Saturday, May 31, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of May 2025 (Curse of the Level USD 500)

Loveless Story


May 24, 2025...

[Gadget-Related]

yung bluetooth, hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw gumana ng file transfer mula sa Nokia ko...

nakapag-install na ng CBR reader ko para sa comics..
ngayong araw ko lang napansin na wala pala akong office, kaya nilagyan ko na rin ng libreng WPS Office...

ayos na ang Personalization..
kasama na dun ang Start menu..
after this, aayusin ko na muna 'tong primary notes ko para magtanggal ng mga bagay na hindi ko na kailangan...

is feeling , tuluy-tuloy lang...

---o0o---


May 25, 2025...

[Gadget-Related]

nakapag-ayos lang ng Taskbar kanina...

panibagong challenge..
posible palang magkaiba ang file size in bytes ng parehas na file sa HDD at SSD..
hindi ko rin alam kung paano nangyari iyon..
kaya naman hindi ko pwedeng gamitin yung file size na basehan ng paghahanap ng possibly corrupted files mula sa dati kong hard drive..
anyway..
na-check ko na yung installers ko..
pati lahat ng secondary files...

is feeling , naalala ko ang sakit sa mata ng pagtse-check sa bawat files...

---o0o---


May 26, 2025...

[Gadget-Related]

ang isang panggulong feature ng Windows 11 ay yung Related Settings..
dahil inilalabas nila ang user mula sa isang category o menu..
kaya kung mas gusto ng user na mag-ayos ng settings in order, then mas maganda na huwag i-click yung Related Settings...

nakagawa na ng copy at na-check na yung financial files ko..
tapos na din yung files na under review..
kaya naman primary files at my documents na lang ang kailangan kong i-check..
bago ko tuluyang maasikaso yung 3D software...

is feeling , libu-libong files pa ang dadaanan ko...

---o0o---


May 27, 2025...

[Gadget-Related]

nakatapos na sa pagkopya at pag-check ng My Documents..
kasama na doon yung 3D at AI projects ko..
last folder yung primary files..
bago ako tuluyang makapag-ayos ng 3D software...

is feeling , libu-libo pang files ang iche-check ko for corruption.. pero sana naman ay wala...

---o0o---


May 28, 2025...

so pumalpak yung pagdaan ko sa wire transfer..
para sa kita ko sa Google..
USD 2.50 lang ang fee para sa USD check deposit..
at mahal na 'yon kung tutuusin...

pero nasa USD 20 pala ang fee kapag wire transfer..
may kaltas silang USD 15..
tapos kung ano man yung amount na papasok sa USD savings account ay kakaltasan pa ulit ng USD 5..
kaya pala hindi sinasagot precisely sa e-mail yung mga tanong ko..
buong akala ko na USD 5 lang ang ibabawas sa akin..
hindi na kako masama, kumpara sa pagtatago ng postman sa mga sulat para sa akin..
pero hindi ko inasahan na mas bangungot pa pala ang napasok ko..
namigay ako ng nasa Php 1,100 nang basta-basta na lang... 🙁

is feeling , balik sa tseke...


>
[Gadget-Related]

nai-move at na-test na yung majority ng video files ko..
pero panay skip lang sa test dahil wala naman talaga akong oras para manood nang manood..
nakapag-asikaso din naman ng iba pang folders...

is ⚠ feeling , sumasakit ang ulo ko sa mga nakukuha kong sagot sa forum.. parang palpak na naman ako...

---o0o---


May 29, 2025...

supposedly..
8 years na ako sa 3D graphics..
sa paggawa ng comics ko..
kung hindi lang sana ako natigil nang lagpas 2 taon... 🙁

is feeling , tumigil na sana ang pagbuhos ng mga problema...


>
[Gadget-Related]

nag-download na ng NVIDIA driver na potentially ay mapapagana ang Iray rendering sa Windows 11..
at compatible din sa GTX 1650 ko..
hindi ko lang sigurado kung supported ba nila yung version ko ng 3D software...

nakapag-copy at check din naman ng iba pang files..
pero inasikaso ko na muna ang pagbabalot sa dati kong computer gamit ang papel, dahil malapit na ang panahon ng general cleaning...

is feeling , sana.. kailangan ko na talagang matigil sa pagiging bulok na nilalang...

---o0o---


May 30, 2025...

[Gadget-Related]

Friday, kaya konting files lang ang nakopya at na-check..
ang importante, nakatapos na ako sa lahat ng text files ko..
wala namang corrupted...

is feeling , lalo nang magiging mahirap kapag nakaabot na ako sa folder ng 3D...

---o0o---


May 31, 2025...

bulok ako pagdating sa lahat ng bagay... 🙁

yung lagpas 4 years na utang sa akin, hindi pa rin binabayaran, kahit ilang bansa na yung napuntahan nung p*ta..
after almost 4 years, hindi ko pa rin mabawi yung pondo na naipalugi ko sa scam game..
nag-wire transfer ako ng konting halaga, pero napaka-gahaman na USD 20 ang kaltas sa akin..
yung ginagamit ko para sa AI rendering, nawala na kaagad at napalitan ng pangit, na hindi naman magagamit sa hanapbuhay..
bumili ako ng computer, nasa Core i5 na dapat ako, pero Core i3 lang ang ibinigay sa akin..
nasa RTX na sana ako, pero naipit ako sa GTX..
yung WCT, sinipa ako palabas sa poder nila, at saka sila nagpakasasa sa level ng USD 1.00 matapos iyon..
yung HAEDAL naman, sa halip na mag-pump dahil sa mababang circulating supply, eh sa Impiyerno na ako hinihila ngayon, na naman... 🙁

wala akong kayang gawin na tama sa buhay ko... 🙁

is 💀 feeling , ang maligo lang sa depression ang kakayahan ko sa buhay...

-----o0o-----


May 24, 2025...

[Trade]

day 529...

ang sama ng hila ng Bitcoin sa HAEDAL..
kaya naman bumalik na muna ulit ako sa savings nila, just in case medyo magtagal yung ganitong sitwasyon...

is feeling , hayaan nyo na akong magising na nasa USD 1.00 na sila...

---o0o---


May 25, 2025...

[Trade]

day 530...

nag-pump ang ARDR..
level 95 to 130, so nasa 36% iyon..
nag-pump din ang WCT..
level 57 to 67, o USD 97 sana para sa akin..
ayaw na nilang bumaba sa level 50... 🙁

hindi naman pwedeng mag-retrace ang HAEDAL dahil sa mga kalokohan ng Bitcoin..
kapag bumalik sila sa level 13 eh delikado para sa akin...

hapon nang lalo pang bumaba ang level ng HAEDAL dahil sa panghihila ng Bitcoin..
below level 15 na sila..
bad news, dahil ganun na sila kalapit sa level 13... 🙁

is feeling , traders, level 15 to 30 ay 100% na kita...

---o0o---


May 26, 2025...

[Trade]

day 531...

level 63 to 69..
USD 52 naman yung napakawalan ko sa WCT kahapon... 🙁

umangat ang Bitcoin ngayong araw..
pero kulang naman sa habol ang HAEDAL..
ni hindi makabalik sa level 16..
USD 38 sana para sa akin yung na-recover nila, bago sila muling bumaba kahit wala namang humihila sa kanila...

is feeling , isinumpa na rin yata ang HAEDAL nang dahil sa akin...??

---o0o---


May 27, 2025...

[Trade]

day 532...

parehas na WCT at HEI ay nakakaangat..
samantalang nagpabagsak nga kagabi ang HAEDAL, kaya naman below level 14 na sila ngayon..
1 level na lang para tuluyang mag-retrace sa level 13... 🙁

patuloy sa pag-akyat ang WCT..
from level 62 umaabot na sila ngayon sa level 76..
at hindi pa sila doon natatapos...

umaabot naman na ulit sa USD 100 ang nalalagas sa pondo ko..
pero simula kaninang umaga ay sinusubukan nang umakyat ng HAEDAL..
nasa below pa rin sa entry point ko hanggang sa mga oras na ito..
pero titingnan ko kung anong mararating nilang level bukas ng umaga...

is feeling , kahit level 30 lang.. e-exit-an ko iyon...

---o0o---


May 28, 2025...

[Trade]

day 533...

ayun..
wala na..
naganap na..
dumikit na ang WCT sa USD 1.00, gaya ng prediction ko..
ginawa lang nila iyon sa loob ng isa't kalahating buwan..
pero hindi nga ako kasama, dahil hindi naman sila nag-retrace sa level 50.. 🙁
nasa tama na akong asset, pero pinagtabuyan lang ako ng trauma...

level 62 to 97..
USD 315 sana iyon para sa akin..
umaabot na sa USD 3,487 ang napakawalan kong kita sa WCT... 🙁

samantala..
nakabalik nga ang HAEDAL sa entry point ko..
pero sakto lang para wala akong kitain..
ako na naman ang nag-define ng peak para sa asset..
USD 119 sana para sa akin yung ginawa nilang pag-akyat from level 14 to 17.. 🙁
after that ay bumaba na ulit sila..
USD 35 naman yung naidagdag nila hanggang kaninang tanghali...

is feeling , kailangan ko lang talagang magising sa isang umaga na nasa USD 1.00 na ang HAEDAL.. o kahit USD 0.30 man lamang...

---o0o---


May 29, 2025...

[Trade]

malas talaga ako..
WCT, iyon ang ikalawang asset na napasukan ko sa mababang presyo, na may kakayahan na umabot sa USD 1.00..
GMT yung nauna dati..
parehas ko ngang napasok sa murang halaga, around USD 0.30 plus..
pero parehas na bumaba habang nasa poder nila ako..
at parehas na sumabog paitaas matapos nila akong matagumpay na maipagtabuyan... 🙁

sa ngayon ay bumaba na ulit ng 2 level ang HAEDAL kumpara sa entry point ko..
dahil sa hila na naman ng Bitcoin..
kundangan naman talaga..
palagi na lang silang umaangat, pero yung entry point ko lang naman ang ginagawa nilang peak... 🙁

is feeling , HAEDAL, kayo na lang ang pag-asa ko.. bigla na lang kayong sumabog hanggang sa USD 1.00...


>
[Trade]

day 534...

heto pa yung mga nadagdag na kita ng WCT..
USD 36 from level 90 to 96..
USD 94 from level 88 to 103..
at matagumpay na nga nilang nalagpasan ang USD 1.00 na level... 🙁

USD 527 yung ipinasok ko sa level 17 ng HAEDAL..
kung aabot ang palitan sa level 30, makakaakyat ako sa USD 929..
kung aabot ang palitan sa level 50, makakaakyat ako sa USD 1,548..
kung aabot ang palitan sa level 100, makakaakyat ako sa USD 3,096..
level 50 man o 100, parehas na akong makakawala sa sumpa ko sa loob ng Binance...

is feeling , biglain nyo na lang ako sa level 100, para hindi na ako makagawa pa ng mga maling desisyon...

---o0o---


May 30, 2025...

[Trade]

heto bulok pa rin..
gaya pa rin ng dati..
na-distract lang ako sa pag-aayos ng bago kong computer mula sa kickstart..
pero ang totoo ay wala naman ngang nagbago sa taglay kong bulok na kapalaran... 🙁

Reverse Midas..
Curse Release..
hangga't nasa akin yung 2 kakayahan na iyon, eh wala talagang mangyayari sa buhay ko..
paulit-ulit lang..
papasok ako sa mababang entry point..
ibabagsak ang palitan sa ilalim nun..
doon paulit-ulit na magpa-pump, pero yung hindi lalagpas sa entry point ko..
at kapag nagpalugi na ako, eh saka lang makakalaya yung asset mula sa dala-dala kong sumpa..
yayaman ang mga maiiwan na traders..
at mamumuhay sila ng masaya habambuhay... 🙁

is feeling , wala talaga akong kuwentang nilalang...


>
[Trade]

day 535..
19 days bago ang sunod na FOMC...

pababa na naman ang pahamak na Bitcoin..
pero WCT ang napili nilang mag-decouple..
patuloy lang sila sa pag-akyat at pagyaman..
samantalang malapit na ulit sa level 14 ang HAEDAL.. 🙁
bukod pa sa nadagdagan sila ng malaking circulating supply, na nasa almost 9 Million...

USD 165 yung unang kinita ng WCT paglagpas nila sa USD 1.00..
USD 80 naman yung sumunod..
USD 128 yung ikatlo..
USD 113 yung ikaapat...

samantalang bumagsak pa nga ang HAEDAL below level 14..
nasa panganib na naman na mag-complete retrace sa level 13... 🙁

dahil dun eh umaabot na sa USD 19,000 ang mga napapakawalan kong posibleng kita simula noong Imperial New Year ng 2024... 🙁

is feeling , hindi talaga kayo titigil sa pagpaparamdam sa akin na bulok at mali ako, ano...??


No comments:

Post a Comment