Friday, September 23, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of September 2016 (RION)

September 17, 2016...

[Games]

Jane Wilde

Jane Wilde-ing...
bored eh..
kaya namamaslang na lang ng mga aswang habang nagja-juggle ng 2 melon, haha... XD

it's a side-scrolling shooter (Android) game..
where players play the role of a voluptuous, blondie cowgirl who is good at slaying evil monsters..
she gets beheaded whenever she's killed by the enemies (don't expect some ryona twist here)...

 
(Sheriff Jane Wilde)


(this is how she looks like inside the game environment)


(this is her after you finish the game, she's only wearing a corset, while letting her clothes dry)


(implied nudity, this is not an image from the game, i guess it's a promotional artwork, it seems she appeared in some sort of magazine)


(and another sexy magazine pose)

NOTE: the copyright for all the images featured above belongs to their respective creators...

it's quite an easy game..
and i immediately retired as soon as i was able to buy her Iron Maiden costume which grants her 60% more Hit Points...
feeling , hindi time-based...
---o0o---


September 18, 2016...

[Medical Condition]

yung pakiramdam nang nag-apply ka ng Salicylic Acid sa tamang lugar - tapos lumapat naman sa normal na balat mo..
aw!
feeling , ambilis malusaw...
---o0o---


September 19, 2016...

it's my last week to decide..
posibleng pagsisihan ko kung anuman ang mangyayari sa pagpasok ng October...

i still have 4 to 5 major classes to attend..
at 3 to 6 minor classes din..
nasa Php 101,500 plus yung tuition...


if nothing happens this Monday, Wednesday, and Saturday - then that means na kailangan ko nang isuko na lang ang lahat...
feeling , ang daming kailangang pag-aralan...
>
[TV Series]

haha, ang galing ni Jodi sa Minute To Win It...

pero ang mas importante..
4-day exposure 'to para kay Abby Poblador (in-assume ko na na hindi siya magiging daily winner), ang babaeng kahawig ni Miss H.. <3
4 days lang kasi battle of winners this week eh... :(
feeling , malabo ang TV5 namin eh...
---o0o---


September 20, 2016...

[Games]

after kong mag-retire sa Clash Royale, hindi naman talaga ako tumigil sa pag-o-open nung app..
tumigil lang ako sa labanan dahil yun ang time-consuming at abala na sa buhay..
pero matapos nga ang retirement ko eh every 4 hours at 8 hours ko pa ring binubuksan yung game for rewards..
hindi naman kasi masyadong abala kapag ganun, dahil halos wala pang 3 minutes ang nakokonsumo para makumpleto yung mga task..
at kahit na hindi na ako seryosong naglalaro eh napapalakas pa rin ng ganung proseso yung deck ko kahit paunti-unti lang...


unfortunately..
nagkaroon ng update para dun sa app kahapon..
at hindi na sapat yung storage space ng phone ko para ma-accommodate yung game..
kaya naisip ko na burahin na muna yung app, tapos saka na lang ulit i-download..
kaso hindi pala niya nade-detect yung Google Play account nung player..
kaya nag-back to zero yung progress ko after ng re-installation..
binura ko na lang tuloy nang tuluyan yung game dun sa 2 phone...
feeling , absolute retirement...
>
[Cuties 18+]


si Shion Utsunomiya o Rion..
hindi na siya bago para sa kaalaman ko, since matagal ko na rin siyang nadadaanan sa mga JAV idol database..
pero lately ko lang na-realize na totoo nga pala yung figure niya...


madalas kasi sa JAV industry yung paggamit ng blowup technique para sa mga video cover nila..
photo editing rin para mas mapaganda at mapakinis yung mga talents nila..
at madali lang yung mapansin kapag kino-compare na yung actual size during scenes at yung size sa cover..
at hindi pala necessarily ganun sa case ni Shion Utsunomiya - dahil legit siya..
hindi naman ako nagha-hunt nung mga mala-Hitomi Tanaka na size dahil sobra-sobra na yung ganun kung ako ang tatanungin..
pero yung size, proportionality, positioning, at color nung kay Shion eh almost perfect, pwede ng Japan's best, sa type na lang medyo nagkulang..
at cute rin naman siya with a slim body...

ang problema ko lang sa Japan at sa mga Haponesa..
first would be the censorship, dahil sinisira talaga nun yung sining..
second would be the love for high heels; although kasi marami naman silang talents at promotional images na nagpapakita ng magagandang taste sa heels - eh hindi nila yun nai-incorporate during actual scenes, madalas bare foot sila kung mag-perform, at kung may heels man eh classic pointy pumps lang madalas yung ginagamit nila for some reason..
third would be the audio, para kasing paiyak parati ang mga Haponesa during scenes - maingay sa pandinig, di tulad sa mga Western at some locals na masarap at musika sa pandinig..
pero mataas ang antas nila in terms of tongue-play...

kaya naman hirap akong makahanap ng collectible item mula sa Japan...

here's my updated list for JAV Idols:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2016/01/cuties-abby-poblador-japanese-adult.html
feeling , kailangan nilang matuto sa West...
>
[TV Series]

The Greatest Love

so inaanak pala ng Mayor si Andres noong kapanahunan nila..
medyo nakakagulat lang na ganun pala ang ugali ni Andres..
hindi kasi mabakas sa personality niya noong asawa na niya si Gloria na may ganun siyang background..
sa halos lahat kasi nang naipakita ng traits ni Andres bilang isang ama; responsable, mapagmahal, magandang ehemplo, at handang magsakripisyo para sa pamilya - eh hindi mo aakalain na may bad side siya..
well, may mga tao naman talaga na iba ang pakikitungo sa mga taong mahal nila..
pero ayun nga, nakakagulat na siya pala yung tipo na gumagamit ng impluwensiya, ng apelyido, mayabang, at ipinagulpi pa si Peter noon sa loob ng kulungan...

feeling , paano nga kaya niya nakuha si Gloria...?
>
[Medical Condition]

stop muna sa acid treatment..
paghihilumin muna ang damaged skin at pagpapantayin ang kulay...
feeling , para hindi na kailanganin ng surgeon...
>
[Public Interest]

ingat Japan..
lalo na si Oda..
hindi dapat masira ang mga World Treasure...
feeling , buti pa ang Japan, matatag kahit na bagyuhin at tsunami-hin...
>
[TV Series]

natawa at medyo naawa naman ako dun sa peasant na kalaban ni Abby Poblador kanina sa titigan..
hindi sila makalapit nang husto sa isa't isa dahil sa bumpers ni Abby...
feeling , pero maswerte pa rin siya...

---o0o---


September 21, 2016...

so there was no 23rd retirement..
kahit nga yung 22nd eh hindi pa naman daw official eh..
reclassification lang ang nangyari..
bumuo sila ng panibagong division...

bad influence 'tong si Abby Poblador..
nami-miss ko tuloy si Miss H...
feeling , hangry...
>
[TV Series]

hindi pala magaling mag-suck si Abby Poblador ih.. <3
mag-suck ng milk candy gamit ang straw... XD
feeling , disappointed, LOL!

---o0o---


September 22, 2016...

1) kumusta na daw yung pag-aaral ko..?
- malamang walang nangyayari, nasa Batangas na yung computer eh, hindi naman kagaya ng Daz ang Turbo C na pwede pang idaan sa imagination lang ang mga pagsasanay...

2) ano daw ang plano ko..?
- edi subukang pag-ipunan yun for the next 3 years...

3) eh ilang taon na daw ako kapag natapos ko yun..?
- malamang matanda na...

4) balak na daw nilang isama yung biological mother namin kapag lumipat na sila ng bahay, para gawing yaya ng anak nila.. kasama yung pension nung matanda, so maiiwan ako dito sa bahay kasama ng Demon King of Slavery.. wow! at ako pa ang magiging yaya nung demonyo..? ano daw ang balak ko para mabayaran ang mga gastusin sa bahay...?
- magandang tanong.. edi hihinga lang hangga't kaya ko pa...

everytime na nakakakita ako ng paraan para lumaban sa buhay, kaagad niyo ring binabawi sa akin yung pagkakataon na yun..
tapos balak niyo pang ipasa sa akin lahat ng responsibilidad sa bahay..
haharapin ko ang kamatayan kung kailan siya available - yun na yung desisyon ko...
feeling , giving up is an option...
>
Tiffany pala yung pangalan nung room...
feeling , hehe...

 ---o0o---


September 23, 2016...

[Movies]

The Swimmers

isang Thai psychological-horror film..
psychological dahil parang hindi naman talaga totoo yung mga paranormal things na nangyari dun sa movie, bagkus parang produkto lang siya ng hallucinations dahil sa guilt nung main actor...

tungkol yung istorya sa isang napaka-iresponsableng binata, si Perth..
isa siya sa top swimmers sa school nila, at parang second best lang dun sa kaibigan niyang si Tan..
madalas magsanay si Perth, samantalang laging number 1 si Tan kahit na hindi ito mahilig mag-practice - though hindi niya naman kaya na magtagal sa ilalim ng tubig..
may girlfriend si Tan, si Ice, at nagkagusto dito si Perth..
base sa edad ni Tan na 17 y/o, siguro mga teenagers silang 3 na nasa ganung age bracket...

namatay si Ice at inakala ng marami na isa yung suicide case..
lumalabas na isang gabi, tumalon siya sa pinakamataas na diving platform sa school swimming pool nila habang walang tubig yung pool..
si Tan naman ay sinubukang alamin kung ano talaga ang nangyari sa ex-girlfriend niya, ang assumption niya ay lalaki ang dahilan ng nangyari kay Ice...

unti-unting na-reveal yung mga pangyayari sa past habang hina-haunt si Perth ng mga nagawa niya..
sa Inbox ni Perth sa Facebook, makikita ang mga private na palitan nila ng messages ni Ice, andun rin ang isang video kung saan inamin ni Perth sa babae na gusto niya ito, sa kabila nang pagiging magkarelasyon pa rin nina Ice at Tan sa panahon na yun..
dumating yung point na parang napapabayaan na ni Tan si Ice, kaya kay Perth napalapit yung dalaga, at eventually nga ay naging palihim silang magkarelasyon..
in short - sinulot ni Perth ang girlfriend ng kaibigan niya..
gusto sanang ipaalam ni Ice kay Tan yung totoo, pero sinabi ni Perth na saka na kapag tapos na ang competition nila sa swimming, para hindi naman ma-distract ang pinakamagaling niyang karibal dun sa sport...

tungkol rin sa kapusukan ng mga kabataan yung istorya..
nadala ni Perth si Ice dahil sa mababango niyang pangako, na kesyo pananagutan niya si Ice kung sakaling mabuntis niya ito..
after mamatay ni Ice, lumalabas rin na nakikipag-sex pa rin si Perth ng live sa mga nakakarelasyon niya..
at balik sa nakaraan, nakuha nga ni Perth ang loob ng babae at nabuntis niya ito...

natakot si Ice dahil mga bata pa sila..
si Perth naman ay saka inamin na hindi pa siya handa na maging isang ama..
kaya naisip niyang ipalaglag yung baby..
pinainom niya si Ice ng gamot na nabasa niya online, at nalaglag nga ang anak nila - isang anak na nabuo lang out of lust, at hindi out of love..
ito yung rason kung bakit naisip ni Perth na binuntis siya ng multo o espiritu ni Ice - parang isang lalaking seahorse, dahil lumalaki na yung tiyan niya...

si Tan naman, naisip na posible siyang makakita ng clue sa Facebook ni Ice..
sinubukan niyang hulaan nang hulaan ang password ng ex-girlfriend niya, hanggang sa maisip niya na baka yung characters sa bracelet nung dalaga ang password nito..
at tama nga siya..
nabuksan niya ang Facebook account ng ex-girlfriend niya at nabasa ang mga private messages ng dalawa ni Perth..
at the same time, pinasok ni Perth ang bahay nina Ice para i-recover ang Facebook account sa laptop nito (dahil hindi sila nagla-log out) at burahin ang mga conversations nila..
bago pa mapanood ni Tan ang video ni Perth ng pagtatapat kay Ice, ay tuluyan na ngang nabura ni Perth ang record ng conversations nila..
pero nagkaroon na ng idea si Tan sa kung ano ang nangyari...

nang dumating sa punto na inakala ni Perth na ipapanganak na niya ang baby ni Ice, nagdesisyon siya na saksakin ang tiyan niya..
nagising na lang siya sa ospital, at base sa findings ng doktor eh lumobo yung tiyan ng binata dahil sa fluid..
isa daw yung sakit na posibleng nakuha niya dahil sa pakikipagtalik...

nakagawa naman ng paraan si Tan para mailabas si Perth sa ospital at dalhin ito sa diving platform sa school swimming pool nila..
hindi naniniwala si Tan na nag-suicide ang ex-girlfriend niya dahil sinabi nito na pupuntahan niya si Tan noong gabi kung kailan siya namatay..
naalala ni Perth kung paano niya aksidenteng napatay si Ice..
nagkita sila noon sa lihim na tagpuan nila sa school, at ipinaalam ni Ice na babalikan na niya si Tan..
kahit sobrang naging iresponsable ni Perth, matapos ang lahat ng nagawa niya sa dalaga, ay ayaw pa rin niya itong pakawalan..
dahil sa puwersahan niyang pagpigil kay Ice, aksidenteng nag-slide yung ulo o leeg nung babae sa isang wheel mechanism na ginagamit doon sa swimming pool area..
i believe namatay na noon si Ice..
pero para pagtakpan ang nangyari, iniakyat ni Perth ang katawan ng babae sa tuktok na diving platform, at inilaglag sa walang tubig na pool para palabasin na suicide ang ikinamatay niya..
yun pala yung dahilan ng guilt na nararamdaman niya para kay Ice at sa kanilang naging anak sana...

balik sa kasalukuyan..
balak ni Tan na bigtihin si Perth sa mismong diving platform kung saan namatay daw si Ice..
pero nakakuha ng lakas si Perth para tumakas, at umabot sa swimming pool ang labanan nila..
ilang ulit sinubukang lunurin ni Tan si Perth, pero hindi sapat ang kakayahan niya para magtagal sa ilalim ng tubig - ang tanging advantage ni Perth laban sa kanya..
at dahil dun nabaliktad ang sitwasyon nila, at si Tan ang nilunod ni Perth..
nang lumabas ang balita tungkol sa pagkamatay ni Tan, lumalabas na parang nag-suicide daw ito, nagpalunod sa pool habang may nakataling weights sa mga paa niya..
posibleng dahil daw sa breakup nila ni Ice kung kaya't nagawa niyang mag-suicide sa mismong pool kung saan namatay rin yung dalaga...

at sa ganung paraan nga natakasan ni Perth ang hustisya..
sa last scene, naging champion na si Perth sa swimming - isang bagay na hindi niya magagawa hangga't nandun si Tan..
sa awarding ceremony, maluha-luha siyang napatingin sa diving platform kung saan niya inihulog si Ice, at nakita pa niya ang duguang multo ng babaeng hindi niya nagawang panindigan..
tapos naalala niya yung eksena kung saan magkakasama pa silang 3, tumalon si Ice doon sa diving platform, at si Tan ang nag-angat sa kanya sa tubig - at nagkasiyahan pa sila..
alaala ng isang binata na pumatay sa ex-girlfriend at sa kaibigan niya, at ng isang binata na pinagtakpan lang lahat ng mga kasalanan niya...

medyo disturbing yung ending nung istorya, dahil walang hustisya na nakamit..
but it was a great ending in terms of movie arts...

ang lesson nung istorya..?
huwag kang papasok sa mga sitwasyon na hindi mo naman kayang panindigan - dahil baka bangungot ang dalhin nun sa'yo...
feeling , grabeng mga kabataan yan...
>
[Manga]

feeling , minus 1 week.. isang genetically modified organism si Sanji, mukhang late bloomer siya.. pero paano nga kaya nila maililigtas sina Zeff...?
---o0o---


September 24, 2016...

[Games]

balik naman sa Army of Darkness Defense...
feeling , para hindi naman nasisira ang screen...

No comments:

Post a Comment