngayon..
siyempre si Morado eh always consistent sa mga set niya..
Morente eh nakabalik sa kabila ng naging problema niya sa grades DAW, hindi na nga lang siya masyadong cheerful ngayon sa court di tulad dati..
Gopico (if i'm not mistaken, sa Pizza League rin siya na-injury sa Rookie year niya) eh naka-recover na rin..
De Leon will temporarily cover yung spot na iniwan ni Ahomiro, habang wala pa si Madayag..
siyempre andyan din yung mga naaasahan na sina Gequillana at Tan..
Maraguinot is finally back, ang tagapagmana ng mga nilalarong zone ni Valdez..
at si Gaston, akala ko puros kulit lang siya noon, pero consistent din pala siyang maglaro at maganda ang service..
tapos may skinny na Samonte pa na madalas makakuha ng game time...


sa ngayon, mas naka-concentrate yung mga attacks nila sa mga outside hitters..
plus De Leon and Maraguinot can add 3 more variations..
so halos strong lefty at blocker lang yung nawala compared sa dati nilang puwersa...

not sure kung anong klaseng DLSU ang madadatnan sa UAAP..
pero kung hindi sila masyadong lalamang sa height, baka may konting laban sa kanila ang bagong ADMU...

for NU naman..
ewan..
pero mukhang si Coach Roger ang nagpahina sa kanila sa mga nakaraang liga.. :(
mukhang nasayang yung panahon na yun ni Pablo...
feeling , new generation...
>
[Gadget-Related]

suko na ako..
pinahirapan ako nung NCK Dongle na yun..
andami kong na-download na executables at drivers..
ayaw namang gumana..
hindi ma-detect yung phone kapag patay eh... :(

mukhang kakailanganin talagang gumastos para sa technician ah... :(
feeling , bato pa kasi nang bato ng mumurahing cellphone eh...
>
[Gadget-Related]

what the..?
sa tagal-tagal nilang magkasamang naglalaro..
ngayon ko lang nalaman na magkapatid pala sina Bea at Gizelle Tan...

sa NU ang Game 1..
hindi maganda yung change court na yun sa 5th set...

feeling , kaya naman eh...
---o0o---


September 13, 2016...

[Medical Condition]

so officially, start na ng acid treatment..
gonna burn some skin... :(

yun nga lang..
saka ko naalala na may malalapatan siyang ibang balat dahil sa posisyon o lokasyon niya..
will have to cover it with cloth then..
pero sana hindi rin naman ma-counter nung cloth yung epekto nung acid...
feeling , if you can't be normal - try to look normal...
>
[Gadget-Related]

isinakripisyo muna yung tablet para mabuhay yung isang Globe SIM..
mabuti at openline yun...

after 2 years..
nasaksakan rin siya ng SIM card...

lesson learned..
huwag bibili ng telepono na naka-SIM lock, lalo na kung sa SUN lang...
feeling , lesson learned - huwag magbabasag ng telepono na naka-openline...
>
nagkamali ako noong isipin ko na unique yung pangalan mo...
feeling , andaming kapareho sa mundo nung ibinigay mong pangalan...
>
[TV Series]

The Greatest Love

so hindi alam ni Peter na anak niya yung bunso ni Gloria na si Liezel..
mukhang patay na yung asawa ni Gloria na si Andres noong balakin niyang sabihin sa first love niya na nagkaanak sila..
pero hindi niya rin nagawang ipagtapat kay Peter yung tungkol doon noong nagkaroon siya ng pagkakataon, dahil 2 beses na pala niyang nilaglag ang first love niya..
yung una - i guess noong magpakasal siya kay Andres, yung ikalawa - hindi pa niri-reveal..
pero base sa flashback eh mukhang buntis na si Gloria noong magdesisyon siya na pakasalan si Andres (so baka may mystery din dun sa unang bata, sa panganay na si Amanda - baka purong magkapatid pa sila ni Liezel)..
bukod dun, may sariling pamilya na rin si Peter..
kaya lumalabas na parehas silang nagtaksil..
so parang sacrifice yung ginagawang paglilihim ni Gloria para hindi na siya makasira pa ng ibang pamilya...


tapos, mukhang si Peter pa yung nakabili sa balak ni Gloria na bilhin na lupa sa probinsiya nila...
feeling , mabigat din yung pinanggalingan nila na conflict, hindi pang disente na pamilya ika nga...
---o0o---


September 14, 2016...

[Medical Condition]

may naaalis na akong mga balat, not sure if related dun sa acid..
as for the stalk, it seems nag-shrink din siya...
feeling , mawala ka na, so i can pretend to be normal...
>
it seems may bago na namang retirement..
that's the 23rd..
pero irregular yun dahil nangyari sa kalagitnaan ng buwan...
feeling , what's happening with their group...?
>
[Medical Condition]

shit!
kanina ko lang naramdaman yung hapdi nung asido sa balat ko...
feeling , dissolving flesh...
>
wala rin nga pala talagang buhay ang pag-go-grocery kapag wala si Emoji-Girl... :(
feeling , hindi ko na nga mahanap ulit yung pangarap kong babae sa totoong mundo, tapos pa-break-break ka pa sa trabaho mo...
>
[TV Series]

Ang Probinsiyano

so yun yata yung dahilan kung bakit inalis na muna yung pamilya nina Glen...

bukod kasi sa sistema ng ABS-CBN nang pag-ge-guest ng iba't-ibang artista para makatulong sa industriya..
eh nagpasok nga sila ng mga bagong character na nakikilala recently, nagbigay ng break kumbaga...

pero sana may maging kompetisyon pa rin sina Maja at Yassi sa istorya na 'to in the future...
feeling , lagot na si Glen, nagsimula nang mag-play yung love song nina Cardo at Alyana...
>
[Movies] 

Train to Busan (Train to Ubusan) 

sina Coffee Prince at Rooftop Prince ally...

so speed-type yung mga zombie sa South Korea..
weakness nila eh dependent lang sila sa vision nila (which is weak in the dark), at sa sense of hearing..
wala silang heat-detection, o malakas na pang-amoy sa dugo...


ang cool ni Tough Guy (si Sang-hwa), ang tawa ko dun sa "i made that" regarding their baby.. XD
at si Sung Kyung (Jung Yu-mi), ang kaisa-isang legit chick dun sa movie eh binuntis ni Sang-hwa..
grabe! wala man lamang mala-DJ Soda ih... XD

matalino yung conflict nung split after noong first stop nila, sa station na maraming sundalo..
isa yun sa key move doon sa film..
doon nagsimula yung development nung story at ng mga samahan nila sa loob ng maiksing panahon..
dakila yung ginawang sakripisyo nina Sang-hwa, at ni Homeless Man..
maging yung hindi pag-iwan ni Rooftop Prince ally sa girlfriend-girlfriend-an niya na naging zombie eh sweet..
at brutal naman yung naging ganti ni Manang Sungit..
effective din yung naging pagganap ni Mamang Pahamak, sa sobrang dami niya kasing ipinahamak na character eh talagang naging nakakainis yung character niya...

si Coffee Prince naman, si Seok-woo, maganda rin yung naging sacrifice niya..
para turuan si Sung Kyung ng gagawin dun sa tren habang may malay-tao pa siya, para magbilin sa anak niya, tapos ang isakripisyo ang mismong sarili niya para iligtas lang yung 3 (3 yun)...

yung stop sa Busan was another key move for the film..
noong nakatanggap na ng order yung sniper para tapusin na sina Sung Kyung at Su-an, i actually thought na baka maging mala-The Mist ending yung mangyayari - na hopeless para sa mga bida, na mauuwi lang sa wala yung naging battle for survival..
pero noong kumanta na si Su-an habang inaakay niya si Sung Kyung, noon naging malinaw na it was indeed a story of HOPE...

gagawan daw ng sequel eh..
hindi naman siguro Warm Bodies concept ang gagamitin nila...?

lagot ang MRT sa zombie outbreak..
some Busan group yung may hawak ng maintenance nila sa ngayon eh..
LOL!
feeling , kung nasa South Korea si Alice na may psychic ability (Resident Evil), tapos kaagad ang problema, LOL.
>
[V-League]

wala eh..
hanggang second lang ulit ang Lady Eagles..
weakness talaga nila ang paghahabol sa puntos (iba pa yung paghahabol sa set eh)...

nawalan nga rin pala sila ng magagaling sa service para sa current lineup nila..
so bawas rin yun sa kakayahan nilang pumuntos...

lagot sila sa UAAP..
malakas na ngayon ang NU dahil hindi na si Gorayeb ang head coach ng mga yun..
UP eh lumalakas na rin..
DLSU siyempre eh may malalakas pang players..
hindi na sigurado ang Lady Eagles na makakakuha sila ng kahit na second place man lang...
feeling , end of Pizza League...
---o0o---


September 15, 2016...

lately nagre-reflect na nga sa main account ni Happily Married Rich Old Client yung personality niya para sa account niya na pang-discourage ng ibang kliyente..
kumbaga yung mga nagagawa lang niya noon na sabihin through that alternate account, sa ngayon eh siya na mismo yung nagbubulalas...

at mukhang out of control na siya..
for some reason eh mukhang malapit na siyang sumabog...
feeling , shit! huwag mo namang dudurugin yung grupo nila.. hindi pa ako tapos na mag-aral...
>
[TV Series]

The Greatest Love

so yun pala yung alibi dun..
matagal nawala si Andres (nangibang bansa yata) na umabot sa puntong inakala ni Gloria na inabandona na sila ng asawa niya..
yun yung time na parang nagkabalikan sila ni Peter kung kaya't nabuo si Liezel..
(hindi pa dini-disclose kung pamilyado na noon si Peter o hindi)...


unfortunately para sa lovers..
bumalik si Andres, at hindi pinanindigan ni Gloria si Peter (ito malamang yung tinutukoy ni Peter na ikalawang beses na nilaglag siya ng bidang babae)..
ito rin yung rason kung bakit parang galit si Peter kay Gloria...

as for Andres..
dakila rin siyang magmahal..
para protektahan si Gloria at ang kanilang pamilya, inako niya ang pagiging ama kay Liezel (alam niya na anak ito sa labas ng asawa niya)..
at base nga sa mga flashback, mukhang pantay-pantay ang naging pagtrato niya sa mga bata..
gumawa rin daw siya ng paraan para wala nang makaalam sa katotohanan na yun..
unfortunately, mukhang namatay naman si Andres nang dahil sa pagliligtas kay Liezel..
isang pinsan ni Andres ang nagbigay ng hint sa mga bata ng tungkol sa nagawang pagkakamali ni Gloria, at yun din yung naging rason kung bakit inamin na rin niya sa mga bata ang lahat...

at yun yung naging dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang pagtingin sa kanya ng mga anak niya...
feeling , fine - so it was unintentional adultery sa side ni Gloria...
---o0o---


September 16, 2016...

received another hint..
so the old guy already has 2 unconfirmed accounts..
ang ibinigay niyang alibi is that multiple users sila doon sa location nila..
pero the more important hint that he gave was - his other account is being suspected sa paggarahe kay Miss C..
and that is weird, dahil hindi kailanman naging vocal o open yung accout na yun regarding his own records, so walang sapat na basehan para ma-notice siya...

that means, other than me - eh puros mga suspected accounts na nung matanda yung pinaghihinalaan..
sa kanya nakaturo ang maraming daliri...

ang hindi ko lang alam eh kung anong binabalak niya sa mga latest na palabas niya...
feeling , nasaan ka na ba kasi...?
>
honestly, nate-tempt na naman ako sa ngayon na ipagpatuloy kaagad yung pag-aaral ko..
lalo na dahil sa recent demolition job na nangyayari...

well, hindi naman kasi yun bagay na karaniwan mong magagawa with just anyone..
na tipong magyayaya ka lang and it's good to go..
for this particular country, i think it takes pro(s) to accomplish it...


kaya naman nahihirapan na naman akong timbangin ang mga bagay-bagay..
Daz ba o edukasyon..?
if i choose Daz, baka mawala na yung opportunity ko para mag-explore kapag tuluyang nabuwag yung grupo nila, and it may still take me 3 more years just to proceed with Daz..
and if i choose to go further sa pag-aaral ko, then i'll lose my current budget, reset back to zero, and will have to wait for another 4 years before i can continue with Daz...
feeling , labu-labo na ang medical, career, budget, at time conflict...
---o0o---


September 17, 2016...

last night, pinag-iisipan ko whether to contact Miss S and Miss Jo..
as usual, ilang beses akong nag-project ng expenses just to make sure na walang magiging problema..
tapos t-in-ype ko na yung message ko for them sa Viber...

ilang oras akong nag-isip..
pero hinding-hindi ko mapindot yung button for 'send'...


then i'd look at their photos..
mahirap masabi kung ano talagang itsura nila sa personal..
but they're both chubby i guess..
yung mesmerizing eyes nilang dalawa..
pati na rin yung hindi mahi-hindi-ang assets..
sigurado ako, pagsisisihan ko na naman kapag napakawalan ko yung pagkakataon na ma-meet at makatrabaho silang dalawa... :(

kaso kasi..
if i go back to zero, that could be poison..
na baka pagsimulan lang yun ng mas marami pang problema..
ganun naman kasi ang buhay pagdating sa akin, dumadating ang kamalasan sa tuwing alam niya na nasa pinaka-ilalim ako...
feeling , ano nga bang mas mahalaga...?
>
sobrang hirap na akong gumising nang maaga lately...

noon, kaya kong gumising ng 4:00 AM kahit na minsan ay lumalagpas na sa 10:00 PM ang oras ng tulog ko..
basta there's something to look forward to, hindi ako basta-basta nakakaramdam ng pagod..
pero nagbago ang lahat simula nang mawalan ULIT ako ng Daz... :(

after that, nag-adjust ako ng gising sa 5:00 AM, na usual gising ko naman sa loob ng matagal na panahon..
past 9:00 PM naman ako nakakatulog sa gabi...

pero everytime i wake up at 5:00 in the morning, parati akong napapaisip - bakit pa ba ako nagmamadali..? ano pa bang magagawa ko kung gigising ako nang ganitong kaaga..?
wala na akong kakayahang mag-aral..
tapos babalik na ako sa pagtulog..
mag-a-alarm yung phone ko by 6:00 AM, pero ganun pa rin ang tanong ko sa sarili ko, at babalik din kaagad ako sa pagtulog..
hanggang sa mag-alarm na yung phone by 7:00 AM, at saka lang ako tuluyang babangon...

ganun din tuwing hapon..
halos automatic na pagpatak ng 1:00 PM ay inaantok na ang katawan ko..
hindi kagaya kapag may goals ako - kaya kong manatiling gising nang buong araw..
yung paggo-grocery at pag-o-audit ko na nga lang yung tanging panlaban ko sa antok eh, pero hindi ko naman yun araw-araw ginagawa...

lagpas isang buwan na rin simula nang matigil ako sa pag-aaral ng Daz..
and i'm hating life and FATE more and more sa bawat araw na lumilipas...
feeling , curse, curse, curse...
>
[Medical Condition]

so halos wala na yung bakas nung stalk..
sobrang liit na umbok na lang ang meron, less than a millimeter..
mukhang nag-retract rin siya ng kusa..
at yung mga huli kong application ng Salicylic Acid eh talagang ramdam ko na..
lusaw ang mga cells ko...


pero hindi pa tapos..
kailangan ko pa rin siyang obserbahan sa mga darating na araw..
if it's true na contagious-type siya gaya nung sinabi nung Urologist, then posibleng kumalat yun dahil dun sa naging excretion nung fluid..
pero kung hindi naman siya contagious gaya ng naging assumption nung Dermatologist na base sa history ko, then wala na dapat maging problema...
feeling , sa ngayon ang importante eh makakapagpanggap na ulit ako bilang isang normal na lalaki...

No comments:

Post a Comment