Loveless Story
May 4, 2025...
[Gadget-Related]
took me 7 days para maglipat ng mga contact mula sa adventure phone ko..
papunta sa Notepad..
mahirap na..
lahat ng gadget subject sa pagkawasak..
at least kung may Notepad copy ako, eh paulit-ulit kong mababalikan..
kailangan ko din lang ng matinong backup para dun...
is
feeling , umagaw sa oras ng AI rendering ko...

---o0o---
May 5, 2025...
less than 7 days left..
ngayong araw na lang nakakumpleto ng listahan ng mga iboboto..
ang hirap maghagilap ng numbers dahil walang TV commercial yung karamihan sa kanila...
12 Senators
1 Party-list
1 Representative
1 Governor
1 Vice Governor
2 Board Members
1 Mayor
1 Vice Mayor
12 Councilors
is
feeling , sana naman ay manaig ang may kabutihan laban sa purong kasamaan at sa mga kriminal...

---o0o---
May 6, 2025...
first time na mag-general cleaning matapos na i-repair ang bahay noong March..
at matapos kong pinturahan ang kuwarto ko...
is
feeling , balik na sa dating routine...

>
bad news..
so palpak yung Php 50,000 na repair ng bubong namin... 🙁
put*ng inang buhay ito..
maysa-demonyo yata talaga 'tong bahay na ito..
baka dahil sa perpektong kamalasan na taglay ko..?
lumalabas na lagpas Php 2,000 per day ang arawan nung mga naggawa ng bahay namin..
kulang sa oras, dahil late in pero early out..
libu-libo din yung labis na gastos para sa mga gamit dahil mali-mali pala ang tantsa..
tapos marami sa mga labis na metal furring eh ginawa lang nilang pang-angat at pang-hold ng mga kisame, dahil nga eh kulang sila sa mga tauhan... 🙁
is
feeling , so balik na naman sa pakikipagpatintero sa pagkawasak ng bahay na ito...

-----o0o-----
May 3, 2025...
[Trade]
day 508...
kinapos sa pag-akyat ang WCT kagabi..
pagsapit naman ng umaga eh bumaba na ulit sila ng level... 🙁
USD 44 sana para sa akin kung naka-exit ako noong isang araw, at saka pumasok sa level 37 nila... 🙁
is
feeling , pabayaan nyo na akong maka-recover, put*ng ina ninyong mga makapangyarihan kayo...

---o0o---
May 4, 2025...
[Trade]
day 509...
nakapag-exit ako kagabi nang may USD 5 ulit na nare-recover..
pumasok ako sa mas mababang level..
pero heto at nagising na naman ako sa isang pangit na umaga..
bumaba nga naman ang entry point ko, kaya kailangan din nilang ibaba kumpara doon ang palitan... 🙁
umaga nang gumawa ng pump then dump ang WCT..
kasabay nang pagtaas ng trading volume nila..
may hila na rin ng Bitcoin this time..
kumita sana ako ng USD 5 bago pumasok sa mas mababang level..
pero sobrang bilis ng ginawa nilang pag-dump para magawa ko pang maka-exit..
nakakarumi dahil halos bumalik sila sa dati kong entry point na level 35... 🙁
yung akala mo na magpa-pump na sila dahil ang bilis nag-accumulate ng trading volume..
pero dip pala ang totoong gagawin nila.. 🙁
almost USD 20 Million ng mabilisang paggalaw...
gabi nang makabalik sila sa may entry point ko..
kaso hindi sobrang lagpas para magkaroon ako ng magandang kita..
pero gaya ng dati, nakikiramdam na naman ako kung anong sunod na mangyayari...
is
feeling , pakiusap.. mag-pump na lang kayo hanggang level 100 habang natutulog ako pamaya...

---o0o---
May 5, 2025...
[Trade]
day 510...
madaling araw kanina nang dumaan na yung 3rd possible exit ko sana sa WCT.. 🙁
USD 47 sana para sa akin kung nasakyan ko yung bottom nila hanggang sa level ng entry point ko..
bad news din siguro dahil mula lagpas USD 4 Million ay bumaba na ulit sa may USD 2 Million lamang ang buying positions sa ilalim ng trading price...
umaga nang nag-dip naman ang Bitcoin..
before lunch ay nakaakyat ulit ang WCT pabalik sa may entry point ko, kahit wala namang pumapasok na trading volume..
USD 29 sana para sa akin kung nasakyan ko yun mula sa naging dip nila..
iyon yung 4th chance..
tapos ay sa 5th chance pa ako naka-exit, kung saan kinapos na naman ako sa bentahan, at USD 5 lang na naman ang na-recover ko..
USD 12 naman yung isa pa nilang short pump matapos ang naging exit ko...
is
feeling , pabili muna ako ngayong gabi.. tapos hayaan nyo na akong magising sa level 100 na palitan...

---o0o---
May 6, 2025...
[Trade]
day 511...
mali na naman ako..
dahil nag-exit ako sa WCT, eh nakakaangat na tuloy sila ngayon..
patuloy lang sila sa pag-akyat kahit na bumaba pa ang kanilang trading volume..
at kahit pa bumababa din naman ang Bitcoin...
so na-scam nga ulit ako ng FATE..
itinaas ko ulit sa level 38 ang buying price ko, dahil nga ayaw nang bumaba ng WCT sa level 39..
USD 24 sana para sa akin kung nasakyan ko yung level 38 hanggang almost level 40 nila..
hanggang sa bumaba na pala sila, at nakapasok na ako sa level 38..
may pagkakataon sana ako na maka-exit noon nang may USD 4 na patubo, bago magbaba ng buying price sa level 37..
pero hindi nangyari..
at bumulusok na nga ang WCT paibaba hanggang below level 36, malapit na ulit sa dati kong level na 35... 🙁
is
feeling , kunwari tumataas, pero gusto lang ako parating i-trap sa mataas na buying price...

---o0o---
May 7, 2025...
[Trade]
day 512...
level 36 to 38 yung unang na-recover ng WCT..
USD 30 sana iyon para sa akin kung naka-exit nga ako sa kanila kahapon..
level 37 to 39 naman yung inabutan kong akyat nila ngayong umaga, na kasabay ng pag-akyat ng Bitcoin..
USD 9 lang yung naidagdag ko sa pondo ko, samantalang USD 20 yung hindi ko napakinabangan sa pump na iyon... 🙁
kaso mali na naman pala ako ng exit point..
kinapos din ng USD 13 yung benta ko..
nakagawa pa sila ng USD 28 na sablay para sa akin, bago ako muling nakapasok sa kanila..
at napilitan na nga ulit akong bumili nang mahal dahil sa current level nila...
is
feeling , level 40 to 100.. 150% increase ang kailangan ko.. gawin nyo na lang, WCT...

---o0o---
May 9, 2025...
[Trade]
day 513...
may possible exit sana kaagad kagabi, bago bumalik sa level 40..
karagdagang USD 5 sana iyon para sa akin..
pero talagang naligo na naman ako ng mga kamalasan, at bumaba na ang level ng WCT simula noong nakapasok ako sa kanila... 🙁
madaling araw noong nakabalik sila sa entry point ko..
level 39 to 40, so USD 13 sana iyon para sa akin..
umaga nang naulit nila iyon, so panibagong USD 13 sana..
although, nagawa ko namang makabenta sa sumunod doon na pump, kaya nasa USD 11 yung naisalba kong kita mula sa pag-angat na iyon...
before lunch nakabenta ako nang may USD 5 na patubo..
pero nagkamali na naman pala ako ng basa..
kinapos tuloy yung benta ko ng USD 20... 🙁
is
feeling , mataas na naman ang Bitcoin, ang hirap na namang basahin ng sitwasyon...

---o0o---
May 10, 2025...
[Trade]
day 514...
palpak na naman..
kinapos sa pagbaba ang WCT kagabi patungong level 39..
at paggising ko ngayong umaga eh nasa mataas na level na sila dahil sa hila ng Bitcoin..
USD 63 ang napakawalan ko dahil lang sa hindi ako nakapasok sa kanila... 🙁
is
feeling , wala akong mapakinabangan...

No comments:
Post a Comment