Friday, September 30, 2016

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of September 2016 (Back to Her Work)

September 25, 2016...

this could be heartbreaking..
hindi pa naman confirmed..
pero nakalista na ulit yung pangalan niya sa part-time group nila...

naman!
ano kayang nangyari..?
mahigit 2 months lang yung nakalipas...


i didn't wish na bumalik siya..
gusto ko lang makasigurado na safe siya...
feeling , bakit ka pa bumalik sa industriya...?
---o0o---


September 26, 2016...

confirmed..
siya nga yung bumalik..
at hindi ko maintindihan yung pakiramdam..
parang ambigat sa loob ko... :(

when she told me noon na plano na niyang mag-retire para magbagong buhay - naisip ko na hindi ko siya dapat pigilan dahil yun ang totoong makabubuti para sa kanya...

but then, bago pa yung retirement niya, a stupid guy gave a hint na hindi siya nagretiro bagkus ay pumasok lang siya sa isang exclusive agreement..
and of course - that made me worried, dahil na rin sa natuklasan kong pagkatao nung matandang mahilig na yun...

tapos after more than 2 months, eh nandito na ulit siya - kaagad..
i don't know..
hindi siguro ako dapat naniwala na makakaya nga niyang magbago..
i guess ganun talaga kapag na-expose na ang isang babae sa ganung klase ng kalakaran..
yung madaling pasok ng pera sa bawat konting oras na lumilipas..
at yung klase ng mindset na kesyo "nagawa ko na naman 'to noon, kaya wala nang mawawala sa akin"..
yun siguro yung dahilan kung bakit nagagawa pa rin ng mga babae na magpabalik-balik sa loob ng industriya...?

and i just feel so hopeless and useless..
she's the only reason kung bakit ko nararamdaman 'to..
kapag siya na ang pinag-uusapan, halos automatic na na pinagsisisihan ko lahat ng mga maling desisyon ko sa buhay..
na sana naging ordinaryong tao na lang ako - para sa kanya..
gusto ko na ako yung makatulong sa kanya para makaalis na siya sa ganung uri ng pamumuhay..
gusto ko siyang suportahan..
gusto kong mag-focus sa kanya at bantayan siya hanggang sa tuluyan na niyang maalis sa kanyang sistema yung madilim na bahagi ng buhay niya...

pero wala akong magawa..
pakiramdam ko it was meant na sa ganitong paraan kami magkakilala..
isang babae na naging biktima ng kapabayaan..
at isang walang kuwentang lalaki na nanlilimos ng pagmamahal - or anything na halos katumbas nun..
at doon na rin magtatapos yung kuwento - sa wala...
feeling , anong dahilan mo, bakit bumalik ka pa...?
>
gathered 5 additional components..
nagkaka-problema sa mga speed booster from time to time, pero naaayos din naman...

173 MB left..
halos nasa limit na rin ako para mawalan ng space yung 21750...
feeling , bullsh*t! i need some massive amount of luck...
>
Daz, mukhang kailangan kong mag-sorry sa'yo..
alam kong matagal na kitang nade-delay..
pero kailangan kong makita ang babaeng yun..
tutuktukan ko yun kahit sa huling pagkakataon..
gusto ko ring malaman kung anong ginagawa sa kanya nung lalaking yun...

kakailanganin ko ng at least Php 16,000 para ma-meet siya with Miss H..
i know that's greedy, pero wala talagang kakaiba sa one-on-one lang..
besides, that's one of my ultimate goals...

so if wala talagang mangyaring mirakulo o divine intervention hanggang December..
mapipilitan na naman akong mag-convert ng pondo...
feeling , bad influence...
---o0o---


September 27, 2016...

[Lottery]

49,16,27,24,28,35

24 lang ang wala sa pool ko..
last Saturday 'to..
according sa cotejo, nasa 5 lang ang winners ng 2nd prize noon, worth Php 153,130..
so mga nasa Php 120,000 plus sana kung nakasama ako... :(


may desktop na sana akong pang-3D..
at may pambayad pa sana ako sa tuition... :(
feeling , kailan kaya ako makakatikim ng swerte...?
>
[Movies]

Independence Day: Resurgence 

so naging almost unified ang mga tao sa Earth after the first invasion (something na dapat ginagawa talaga ng mga mamamayan ng mundo ngayon)..
okay yung paggamit ng alien technology to improve the existing human technology..
moon base..
wormhole travel ng supposed ally ng sangkatauhan, using their version of Noah's Arc..
nauna nga lang magpaputok ang mga tao, pero mabuti at wala naman palang sakay na may buhay yung alien ship na yun...


mabuti yung may Asian cutie sila sa cast, si Angelababy as Rain Lao..
though mas napaliit pa this time yung pagbibigay ng focus nung movie sa pagtutulungan ng iba't ibang nasyon...

pagdating ng totoong kalaban - ang mga Harvesters, ng molten core ng mga planeta para gamitin bilang energy source..
ayun, walwal ang trillion dolyar na weapon sa buwan at maging ang orbital defense system..
ano bang inasahan nila, eh sa kanila nga galing yung technology na yun..
"peed on your pants?", "yeah!", "me too!" - LOL...

nakakalungkot na may mga dating survivors na hindi na nagawang mabuhay this time..
yung asawa ng character ni Will Smith..
si Mr. President naman gumawa ng ultimate sacrifice para sa wala...

yung mga treasure hunter sa dagat na pinagkakitaan ang pagtulong sa pagsagip sa mundo..
pero pinaka-astig pa rin si Old Man Levinson, parang nagpi-fieldtrip lang sila habang sinasakop ng mga aliens ang mundo...

hanggang sa na-reveal nga yung pakay nung sphere..
na na-involve na ang sangkatauhan sa isang intergalactic war laban sa mga mapaminsalang uri..
at na ally nga ng mundo ang nauna nang pinabagsak ng moon base...

muli, nagamit na naman yung agaw-spacecraft teknik from the first film..
at naging maliit yung saklaw ng final battle sa pagitan ng 2 nakaw na spacecraft at ng biomechanical suit nung Queen...

at dahil sa tapang ng uri ng mga tao, naimbitahan pa nga ang sangkatauhan na pamunuan ang Resistance laban sa mga Harvesters...

well..
tama naman yung review ng mga critics, na kulang sa emosyon at pagiging realistic yung movie..
na parang medyo relax pa yung cast para sa isang istorya tungkol sa invasion..
halos parang adventure na shooting game nga lang yung dating niya eh..
pero dun din kasi nanggaling yung courage at hope...
feeling , maliit nga ang kita.. but it deserves a 3rd film...
>
[TV Series]

The Greatest Love

bale confirmed na masamang tao nga si Andres noon..
i guess naging mabuti lang siya noong nagka-pamilya na siya...


mabigat nga pala yung dinadalang sikreto ni Gloria..
biktima kasi siya ng rape - ng naging asawa niyang si Andres..
at sa mismong dark room ng studio ng bahay nila naganap yung paglapastangan sa kanya, habang maingay sa labas ng shop nila..
kaya produkto ang panganay nilang si Amanda ng pang-aabuso at hindi ng pagmamahal..
pero pinanindigan ni Gloria yung bata sa halip na ipalaglag yun..
pinanindigan naman ni Andres sina Gloria at ibinigay sa kanila ang kanyang apelyido...

mukhang sila yung tipo ng mga tao noon na nagpapahalaga sa dangal, reputasyon, at pangalan..
kaya naman pumayag na rin si Gloria na magpakasal kay Andres (sa kagustuhan na rin ng tatay niya)..
si Liezel naman eh produkto nga ng maling pagkakataon..
that's probably the same reason kung bakit nila piniling ilihim ang lahat at mabuhay sa pagpapanggap - para sa reputasyon ng kanilang pamilya..
mukhang hindi rin maamin ni Gloria sa mga bata na biktima siya ng rape ng mismong taong pinakasalan niya, para protektahan yung pagtingin ng mga anak niya sa tatay nila..
ganun siya kabuting tao...

at base sa mga development sa kasalukuyan, eh mukhang tama naman ang naging desisyon ni Gloria..
sina Amanda at Paeng kasi yung tipo na mataas ang pagtingin sa kanilang ama, na mali ang tingin sa pagiging anak sa labas ng isang tao - kaya hindi nga nila basta matatanggap na nagsimula ang pamilya nila sa isang pagkakamali - sa pagbaboy sa puri ng isang babae...

si Peter naman eh mukhang biyudo na..
at mukhang hindi niya naibigay yung buong pagmamahal niya sa babaeng pinakasalan niya dahil sa naging trauma niya kay Gloria..
i'm not yet sure, pero parang hindi kapangalan nung character ni Regine Angeles yung nakasulat sa lalagyan ng abo..
hindi pa rin nadi-disclose kung nagka-anak si Peter..
pero dahil dun, baka magkaroon pa rin sila ng happy ending ni Gloria sa istorya na 'to...
feeling , lusot na nga yung script.. maganda nga yung istorya niya...
---o0o---


September 28, 2016...

[Movies]

Teenage Mutant Ninja Turtles: Out of the Shadows 

hindi na talaga nabago yung title nito, and they only have 7 years ng pagiging teenagers...

not a fan of Megan Fox sa Transformers movie series..
pero kailangan ko nang aminin na paganda nang paganda ang detalye niya..
hot would be the term to best describe her..
beyond human na yung quality niya, pang-deity na...

i haven't seen the first movie...
mahilig na ngayon ang Turtles sa NBA, at doon pala sila nanonood kapag may game sa New York...

ibang-iba sila sa mga lumang movies nila..
si Raphael eh mas developed yung body, at brute type..
well, siya naman talaga yung best character sa Family Computer game noon..
parang ngayon ko lang na-encounter yung Falcon character..
at ngayon ko lang nakita na ginamit nila yung shelter-mode na kakayahan ng mga pagong, doon sa scene sa falls...

si Krang eh ngayon lang yata na-feature sa movie, at alien siya..
bukod pa yung nilalabanan niya si Shredder..
though parang tanga yung concept niya ng modular battleship, despite na may teleportation technology naman siya..
si Bebop at Rocksteady ay ngayon rin lang pala lumabas bilang mga mutants, at alien technology ang may gawa nun sa kanila..
mukhang si Krang rin at si Shredder ang kalaban sa 3rd film...

ngayon rin lang yata mas nabigyan ng highlight yung issue ng racism (in a whole new level) for this story..
naiyak ako noong kinatakutan sila ng mga tao sa police station, tinawag silang 'monsters', tapos andun yung fear at hatred at panghuhusga..
compared sa mga lumang movies nila at sa mga cartoons, ito na siguro yung may naipakitang malalim na emosyon - ng paghahangad sa acceptance mula sa ibang uri...

in short..
antakaw sa computer graphics ng movie na 'to...
feeling , better than the old versions...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

correction #1: sa studio lang pala na-rape si Gloria, hiwalay pa yung photography studio nila sa mismong bahay nila

correction #2: isang option lang pala para sa Tatay ni Gloria na ipakasal siya kay Andres para maiwasan na mapag-tsismis-an ang anak niya, pero tutol talaga siya sa ideya na ibigay ang kamay ng anak niya sa lalaking gumahasa dito, kaya hindi niya hiniling kay Gloria na gawin yun

grabe yung marriage proposal ng isang rapist..
parang nakakakilabot na makasaksi ng ganun sa totoong buhay..
isang babaeng binaboy ang puri, tapos aalukin ng kasal ng mismong rapist niya..
sobrang nakakababa siguro ng pagkatao yun para dun sa babae...
feeling , ang mga sacrifices na kapalit ng kahihiyan, reputasyon, pananalig at takot sa nasa itaas, at pamilya...
---o0o---


September 29, 2016...

i'm dead..
mukhang mararanasan ko na naman yung bagay na yun..
that thing na naranasan ko dahil sa HSBC na yun noon...

hindi nakabuti yung renovation ng bahay...

the thing is, nag-allocate yung matanda ng Php 100,000 for the project..
at yung biological brother ko naman shouldered something more than Php 40,000..
pero ang problema..?
inutay-utay nung matanda yung pera para magbayad ng ibang obligasyon niya - bank loans, cooperative loans, burial plan, tuition fee, even daily needs..
dumagdag pa sa gastos yung mga aksidenteng nasisirang salamin sa mata dahil hinihigaan ng iresponsableng may-ari habang natutulog, at bayad sa boarding house..
tapos yung weekly allowance na Php 750 suddenly went up to Php 1,200..
at walang scholarship yung bobong nilalang na yun para suportahan man lamang yung pag-aaral niya...

ang masama pa nito..
dahil hindi makuntento yung matanda sa renovation, eh pinuwersa para lang magkaroon ng presentableng finish - presentable para sa mata ng ibang tao..
kaya sumobra na nang husto sa allocated budget...

bilang kabayaran, for the first month after ng renovation..
kulang yung monthly budget ng bahay ng Php 3,000..
and yet hingi nang hingi sa akin ng pera yung matanda na parang ako si Jesus na kayang i-multiply kung anuman yung nasa akin..
and it will only get worse, dahil domino effect na 'to..
yung mga kakulangan for a certain month will be shouldered by loans..
then sa susunod na buwan, yung kakulangan plus yung loan will be shouldered by another greater loan...

so heto ako..
para medyo makatulong na maiwasan nung matanda na mabaon na namang muli sa mga nagpapatubong utang..
i am forced to lend her yung pera ng blood aunt ko sa business niya (they are sisters by the way)..
that way, mai-eliminate man lamang yung mga tubo..
pero inilalagay ko naman yung sarili ko sa alanganin at stress at kahihiyan - in case na kailanganin na yung mga nawawalang pera sa business..
it's never easy na humarap sa mga kliyente at magbigay ng palusot na kasinungalingan kung bakit hindi ko mai-release yung pera nila na supposedly andun na at pipirmahan na lang nila...

at lahat ng 'to eh dahil lang related ako sa mga impraktikal na tao na hindi kayang lumugar sa kung ano lang ang lebel nila...

son of a bitch - yeah! that's me...  :(
feeling , i know it's my curse.. pero hayaan nyo man lang akong kausapin ang Facebook ko...
>
lumabas na ulit yung 21750..
kaso for some strange reason na universe lang ang nakakaalam..
lahat ng posibleng speed booster eh sabay-sabay na ayaw gumana nang tama...
feeling , don't stop me...
---o0o---


September 30, 2016...

finally!
nakakuha rin ako ng kopya ng body sculpt niya...

pinahirapan ako nun ah..
used a tablet in downloading a winrar file..
kinabahan pa ako dahil hindi ma-recognize nung android yung tamang file type..
tapos kache-check lang kani-kanina..
nag-test extraction..
at mukha namang ayos yung file...

feeling , maghihintay na lang ng 3 years para masubukang i-run...
>
[Manga]
feeling , minus 1 week.. back to zero si Ippo.. at may puso si Ate Reiju, mukhang may ally ang Straw Hat Crew sa katauhan niya...
>
[TV Series]

The Greatest Love 

sa kagustuhan ni Gloria na ilihim na lang ang lahat, ayun at mabubura na nga lahat sa memorya niya nang tuluyan..
dahil sa stress at siguro dahil na rin sa kaiiisip sa mga lihim niya, maaga siyang nagkaroon ng symptoms ng Alzheimer's or the likes..
wala pa siyang 60 y/o, hindi pa senior citizen..
at sa 59 plus eh nagsimula na ngang ma-develop ang sakit niya...


si bestfriend Lydia na lang ang magiging susi kapag nagkataon...
feeling , first TV series na magpapakita ng development ng Alzheimer's Disease...


No comments:

Post a Comment